HinovelDownload the book in the application

Chapter 6 Elevator

Halos mag iskandalo si Vicco gabing gabi sa aming bahay nang umuwi ako. Kahit nakajacket ako ni Austin ay parang hubad naman ako sa mga mata niya. Hindi niya ako kinuwestiyon ng gabing iyon pero napuno naman ako ng irap niya at nagbabagang tingin.

Hindi natuloy ang aming lakad dahil sa nangyari.

"Ikaw Ava ha. Ikaw talaga..." gigil si Vicco habang siya ang nagluluto at halos lumipad ang kawali sa kanyang kakaluto. Bawat hampas ng hawak niyang palayok ay nag iingay iyon.

Pumikit ako at uminom sa kape. Kahit mainit iyon hindi ko iyon dinamdam.

"Ablam ko na ang nangyari kagabi at si Austin ang naghatid? Ano yon? Sira ang harapan ng sasakyan?! Ganon siya kalakas bumayo saiyo ha? Makati ka! Makati!" Namaywang siya sa aking harapan.

"Pag ikaw umiyak na naman at nabuntis sa ibang lalaki wag kang umiyak iyak ulit sa harapan namin ha! Ako mismo gugupit ng buhok mo habang nagsasayaw ng "How you like that!"

Tumawa ako nang malakas sa mga narinig kay Vicco.

"Vicco, alam ko ang ginagawa ko.."

"Alam?!" umupo siya sa aking harapan. "Are you sure? Nung una pinalampas pa namin at baka malaman to ng mother earth mo susugurin ka nun' dito! May anak ka Ava!"

"Alam ko Vicco." sumuko na ako kakarason. Hindi ko na dapat pa ipaliwanag.

Kumain na ako bago pa ako malate sa trabaho. Kagabi bago ako natulog ay tinanong ko si nanay kung tungkol sa ano ang kanyang itinawag. Ang sabi niya, wala naman raw. Nagtaka lang siya na hindi ko nasagot agad lalo na't hindi niya alam na nagsimula na ako sa trabaho.

Papalabas na ako sa aming bahay nang matanaw ko ang kotse sa hindi kalayuan. Nakita ko doon si Austin na nakatayo. Nanuyo ang lalamunan ko. Nakita kong nilapitan siya ni Aling Pena at may inabot sa kanyang kakanin.

"Oh, Ava papasok kana? Pwede kang sumakay dito kay Austin!"

Nanunuot sa aking balat ang titig nito at nang magtama ang aming mata umiwas ako.

"Uh, may pamasahe naman po ako papasok."

Tumawa nang malakas si Aling Pena. "Naku, alam na alam ko na nahihiya ka Ava pero alam mo ba na doon rin ang tungo ni Austin kaya sumakay kana. Mabait yan."

Kumurap kurap ako at tiningnan ang kotse ni Austin. Bago na ito at wala na yung kagabing Aston Martin niya.

Hindi na ako nakatanggi nang si Austin na mismo ang nagsalita.

"I'm sorry kagabi.." patiuna ko. Hindi ito sumagot at tumango lang. Tinitigan ko nang mabuti ang tattoo niya sa braso na kitang kita dahil hindi mahaba ang manggas ng kanyang t shirt. Minemorize ko iyon ng mabuti.

"So, you're friend with Faustino and Frosto?"

Hindi ko inaasahan ang kanyang tanong.

"H-Hindi masyado. Uh, kaibigan mo sila?"

"Third cousin."

Napamulagat ako doon. Kaya pala.

Kitang kita ko ang pagbali ng leeg ng mga nakakita sa amin nang pumasok kami. Hindi ko na siya inantay na may sasabihin, nagpasalamat na ako at umalis doon para makapag ayos na sa locker room.

Sa locker room ay nandoon ang mga katulad ko na umaga ang shift. Bale thirty minutes ay kami na papalit. Ang iba ay mga crew, nag aayos ng bed sheet at naglilinis sa loob ng rooms.

Nagbulong bulongan ang mga 'to nang naabutan ko. Umiling ang mga to at mas binabaan pa ang boses. Inayos ko nalang ang gamit ko. Ang iba dito ay hindi ako pinapansin at hinahayaan ko nalang.

"Ava!" Tawag sakin ni Marga. Nalate siya ng ilang minuto at ako ang nauna dito sa reception area. Nag eencode ang nang reservations.

"Oh.."

"Pinag uusapan ka ng ibang kasamahan natin."

Ngumuso ako. "Huh? Ano raw?"

"Narinig ko kanina na ang kaibigan raw ng ate ni Jezia 'yung kasama natin ditong maganda? Galing sa chain ng South Gate Inn sa Bacolod. Sabi niya, pokpok ka raw noon sa Manila."

Napakurap kurap ako.

Grabe ang pakpak ng chismis.Mula Manila hanggang dito sa Negros?

"Uhm..."

"Kung sino sinong lalaki lang raw ang nag aano saiyo. Isa na raw doon si Mr. Grey."

Fuck.

"Pero hindi kita iinsultuhin Ava ha. Narinig ko lang kasi yan kanina. Para naman aware ka at lumayo sa Jezia na yun. Sobrang landi din iyan e."

"Hayaan na natin Marga. Magtrabaho nalang tayo kasi wala tayong sasahurin kung tsismis lang ng tsimis.Wag' tayong tumulad sa kanila."

"Tama! Kalat na kalat rin kasi nung kelan ang pagkabigla mo sa conference room e. Naghinala tuloy ang iba. At alam ko naman na inggit lang yan sila e."

Nagdala na nang baon si Marga sasamahan niya raw akong kumain.

"Miss Pojas." Tinawag ako ng head namin. May binigay siya sa aking iilang papeles. "Pakibigay muna kay Mr. Grey. Papirmahan mo. Nag oobserve siya sa atin at nasa kanya na kung pipirmahan niya ang ating bonus this month."

Nanlaki ang aking mata. Halos hindi ko iyon kunin. Napangisi naman si Marga nang tinanggap ko iyon.

"Oh, baka mabigla ka na naman mamaya at sasabihin mong "Ay tite ni-"

Tinakpan ko ang labi niya. "Marga!" saway ko.

Tinanong ko sa secretary niya dito sa South Gate Inn kung andiyan na si Faustino at sinabing wala pa raw.

Wala pa naman pala. Sumapit ang lunch time at hindi parin ito dumating kaya pinagpasyahan ko na tingnan siya sa kanyang office sa third floor.

Baka umuwi nang Manila? Hindi naman siguro aalis iyon ng walang notice sa amin?

Dala dala ko ang papeles nang sumakay ako sa elevator. Kumatok ako sa kanyang office pero wala ngang tao.

Huminga akong malalim at inayos ang  sarili dahil bahagya akong namawis. Nasa pinakadulo ang office ni Faustino. May dadaanan pa akong iilang kwarto bago makababa sa hagdan. Pwede ring elevator.

Dadaan na sana ako sa isang room nang magbukas iyon at niluwa ang isang babaeng maganda. Nag aayos ito ng damit nang magkatitigan kami.

"Hi!" bati niya sa akin. "I'm Jezia nga pala." ngumiti ito sa akin.

"Hello." kahit nalaman ko ang pang chichismis niya sa akin dito,pinatunguan ko siya ng maganda.

"Alam mo ba kilala ka ng friend ng ate ko? Nakita ka niya dito 'nung first day mo dito."

"Ah mabuti naman," ngumiti ako at umiwas. "Sige aalis na ako."

"Di'ba minsan ka nang kabit?" napatigil ako sa paglalakad. Namaywang ito at hinaplos ang aking buhok.

"Kilala ko si Genevive. You ruined her life, Ava.."

Kinabahan ako. Umiling ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"If you think seseryosohin ka ni sir Faustino...think again Ava. Sasaktan kalang niya ulit."

Hindi na ako lumingon sa sobrang inis. Pinindot ko ang elevator at nang bumukas iyon ay pumasok ako.

Inayos ko ng mabuti ang aking buhok dahil sa inis ko ay pinagpawisan ako. Huli ko na tanto na ang sa loon ng elevator ay sina Frosto ,Faustino, at Austin.

Halos gusto kong kumaripas palabas!

Sa isang elevator na kaming apat ang laman ay nagpagimbal sakin!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free