Matagal na panahon kong hindi nakita si Frosto. Dahil sa aking pagkakagulat ay tumagal ang aking tingin sa kanya. Nang makahuma ay umiwas ako nang maunang lumabas si Faustino. Mabibigat ang mga yapak nito.
Nginisihan naman ako ni Austin at nanunuot sa aking kaluluwa dahil sa asiwa ko ay pumasok na ako ng tuluyan sa elevator pero naiwan doon si Frosto.
Nanatili ang tingin nito sa akin. Hindi ko inaasahan na maraming nagbago sa kanya. Ilang taon na ba silang dalawa ni Faustino? Thirty? Thirty one? Habang ako ay mag bibente uno palang.
"Frost..." nakapamulsa si Faustino nang sambitin niya iyon. Nakatalikod man ay maawtoridad parin ang kanyang tindig.
Umiwas si Frosto at umalis. Nanginginig akong pinindot ang elevator at parang nawalan ng lakas ng sumara ito.
Para sa akin parang hindi na magiging payapa itong pagtrabaho ko dito sa South Gate Inn dahil sa nagkalat tungkol sa akin. Maging 'yung nagsusubok na manligaw ay naging aggresibo.
Alas otso nang gabi nang mag pack up na kami para makauwi. Siniko ako ni Marga.
"Hmm?" Nilingon ko siya.
"Kanina kapa tinitingnan ni Ryan oh."
Tinitigan ko rin si Ryan. Umiwas ito at nagmop ng sahig. Isa siya sa mga janitor dito sa hotel.
"Hindi naman siguro ako."
Umiling si Marga. "Hay nako. Hindi raw? Alam mo tingin ko kaya marami tayong reservations na puro lalaki naman ay dahil sayo! Kung makapag pila dito e' ikaw naman ang tinititigan e."
"Hindi! Baka ikaw!"
Nagbiruan pa kami ni Marga doon hanggang sa dumating na ang papalit sa amin. Tinungo ko ang locker namin. Nauna na si Marga na umuwi.
Ang iba ay nag uusapan pa sa bulwagan ng hotel.
Madilim banda rito. Dahil sa pagod ko hindi na ako naligo. Kinuha ko nalang ang ibang personal na gamit at nilagay sa bag bago umalis. Papaliko na ako sa pasilyo nang makita kong may anino.
Nangunot ang aking noo at nagpatuloy sa paglalakad. Baka mga kasamahan ko lang dito.
Dahan dahan akong naglakad upang hindi marinig ang takong ng aking sandal. Doon ko nakita sa dilim si Jezia at Ryan ag nakahubad. Nanlaki ang aking mata nang makitang nakapatong si Jezia kay Ryan!
Umiwas ako at nanlamig sa aking nakita. Gusto kong magmura ng sobra. Bakit ko pa kailangan makakita ng mga ganon? Hay.
Hindi ko iyon ginawang big deal. Si Ryan ay may mukha naman at may katawan rin kaya siguro nahulog ang loob ni Jezia.
Nang makalabas ako ay nakita ko pang naging alerto ang mga trysikel driver na nakaabang sa labas. Nagulat ako doon.
"Diri ka sakay miss oh!"
Ilang beses ko iyon narinig. Umiling ako at kiming ngumiti doon ko palang napansin ang isang itim na Mustang. Kumalabog ang puso ko. Dahil sa kaba ay pumasok nalang ako doon sa traysikel para makauwi na. Kahit sa pag uwi, nakita kong nakasunod parin ang sasakyan ni Faustino. Tila alam na alam niya ang daan! Ni hindi siya nag over take o ano! Nakasunod lang siya sa sinasakyan ko!
Nang makapasok sa bahay ay tsaka palang ako nakahinga ng maayos. Bumungad rin sa akin ang mag aayos na si Vicco. Nangunot ang aking noo.
"Vic...uuwi ka? Gabi na ah." Pinagmasdan ko siyang nag aayos ng damit niya sa maleta. Nanginginig ang aking kaibigan at panay ang buhos ng luha.
"V-Vic.."
"Ava.." nanghihina siyang tinitigan rin ako.
Tumabi ako sa kanya. "Bakit? Bakit ka umiiyak?"
Umiling siya. "S-Si Chelsea.."
"Oh? May sinabi ba siya? Anong sabi niya?"
"Patay na siya. Ava...wala na ang kaibigan natin.."
Natulala ako. Hindi ko iyon maisiksik sa aking isipan.
"T-Teka...Vic.."
"Hindi ka kasi nagfifacebook e. Ava, maraming kaganapan na hindi mo nalaman ng umalis ka ng Manila. Marahil na nag uusap man sila dito ni Kris pero-"
"Si Kris? Pano si Kris?"
Pumikit ng mariin si Vicco. Malaki siyang bakla pero ngayong tinititigan ko syang lumuluha ay nakakaawa.
"Si Kris ang pumatay kay Chelsea....I-Inamin niya mismo sa interview.N-Nadakip na si Kris ng mga pulis."
Panay ang hikbi niya ng sinasabi iyon. Nasapo ko ang bibig at hindi makapaniwala.
Parang hindi ko kayang isipin ang katotohanan na kahit kaibigan mo ay kaya kang patayin.
"Oh m-my god.." Napahilamos ako ng mukha.
Nang gabing iyon ay nagdesisyon akong uuwi rin ng Manila pero sa day off ko pa. Gusto kong malaman ang lahat.
Ayon kay Vicco ay noon niya pa napapansin ang matalim na tingin ni Kris kay Chelsea. Binalewala niya iyon hanggang sa narinig niya minsan na nag away si Chelsea at Kris sa bar tungkol sa isang lalaki.
Nakakapangilabot.
Maraming plano ang nabuo sa aking isipan ng gabing iyon. Uuwi ako ng Manila at pupuntahan ang anak ko.
Halos wala akong tulog at napaginipan ko pa si Chelsea ng gabing iyon. Namumugto rin ang aking mga mata kinaumagahan.
Nadudurog ang puso ko sa mga nangyari. Bakit ganon ka lupit?
Nakaayos man ako pero halata parin ang namumugto kong mata. Sa labasan ng South Gate Inn ay may nagtitindang mga hindi kalakihang teddy bear na kulay pink.
Naalala ko si Ginger. Her orange hair and bunny smile. Napangiti ako. Nilapitan ko ang nagtitinda.
"Pabili manong! Itong kulay pink!"
Nagbayad ako ng 255 pesos at tinitigan ng ilang sandali iyong teddy bear. Huli na natanto ko na ang Mustang ni Faustino ay nasa gilid lang namin at nandoon siya!
Mabilis kong tinago ang teddy bear kahit alam kong nakita na niya iyon! Halos mawalan ako ng hininga.
Pinagpapawisan akong kumilos para malagay sa locker ang gamit ko. Pagkaupo ko sa reception ay may kape na doon sa aking mesa.
"Si Sir Austin Cojuanco ang nagbigay. Hinanap ka kanina pero sabi ko nasa locker pa. Grabe ang ganda ng ngiti nun. Matagal na naming alam na may gusto iyon saiyo." aniya ni Marga sakin.
Halos hindi ako makangiti ng maayos. Habang nasa trabaho ay hindi ko maiwasan ang ikwento iyon kay Marga. Kahit siya ay nanenerbiyos sa sinapit ng kaibigan ko.
"Grabe na talaga mga babae ngayon...kayang pumatay para lang sa lalaki! Paano kung hindi la naman gusto ng lalaki kundi useless ang pagpatay mo! Hay! Grabe?"
Tama siya.
Ilang sandali pa ay nakita naming pumasok si Faustino. Lahat na nakakasalubong niya ay yumuyuko o binabati siya. Kaya ganon rin ginawa ni Marga. Habang ako ay tahimik lang na yumuko.
"Grabe tinitingnan ka na naman ni Mr. Grey!"
Umiling nalang ako at ngumisi. Kinuha ni Marga ang folder sa aking harapan dahilan na nabuhos ang kape sa aking blazer!
"Hala kagaga sa akon!" aniya sa ilonggo. "S-Sorry! Hindi ko sadya! Ay kahangag sakon ah!"
Tumawa ako. "Magpapalit nalang ako. Meron akong extra sa locker."
Nanlalagkit ako sa blazer na nabuhusan ng kape. Pumasok ako sa elevator at pinindot iyon nang may bigla ring pumasok.
Umawang ang labi ko nang makita si Faustino. Tinikom ko ang bibig at napatingin sa aking blazer na nasa kamay dahil hinubad ko iyon kanina. Halos manlamig ako dahil lumapit siya sa akin.
Napaatras ako sa dingding ng elevator at umiwas. Bawat hakbang niya papunta sa akin ay kumakalabog ang puso ko.
Bawat hakbang niya ay nagpaalala sakin sa mga nakaraang nilimot ko na.
Kusang dumaloy ang aking luha isa isa. Nag iinit ang aking mata sa mga luhang nagbabadya.
"P-Pinilit k-kong lumayo.H-Hindi ko alam n-na ikaw ang may ari nitong H-Hotel.." namamaos ang boses ko. Ang aking kamay ay nanginginig pate ang aking labi.
Alam kong kitang kita niya kung gaano ako natatakot sa presensya niya.
"W-Wala na akong alam na m-mapupuntahan. A-At patawarin niyo ko s-sa nagawa ko kay Genevive.."
Ramdam ko na ang hininga niya sa aking noo. Ang aming paa ay nagtapo na. Napalunok ako. Ayokong titigan ang kanyang mukha.
"Kanino mo ibibigay ang teddy bear hmmm? Kanino.."
Napapikit ako sa tono niyang sobrang diin.