HinovelDownload the book in the application

Chapter 0 Halik

      

     Naiinis man ako dahil sa simpatiko nitong ugali. But still, nakokonsensya ako sa pag giging rude ko minsan kay Ezekiel. Hindi ko lang talaga gusto iyong paghalik niya sa akin na hanggang ngayon hindi ako maka move on.

  “Kim Aurora, Sasama ka ba mamaya? Birthday ni Erik. Invited tayong lahat. Mamayang gabi ,mga six.” Aniya ni Princes sa akin habang sinisikop ang mga libro para bitbitin.

  Nang mag college, naging busy ako sa school. Syempre para naman hindi sayang iyong paghihirap ni lolo at lola.

“Saan ba iyon gaganapin?” Tanong ko rito.

  “Sa Makipot Resort raw e. ”

  Nangunot ang noo ko dahil ang lahat ng resort ay sakop ng lupaing Montenegro. Nag alinlangan ako sa pag tango lalo na hindi ako sure kung papayagan ako lalo na sa nangyari sa akin noon.

Ginawan ng paraan nang mga Montenegro na maipakulong si Mang Domeng kahit nagmakaawa ang asawa nito. Nanatili akong tahimik at nagpapasalamat sa tulong ng mga ito.

  “Magpapaalam ako Ces a.' Kasi alam mo na,masyado nang mahigpit sa akin si lola ngayon.”

  “Anak ng kagawad si Erik ,Aurora! Kaya safe tayo doon. Tsaka,hindi ako pupunta kung hindi ka pupunta.”

  Umirap ako at huminga ng malalim. “Sige,  Kita nalang tayo sa shed.”

“Sige, sabihan ko rin si Maribel.”

  Alas tres nang hapon ng umuwi ako diretso sa bahay. Naabutan ko si lolo na nag iigib sa balon ng tubig. Kaliwa't kanan ang hawak nitong baldeng tubig.

“Lolo, ako na!”

  Pilit kong inagaw pero nilapag nito at ngumiti sa akin. Iniabot nito ang one hundred pesos sa aking kamay. "Dagdag mo sa baon mo yan Aurora.” Umubo ubo pa ito. Nag init ang aking magkabilang mata.

Matagal na gustong patigilin ni lola si lolo sa pagiging haciendero. Sobra sobra narin ang naitulong niya,ilang taon narin siyang nagsisilbihan doon.

“Lolo, di'ba wala na kayong gamot? Sige,akin na. Bibili ako.”

Umiling ito. “Matanda na ako anak, tsaka ikaw bata pa. Marami ka pang mararanasan na magagandang bagay dito sa mundong ibabaw. Ako kahit anong gamot.. tatanda at tatanda parin at mamamatay. Kaya ingatan mo sarili mo. Mag-Aral ng mabuti magiging masaya na ako para saiyo kung ganon.”

Umalis ito sa aking harap at naiwan akong natulala. Kaya nga ako nagsisikap ng mabuti. Babayaran ko iyong hirap nila para sa akin. Hindi ako lumaking nakukuha agad ang gusto tulad ng iba. Kelangan pa naming magtrabaho para may makain araw araw. Kahit itlog at pritong talong lang ang ulam ang saya na namin sa mesa. Ganon kami kasimple at masaya sa munting bagay na biyaya.

Alas sais ang oras ng aming hapunan. Habang kumakain ay nag uusap sila lolo at lola. “Lola,aalis po ako mamaya. Birthday kasi ni Erik.”

“Erik? Iyong ka klase mo? Ang anak ni kagawad Lando?”

  “Oo lola,Sa Makipot resort po. Hindi naman po doon delikado.”

 

  “Sinong kasama mo?” Tanong ni lolo.

  “Marami po kami, uuwi naman po agad pagkatapos ang kainan.”

  “Berni dapat nating bilhan si Aurora ng cellphone. Iyong eleven hundred.”

  “Naku eleven hundred Tessa? Ang mahal!”

  Ngumisi si lola at pinalo ng sandok ang ulo ni Lolo. “Ikaw matanda ka. Unit ng cellphone iyon. Hindi presyo!.”

  Napangiti ako sa asaran ng dalawa. This is what we call ,priceless. Money can't buy our hapiness. Matatagpuan ang kasiyahan sa taong nagbibigay ng saya at nagmamahal sayo kahit walang mamahaling materyal na bagay. Dahil ang pagmamahal ang siyang nahihigit na makapangyarihan sa mundong ito.

  Maliwanag ang ilaw sa cottage na ukupa nila Erik. May videoke at inuman na ikinabigla ko. May mga banda na walang ilaw. Marahas na rin ang ihip ng hangin galing dagat.

  Napayakap ako sa sarili ng humaplos ang malamig na hangin sa balat.

  “Mabuti nandito kayo.” Si Erik na may dalang inumin.“May pagkain doon. Tsaka pasensya na kung may umiinom a? Wag niyo nalang pansinin.”

“Happy birthday! Okay lang! Ang foods talaga iyong sadya namin.” Si Maribel na sinaway ko agad.

“Sige! Kain lang!”

Pansin ko na may mga hindi kami kaklase at baka mga anak ng ibang kagawad.

Siniko ako ni Princes at tinuro ang isang mesang ukupado ng mga lalaki. “Grabe makatingin saiyo O! Type ka ata.”

Umismid ako at umiling. “Kakain lang tayo at uuwi. Pagalitan ako ni lola at lolo kapag tumagal ako.”

Tumango silang dalawa. Ang planong pagkain at pag uwi ay nauwi sa wala. Naaliw sa kantahan at usapan ang aking dalawang kaibigan.

Inabutan kami ni Lora ng isang bote ng The Bar at kulay pink iyon. '“Masarap yan. Lasang strawberry. Promise hindi yan hard.”

I immediately shooked my head. “Di ako umiinom.”

  “Sige na try na natin . Nakainom na ako dati pero tanduay iyon e. ”

“Cheap iyon! Ito maganda. Sige na. College na tayo. Marami pa tayong parties na mapupuntahan natural lang ang pag inom kaya dapat masanay.”

Napangiwi ako ng binuksan iyon ni Lora at binigyan kami ng shotglass. Shit naman!

Ang iba ay tipsy na at may naliligo na sa dagat. Halos mamutla rin ako ng makitang may nagka yayaan sa madilim na cottage.

“Come on, it's part of growing up!” Si Lora. Si Lora ay nasa second year college na at pinsan ni Erik. Bali balitang papalit palit ng boyfriend.

Nakainom na si Princes at Maribel ng ikatlong shot habang ako ay titig na titig s likidong nasa loob ng shot glass.

“Anong lasa?” Tanong ko kay Princes.

“Tamodkels!” Humalakhak si Lora at iba sa narinig. Pinalo ni Maribel si Princes.

“Ang bibig mo! Kung nakalasap kana ng tamod wag mokong inggitin.”

 

Nasapo ko nalang ang ulo nang nag cheer sila na uminom ako. “Come on Kim Aurora. Inumin mo nalang at ito tubig, sundan mo.”

Tumango ako at walang pasubaling ininom. Naghiyawan sila. Hanggang sa lumalim na ang gabi. Kinontrol ang ang sarili at hindi na nagpadala sa pamimilit nila. Nasa ika apat lang ako ng shot pero nag iinit na ako. Ramdam ko sa sikmura ang kulo ng inumin at pagkasakit ng ulo. Mas lalo akong napapikit ng makaramdam ng pagsusuka.

  “Maribel,Cr lang ako.”

“Alam mo ba? Nasa bandang kanan iyon, at kaliwa at kanan basta andiyan lang iyan.”

Iba na talaga kapag nalalasing. Pinagbawalan ko narin silang uminom at nanatili nalang upang mahimasamsan.

Kahit nakajaket ako na nakapatong sa aking dress ramdam ko parin ang init. Kaya ng nasa pasilyo na hinubad ko ang jacket at naginhawaan ng makaramdam ng haplos ng hangin.

Sapo sapo ko ang noo habang naglalakad sa pasilyo. Hindi ko talaga mahagilap ang banyo!

  Yumuko ako at natutop ang noo. Ang sakit talaga ng ulo ko. Alam ko rin na hindi na tama ang lakad ko.

Napasinghap ng may nabangga. “Hala,s-sorry.” Nauutal dahil sa kalasingin ng konti.

  Iiwas sana ako at nanatiling nakayuko ng hilahin ako nito sa braso. Umigkas ako pabalik at nahulog ko pa ang jacket.

  Nanlaki ang mga mata ng makitang si Manuel ito. Walang kahit anong bakas ng emosyon at mukhang galit pa.

Napalunok ako. Ilang buwan korin siyang iniwasan. Ilang buwan na hindi siya nakita.

“Pasensya na Kuya.”

“Uminom ka?” Diin na tanong nito. Natikom ko ang bibig at marahang tumango.

“Sinong kasama mo kung ganon?”

“Ka klase ko. May birthday kasi. P-Puwedeng padaan?”

Umigting ang panga nito at walang sabing hinakot ako na parang ikakasal. Napatili ako at kumapit sa kanyang leeg.

“Saan ka pupunta? Dadalhin kita.” Sabi nito.

“Sa heaven kuya. Dadalhin moko doon?” Humagikhik ako ng hayaan iwaksi ang tamang tino at patulan ang pagiging lasing. 

Nanliit ang mga mata nito at supladong umiwas ng tingin sa akin.

“Lasing ka.”

Umungol ako at binaon ang mukha sa dibdib nito. “Ang daya mo. Engaged kana pala.”

Natahimik ito. Ramdam kong inilabas niya ako ng resort.

  “Ang daya mo talaga,Kuya.”

  Naramdaman ko ang pag bukas ng kotse nito at nilagay niya ako sa upuan nito. Hindi ko pinakawalan ang leeg niya.

“Bitaw na. Hahatid kita.”

“Ang daya mo..”

  Unti unting nakain ng dilim ang mga mata ng napapikit.

“Ang daya..Ang sakit.” Humina ng boses.

“Ikaw ng madaya. Bakit siya pa? Siya pa talaga ang nakauna.” Huminga ito ng malalim at naramdaman ko ang pagkalas nito ng kamay ko sa leeg niya. Pinahiga ang aking kinauupuan at hinawi ang hibla ng buhok sa aking mukha.

“Hanggang doon nalang iyon.” Sabi nito at naramdaman ang masuyong paghagkan nito sa aking pisngi at pagpatak ng halik sa noo.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free