HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 2

PASIMPLENG tumalilis si Hannah mula sa pool at dumeretso sa garden. Sa gazebo siya dumaan tutal ay nasa likod lang noon ang garden. Mula rin doon ay napansin niya ang mahabang bakod na kahoy. Mataas din iyon. Lagpas pa sa kanya.

Siguro dahil para hindi makalagpas ang mga pinapakawalang mga baka at kabayo sa umaga.

Inilusot ni Hannah ang ulo sa malaking pagitan sa mga bakod para panoodin ang mga bituin sa kalangitan. Para iyong kumikinang na mga buhanging isinaboy sa kalawakan.

Napakaganda!

Iniangat niya ang kamay paitaas na nakabuka ang mga palad. Iyong tipong umaabot ng bituin sa langit. Napangiti si Hannah sa sarili. Maski paano ay nabawasan ang bigat sa dibdib na dinadala niya.

Pagkarating nila sa rancho ay dumeretso agad siya sa pool habang inaayos sa pagkakatali ang polo. Para lang madismayang makita na lokong-loko si Dmitri sa magandang chef na ewan kung saan nanggaling. Halos hindi iyon iwan ng tingin ng binata. Sa tuwing susulpot ang magandang babae sa pool ay sinasalubong agad ni Dmitri para tulungan sa bitbit nito. Kung anu-ano ding pinagkukwentuhan ng dalawa. Ni hindi man lang napansin ni Dmitri na dumating na silang magpipinsan.

Sandali lang ang introduction at hayun, 'yong magandang chef na ulit ang kinukulit nito.

Naiinis talaga si Hannah. Nagpasexy siya para sa binata tapos, hindi man lang napansin?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hannah. Saka nagpumilit sumampa sa bakod. Mas maganda siguro ang view kapag mas mataas ang kinaroroonan niya.

Pero nahihirapan siyang makasampa. Masyadong malayo ang pagitan ng mga kahoy sa isa't-isa. Hindi tuloy maabot ng mga kamay at binti niya. Nang makaakyat naman ay hindi makagawa ng maayos na pwesto ang dalaga. Nagsala ang paa niya sa baitang na sinasampahan. Hindi rin maayos ang pagkakakapit niya sa bakod kaya tuloy siya sa pagbulusok. Napapikit ng mariin ang dalaga. Ni hindi niya nagawang tumili dahil hindi naman siya nakarating sa lupa.

Sa magkakahalong pagtataka at pagkagulat ni Hannah ay may malalaking mga bisig na nakapaikot sa katawan niya. Sandali lang lumapat sa lupa ang mga paa niya at muli ring umangat.

Napasinghap siya sa pagkagulat. And the next thing she knew ay nakaupo na siya sa ikatlong baitang ng bakod.

Lumipad ang tingin ng dalaga sa kung sinong sumalo at tumulong sa kanya na sumampa roon sa bakod. She was now looking down at the most handsome man had ever existed in this world.

Akala niya, si Dmitri na ang pinakagwapong lalaki na makikita niya dito sa rancho. But looking at this guy, he was utterly handsome! Completely with his unshaved whiskers.

Bakit ganoon? Nadudumihan siya sa mga lalaking may balbas at bigote. Pero ang isang ito, it seems like his whiskers just added an effect of masculinity and attractiveness. Yes, she considered ruggedly handsome men in her preference. Pero sa dami ng mga rugged men na nakita niya, madalas ay nakakadismaya ang balbas ng mga iyon.

But this man, just complemented his beard to his handsomeness. His eyes were like jewels sparkling under the moonlight. Those thick eyebrows were just perfect for that deep set of warm eyes. How was that? Mula sa light post na di gaanong malayo sa kanila, nakikita niyang kulay grayish brown ang mga mata ng lalaki.

May lahi siguro ito. Spanish? French? American? Or she was tricked by the light from the post? Pero kahit madilim ang gabi ay hindi iyon nakasagabal para makita ang isang perpektong kagwapuhan.

Oh my God! Bakit hindi ito ipinakilala sa kanya ni Dmitri gayong halos lahat ng mga bagong mukha sa mga bisita ay ipinakilala sa kanya?

Lots are men. Handsome men. But this one was definitely the most handsome.

Goodness! Hindi binibigyang katarungan ng salitang handsome ang anyo ng lalaking ito. He had the perfect details in his face. That aristocratic nose that seems to be so arrogant was just perfect! At mas lalong perpekto ang kurba ng mga labi nito. They look so soft and moist and delicious!

Delicious?

Saan nanggaling iyon? Kakakita niya lang rito ay iba na ang naiisip niya sa mga labi nito?

But who could blame her? She was starring at seems to be a God descended from above.

DioskoLord! Ang bilis mo naman pong magbigay ng pakonswelo sa pag-ignore sa 'akin ni Dmitri!

Kung nakikita ito ngayon ng isang pintor ay siguradong gaganahan iyong ipinta ang binata.

“Close your mouth. Baka mapasukan ng lamok.”

And good Lord! His voice sounds solemn, deep and warm. What on earth did God made a perfect man for?

Pero nang tuluyang ma-absorb ng utak ng dalaga ang sinabi ng estranghero ay pinamulahan siya. She abruptly closed her mouth. Para lang muling buksan dahil hindi niya kayang hindi magsalita.

“Why, I was shocked to see the most handsome human being, in this place of... Well, I can't say it's a nowhere... Bakit nandito ka? Nasa pool ang party.” dere-deretsong tanong niya.

Sandali lang tumingala sa kanya ang lalaki at nahila niya ang hininga. What the hell! Ang gwapo lang talaga kasi. Kahit sino yatang babaeng nasa tamang pag-iisip ay mawawala sa huwisyo at matutulala nalang sa kagwapuhan nito. He was really close to perfection... Just like her hollywood crush, Nick Bateman!

Sumampa ang lalaki sa bakod. Isang dipa ang layo mula sa kanya.

“I should asked you the same question. Bisita ka ni Dachy 'di ba? At hinahayaan mo siyang iisang babae lang ang parating dinidikitan?”

Hindi masigurado ni Hannah kung tama bang nakita niyang nagtatagisan ang mga bagang nito. But it just added to his rough and hard image. Mas naging kasamba-samba tuloy ito sa kanyang mga paningin.

At ang kanyang malanding puso, nag-turn side na. Hindi na niya crush si Dmitri. Ito na ang crush niya. Agad-agad!

What's new? Nagkakaroon siya ng crushes araw-araw sa unibersidad nila. Crushes na hindi naman nagtatagal. Si Dmitri na yata ang pinakamatagal niyang crush. At ngayon, pagkatapos ng halos isang buwan ay naglaho na.

Sheems lang!!!

Isa ba ito sa mga rider buddy ng mga pinsan niya na galing pang Maynila? Baka bigla siyang magpakabait nang maaga siyang pauwiin ng ama sa siyudad.

”Sinong Dachy?” Bigla ay naitanong niya nang maalala ang sinabi nito.

“Dachy. Dmitri Chad. My brother.”

Nahigit na naman ni Hannah ang hininga. Gusto niyang mapanganga. Kaya pala sobrang gwapo nito. Magkapatid na Bachelor. She was so curious now in meeting the other Bachelors. Mukhang nasa lahi ang magagandang lalaki. At malamang pati mga babae.

Pinakatitigan niya ang lalaki. And she could see the resemblance. Ang ilong nito, pareho ng kay Dmitri. Pati ang mga mata. Pero ang gwapong hugis ng mukha at ang hard square jaw ay medyo naiiba ng kay Dmitri. Though, both were oozing with so much attractiveness.

Ano ba ang nakakagulat roon ganitong mga rough man nga ang kinalolokohan niya? Sige. Pati na din ang mga rugged.

But then, the guy looks clean even in his rugged get up. Mukha din itong mabango maski suot lang ay kupas na maong na may butas ang bandang tuhod. Puting t-shirt na nakapailalim sa itim na leather coat. At sneakers sa pampaa.

God! He looks so simple yet so manly elegant.

“M-Magkapatid kayo.” It was a statement not a question.

Habang hinahagod niya ito ng tingin ay agad na nakumbinsi siyang magkapatid nga ang dalawa.

“And you were lovers.”

“Ha?”

Nabingi lang ba si Hannah o talagang narinig niya iyon?

Blanko ang ekspresyon ng lalaki nang lingunin siya.

“I saw you kissing him this afternoon. Kaya nagtataka ako kung bakit pumapayag kang iba ang kinukuyog ni Dachy ngayon.” Nagtiim-bagang na naman ang lalaki. And she was sure it is for his brother.

Hindi tuloy napigil ni Hannah ang mapatawa nang maalala kung anong eksena ang tinutukoy nito.

“Ano'ng nakakatawa?” Salubong na ang mga kilay ng lalaki.

Nagkaroon din ito ng mga frown lines. And for a moment ay gusto niyang abutin ang gwapong mukha ng estranghero at palisin ang mga hindi dapat na linya. But nevertheless, he was still handsome and attractive in everyway he was.

Bakit ganoon? Hindi nababawasan ang kagwapuhan nito, magmukha man itong nagagalit o naiirita o disgusted?

“Man, you thought it wrong. That kiss was just a price because he won on our race.” Nangingiting saad ng dalaga.

Actually, what happened this afternoon is actually not a kiss but a peck on his cheek. Ni wala siyang kakaibang naramdaman. Hindi katulad ng mga kaibigan niya na nakakadama daw ng kilig kapag nahalikan ang mga crush nila. Parang basta lang lumapat ang labi niya sa pisngi ni Dmitri at iyon na 'yon.

“Darn this generation! Ang halik ay pambayad nalang sa sugal?” His tone was so disgusted.

Ewan ba at parang gusto niyang magpaliwanag. Samantalang kung sa normal na buhay ay wala siyang pakialam sa iisipin ng mga tao sa kung anong ikinikilos niya. Ultimo ang kanyang ama ay sinukuan na siya.

Better.

Gusto rin naman nga niyang makalayo muna sa ama. Nada-down lang ang pakiramdam niya kapag kasama iyon sa iisang bubong.

Though she hadn't heard the words, she knew it just by his cold treatment on her. His actions told her he was blaming her for everything that just happened that was out of her control. Isa lang siyang inosenteng bata noon...

“Wala akong kasalanan. Why did you keep on blaming me?” Wala sa loob na nasambit ng dalaga nang maalala ang ama.

Nag-arkuhan naman ang mga kilay ng estranghero.

“Wala kang kasalanan?” Umigkas ang gilid ng mga labi nito. At gusto niyang mataranta. “Kanino palang kasalanan ang bayad sa pustahang karera na iyon?” Tuluyang dumilim ang mukha ng lalaki.

Aish!

Ano bang nasabi niya? Nawala na naman siya sa sarili.

“Ah. Don't answer that. Women in this generation were pain in the ass.”

Agad ang instant na pag-alma ng kalooban ni Hannah. “Ang sakit mo namang magsalita!”

Hindi niya napigilang sikmatan ito. How dare this man to tell her that?

Totoong nasaktan siyang marinig na ganoon ang tingin nito sa mga babae. But what is it to her, anyway? Sino lang ba ito? Bagong crush lang naman niya ito na gusto na niyang alisin sa listahan ng mga crushes niya. Napakaantipako nito!

But then, her mind made a U-turn again. Muling bumalik ang tingin niya sa lalaki. His face was devoid with emotion. Is that the sign that he was just hiding a feeling of pain inside? Baka may pinaghuhugutan ito kaya nakakapagsalita ng ganoon.

“That's the reality we should accept. People change in every generation. Decency and modesty were continually setting aside habang niyayakap ang mga pagbabago. The world will soon be rot. Taint. Waste away.” sabi nitong nakatingala sa kalangitan. The moon was shining down him. And it was just adding a soft effect in his rough handsome features. Totally different things yet seems to look perfectly good in him.

“What's gotten into you?” Hindi napigil na sabihin ni Hannah. Looking at him now, he was such a lonely gorgeous man. “Kung may problema ka, h'wag mong idamay ang mundo. H'wag mong isumpa ang future. Aba, hindi lang naman ikaw ang sinasabuyan ng problema. 'Yong iba nga, malamang na mas malalim pa ang dinadala pero hindi ganyan mag-isip.”

Sinegundahan niya ng pagnguso ang sinasabi. Bakit ba may pakiramdam siya na malungkot ang lalaki? Sa kabila ng rough featured, nararamdaman niyang may malambot at masakit na bahagi sa loob nito.

And it was odd. She didn't even know him to feel that way.

Sa pagkagulat ni Hannah ay napunit ang isang gwapong ngiti sa mga labi ng lalaki. Gustong mapugto ng kanyang hininga sa kagwapuhang nakalatag sa kanyang harapan. Madilim ang gabi, pero parang nagliwanag ang paligid dahil lang sa pagbukas ng ngiti nito.

She held her gasped, sa takot na mahalata nitong may epekto sa kanya ang gwapong ngiti na iyon ng estranghero.

“Hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?” tanong nito habang hinuhubad ang leather jacket.

Sa isang sandali ay nakausod ito sa tabi niya at naibalot ang jacket sa dalaga.

“Thank you.” She smiled, almost blushing.

And the moment he approached near her, his insanely delicious masculine scent started to assault her senses. Sobrang bango naman ng halimuyak na nagmumula sa gwapong lalaking ito. A mixture of woods and musk and wild green forest. So manly and it made her nostril extremely desirous of his wild manly scent.

What a handsome fragrance he had? May pakiramdam siya na ang bango nito ay nakakapit na sa jacket na ngayo'y nakabalot sa kanya dahil panay ang panggagahasa noon sa kanyang pang-amoy maski na nga dumistansya na ulit ang lalaki.

Nangingiting napailing si Hannah.

“Funny isn't it? Pinahiram mo ako ng jacket maski hindi naman natin kilala ang isa't-isa?”

“Well, I assume you are my brother's friend if not a lover. I should be nice to you.” He shrugged. “Anyway, I am Craven.” He smiled, extending his one big hand in her.

And her heart almost melt with that smile. What on earth he had in that smile at gustong manlambot ng puso niya?

Mas naging magulo ang lahat ng abutin niya ang kamay nito. His warm big hand enveloped hers. Na para bang hinawakan na din nito ang buong pagkatao niya.

Ah! That was an exaggeration in her part. Masyado ba siyang naiinip sa buhay at kung anu-ano ang naiisip niya?

“Hannah George, call me Hannah or George. Kahit alin sa dalawa, pwede.” tugon niyang nakangiti na din. It was so hard for her not to smile to a quite gorgeous man in front of her.

“Hannah George...” He whispered. “I find it sexy having a man's name in a woman.”

“Talaga?” Nangingiting tanong niya. “Eh, sexy naman talaga ako.” Lumabi siya rito.

“You think so?” Nakangiti namang sabi ng lalaki. Napanguso tuloy siya.

“Bakit, hindi ba?”

Tawa ang naging sagot ni Craven. And their conversation goes on and on. Hanggang sa marinig na hinahanap na siya ng mga pinsan dahil uuwi na.

“I hope to see you again, Craven.” pamamaalam ng dalaga.

“Same here...” He said, waving his goodbye. “Make sure not to put yourself into danger again...”

Those words made her heart... flutters.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free