Ang dami kong gustong isipin! Dumagdag patong sa susunod na araw ay magsisimula na ako sa trabaho! Na assign ako sa bilang receptionist at under observation pa siguro ako. Kasi naman lutang ako nang mga oras na nandoon ako.
Nagpapraning na ako kakaisip lalo na baka balak akong paghigantihan ni Faustino dahil sa mga nagawa ko? Bakit hindi niya ako sinaktan ng makita niya ako?
"Ayan Ava, saktong sakto na iyan sayo!" nilahad sa akin ni Aling Pena ang maayos na pagkakatahi niya sa paldang gagamitin ko para sa pagtrabaho. Kulay black iyon na medyo maiksi.
"Salamat Aling Pena!"
"Mayroon pa ditong tatlo,iba ibang kulay! Tatahiin ko lang muna ha? Di'ba papagaisano kapa?"
Tumango ako. " Opo! Aalis na po ako. Ako na po magluluto ng ulam natin mamaya."
"Wow! Sige ba. Miss narin namin ng asawa ko ang luto mo."
Sila aling Pena ay walang anak. Baog raw ang asawa ni aling Pena at tanggap naman raw nila iyon. Balak raw nilang mag ampon sana kaso dumating ako ,kaya hindi na naituloy.
Isa sila sa mga taong naging sandigan ko noon. Lalo na nang manganak ako at nagising na nasa tabi ko na si nanay. Anim na buwan akong nagpa breast feed kay Ginger nang pilitin ako ni inay mag abroad.
Kinakabahan raw siya para sa amin. Alam ko rin na marami siyang hindi sinasabi.
Hindi ko iyon sinunod hanggang sa nag away kami ni nanay at dinala niya si Ginger. Hanggang ngayon nangungulila parin ako sa anak ko kaya binuhos ko lahat nang atensyon sa pag aaral. Hindi rin umalis sa tabi ko ang mga kaibigan ko.
Malas man ako sa pag ibig pero swerte ako sa mga taong nasa paligid ko.
Pumunta ako sa gaisano para makabili ng heels at blouse. Sa nagdaang taon ay hindi ako naging maarte at hindi binibili ang mga bagay na hindi kailangan. Nag iipon rin ako para sa kinabukasan ni Ginger.
Napapangiti ako sa tuwing maalala ang kanyang kulay ginger na buhok. Nagmana ito sa akin pate ang labi. Pero ang iba lalo na ang mata ay kay Faustino na.
Mukhang kailangan ko narin ng bagong shoulder bag na magagamit ko.
Maraming tao sa loob ng mall. Pumunta ako sa ikatlong palapag at namili doon ng mga blouse na magagamit ko.
Napili ko ang kulay gray at white. Pumili rin ako ng pormal na V neck t shirt at bag. Pumasok ako sa fitting room para isukat kung wasto iyon sa akin.
Naghubad na ako ng pang itaas na damit at halos mapasigaw ng biglang tumalsik ang lock ng pintuan at may pumasok na lalaki.
"Bastos-"
Tinakpan niya ang aking bibig agad. Nakorner ako sa dingding ng kanyang bisig. Hingal na hingal siya tila galing sa pagtakbo.
"Sorry..." kinagat niya ang labi at napatingin sa aking dibdib. Tinakpan ko naman iyon. "May humahabol lang sakin..."
Shit. Bumungad sakin ang matattoong braso ni Austin. Pumikit ako ng maalala ang mga brasong umiigting noong nasa sofa ako at nasa ibabaw ang hindi kilalang lalaki.
Halos mamula ako sa hiya.
"Long time no see.." sarkasmo ang boses niya. Tumango lamang ako at umiwas.
May narinig akong mga babaeng dumaan at puro siya ang bukambibig. Iyon siguro ang pinagtataguan niya.
Dahil masikip ang fitting room ay halos hindi kaming magkasyang dalawa dahil sa katawan niya. Nang makadaan na ang mga babae ay sumilip siya sa itaas.
"Thanks! See you around Ava," makahulugang bitaw nito sa akin.
Napabuga ako sa hangin ng lumabas siya. Bakit ba tinatagpo kami ng lalaking iyon? May espekyulasyon ako na baka sya iyong lalaki sa bar kasi magkatulad na magkatulad sila pero ayokong tanggapin.
May kung ano sa aking loob na hindi iyon tanggap at nakakahiya.
Umuwi ako sa bahay pagkatapos kong bumili ng ulam. Isang trysikel ang aking sinakyan at sa highway ako nito hininto.
"Salamat nong!" ngumiti ako sa driver ng tulungan ako nitong kunin ang pinamili ko.
"Para simo gwapa ah!"
Tumawa nalang ako dahil ilang beses ko na iyong nasakyan at tinawanan nalang.
Inayos ko ang mga pinamili sa aking kamay nang mamataan ang isang kotse. Hilux iyon na itim. Bihira ang mga sasakyan dito pwera nalang kung mga turista at gustong maligo sa dagat.
Kinabahan ako. Nasa sistema ko na yata ang makabahan lalo na kapag naiisip na baka nga pinapasundan ako nila Faustino dito. Alam na nila na andito ako. Ano na ngayon ang gagawin nila sa akin? Ni Genevive?
Papakulong ba nila ako?
Kahit nasa bahay ay kinabahan parin ako sa naisip. Sa loob naman ng ilang taon ay hindi ako nabigyan nang payapang buhay kakaisip.
Kinabukasan maaga akong nagising at nag ayos. Maaga akong hinatiran ni Aling Pena ng ulam at kape.
"Salamat Aling Pena."
"Wala yun! Goodluck sa trabaho ah!"
"Opo!"
Nakalugay lang ang buhok ko na hindi pa nasusuklayan. Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush ako at bumalik sa itaas para kulutin ang dulo ng aking buhok.
Napangiti rin ako nang hawakan ang bago kong bag. Pagkalabas ko sa bahay ay nakita agad ako ni Aling Pena.
"Ay ka guwapa gid ya ah! Daw ato balang mga model kag artista sa abroad bala haw!"
Tumawa lang ako kay aling Pena. Sa daan ay marami nang nakaabang na trysikel driver ulit at halos mag away pa kung sino ang magpapasakay sa akin.
"Hoy! Paghipos kamo kay bana ko ang madul ong sa iya! Kamo karon! May mga asawa na kamo pamuyong itlog niyo da!"
"Aling Pena!" Saway ko kay Aling Pena. Sa huli,asawa ni Aling Pena ang naghatid sa akin sa South Gate Inn.
"Salamat!"
Pumasok ako sa South Gate Inn at sinalubong ng mga janitress at janitor doon.
"Miss Ava! Kanina kapa ata' hinahanap sa itaas? May meeting muna kayo bago magsimula."
Nasapo ko ang noo. Palagi nalang ba akong late?
"Ay hala sorry! Naubusan kasi nang gasolina si Manong Ruben."
"Naku, ako saiyo dalian mo na! Mainit ang ulo ni sir Grey!"
Kinabahan ako.
Mabilis akong tumungo sa second floor. Halos pagpawisan ako ng buksan ko ang conference room ng hotel dahil nasa akin na ang mga tingin nila.
Natanto ko na marami kami ngayon. Halos lahat siguro na employers ay nandito.
"Uh, sorry..I'm late," paumanhin ko at yumuko para makapwesto. Agad namang may mga lalaking tumayo.
Nag uunahan pa ito at nagtutulakan kung kaninong upuan ang ibibigay sa akin.
"Hoy! Ako una! Gago niya huh!"
"Hipos da! Mas guwapo ko saimo!"
"Pang badilon ta kamo karon mas guwapo ko!"
"Can we proceed now? I'm running some errands today." malamig ang boses ni Faustino ang nagpatigil sa kanila.
"Manners please.." dagdag ni Faustino na nagpahiya sa akin.
Napalunok ako at umupo. Hiyang hiya ako dahil nalate ako sa unang meeting at trabaho.
Imbes na umupo si Faustino ay nakatayo siya sa gilid tila nag iinspeksyon. Nakita ko rin na may mga bigatin dahil sa mga suot palang nito at awra. Mukhang hindi rin taga rito.
"So our target is to increase our sales this year."
Hindi na ako makafocus lalo na nang ilang beses tumawag si nanay sa akin! Gusto ko iyong sagutin pero hindi pwede. Kinancel ko iyon at nagtext nalang kay nanay.
Ilang reply rin ang binalik ni nanay sanhi ng pag ingay niyo. Kibahan ako at mabilis hinanap ang silent mode sa cellphone ko.
"Miss Ava! Are you listening?!" sigaw ng sekretary sabay hampas ng kamay sa mesa namin.
"Ay tite ni Faustino!" nagulat ako ng sobra at napasigaw.
Ang mga altang nandito ay halos bumunghalit sa tawa. Ang iba ay napanganga at nilipat ang tingin kay Faustino na kinagat ang labi at yumuko pero nakita ko ang ngisi niya sa labi!
Nasapo ko paunti unti ang labi sa kahihiyan! Sa huli, napuno ng tawa ang loob ng conference.
Yumuko ako ng husto.
Shit naman Ava. Ang layo layo ng topic. Sino ba naman ang mag aakala na iyon pa masasabi ko?