
Summary
Right from that day ay nagulo na ang plano sa buhay ni Craven. Dahil hindi niya matiis si Hannah. Goodness! Hannah is a ...
CHAPTER 1
PAPATAWID ang motorbike ni Hannah nang isang itim na sasakyan mula sa private road ang bigla ring lumitaw sa daraanan niya. Maigi nalang at mabilis siyang nakapagpreno. Kundi ay malamang na pinaglalamayan na siya mamaya.
At sa pagkayamot niya ay ito pa ang may ganang bumusina sa kanya na para bang kasalanan niyang muntik itong makasagasa.
Lintik na 'yon! Ni hindi man lang nagbukas ng car window at humingi ng sorry. Porke ba private road papuntang Bachelor ranch ang dinaanan nito ay abswelto na ang sinumang nagmamaneho?
Mula sa suot na helmet ay pinakatitigan ni Hannah ang plate number at brand ng sasakyan. Mukhang latest model ng Toyota. Bagong-bago, kumikinang sa pagkabago. At hindi bagay sa rough road na iyon ng kanilang lugar. Pang hi-way lang iyon. Kumbaga, pamporma. Kung mga dalawang linggo iyong gagamitin sa kalsadang meron ang lugar nila roon, malamang sa malamang, mapudpod agad ang gulong ng sasakyan.
“Ang bastos rin no'n ah? Kamuntik ka na niyang mabunggo, Bubbles. Hindi man lang nagsorry.” Nakasimangot na pagkausap niya sa sarili--este, sa kanyang motorbike.
Kung hindi ba naman siya may sapi at kalahati, lahat ng bagay na mahal ni Hannah ay binibigyan niya ng pangalan. Ang kanyang laptop, ang kanyang mga cute na cellphone cases, ang mga sneakers na naging collections na yata sa dami at halos punuin na ang kanyang wardrobe sa Maynila. At ngayon, ang kanyang Honda CRF 450 na iniorder niya online. Inaasahan na niyang susugod ang ama sa katapusan ng buwan dahil sa malaking bayarin ng credit card niya.
Hindi naman talaga siya mahilig sa pangkarerang motor. Pero nalaman niya kasing kinahihiligan ni Dmitri ang motocross, lately. At naiirita siyang makita ang mga sexy na babaeng marunong mangarera at parati nalang nakapulupot sa binata.
Oh, speaking of Dmitri. Napalingon siya sa private road na pinanggalingan ng 'hayup sa kinang' na sasakyan. Malamang na sa rancho galing iyon. Siguro ay bisita nina Dmitri. Naintriga tuloy si Hannah. Ayon sa mga katulong, dumalaw-hindi roon ang magkakapatid na Bachelor. Abala kasi ang mga iyon sa pag-aasikaso ng kanya-kanyang nakatokang negosyo. Sa yaman ng mga Bachelor, na nababalitang nabibilang sa listahan ng pinakamayayamang pamilya sa buong mundo, ipinagtataka ni Hannah kung paanong napapagkasya ng mga iyon ang oras sa pagma-manage ng mga businesses at sa paggasta ng pera ng mga ito.
“Oh, well, whatever.” Kibit-balikat ng dalaga.
Bakit ba kailangan pa niyang isipin iyon? Ang mahalaga, si Dmitri ang namamahala sa rancho ng pamilya ng mga ito at nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang binata. Ipinagpapasalamat niyang itinapon siya ng ama roon sa probinsya nila. Doon sa Palawan, sa pangangalaga ng kanyang Tito Gab, kapatid ng ama, para makapag-isip at magsisi sa mga katarantaduhan niya sa buhay.
Lahat na yata ng kalokohan ay nagawa na niya. Skipping classes. Hang out with barkada. Party and drinks. Drag racing. Ang hindi lang ay paggamit ng droga. Na kahit naman nag-quit siyang maging mabuting anak ay hindi niya naisip na gumamit ng drugs para sirain ang buhay. Gusto niya lang talagang maging pasaway. Kung hindi siya kayang patawarin ng ama sa kasalanang hindi naman siya ang responsable, then she will push him to hate her more. Tutal ay kahit anong gawin niya, hindi naman ito magbabago ng pakikitungo sa kanya.
She better do what is easier.
But then, nitong bakasyon ay mukhang napuno na ang ama kay Hannah. Inakala kasi nito na gagraduate na siya sa kursong Tourism na personal choice, pero nadismaya na kulang pa pala siya ng isang semester. Dahil hindi na nga siya pumapasok nitong huling semester at bumabarkada nalang. Kaya nang malaman ay abot-langit ang galit nito sa kanya. Itinapon siya nito sa poder ng kapatid nito roon sa Palawan para daw makapag-isip at magtino siya.
Na hindi din naman nangyaring magsisi siya at magmakaawa sa ama na ibalik na siya sa siyudad. In fact, mas na-enjoy nga niya dahil nakatagpo siya ng gwapong haciendero sa katauhan ni Dmitri. Besides, mas dama niya ang existence kapag nasa villa ng mga Gallegos. Masusungit man ang mga pinsang sina Arren at Nhile pero spoiled pa rin siya sa mga ito. Suportado siya ng mga ito sa anumang gusto. Para tuloy siyang nakatagpo ng dalawang nilalang na katulad ng kakambal na si Hunter.
Ah! Dmitri was a lot like her twin and her cousins. Ang pagkakaiba lang, he seems like a hard man. Exactly what she likes.
She was a sucker of a rough and hard man. Ewan ba. Mas attractive para sa kanya ang masusungit at ruggedly handsome. Siguro dahil lumaki siyang dalawang rude na lalaki ang kasa-kasama sa buhay.
Minsang hiniram ng dalaga ang kabayo ng pinsang si Nhile at nagliliwaliw sa paligid, naabutan niya si Dmitri na nanghuhuli ng nagwawalang baka, kasama ng mga tauhan nito sa rancho.
At ganoon nalang ang kanyang paghanga sa binata nang sa mismong mga mata niya ay nakita kung paanong madali nitong naitumba ang bakang halos magpahapo sa mga kalalakihan sa rancho. Napag-alaman niya noong araw din na iyon na ilang oras nang hinahabol ng mga ranchero ang wild na baka at nakalabas na ng rancho ay di pa din nahuli. Pero nang hingin na ang tulong ng amo na si Dmitri, walang labinlimang minuto at naikwadra ang wild na baka.
From then, gumawa na siya ng paraan para makaharap ang lalaki. Ilang beses siyang sumama kay Nhile na kaibigan ni Dmitri, papasok sa rancho at kinulit na ipakilala siya nito sa lalaki.
At dahil totoo ang kasabihang: "Kapag may tiyaga, may nilaga." Ayan. Paluto na ang kanyang nilagang Oplan, Befriending Dmitri. Naging feeling close na siya sa binata dahil na din sa pagsama-sama sa pinsan kapag pumupunta ito ng rancho.
Ang gusto niya lang ikainis ngayon ay kung bakit ba inakay-akay pa ni Nhile si Dmitri sa pagmo-motocross. Nadagdagan tuloy ang mga karibal niyang mga babae.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hannah at pinaandar na ulit ang motorbike. Saka tinumbok ang private road papunta sa rancho. May practice ngayon sina Dmitri pero hindi ito dumating. At kung ayaw pumunta ni Moses sa bundok, e'di ang bundok nalang ang lalapit rito.
“HEY, HANNAH!”
Parang si Hannah pa ang nahiyang dumeretso nang mapansin na abala ang lahat ng tao sa rancho. May mga umuusok na kawa sa likurang bahagi ng malaking villa.
“May okasyon ba? Mukhang busy kayo. Pasensiya na, hindi ko alam.” Nahihiyang sabi niya.
Inalalayan siya ni Dmitri na makababa ng motorbike. “Biglaan ang dating ng isa sa mga kapatid ko. Dito muna daw siya maglalagi, for a mean while. Anyway, what brought you here? Magtatanghali na, kasikatan ng araw. Ang init pa.”
Ano pa ang idadahilan niya sa biglaang pagsulpot ganitong nakikita na niya ang sagot sa kanyang tanong?
“Eh kasi, hindi ka nagpunta sa practice.”
Dmitri smiled at her. Ang napakagwapong ngiti na parating gusto niyang nakikita.
“Yeah. Tumawag ako kay Nhile. Hindi ba niya nasabi sayo?”
Iling ang sagot ni Hannah. Gumawa na rin siya ng mental note na sasapakin ang pinsan pag-uwi. Kung sinabi lang sa kanya ni Nhile, e'di hindi na sana siya sumugod roon. Nakakahiya tuloy. Busy pala si Dmitri.
“Halika muna sa loob. Dito ka na magtanghalian. May pool party nga pala mamayang gabi. A welcome party para sa kapatid ko. Pumunta kayo nina Nhile ha? Pati si Aren.” Ang tinutukoy nito ay ang kapatid ni Nhile. “Ipapakilala ko kayong mga kaibigan ko sa kanya. Mukhang magtatagal siya dito, maiging may kilala na siyang taga labas ng rancho.”
Sa bahagi ng salitang kaibigan ay lihim na napangiwi si Hannah. Oo at ang initial intention niya ng pakikipaglapit rito ay pakikipagkaibigan. Pero kasi, crush niya din ito e. Since magkaibigan na sila ngayon, wala bang chance na tumawid sa next level?
“Ah, no. 'Wag nalang. Uuwi nalang ako.” tanggi ng dalaga.
“Ha?” Nag-arkuhan ang mga kilay ni Dmitri. “Almost lunch na. Dito ka na kumain.”
“Hindi na. 'Di ba may pool party? Babalik nalang ako mamaya.” Sumakay siya ulit sa motorbike. “I'll see you later.”
Maghahanap pa ako ng sexy na swimsuit sa mga bagahe ko. Mahirap nang matalbugan ako ng iba pang babaeng bisita mo.
Gusto niyang idugsong pero minabuting sarilinin nalang.
“Oh, if that's the case, then I'll throw you home. Hintayin mo ako. Kunin ko lang ang bike ko.”
Nagmamadaling lumayas sa harapan niya si Dmitri. And if there's so many things she likes about the guy, then his being gentleman is one of those.
“Karera tayo hanggang sa inyo?”
Napangiti si Hannah habang nakikita ang excitement sa gwapong mukha ng kaibigang akay ang motorbike palapit sa kanya.
“Sa rough terrain tayo dadaan?”
“Call.”
“Eh, anong price ko kapag nanalo ako?”
“Ipapakilala kita sa kapatid ko.”
Napalis ang ngiti ni Hannah sa sagot na iyon ni Dmitri. “Eh 'di ba ipapakilala mo naman kaming lahat?” Napasimangot na siya.
“Ipapakilala and more...” Sinundan nito ng kindat.
Muli siyang napasimangot. Naiintindihan na niya ang ibigsabihin nito. Ima-match-make siya sa kapatid.
No! Ayoko sa ibang lalaki. Ikaw nga ang gusto ko eh.
“Gwapo rin iyon. Mas gwapo nga lang ako.” dagdag pa nito na nakatawa. “So, tara na? Bibigyan kita ng partida.” At pinaingay ang makina ng motorbike nito.
“Teka. Paano kung ikaw ang manalo?” Bigla niyang naitanong.
“Then you'll kiss me.”
Nagliwanag nang bigla ang mukha ni Hannah. Parang gusto nalang niyang magpatalo.
UMAARANGKADA ang mga pangarerang motorbike. Kung si Craven ay hinay-hinay sa pagda-drive ng kanyang kotse, ang mga nangangarera naman ay parang mga hinahabol ng isang batalyong demonyo. Maingay ang mga tambutso. Dinig na dinig niya dahil binuksan niya ang windshield ng sasakyan at pinatay ang car aircon. He just missed the fresh air from the countryside and wanted to enjoy the breeze from this province. Pero mukhang hindi mangyayari dahil may dala-dalang ipu-ipo ng alikabok ang mga nangangarera. Dali-daling isinara ni Craven ang windshield sa driver side kasabay ng pagsimangot. Dahil sa mga nangangarera, masisira pa ang momentum niya. Napakatagal na noong huli siyang makadalaw sa rancho. Tuwing quarterly business meeting lang siya nakakauwi ng Palawan. At doon pa sa kabilang isla, sa Bachelor Hub. Doon kasi nila ginaganap ang mga meetings nila. At siyempre kasama na din ang pag-a-unwind.
The last time he had been in the ranch was when his grandfather died.
The ranch was so peaceful and so refreshing. Kaya hindi niya masisi na hindi na gustong umalis ng kapatid niyang si Dmitri sa rancho.
Mula pagkabata si Dmitri at siya ang malapit sa mga farm animals. Nakita siguro iyon ng kanilang mga magulang. Dangan at mas gusto niya ang mag-explore sa mundo kaya si Dmitri ang pinamahala ng mga magulang sa rancho. Kung saan-saang lugar siya nagpupunta para sa pagpapalago niya ng kaalaman patungkol sa mga hayop. Gusto kasi niyang maging magaling na doktor ng mga hayop. At kasabay ng pag-aaral ang panggagamot na rin.
Their father known to be domineering, arrogant, bossy and a control freak. Pero wala itong nagawa nang piliin niya ang maging beterinaryo. At siguro, ramdam na din ng ama nila na wala itong mapapala sa kanya kung pagdating sa larangan ng pagnenegosyo. Kaya ang ibang mga kapatid nalang nila ang binubuliglig nito.
Good for him. Hindi siya mabibilang sa mga nape-pressure ng ama dahil parati siyang hindi mahagilap. And because he was a private person, hindi din siya tulad ng ibang mga kapatid na laging laman ng mga balita at magazines. Na ipinagpapasalamat naman niya. All he wanted was a peaceful, private life.
Craven had been in different forests and caves in different countries and made himself familiarize in different species of wildlifes. Until...
Until he found love and lost himself. Ah, ayaw na niyang balikan ang bawat detalye. Gusto na niya ng katahimikan, matapos matuldukan ang lahat sa pagitan nila ni Kai.
At ngayong kailangan niya ng kapayapaan, ang rancho ang una niyang naisip. Bukod sa makukuha niya ang katahimikan ay hindi naman niya mabubulok ang kaalamang maraming taon niyang isinabuhay.
But where is peace in here, kung dalawang nangangarera na may dala-dalang ingay at alikabok ang makakasalubong niya sa araw-araw?
Jeez!
Di bale na nga. Hindi naman ito ang huling araw niya rito. Infact, it's just his first day. Babawiin nalang niya sa mga susunod na mga araw ang naudlot na pag-eenjoy sa sariwang hangin ng probinsya.
“Aish!”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Craven at binagalan ang pagmamaneho. Baka pagparampahan pa siya ng mga motorcycle racers kapag na-trip-an siya ng mga ito. If he hadn't known better, the dangerous it is, the funny and adventurous for them.
“'Yong Oakley nalang sana ang dinala kong sasakyan.” Nasabi ng binata sa sarili habang nasa isip ang off-road na sasakyan.
Ang buong akala naman kasi niya ay maayos na ang mga daan sa komunidad na iyon. Ano ang ginagawa ng limpak-limpak na salapi ng pamilya niya at hindi naipaayos ang mga kalsada ng komunidad?
Humanda na si Craven sa alikabok na isasaboy ng mga nangangarera pero sa pagkagulat niya ay huminto ang mga ito sa tapat ng isang villa na napipinturahan ng itim at puti. Nag-alis ng helmet ang isa, iyong nahuhuli. Naipreno tuloy niya ang sasakyan.
And right from his very eyes, a sexy, slim and maybe a five-feet, seven inches tall woman just get off from her CRF 450. The woman had this soft and angelic kind of a face. Tipo ng ganda na hindi mo aakalaing magpapaharurot ng ganoon kawalang-ingat sa isang motorsiklo. Kung hindi niya nakita na ito ang bumaba sa motorsiklo na kita niyang halos lumipad sa bilis, hindi niya papaniwalaang ito ang sakay noon.
The pretty woman was smiling from ear to ear at hindi niya mapigil ang paghanga. Not just because she was pretty but there was something in her smile that caught him, stirs something from his insides.
She was some kind of a cool woman. Even in distance she was noticeable. Ang bawat galaw ng mga braso nito ay hindi niya maiwasang hindi sundan. Kahit pa ang malamyos na paglipad ng dark brown na buhok nito. He likes black-haired woman with intense eyes. But this one, who perfectly framed her beautiful face with her wavy dark brown long hair and accentuated her gaily warm brown eyes was really something. He had seen such beauties. Most were latina beauties, just like her. Pero iba ang hatak ng isang ito.
Maybe, because of her gaily brown eyes that smiles whenever her lips did. At nang tumawid ang mga paningin nito sa kung saan ay sinundan ni Craven ang tinitingnan ng babae. Muli, gusto niyang mapanganga. Si Dmitri ang kasama nitong magkarera? Magkaibigan ba ang dalawa? Co-racers?
He never knew that his brother loves motorcycle race. Dahil noon pa man ay kabayo ang ginagamit nila kapag nagkakarera.
Nasagot ang tanong ni Craven nang nagtatawang lumapit si Dmitri sa babae. Itinuturo ang pisngi. Na bigla ring hinalikan ng babae kasabay ng isang malawak na ngiti.
They were lovers. That's the first thing that occurred in his mind habang pinapanood ang dalawa.
At saan nanggagaling ang pakiramdam na gusto niyang manghinayang?
Come on, Craven Beaumont Bachelor! Gusto mo na naman ba ng panibagong problema sa buhay?
Iritadong nagbuntong-hininga ang binata. Right! Women were just pain in the neck!
Nang mapansin na nagpapaalaman na ang dalawa at umalis na din ang kapatid ay saka siya nagmaneho ulit. Mas mabilis na kumpara sa kanina. Pero nang matapat sa babaeng hinahabol pa ng tingin ang papalayong si Dmitri, ewan ba at pinabagalan niya ang pagtakbo ng sasakyan. Heavily tinted ang sasakyan kaya kahit pagmasdan niya ang magandang babae ay hindi na nito mapapansin.
Darn thing! Why, he can't keep his eyes off her?
Maybe, because she was that beautiful. A beauty that was hardly defined. Or maybe because, he felt, there was something in her smile. Something he can't figure out. Basta ang alam niya, gusto niya ang ngiti nito.
And why the violent beating sound inside his chest?
Nah! I am getting crazy!
Mabilis na pinaharurot ng binata paalis ang sasakyan. Bahala nang mapudpod ang gulong. Gusto lang niyang makalayo sa lahat ng pwedeng magdala ng gulo sa buhay niya. Gusto niya ng katahimikan.
“WHAT are you wearing, Hannah?” Nakaigkas ang kilay ng pinsang si Aren nang bumaba siya sa mataas na hagdanan ng bahay ng mga ito.
Nasa entertainment room ang mga oldies. At tutal ay kasama ang mga pinsan kaya pinayagan na din si Hannah na sumama sa pool party sa rancho.
“What's wrong with my outfit?”
Pinasadahan ng tingin ni Hannah ang sarili. Denim shorts na halos hanggang singit na yata sa igsi. Sa ilalim noon ang kanyang black two piece swimsuit. Sa pang-itaas ay women's long sleeve polo na kulay puti. Hindi niya ibinutones, sa halip ay itinali lang ang mga dulo sa ibabaw ng pusod. Habang ang mga manggas ay nakalilis hanggang siko. She looks so sexy and alluring. Ewan lang kung hindi lumuwa ang mga mata ni Dmitri mamaya.
“Go upstairs and change. Ang lamig-lamig, nakaganyan ka lang?” Nagsasalubong ang mga kilay ni Aren habang pinapasadahan siya ng tingin, pataas at pababa ng ilang ulit.
She shrugged him off. “May I remind you na pool party ang pupuntahan natin hindi debu or some kind of a formal evening party. Alangan mag-gown ako?”
Nagtiim-bagang si Aren. Tanda na seryoso ito sa pagsita sa kanya. At bahagya ding kinabahan ang dalaga. Paano kung topakin ang pinsan at hindi na siya isama?
Oh, noes! Masisira ang kanyang malaanghel na plano!
“And may I remind you too, na nasa talyer ang kaisa-isang off-road car natin. You have no choice but to ride with my new buddy. And it's sure will be a long cold ride ahead.” Nakaigkas ang isang gilid ng mga labi nito sa paraang hinahamon siya.
Nang dumating si Bubbles roon, ngali-ngaling ipabalik iyon ng kanyang Tita Isabel. Kababae niya raw tao ay nahihilig siya sa ganoong sports. Napapayag lang ang ginang na huwag isoli nang ipagsanggalang siya ng mga pinsan sa ina ng mga ito. Sa kondisyon na hindi niya iyon sasakyan kapag madilim na. At hindi din siya sasali sa pagkakarera o motocross. Para iwas disgrasya. Na madalas din namang hindi niya nagagawa. Dahil sa pang-i-spoiled ng mga pinsan.
And she knew whose buddy Aren's talking about. His Harley Davidson Iron 883. Na milyones ang halaga at kailan lang nito binili. Isa rin itong motorcycle addict. Pero ang Iron 883 ang pinakamahal na investment nito sa ngayon. Ano'ng malay niya kung bigla na namang may dumating na another model or edition ng mamahaling motorsiklo?
“So, climb up and change. At gusto ko din palang sabihin na hindi lang tayo ang nasa party. Magsisidatingan ang iba pang co-riders na galing pa sa Maynila. Ayokong makagawa ng gulo kapag nakita kong pinagpipyestahan ka nila...”
Kusang nahinto sa pagsasalita si Aren nang makitang sa mismong harapan nito ay nagbutones siya ng suot. Inalis niya rin ang buhol ng polo. Ibinaba ang mga manggas at saka hinarap ang pinsan.
“I'm all done. Let's go!”
At nagpatiuna si Hannah sa paglabas ng malaking bahay. Halos takbuhin niya ang pinto para makaiwas sa pagsesermon ng pinsan.
“You! Little cheat, come back here!” Sumisigaw na sabi ni Aren habang hinahabol siya palabas ng bahay.
Sakto namang dumaan na si Nhile sakay ng Fatboy S nito. Pinara niya iyon at mabilis na umangkas.
“Mauna na kami. See you at the ranch, Aren.”
At nang-aasar na sumaludo pa siya sa nagtatagis ang mga bagang na binata. Ang lakas ng tawa niya habang humaharurot sila ni Nhile.
“Ano na namang ginawa mo kay Aren at nagagalit ng ganoon?”
Tinampal niya sa braso si Nhile. Hindi nito tinatawag na Kuya ang kapatid tutal ay isang taon lang naman daw ang pagitan.
“He doesn't like my outfit.” natatawang sabi ng dalaga sa pinsan.
“Hmm. Aren was kind of conservative. But I must approved your outfit too, first. Or else, you'll end up not dipping at the pool.”
Napasimangot siya sa bagay na iyon. Bukod sa hilig sa motorsiklo, ang isa pang pagkakatulad ng magkapatid ay ang pagiging overprotective ng mga ito sa mga babae ng pamilya. Lalo pa nga at nasa pangangalaga siya ng mga ito. Dinaig pa nina Nhile at Aren ang protectiveness ng tunay niyang kapatid.
“Dapat ba, nagbaon ako ng iba pang pares ng swimsuit? O nagpajama nalang ako?” nakasimangot na angal naman ni Hannah.
“Dapat na sumunod ka nalang sa sinabi ni Aren. You know we agreed in that aspect. No more showing of too much skin for you, Hannah, sweety.”
She pouted.
“E'di sana sinabi niyo na mag-gown ako. Closed-neck pa. So they won't see my beautiful skin.” sarkastikong sagot niya na ikinahalakhak ng pinsan at mas pinabilis pa ang patakbo sa tahimik na kalsada. Sandali lang at naririnig na nila ang Iron 883 ni Aren sa likuran nila.
