HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 3

INILATAG ni Hannah ang katawan sa kama, pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng silid na ginagamit. Sa side table ay napansin niyang gising pa ang alaga niyang si Scarlet, ang peppermint angelfish na iniregalo sa kanya ng kakambal na si Hunter noong 22nd birthday nila. Nasa listahan iyon ng pinakamahal na isda sa mundo at hindi nawawala sa aquarium ng mga private collectors. Na ewan niya kung paanong nakabili ang kakambal. Habang siya ay walang naibigay na regalo.

Binaon niya iyon hanggang Palawan dahil inaasahan niyang magtatagal siyang titikisin ng ama. At nakikipagmatigasan din naman si Hannah. Hindi siya magmamakaawa sa ama na pauwiin na. Uuwi lang siya kung ito ang makikiusap na umuwi na siya.

Hah!

At alam niyang magtatagal iyon. Baka nga mas gusto pa ng ginoo na hindi siya nakikita nito.

Mapait na ngumiti si Hannah saka tinitigan ang makintab na stripped red and white na isda. Doon na rin niya kinuha ang pangalan nito. Napakaganda nitong panoorin kahit nag-iisa lang ito sa loob ng mini aquarium.

“Angelfish ang niregalo ko sayo because I just wanted to remind you that I believe you are an angel... hiding in horns.” naalala niyang sabi ni Hunter habang ginugulo ang kanyang buhok.

It's his way to tell her that he loves her. At siguro, para din pawiin ang tampo niya. Binati ito ng kanilang ama sa birthday nila pero siya ay hindi. Lumipas na ang dalawa at kalahating oras na pagitan nila ni Hunter ay hindi siya binati ng ama. At siyempre, kahit totoong nasaktan at nagtampo siya sa ama ay hindi niya ipinahalata kahit kanino.

“Hi, Scarlet! Gising ka pa din?”

Nangingiting ini-extend niya ang kamay at dinutdot niya ang mini aquarium sa tapat ng isda habang nakahiga sa kama. Mabilis iyong naglangoy palayo, paikot. Ang cute lang ng isda. Dati, iniisip niya kung paano natutulog ang mga isda, pero nang isang gabi na nakita niyang parang patay na si Scarlet, binuhat niya ang mini aquarium papunta sa kwarto ni Hunter, dahil sa panic. Para lang pagdating doon ay mapansing mabilis na ulit na lumalangoy ang isda. Natutulog lang pala iyon. Akala niya ay namatay dahil hindi niya napakain noong umaga.

“May nakilala akong gwapo ngayong gabi. As in sobrang gwapo!”

Malapad ang ngiting gumulong sa kama si Hannah palapit sa side table. Nakadapa siya, salo ng mga kamay ang mukha habang nakatitig sa alaga.

“Mukhang mabubura ko na ang buong listahan ko ng mga crushes at si Craven nalang ang magiging crush ko.” Patuloy na pagkausap niya kay Scarlet. “But you know, his voice seems to be sad and broken. Ewan ko, ha? Baka ako lang ang nag-iisip noon. Baka nasanay lang ako sa pagiging masiyahin ni Dmitri. They seems to be miles away different.”

Biglang napapitik sa hangin si Hannah pagkaalala kay Dmitri.

“You know what, Scarlet, hindi ko na crush si Dmitri. Tutal mukhang hindi ang mga tipo ko ang gusto niya. At okay lang. May bago naman na akong point of interest.”

Malapad na ngumiti sa kawalan si Hannah habang sa imahinasyon ay paulit-ulit na nagfa-flash ang gwapong imahe ng binata. The way he smiles, the way he looks at her, things like that seems new and exciting. Para bang sa tuwing ngingiti ito at tititig sa kanya, may malaking sorpresa siyang makikita.

“His name is Craven, Scarlet. At super gwapo niya! Nalaglag yata ang puso ko nang ngitian niya ako.”

Tatawa-tawang gumulong ulit si Hannah sa kama at nahiga. Inabot niya ang isang malambot na unan at niyakap. Bakit nang pumikit siya at suminghot sa unan, ang gwapong mukha at ang nakakabaliw na bango nito ang kanyang nakita at naamoy? O baka psychological lang iyon.

Dahil kanina pa, habang pauwi at maging hanggang ngayon, si Craven ang laman ng utak niya.

“Hayst! Scarlet, ang gwapo-gwapo niya talaga.”

Isinubsob niya ang mukha sa unan at saka nagpakawala ng tili. Para na siyang baliw ng mga sandaling iyon.

Nakatulugan na ni Hannah ang mga isipin patungkol kay Craven. Kaya hindi na kataka-takang ang ganda ng gising niya kinabukasan.

NANGUNGUYAKOY si Craven sa mababang bakod sa likod ng rancho habang hawak ang isang lata ng Cali beer.l Ang kanyang Palomino na si Volt ay nakatali sa 'di malayo sa kinaroroonan. Nakaka-miss din si Volt. Maganda ang pagkakamintina sa kabayo niya. Mas makintab ngayon ang kulay animo silver nitong mane at buntot. Habang ang katawan naman ay nangingintab na tan ang kulay.

Kailan ba niya ito huling nasakyan? Maybe, when he was nearly twenty. Yeah. Iyon ang huli at naging abala na siya sa pag-aaral. Thanks to Dmitri, he took good care of his Palomino.

Naalala pa ni Craven, gumawa silang magkakapatid ng maliit na butas sa bakod sa likurang bahaging iyon para mas madali ang pagpunta nila sa dagat at hindi na kailangan pang umikot bago makarating sa dagat.

Pero dahil natuklasan ng kanilang ina ang butas na iyon, at nag-alala na baka masugatan sila sa paglusot sa bakod, pinagawaan ng ginang ng mini gate ang likurang bahagi. Pero ngayon, mababang bakod nalang iyon at ini-padlock na ang mini-gate. Tutal ay bibihira na naman silang magkakapatid na makadalaw sa rancho. Parampahan nalang iyon ng kabayo. At may hinala siya na si Dmitri ang nagpagawa ng ganoon sa bakod. Hilig talaga ng kapatid na palipadin ang kinasasakyan. Not afraid to fall from it and get hurt.

Ah! Naiiling na napangiti si Craven saka lumagok sa hawak na beer. Pero nahinto siya sa paglagok nang mula sa kinaroroonan ay may mapansing babae na nagsusulong ng maliit na bangka sa laot. Pamilyar ang built ng babae. Pati ang paraan ng paglalakad nito. At ang paglipad ng mga hibla ng dark brown na buhok. She was like a sea goddess who was about to go back to her sea palace. Kahit mula sa malayo, para itong diyosa na inaanyayahan ng alon na umuwi na. And by the looks of her, mukhang papaalis nga ang babae. Naka-white floral summer dress ito na hanggang tuhod at humahakab ang tela sa magandang kurba ng dalaga dahil sa mahinang ihip ng hangin. Mukha na itong hubad sa malayo.

And goodness! She had the perfect curves on the right places. Sexy!

Darn!

Naipilig ni Craven ang ulo. Ano ba itong naiisip niya? Hindi naman siya mapagnasang tao, but why he got attracted to her perfectly curved body?

“Lasing na ba ako? O may drugs itong iniinom ko? Hindi pa ako nakakaubos ng isang lata ah?” Natatawang pagkausap niya sa sarili at tiningnan ang hawak na lata ng Cali.

Nang ibalik ni Craven ang mga paningin sa dagat ay mas lalo niyang pinagdudahan ang sarili. Was he really seeing Hannah as the woman rowing the boat? Naka-side view na ito sa kanya ngayon at kitang-kita niya ang determinasyon sa napakaganda nitong mukha habang sumasagwan palayo. She was so young and so beautiful. And while he was talking to her last night, he knew there was something in her. Because, she made him feel alive with her silly and nonsense talks. Kailan ba siya huling ngumiti?

Nah! Those happy times when he was with Kai. His all first. And maybe, his last.

Napansin ni Craven na huminto na sa pagsagwan si Hannah. Hindi na kasi gumagalaw ang bangka nito. Sa pagtataka pa ng binata ay tumayo iyon sa gitna habang hawak ang kung ano. Pagkuway dumukwang sa tubig.

At ano naman kayang gagawin ng dalaga sa gitna ng laot? Hindi ba't nasa pangangarera ang hilig nito? Nah! Whatever it is. Pinili ni Craven na panoodin nalang ang magandang eksena.

But he stopped from breathing when right from his very eyes ay tumaob ang maliit na bangka na kinasasakyan ni Hannah. At ilang sandali na ay hindi pa lumilitaw ang dalaga. Napatalon siya mula sa bakod at nagmamadaling inalis sa pagkakatali si Volt. Walang ingat na sumakay sa kabayo saka iyon pinakaripas ng takbo papunta sa dagat. Nakita niyang sandaling lumitaw ang ulo ng dalaga pero bigla ring lumubog. Tuluyan siyang nilamon ng matinding pag-aalala.

Nang hanggang katawan na ni Volt ang tubig ay patarantang tumalon siya sa dagat at nilangoy ang kinaroroonan ng bangka. Pero hindi niya makita si Hannah sa ilalim.

“Hannah! Where are you, Hannah?! Where the hell are you!”

Tarantang sumisigaw si Craven sa tuwing lilitaw ang ulo mula sa tubig. Muli siyang sumisid sa dagat para hanapin ang dalaga.

Hindi niya maintindihan ang takot na nararamdaman. He had witness so many lives had been taken away and he never felt afraid just how he felt right now. Ano bang ginagawa ng babaeng iyon at pumalaot ng walang kasama? At sinong tanga ang nag-iwan ng bangka sa dalampasigan? Kung bakit ba naman kasi hilig yata ng babae ang ipain ang sarili sa kapahamakan!?

Patuloy sa paglangoy si Craven nang may mahagip ang kanyang mga mata.

NAGULANTANG si Hannah nang mula sa tahimik na pagsisid ay may humablot sa kanyang batwang at ilangoy siya papunta sa kung saan. Nagpumiglas siya pero hindi naman siya makawala. Masyadong malakas ang brasong nakapaikot sa kanyang baywang. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang magpatianod. Pero pinaalalahanan niya ang sarili na sasapakin niya sa sandaling makaahon sila sa tubig, ang kung sinong nanggugulo sa kanyang enjoy na pagsisid.

“What the hell!” bulyaw ni Hannah sa kung sino pagkasagap na pagkasagap niya ng hangin. Pero natigilan siya nang mamukhaan ang lalaki. Nandilat ang mga mata ng dalaga sa pagkabigla at pagtataka.

“What are you doing here, Craven?” Sa kabila ng pagkagulat ay naitanong niya.

“Saving you, isn't it obvious?” sarkastikong sabi nito saka itinihaya ang tumaob na bangka. “Anong naisip mo at lumaot kang mag-isa? Hindi ka talaga nag-iisip eh 'no?”

“Saving me?”

Bigla siyang natawa nang tuluyang maintindihan ang biglaang appearance ng lalaki. Hindi na niya inintindi ang insulto sa huli nitong sinabi dahil kahit paano ay maganda naman ang intensyon nito.

Inisip pa yata ng lalaki na nalulunod siya. But hey! Paano nitong nalaman na nasa laot siya? Nang lumitaw siya sa dalampasigan, sinigurado niyang walang tao nang hiramin niya sa hangin ang bangka na ewan kung saan nanggaling. Siguro, pag-aari iyon ng kung sinong mandaragat sa komunidad nila.

“What is really funny, you little menace!?” galit na sikmat nito sa kanya.

Sa pagkagulat niya ay madali siyang naisampa ni Craven sa bangka. Saka ito umahon din at madilim ang gwapong mukha na hinarap siya. Hindi niya napigilang mapasinghap sa kakisigang nakalatag sa kanyang harapan.

The man was utterly sexy in his wet shirt na nakahapit na sa magandang katawan nito. He even looks delicious with his hair that was dripping wet. Parang kumikinang na brilyante sa tama ng liwanag ang butil-butil ng tubig sa mukha at katawan nito. He looks brilliantly shining. So handsome, she couldn't utter a word, she just wanted to smile at him.

What kind of God is he?

“Paano ka pang nakakangiti ng ganyan when you were almost dead a while ago?” galit na singhal sa kanya ni Craven.

“Dead? Am I dead?” She asked stupidly.

Patay na ba siya at ang kaharap ngayon ay ang kanyang sundo? Pero bakit kamukha ni Craven ang angel of death na ito?

At ang bangka ba na ito ang maghahatid sa kanila sa kabilang buhay? Gaano kaya katagal silang maglalakbay ng gwapong nilalang na ito?

Pumitik sa harap niya si Craven at noon din ay parang nagising siya mula sa isang napakagandang panaginip.

“Are you still in shock or something? You're not dead!”

“Oh...”

Binawi niya ang tingin. Kung magtatagal pa siyang nakatitig dito, baka nga tuluyan na siyang mawala sa sarili dahil nakaka-shock naman nga ang kagwapuhan nito. Bakit parang lalo itong gumwapo kaysa kagabing una niya itong makita?

“Anong naisip mo at lumaot ka sa dagat na walang kasama? Dito mo pa talaga na-trip-an huminto sa malalim na parte?” Matigas na sermon nito. Pero sa kabila ng matigas na tono, nababakas pa din ang deep concern at relief.

“Pinakawalan ko kasi si Scarlet. Kung doon lang sa pampang ko siya papakawalan, baka hindi niya agad makita ang Daddy niya.” Matapat na sagot ni Hannah pero lalo lang namang nagsalubong ang mga kilay ni Craven. Sa paningin niya ay nag-isang linya na ang mga iyon. Senyales na hindi siya nito naiintindihan.

Kanina, matagal niyang pinanood si Scarlet na lumalangoy sa mini aquarium. At parang bigla siyang naawa sa isda. Baka bored na si Scarlet at mamatay sa boredom kapag patuloy na mag-isang naglalangoy sa kulungan nito.

Binitbit niya ang alagang isda papunta sa Jacuzzi at doon pinakawalan. Mukhang sayang-saya ang isda kapag malawak ang nalalanguyan. Pero alam niyang may kulang. Alam niyang hindi pa din masaya ang alaga dahil nag-iisa ito. Kaya dali-dali niyang hinuli si Scarlet at dinala sa dagat na malapit lang naman. Sa likod ng rancho ng mga Bachelor, mas tago at di agad siya mapapansin na pupunta sa laot.

Sinigurado ni Hannah na nasa praktis ng motocross ang mga pinsan para siguradong hindi siya makikita ng mga iyon na pupunta sa dagat. Dahil kapag malaman ng mga ito ay baka pigilan o samahan pa siya. E'di hindi sila nakapag-moment ni Scarlet?

Ang swerte pa ni Hannah, may naiwang maliit na bangka at sagwan sa dalampasigan. Talagang umaayon sa kanila ni Scarlet ang pagkakataon.

Namangka ang dalaga papunta sa malalim na parte bago pinakawalan ang isda. At kahit nanghihinayang, niyakap siya ng nakaka-proud na damdamin nang makitang pabulusok na lumangoy ang isda hanggang sa kailaliman ng dagat. Siguro, kung mayroong Finding Nemo at Finding Dory, ngayon, mayroong Finding Scarlet na.

Natawa nalang siya sa sarili at pinanood pa ang alagang papawala na sa kanyang mga paningin. Panay ang dukwang niya sa bangka nang mawala ang balanse noon at tumaob. Hindi naman siya natakot dahil swimmer naman siya. She was good in everything she did.

Sa halip sumisid pa si Hannah sa dagat. Sandali siyang umahon ang ulo para sumagap ng hangin saka muling sumisid. Napakaganda ng spot na napuntahan niya, kitang-kita ang mga maliliit na isda na nagkakagulo dahil sa intruder sa mundo ng mga ito. Sayang at wala siyang dalang snorkels at goggles. Mas masaya sanang sumisid kung may gamit.

Pero natapos din kaagad ang kaligayahan niya dahil iniahon na siya ni Craven.

“Scarlet who?” Bigla ang pagbaling ni Craven sa tubig.

Mula sa kinaroroonan nilang bangka ay kita pa ang mga coral reefs na nasa ilalim ng dagat pati ang mga isdang naglalangoy. Napakalinaw ng tubig.

Napakaganda! Gusto niyang tumalon na naman at sumisid.

“Iyong alaga kong isda. Hindi ko na nga makita.” Natawa siya sa sarili habang nakatitig sa tubig. “Magagalit si Hunter kapag nalaman niyang pinakawalan ko na ang isdang niregalo niya sa akin.”

MATIIM na nakatitig si Craven sa dalagang payapa at kontentong nakamasid sa tubig. Gusto niya sanang itanong kung sino ba si Hunter na nagregalo rito ng isda, pero natakot siyang baka hindi niya magustuhan ang magiging sagot ni Hannah.

Argh! What in the world is this? This woman was bringing up the feeling he never thought he was capable to feel.

Hindi pa siya nakadama ng ganoon katinding takot nang hindi niya makita sa ilalim ng dagat ang dalaga. Takot na baka nalunod na ito at lumubog pailalim. Takot na baka hindi niya ito masagip at madala sa baybayin ng ligtas at walang pinsala.

At higit sa lahat, he never ever felt that intense desire of saving and protecting someone. Sa babaeng ito lamang. What did she had that bring those feelings out from him? Bakit bigla ay itinalaga na yata niya ang sarili na maging tagapagligtas nito?

Dahil ang babaeng iyan ay hindi nag-iisip. Libangan na yata niya ang sumugod sa kapahamakan.

Iyon ang idinahilan ni Craven sa sarili. Pero bakit ba pati sa sarili ay kailangan niyang magdahilan?

“But you know, I didn't regret unleashing Scarlet and let her live to her real world, freely. Here, in the ocean.”

She looked up at him with her smile so tenderly. At ang ngiting iyon na yata ang pinakamagandang ngiti na nakita ni Craven. It was full of warm and love.

“I am so proud of myself, Craven. Ain't I'm awesome?” She giggled at him.

Sa halip na mayamot sa kawalan nito ng pakialam sa kamuntik nitong kapahamakan ay na-amused pa siya sa inasal ng dalaga.

She really is something.

“Let's go. Kawawa na si Volt, nilalamig na doon sa kakahintay sa atin.” Nasabi nalang niya at sinimulang sumagwan.

Nakita niyang nanilos ang nguso ni Hannah.

“Sabihin mo muna, that I am awesome.”

“I am awesome.” Bigla ay naisip niyang asarin ito kaysa sakyan ang kalokohan ng dalaga.

“Nah! You know what I mean. Sabihin mo na kasi!”

“I already said it.” pigil ang ngiting tugon ni Craven.

“Iba 'yong sinabi mo.” Pumadyak pa si Hannah. Tuluyan na siyang nangiti saka sumagwan papuntang baybayin.

“Nah.” He smirks. “I am awesome.”

“Fine, 'You're awesome.' nalang.”

“Yes, I know I am awesome.” He grinned at her.

“Craven naman!”

Humahalakhak na siya habang sumasagwan. He never enjoyed teasing and annoying someone just like this. Just like how he does with Hannah. Ang babaeng ito. May kakayahan talaga itong pagaanin ang sitwasyon at mga bagay-bagay ng walang kahirap-hirap. She was so carefree and jolly. At hindi man plinano ay nahahawa siya rito.

Hanggang sa makarating sila sa dalampasigan ay nangungulit pa din ang dalaga. And he never gave up annoying her. It feels good and refreshing. Hindi lang pala lugar ang nakaka-refresh. Pati din ang taong pwedeng makasama sa lugar na iyon.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free