HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 4

“GAMITIN mo muna ito. May mga naiwan pala si Loridee na gamit dito. Sana magkasya.”

Iniabot ni Craven ang mga nakatuping bihisan kay Hannah. Habang kinukuskos ng tuwalya ng dalaga ang basang buhok. Kakatapos niya lang magshower nang pumasok ang isa sa mga kasambahay sa villa nina Craven para kunin ang kanyang mga basang damit at lalabhan. Pinagamit sa kanya ng binata ang isa sa mga guest room ng villa para makapag-ayos ng sarili. Doon sila sa likod ng rancho dumaan. At malamang, nandoon ang binata kanina kaya madali siyang nakita.

Gustong magtaas ng kilay ng dalaga pagkabanggit sa pangalan ng babae. Girlfriend ba nito ang tinutukoy at minsan nang nagbakasyon sa rancho?

At dahil ang tipo niya ang hindi itinatago ang iniisip ay hinarap niya si Craven.

“Sino si Loridee? Girlfriend mo? Kailan siya nagbakasyon rito? Maganda ba siya?”

Sa pagkamangha pa ni Hannah ay tumawa si Craven.

“Anong nakakatawa?” Naiinis na tanong niya.

“Sorry.” Pinigilan nito ang sarili. “Pinahihiram lang kita ng maisusuot, ang dami mo nang tinanong.”

“Aba, siyempre. Gusto kong malaman kung kanino bang damit ang hinihiram ko.”

Pero ang totoo, gusto niya lang malaman kung may girlfriend ba itong pinagbakasyon roon.

“Nag-iisang kapatid na babae ko si Loridee. At oo, maganda siya. Magkasingganda kayo sa magkaibang paraan.”

Malapad na napangiti na si Hannah sa narinig. Hindi man direkta pero para na din siyang pinuri ni Craven. Bumaling siya sa binata para magpasalamat pero natigilan siya nang sundan kung saan nakadikit ang mga mata nito.

Bahagya palang lumuluwa ang isang dibdib niya dahil maluwag ang pagkakatali niya sa bathrobe. Pansin ni Hannah ang sunod-sunod na paglunok ni Craven at ang hindi maialis na mga mata sa pagtitig roon.

His gazed were like thunders shooting her. At kay bilis ng pagkalat ng mainit na pakiramdam na iyon sa buo niyang katawan. Para siyang gasolinang nadilaan ng apoy at iglap na nag-alab.

Mabilis niyang kinabig ang roba para maitago ang sarili. Bigla rin ang pagbaling ni Craven sa kung saan saka tumikhim. Nag-init naman ang mukha ni Hannah dahil sa kahihiyan. Ano ang iniisip nito? Baka akalain nitong inaakit niya ang binata?

God!

Nakakahiya!

“T-Thank you sa mga bihisan.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hirap siyang mag-isip ng sasabihin. Samantalang kilala siyang napakakulit at napakadaldal. She can talk for hours. Ngayon, parang naging invisible ang mga letra sa kanyang utak.

“Yeah. Maiwan muna kita para makapagbihis ka.”

Tumalikod na si Craven para lumabas ng silid. Sumunod naman ang mga mata ni Hannah sa papaalis na binata. At ewan ba kung bakit sa pang-upo nito dumikit ang kanyang mga mata.

She sucked in her breath while watching him walked gracefully. He had a nice and plump butt. Na parang ang sarap tampalin. Kung hindi niya napigil ang sarili ay baka hinabol niya ito at pinanggigilan.

Aigoo!

Yamot na ipinilig niya ang ulo. Anong kalaswaan ba ang naiisip niya? Sa dami ng naging crush niya, kailanman ay hindi siya nag-imagine ng mabeberdeng bagay patungkol sa mga iyon.

But Craven was waking her green mind just by looking at him.

Darn! Umayos ka nga, Hannah!

“HMM... parang matabang pa.”

“Matabang? Natatamisan na nga ako.”

Dinutdot ng babae ang ginawang icing na nasa stainless basin saka tinikman. Nakidutdot din naman si Dmitri na nakatalungko sa countertop. Pero hindi sa bibig nito nag-landslide ang icing kundi sa mukha ng babae. Ang sama tuloy ng tingin rito ng huli. Dumutdot din ulit ang babae sa icing at ipinahid sa pisngi ni Dmitri. Sandali pa at nagkakagulo na ang dalawa sa kusina.

Pabuntong-hininga na tumalikod na si Hannah. Ang babaeng kasama ni Dmitri sa kusina ay ang chef na pinakilala sa kanila ng binata. Na hindi na din nito tinantanan kagabi. Wala naman sana siyang balak na magderetso sa kusina at manilip sa dalawa. Naagaw lang ang atensyon niya nang marinig ang boses ni Dmitri na parang may kausap. Nang sundan niya ang tinig ay sa kusina siya dinala.

At gusto niyang magtaka kung bakit nasa rancho pa din ang babae. Kung hired chef ito para sa party kagabi, di ba dapat wala na roon ang magandang babae? Dapat nakauwi na ito. Unless, personal na magkakilala ang dalawa at ganoon nalang kapalagay ang loob sa isa't-isa?

Hannah checked herself. Was she jealous? Definitely not. She was just curious. Iyon lang ang dahilan kung bakit siya napapaisip. Napag-isip-isip niyang kasing babaw ng pagtingin niya sa ibang crushes ang meron siya kay Dmitri. And because Dmitri was the only attractive man she saw in their community, aside from his cousins of course, kaya nagtagal ng ganoon ang paghanga niya sa binata.

Hindi nga ba at nang makakita siya ng mas gwapo ay nalusaw ang paghanga niya rito?

Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Hannah. Gusto niyang mapagod sa sarili. Kailan kaya siya makakahanap ng lalaking may sparks? Hindi literal na sparks mula sa kuryente ng Meralco. Kundi iyong sparks na tinutukoy ng mga inlove.

Nah! Hindi mo nga maayos ang buhay mo, hahanap ka pa ng pag-ibig? Eh 'di ba pampagulo daw 'yon ng buhay?

Exactly.

Dapat makontento nalang siya sa crush. And speaking of crush, nasaan na ba ang pinakamagandang lalaki sa buong daigdig? Kanina pa siya pagala-gala, hindi niya mahanap si Craven.

Naglakad siya palayo ng kitchen para hanapin si Craven. Uuwi na siya at baka hinahanap na siya sa bahay ng mga pinsan.

SINILIP ni Craven ang kitchen nang makitang makailang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hannah bago tuluyang umalis roon. Galing siya sa lanai ng villa. Hinihintay na bumaba ang dalaga. Nang mainip ay balak niyang sa labas na ng silid hintayin ang dalaga. Pero naabutan niya itong nakasilip sa kusina.

Hmm. It's Anika and Dmitri again. Mukhang walang balak ang kapatid niyang pakawalan pa ulit ang dalaga. And he has nothing against them. Only that...

Napalingon si Craven sa dinaanan ni Hannah. So, she was really into his brother? Nah! Poor pretty missy. Napapailing na sinundan nalang ni Craven ang papalayong dalaga. He should do something to cheer her up. He couldn't afford to see her upset or anything goes alike. At ayaw na din niyang intindihin ang napakadaming 'Bakit?' na tanong ng utak niya

“AT SAAN ka pupunta?”

Nahigit ni Hannah ang hininga at pabiglang bumaling sa kanyang likuran. May kung anong kumakalabog sa tapat ng kanyang dibdib pagkakita sa binata. Craven was standing yard away from her. Nakapamulsa ang dalawang kamay at patamad na nakatingin sa kanya. But then, he looks so dashing that way. Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo ng lalaking ito? Nawawalan tuloy siya ng kakayahang mag-isip sa tuwing lalapat dito ang kanyang mga mata.

“Ahm... Hinahanap kita.” Itinuro niya sa likuran ang main door nang hindi iyon nililingon. “Akala ko, nasa labas ka. Kanina pa ako naghahanap e.”

“Ako ba talaga ang hinahanap mo? Bakit sa kitchen ka nakasilip kanina?”

Napasinghap si Hannah. Nakita ba siya nito? Paano? Bakit ni hindi niya ito naramdaman kung nasa paligid lang ito?

Mariing nakatitig si Craven sa kanya. At hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang pakiramdam na gusto niyang magpaliwanag ng ura-urada bago pa ito mag-isip ng kung anu-ano.

“Napasilip lang naman ako kasi narinig ko silang maingay.”

Lumingon si Craven sa pinanggalingan nila.

“You two at the kitchen, keep quiet!” pasigaw na sabi ng binata na ewan niya kung makakaabot nga ang tinig nito sa kusina.

Naipilig ni Hannah ang sariling ulo dahil sa pinaggagawa ni Craven. What is it with him?

“Tahimik na sila ngayon.” Nakangisi na ang lalaki nang bumaling sa kanya. Namamalik-mata lang ba siya o talagang direkta itong nakatitig sa kanya habang humahakbang palapit? And what did she saw in his grayish brown eyes? Disgust? Irritation? In split seconds it became admiration. Longing... Passion... Determination?

God! What the hell are those? At bakit bigla ay gusto niyang tumakbo palayo rito pero gusto niya ring salubungin ito? Those little tingling hot sensation keeps coming in her, assaulting her, consuming her. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Lahat ng pakiramdam na binubuhay ni Craven sa kanya sa mga sandaling ito ay pulos bago. And she was excited to feel those feelings. Eager to embraced them. But afraid too, at the same time. Because she knew, this is something. Something na hindi niya alam pangalanan. At takot siya sa mga bagay na di niya alam at hindi alam matukoy.

Napilitan si Hannah na humakbang palayo. Tumatambol kasi ng malakas ang dibdib niya habang nakatitig sa gwapong mga mata nito.

Oh, that intense grayish brown eyes of him, it rattles her senses everytime she meets his gaze. What's with those eyes? It brings heat and shivers down her spine.

Nang sa isang iglap ay nahapit siya ni Craven sa kanyang bewang palapit sa katawan nito. It only fueled the hot that flowing her whole body.

God!

Alam niyang napakagwapo ng lalaki. But he was not just a handsome face. He also had this great talent of arousing heat inside her. At nang umigkas ang gilid ng mga labi nito sa paraang nakangisi, pakiramdam niya ay nahulog siya mula sa mataas na lugar at walang babalang sinalo ng binata.

Her heart was throbbing wild as if banging on her ribcage. Ano bang kaguluhan ang dala nito sa kanyang senses at hindi niya mapatahimik ang sarili?

What are you doing to me, Craven?

“Are you afraid of me?” He asked, half grinning, half smiling.

And she found him devilishly handsome in that. Mas naging lalong kasamba-samba tuloy ang anyo nito sa kanyang mga paningin ngayon.

Naramdaman niya ang matigas nitong braso na muling humapit palapit. Naituon tuloy ng dalaga ang mga kamay sa malapad nitong dibdib.

And darn that wide warm chest. Parang ang sarap humilig doon habambuhay...

“N-No... Bakit naman ako matatakot sa 'yo e ang gwapo-gwapo mo?” Nasabi niya ang mga salita nang hindi nag-iisip.

Nah! Her brain didn't worked well again. And this handsome devil was to blame!

“Then, why do you keep on stepping back?” The warmth from him keeps on bridging towards her. At gusto niya iyon. Gusto niya ang pakiramdam na malapit na malapit rito. Gusto niya itong yakapin at magpayakap rin dito. That would be the most special hug she'll ever receive in her entire life.

Nah!

Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit gusto niyang magpayakap sa lalaking ito na para bang sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasang mayakap maski minsan?

Bakit ba siya nakakaramdam ng ganoong longing? And why did she felt the feverish feeling inside her just by looking and feeling his wide chest?

Damn this feeling! Sobra ba siyang attracted dito? Up to the point that her mind was working overtime? Same as her senses making wild and fiery fantasies?

Get a hold of yourself, Hannah George!

Sunod-sunod na napalunok si Hannah. Gusto niyang iumpog ang ulo sa kahit na anong matigas na bagay para lang magising na sa kanyang kagagahan.

“Bakit kasi ganyan ka makatitig sa akin?” Nagpilit siyang kumawala. Pero malakas ang mga braso nito. Hindi siya gustong pakawalan. “Please release me, I am starting to get panicked.”

Isang ngiti na naman ang pinakawalan nito bago siya pakawalan.

“Breath now, Hannah.” sabi nitong hindi pinigilan ang isang nakakalokong ngisi. At noon lang niya napansin na nagpipigil pala siyang huminga.

Bakit ba?

And this man... Was he playing with her?

“I never get to see a woman who will admire me and get afraid of me at the same time.”

“What?” Bigla ang baling niya rito. She shoots him with fiery eyes. Para lang maitago ang kahihiyang nararamdaman. Was she that obvious?

And what the hell? She was always vocal in telling her crushes that she admired them. Pero sa isang ito, parang gusto niyang itago nalang sa kaloob-looban ang ganoong damdamin.

“Mali ba ako?” Tila naghahamong tanong ng binata.

Ah! Masisiraan siya ng bait sa lalaking ito. One time, she thought he was a perfect gentleman, the next time he was not. He was such an arrogant.... Handsome beast.

Naipaikot niya ang mga mata sa kawalan saka sarkastikong ngumiti. “You are so arrogant. Just like... Like your nose!” Sa kawalan ng mahagilap na salita ay bulalas ni Hannah. “Too proud of yourself. Akala ko pa naman ay kagaya ka ni Dmitri!”

Sandaling dumilim ang gwapong mukha ni Craven. At nang mga sandaling iyon ay para siyang sinagilahan ng takot sa nakitang galit sa mukha nito. Galit o insulto. Alin nalang sa dalawa. Pero isa lang ang nasigurado ni Hannah ng mga sandaling iyon. He didn't like being compared. And whom would love it, anyway?

Now, she knew how to make Craven fiery. At ayaw na niyang ulitin iyon dahil sinisiklaban siya ng takot habang nakatitig sa galit na mga mata nito.

Pero kung gaano man kabilis itong nairita sa kanya ay ganoon din kabilis na naglaho ang anyo na iyon. He was back to his normal self.

And what she knew about his normal self?

“Wait until you meet my brother, Dwight. He is a lot arrogant and narcissist than I am.”

Oh no! I don't want to meet another Craven. Ayoko nang magka-crush sa iba. You are just enough for me.

Come to think of it. Bakit hindi man lang siya na-turn off sa kaarogantehan na ipinakita nito? Dapat ay inaalis na niya ito sa invisible list ng mga crushes niya. But then, still, si Craven pa din ang nag-iisang laman noon.

Marahas na ipinilig ni Hannah ang ulo. “Gusto ko nang umuwi kung okay na ang mga damit ko.” Nasabi ng dalaga bago pa makalimutan ang dahilan kung bakit siya nasa loob ng villa ng mga Bachelor.

“Not so fast, little pixie.” He grinned again. “Hindi nagma-magic ang laundry machine namin. So, you still have to wait for an hour. Ihahatid kita sa inyo---”

“Sir Craven, kailangan po kayo sa west area!”

Sabay na napabaling sina Hannah at Craven sa bagong dating at walang pasabing nakapasok sa entrada ng villa.

“Bakit? Ano ang nangyari?”

Biglang naglaho ang playful aura ni Craven at tuluyang nilamon ng pag-aalala nito. Katulad nang kung paano niya ito nakita kanina sa gitna ng karagatan. How could a man be so arrogant and playful and passionate in split seconds? This man is really amazing!

“Nanganganak na po ang dalawang palahiang tupa at wala ang beterinaryo natin--”

“Damn! Ihanda mo ang kabayo ko. Kukunin ko lang ang mga gamit ko.”

Sa isang sandali ay nakatakbo si Craven paakyat. Lumayas naman na ang ranchero para siguro sundin ang utos ng amo. Napapakunot-noo si Hannah. Kung wala ang beterinaryo, bakit si Craven ang hinahanap ng ranchero?

Hanggang sa makababa si Craven ay nakatanga pa din si Hannah sa kinatatayuan at nag-iisip. May alam ba ang l sa pagpapaanak ng tupa? Bakit hindi nalang tumawag ng totoong beterinaryo?

“Are you coming? Kung hindi, intayin mo ako dito. Ihahatid kita. But no more eavesdropping in the kitchen.” sabi nito habang inaayos ang backpack at isinukbit sa likuran.

God! How could he be so domineering? Pinakyaw na yata ng lalaking ito ang lahat ng uri ng character traits. He is versatile personified.

“I am coming. Baka may maitulong ako.” Lumabas ang mga salita nang hindi niya namamalayan.

And what the hell did she knew about a sheep giving birth?

Ah, bahala na. Basta gusto niyang sumama. Kaysa naman mabaliw siya sa kakahintay rito na bumalik sa villa. May pakiramdam si Hannah na hindi niya gustong malayo ito ng mas matagal pa sa isang minuto.

What the heck?

“Then, let's go.”

At walang babala na hinila ni Craven ang kamay niya palabas ng villa. Napatingin nalang siya sa magkatagop na mga kamay nila. She felt like smiling while looking at their clasped hands. Why holding hands feel so wonderful and special?

Umangat ang paningin ni Hannah sa mukha ni Craven. He looks serious and worried. And awesome just that way. Sa bawat sandali na nakikita at nakakasama niya ang binata, mas lumalalim ang admiration niya rito. At parang, nababaliw na siya dahil hindi siya makakita ng flaws kay Craven. He is just perfect. And perfect in this world isn't normal.

Patuloy sa paglalamyerda ang isip ni Hannah nang maramdamang huminto sila sa paglalakad. Nasa harap na sila ng isang makisig at matangkad na kabayo. Si Volt iyon, ang sinakyan nila kanina mula sa dagat. At sa isang sandali ay nakasampa na siya sa likod ng kabayo. Craven just take care of it. And she was speechless sa bilis ng kilos ng lalaki. Dinaig nito ang doktor na pasugod sa emergency room.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free