HinovelDownload the book in the application

Chapter 3 Naghalikan

                        

                         

Hindi ko na pinaalam kay lola Tessa yung nangyari sa akin sa mansyon ng mga Montenegro. Nagsinungaling rin ako at sinabi ko na nanghiram ako ng dress ng kapwa haciendera dahil naiiksian ako sa aking bestida.

  Nandito ako ngayon sa tabing dagat at namumulot ng mga shells. Pwera sa shells may napulot rin akong iba't ibang kulay na bato. Pinulot ko narin iyon pandagdag dekorasyon sa gagawin ko na kwintas at bracelet yari sa shells.

  Bawat napupulot ko nilalagay ko sa plastik bag. Mainit na ang araw at humahapdi na ng kaunti ang aking balat. Pero dahil sanay na parang wala nalang iyon sa akin.

  Sa hindi kalayuan tanaw na tanaw ko ang mansyon. Pinagpagan ko ang kamay na may buhangin at itinali na ang hibla ng plastik na may lamang shells at bato. Unti unti akong lumapit sa hagdang bato ng mansyon nang mga Montenegro.

  Ang mansyon nila ay nasa tuktok ng burol. Napapaligiran ang ilalim ng malalaking bato kung saan ang ilalim ay dalampasigan at napakalawak na dagat. Sa  bawat gilid nito may nakahilerang sun loungers na siguro pinalagay nila.

  Dahan dahan akong pumunta sa itaas. Hagikhikan agad ang aking narinig. Tumalas ang aking pandinig ng marinig ang malanding tinig ng babae. Sa isang halaman na puno ng bulaklak. Nagtago ako doon at hinanap ang ingay.

  Then I saw the youngest Montenegro. Si Ezekiel habang yakap sa  babaeng maiksi ang buhok at morena. May hawak na tuta ang babae at bawat dila ng tuta sa kanyang mukha ay humahagikhik ito.

Nangunot ang noo ko at pinagmasdan silang mabuti. Sobrang lapit nila sa isa't isa. Kasing lapit noon'ng nakita ko siyang may kaanuhan. Hay! Ba't koba naalala iyon?! Kinalimutan ko na yun e!'

  Bakit ganon iyong mga lalaking taga Manila? Noong kailan may kaanuhan siya tapos ngayon..Iba na namang babae? Sa palikula na napapanood ko ganon rin e. Mga lalaki raw sa syudad e mararahas.

  "Alam mo ba yang ginagawa mo?" A voice from my back make me jump. Naapayos ako ng tayo at pinulot ang nahulog ko na plastick. Hay!

  Napakamot ako sa aking ulo at ngumiti. Ang aking ngiti ay hindi umabot sa aking mata dahil itong lalaking ito nakita ako nitong nakahubad. Hays! bakit ba ng dumating sila,isa isa nang nawala ang aking kainosentihan! Bakit kasi napadalas sila dito ngayon?

  Nakita ko'ng tinignan niya ang aking likod kung sino ang aking sinisilip at binalik ang tingin sa akin.

"Uh..napadaan lang ako." iniangat ko ang plastik. "Nagkuha ako ng mga shells sa dagat ,gagawin kong bracelet."

  Tumango siya pero nasa akin ang tingin.

"Marunong ka?"

  Napatingin ako sa namimintog niyang muscles ng humalukipkip siya. Nanghina ako bigla dahil parang di ko ka level ang taong kausap ko ngayon. Nanliliit ako sa sarili ko.

  "Oo, marunong din ako gumawa ng pamaypay at banig." sagot ko na may pagmamalaki.

Nilahad niya ang kamay. "May I see?"

Napaawang ang labi ko at agarang pinakita sa kanya iyon. Binuksan niya ito at isa isang tinignan ang bato at shells.

  "Pwedeng magpagawa?" Kalaunan ay tanong niya. Mas lumapad ang ngiti ko.

  "Sige po kuya!"Ngumuso siya at mataimtim akong tinignan.

"Itong lahat na to gawin mo para sakin."

  Napawi ang ngiti ko ng maalala na kaya ako kumuha ng shells para mabenta at may ipangbili ng school supplies.

"Kukuha nalang ako ulit.. Kasi, ibebenta ko yan. Malapit na kasi ang pasukan." Ngumiti pa ako sa kanya para hindi siya maoffened. "Pero, promise gagawa ako."

Umiling siya.

"Bibilhin ko lahat..Basta gumawa ka."

" Talaga?!" I exclaimed happily then he nodded.

Kahit hindi siya ngumiti ang gwapo gwapo niya parin! "Yes." sagot nito sa akin.

''Sige po, " tatalikod na sana ako ng may maalala. "Ilang taon na po kayo kuya?" tanong ko rito. Ganon parin ang posisyon niya at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

"twenty four." maiksing sagot nito. Napakagat ako ng labi at tumango.

"Sige! gagawin ko nato!" Paalam ko rito at tumakbo na ako palayo.

Masaya akong umuwi sa bahay at ginawa ang bracelet. Masaya ako dahil alam ko yung gagawin ko ay sure na may peperahin ako agad. Hindi kona kelangan ibenta sa mga dayo sa palengke.

"Ang ganda ng ngiti natin a'!" tukso sa akin ni lola Tessa na may bitbit na kaldero ng bilo bilo.

"Ay lola kayo pala! Syempre naman po!si lolo?"

"Ayun sa Hacienda. Nag lilista nang magpapasagud ngayon dahil babalik na sa susunod na linggo ang senyor at senyorita sa Maynila."

" Ah ganon po ba..Para kanino po yang bilo bilo?Pahingi naman po."

"Naku,eto sayo." nilagyan niya ako sa bowl. Nilantakan ko agad yun.

"Ang sarap niyo magluto ,lola."

"Mas masarap sana kung ikaw nagluto.." Marunong kasi akong magluto ng bilo bilo. Kaya naging isa iyon sa paborito ng mga haciendero at ng mga Montenegro.

"Sige lola,sa susunod ako na magluluto. Dadalhan niyo po ba ang Senyor at senyora niyan?"

"Yun na nga ang problem ko Kim Aurora.Kasi hindi kasya sa oras ko e gustong gusto pa naman to ng anak nila na si Ezekiel. Nagpapahatid nga doon."

"Saan ba kayo pupunta?"

"Sa palengke ,bibili ako ng gamot nang lolo mo dahil inuubo."

"Sige lola,tatapusin ko ito. Ako na ang magdadala niyan doon."

  "Ang bait mo talaga oh sige siya! Ikaw na ng bahala diyan ilagay mo nalang sa barong mamaya para hindi ka mahirapan ha?"

"Opo lola!"

  "Tsaka mag saing ka bago ka umalis!"

"Opo lola!"

  "Tsaka yung bra at panty mo nandito pa sa sampayan sa labas! Mamaya nakawin pa ito ni Bentong! e' alam mo naman yun!"

" Hala! nakalimutan ko." Naalala ko pala yung bagong labas sa presinto na rapist sa amin lugar. Panay raw kasi ang tingin sa akin kaya nababahala si lola.

"Ikaw talaga! nadatnan kana! dalaga kana! dapat alam mo na ang dapat gawin!"

Bilang lola na nagpalaki sa akin hindi sila nagkulang sa pagsasabi at pag papaalala. Kaya ng swerte swerte ko.

"Opo lola! pasensya na!"Sigaw ko rito upang marinig niya dahil andon na siya sa labas.

Bago ako umalis nang bahay nag ayos muna ako ng sarili. Ewan, ngayon lang ako nag ayos noon diretso alis naman ako. Iba na talaga pag nagdadalaga na.

Nilagay ko sa barong ni lola ang mga tupperware ng bilo bilo. Nakapuyod ang aking buhok. Naka pantalon ako at naka sleeveles na kulay puti na minsanan kolang suotin.

Sa bulwagan kuliglig lamang ang aking narinig at ang tahimik ng buong paligid.

"Tao po!" sigaw ko at kinatok ng nakabukas na pinto. Umihip ang hangin galing dagat. Hinipan nito ang dream catcher na mamahalin sa itaas ng pinto kaya tumunohmg iyon.

"Tao po! Senyora?!" Nakalipas ang ilang sandali may lumapit na katulong nila.

"O' Ikaw pala Kim! yan na ba ang bilo bilo?" Pamilyar sa akin ang katulong. Tingin ko isa sa mga haciendero ang kanyang asawa.

Tinignan ko ang bayong na dala. Sa loob nun ay ang nakabox na dalawang bracelet yari sa shells at bato na gawa ko. Ibibigay ko narin ito kay Kuya Manuel mamaya.

  "Opo,  ito yun! ako na nagdala dahil nasa palengke si Lola e'".

  Magsasalita na sana siya ng."Ay naku! yung niluto ko!pwede ba na ikaw na lang ang magbigay? Nasa pool side si Senyor Ezekiel. Ibigay mo nalang sa akin ang para kina Senyora dahil nasa palangke rin ang mga iyon."

"Sige po." Binigay ko dito ng tatlong tupper ware. " Isa po kay kuya Manuel." Agap ko dito bago ko tinungo ang poolside.

Namamangha ko paring minasdan yung mga antigong paintings nila na nakasabit sa dingding. Kahit ilang beses mo iyong tignan hindi nakakasawa. Lalo na iyong nasa pinakagitna. Yung emblem ng kanilang Angkan. Sabi nila lola..matagal na iyon mula pa sa pinaka ninuno nila at naghahalaga raw iyon ng milyon. Grabe.

Balang araw yayaman rin ako. Magtatapos ako ng pag aaral at mag tatrabaho. Mag iipon ako para dumami at yumaman rin ako.

Lumiko ako nang nasa pasilyo na ako ng biglang may dumapo sa aking balikat. Napatigil ako napatingin doon.

"Ahh!"

Napatili ako at napatalon talon nang makitang ahas iyon.

"Lola!" nanginginig ako sa sobrang takot. Nabitawan ko pa yung bayong. May biglang kumuha nun at nakarinig ako ng tawa.

Nawala ang bigat ng ahas sa aking balikat. " Oh I'm sorry.Pawasay talaga itong alaga ko." Hinimas himas pa nito ang ahas na lumubid sa kanyang kamay. Hindi man lang siya natakot.

Tinignan ko ang bilo bilo na nagkalat na sa sahig. Maluha luha ko siyang tinignan at dinuro. "Sinadya mo yon?!"

My blood boiled when he laughed. "Sorry.. hindi ko talaga sadya na magugulat ka".

"Ayan tignan mo!" tinuro ko ng bilo bilo s sahig. Pinulot ang box ng bracelet doon.

"Sinira mo!" Himutok ko rito.

May kinuha siyang kwadra at nilagay doon ang ahas at pinatong sa upuan.

"Sabi ko pasensya na. Akala ko hindi ka matatakot."

Pero hindi iyon naibsan ang galit ko." Hindi lahat ng akala mo ay totoo! Tignan mo ngayon! nasayang yung bilo bilo."

"That's just a food for fuck sake.." he hissed mockingly. The smile in his lios never fade. Tila gustong gusto yung reaksyon na nagmumula sa akin.

Parang sinabuyan ng likido ang aking sistema at bigla uminit ito na kumalat. Umigkas ang aking kamay at sinampal siya. Tumabingi ang kanyang mukha . Imbes na magalit..nakitaan kopa ng multo nang ngisi ang kanyang labi.

"Damn.." Mura niya..

"Wala kang modo!" I cried. But I chocked my words ng lumapit siya sa akin. Padarag niya akong tinulak sa pader at kinulong.

"Anong sabi mo?" Ang mukha niya ngayon ay seryoso na at wala ng halong pilyo. His jaw clenched. Tila nagalit ko pa siya. Pero pinanindigan ko ang galit na nararamdaman.

"Sabi ko wala kang modo!" ulit ko.

"Again..please.."

"Wala kang-" Napatigil ako ng kabigin niya ang aking batok at inangkin ang aking labi. Napamulagat ako at halos lumuwa ang mata ng maramdaman ang kanyang labi na gumagalaw sa aking labi.

"Huwag'-" naputol ang aking sinabi ng pumasok ang dila niya sa aking bibig. "Uhmmp.."

Bawat piglas ko ay hinaharangan niya. i tried to kick his balls pero nakulong ng tuhod niya ang binti ko. Tuluyan na akong napaiyak ng hindi siya tumigil sa paghalik sa akin.

"T-Tama na.." Umiyak ako ng sa wakas ay pinakawalan niya ang aking labi.

Kapos kami pareho sa hininga. Sobrang lapit ng labi niya sa aking labi.

"Sorry..But I'd climb a fucking mountains just to kiss your sweet lips again." anas niya. Pero tinulak ko na siya agad. Di ko na pinansin ang pagkain na nasa sahig. Iniwn ko nalang iyon at walang lingonh tumakbo.

Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Pinilit kong maging masaya sa harap nila lola at lolo kahit ang totoo ay lalagnatin na ako. Hindi na birhen yung labi ko. Ganon pala iyon? Hala..hindi ko talaga matanggap e..

Kinaumagahan..tulad ng dating nakagawian. Sa dalampasigan ang aking unang punta. Dahil hindi ko nakita kahapon si Kuya Manuel kaya hindi ko naibigay. Hindi rin pwedeng ibenta ko ito.

Isang linggo nalang pasukan na kailangan ko kumita sa pag bebenta nitong shells kaya kukuha ako ng marami ngayon. Hindi na tulad ng dati mas malayo sa mansyon ang aking kinaroroonan ngayon.

Nandito ako sa parte kung saan may magagandang maliliit na kweba at malalaking korales na bato.

Nang wala na akong mahanap naglakad ako sa direksyon kung saan papunta sa mansyon. Doon na naman ako huminto at naghanap. Nang makitang maraming batong kulay green sa bandang malaking korales doon ako pumwesto at nagpulot.

"Ano ba.." napatigil ako ng marinih ang boses ng babae..

Dahan dahan akong lumakad at hinanap ang boses na iyon.

"Huwag diyan.."

"Uh huh.." nanindig ang balahibo ko ng marinig ang pamilyar na boses.

Sobrang kumalabog ang puso ko sa natanto. Nakaramdam ako ng galit.

"Nakakakiliti diyan.."

"Show me.." sabi pa ng lalaking boses.

Kumalat sa sistema ko ang pait at galit hindi ko alam kung bakit. Wala akong pake sa tunog na nalilikha ng aking paa sa pagmamadali ng aking kilos. Naiinis ako maisip na katulad siya ng mga lalaking taga Manila.

Sa likod ng malaking batong korales nakaupo ang babaeng naka kulay black na two piece. Kinukulong ni Manuel ng yakap at pinasadahan ng halik ang labi. Narinig ko ang pagsinghap ng babae.

Ganito ba sila? Mahilig ba ang mga lalaki sa ganitong intimasyon? Gusto nila ang katawan ng babae?

"Manuel..please."The girl said.

Halos gumuhit ang kuko ko sa batong mas mataas pa sa akin. Nangingilid ang aking luha at nilulukumos ng sobra ang aking puso.

Lumamlam ang aking mata nang makitang  dumapo ang tingin sa akin ni Manuel. Nakatalikod ang babae habang siya ay nasa harap nito ,nakaharap siya sa direksyon ko.

Hindi siya nagulat o ano.Malamig lamang siyang nakatingin sa akin. Unti unti niyang tinawid ang distansya nila ng babae. Nakita ko kung paano niya kinabig ang batok ng babae. Nakita ko kung paano naglapat ang labi nila at naghalikan sila sa aking harapan.

Bumagsak ang aking luha sa hindi malamang dahilan.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free