HinovelDownload the book in the application

Chapter 0 Ipapararanas

                      

       Parang gusto ko nalang na ako ang nasa sitwasyon ni Senyora. Doble 'yong sakit. Doble 'yong hapdi sa puso ko. Gusto ko nalang hilingin na sana ay isang panaginip ito.

   "Ang sama sama mo! Ang sama niyo!" Nagpumiglas ako sa pagkakasakal sa akin ni Chloe. Naramdaman kong sumayad ang matalim na kutsilyo sa aking leeg. Sobrang hapdi.

Nasalampak ako sahig nang itulak niya ako kasabay ang pag sakit ng aking puson.

  "A-Ang baby k-ko..Ang b-baby k-ko!" Wala akong nagawa kundi kapain ang aking puson. Nanlalabo ang aking mata sa sobrang sakit nang ulo at katawan.

Isang halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Ungol nang mga walang hiyang lalaki at mga sigaw ni Senyora.

"Bagay sayo yan! Ngayon, alam mo na ha?!"

  Naputol ang mga sasabihin pa nito nang kumalabog ang pinto. Sinubukan kong gumapang pero wala na akong puwersa. Bawat galaw ramdam ko ang pag agos ng likido sa aking gitnang hita. Bawat galaw ang siyang pagsakit ng aking mga sugat.

  Kumalabog ang puso ko nang marinig ang galit na galit na boses ni Ezekiel. Kahit malabo ang paningin at nahihilo nakita ko kung paano niya hinampas ng malaking vase ang isang lalaki. Kalabog at ungol ng sakit ang narinig ko at ang mala demonyong sigaw ni Ezekiel.

Ramdam ko ang sakit at hinagpis sa boses nito at lalo lang akong naiyak.

Nagsisigaw si Chloe at tingin ko ay nahuli ito. Rinig ko rin ang maraming boses nang mga lalaki na tingin ko ay mga haciendero.

   "Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko!" Narinig ko ang boses ni Chloe. Naramdaman kong may tumulong sa akin.

  "Si Aurora! Jusko! Dinudugo si Aurora!"

  Sa isang maliwanag na lugar. Puno ng bulaklak at paru-paro nakita ko ang aking sarili.

Kasama ko ang aking lolo at lola.

"Lola...a-ang sama sama nila lola.."

Umiiyak ako sa kandungan ni lola habang hinahagod ni lolo ang aking likod. Iniyak ko lahat ng hinagpis. Kung puwede ako nalang. Nang dahil sa akin may nadamay pang iba.

   "Hija manatili kang matatag. Nandito kami ng iyong lolo nagbabantay saiyo. Hindi ka namin pababayaan."

   Niyakap ko siya ng mahigpit. Parang ayoko pang umalis.

  "Lalo na may sanggol sa iyong sinapupunan. Magpakatibay ka.."

  Isang napakaliwanag ang sumilaw sa aking paningin. Napatingin kaming tatlo doon ni lola at lolo.

"Patricia.." Aniya ni lola.

Lumaki ang mata ko ng makita si senyora Patricia na naka puting bestida. Malayo sa huli kong nakita.

  "Aurora..."

"Senyora?"

  Tumango ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang lamig ng katawan nito.

"Aurora iaasa ko sayo ang aking mga anak. Hindi ko na kaya.."

  "P-po?"

Hinaplos nito ang akong pisngi at ngumiti.

"Huwag mo silang pababayaan.."

  "Senyora? H-hindi ko maintindihan.."

  Parang isang usok nawala lahat iyon. Parang isang panaginip.

   Nang dumilat una kong nakita ang puting kisame. Bumaba ang tingin ko sa lalaking nasa gilid ko.

  "Jose.."

  Napadilat ito bigla sa pagkakatulog at nabigla.

"Hala gurrrll! Gising na you? Wait! Anong gusto mo? Water , tea or me? De' joke lang. Maayos lang ba pakiramdam mo?"

  Sinubukan kong umupo pero sumakit ang puson ko.

  Nabahala ako. "J-Jose, a-ang baby ko?"

"Maayos ang baby mo.."

"Si Manuel? si Senyora?"

Napawi ang ngiti nito sa labi bigla.Hindi niya ako sinagot.

"Jose! Anong nangyari?"

"Mabuti pang hintayin mo nalang si Manuel Aurora. Dahil wala ako sa posisyong sabihin e."

  Kinakabahan ako. Tandang tanda ko ang aking panaginip. Kung totoo iyon, hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili.

  Dahil siguro sa pagod at sakit ng katawan nakatulog ako ulit pagkatapos akong pakainin ni Josefina.

  Pagkagising ko naramdaman ko ang isang mabigat na bagay sa aking tiyan. Unti unti kong minulat ang mata at nakitang si Manuel natutulog sa aking tiyan habang hawak hawak nito ang aking isang kamay.

Napangiti ako at hinaplos ang kanyang mukha. Tila naramdaman nito ang aking haplos at unti unti itong nagising.

"Manuel.."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng makita ang mukha niya ng buo. Doon ko na nakita ang pasa nito sa labi at may sugat sa kamao.

"Manuel! Anong nangyari?" Nataranta ako pero hinalikan ako nito sa labi kaya naputol ang aking sasabihin.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mukha. "I'm sorry baby..I'm sorry.." Bulong nito sa pagitan ng labi namin. Naramdaman kong nanginginig ang kamay nito.

"Manuel okay kami ni baby.."

Niyakap niya ako at binaon ang mukha sa aking leeg. "Hindi ko alam ang gagawin kung nawala kayo sa akin. Kasalanan..ko...kasalanan ko.."

Niyakap ko siya pabalik. Napupunit ang puso kong marinig ang bawat sinasabi niya. Punong puno iyon ng pagsisisi.

"Manuel hindi mo kasalanan. Hindi natin alam yong mga mangyayari."

"Wala akong nagawa Aurora. Wala..."

Pumikit ako ng mariin at niyakap ang isang lugmok na Manuel Montenegro. Hindi ko man nakitang may luha pero ramdam ko kung gaano siya kababa ngayon. Malayong malayo sa isang Manuel na seryoso at matibay noon.

Hindi ko nakita si Ezekiel o si Senyor Juanito. Nang makalabas sa hospital hindi na umalis sa aking tabi si  Manuel.

  Mag tatatlong buwan na ang aking pagbubuntis at naagapan ang aking pagdurugo. Hindi sinabi sa akin ni Manuel ang pagkakakaso nila kay Chloe. Naging pribado iyon mula sa akin dahil ayaw niyang mabahala pa ako. Gusto kong umapila sana pero ayokong dagdagan ang mga problema nila.

Sumasakit ang puso ko nang masilayan ang mansyon ng mga Montenegro. Parang ayokong pumasok. Naalala ko lahat ng mga nangyari.

"Manuel.."

"Nandito ako..hindi kita pababayaan."

Pinatakan niya ng halik ang aking noo. Parang lumulutang ako ng pababa kami ng kanyang sasakyan. Inaalalayan niya ako . Nangunot ang aking noo ng makitang maraming tao sa labas. May mga bagong katulong rin ang may kanya kanyang tinatrabaho.

Ramdam kong humigpit ang hawak ni Manuel sa aking kamay at naging malamig ang kanyang ekspresyon.

"Manuel bakit maraming tao? Nasaan si Senyora? si Senyor Juanito? Gusto ko silang makausap."

Nagkatinginan kami at sa unang pagkakataon nakita kong may sumayad na sakit sa kanyang mga mata.

Hindi na ito nagsalita at sabay kaming pumasok. Ang pagpasok ko na ikinagimbal ng aking pagkatao.

  Si Senyor Juanito at si Ezekiel ay nasa harap ng isang puting jar na makintab. Napapaligiran iyon ng mga bulaklak.

Si Ezekiel nakapamulsa lamang at nakita kong may benda ang kamay. Si Senyor na hindi rin makapagsalita at nakatulala..

Parang sasabog ako sa kaba at  gusto kong isiping isang panaginip na naman ito ulit pero hindi.

Mabilis kong nilapitan kung totoo ang ekspekyulasyon ko. At nagimbal sa katotohanan...

  Nakasulat sa bulaklak ang pangalan ni Senyora Patricia Montenegro.

  ''H-Hindi..." Umiling iling ako nang yakapin ako ng mahigpit ni Manuel. Nakita kong kumuyom ang panga ni Ezekiel.

Galit ito at nararamdaman kong ako ang sinisisi nito.

Nakita kong dumaloy ang luha ni Senyor. Tila ako ang sagot para kumawala ang kanilang emosyon. Ang pagdating ko ang hudyat para makawala ang kanilang nararamdaman.

"Manuel! Kasalanan ko..Kasalanan ko." Sumisikip ang aking puso.

Binaon ni Manuel ang aking ulo sa kanyang dibdib at hinagod ang aking likod.

Naririnig ko ang iyak nang mga hacienderang naging trabahador nila Senyora.

"Isa lang ang may kasalanan nito."Humigpit ang hawak sa akin ni Manuel. "Ipaparanas ko rin sa kanya ang ginawa niyang ito Aurora.."

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free