Kylie's Point of View
As what I've said, natapos ang history ay nagtungo ako ng training room. Nasa kabilang building katabi ng eskuwela ang mga training rooms. Siguro solo training ang gagawin o kaya naman may mentor ako.
Nadaanan ko ang hallway. Kalagitnaan na ng klase, may mga iilang estudyante rito. Masinsinsinan silang nag-uusap-usap. Dumaan ako sa puwesto nila. Nakatingin sila sa akin at nakakunot ang mga noo. Hindi ko sila tiningnan pero I used my peripheral vision.
Wala akong narinig mula sa kanila about sa pagkatao ko. Hanggang sa nakarating na ako ng kabilang building.
It isn't a vintage yet magara pa ito. It look likes a motel. Hotel what I mean. Pagkapasok ko sa gate nito. Narinig ko na ang pag-clash ng dalawang espada. May nagt-training sa loob.
Ayon sa schedule ko. May mahigit 500 na training room dito sa building na ito. At nasa 47 pa ang room ko. Ano kayang hitsura non? May mga gamit kaya doon? Syempre meron. Training room nga 'di ba?
NALAGPASAN ko na ang ibang training room. At wala akong ni isang narinig. Maliban sa espada na patuloy pa rin sa pagtagpo ng mga talim nito at umalingawngaw sa buong espasyo. Malapit lamang ito sa kinaroroonan ko. Nasa 45 na ako na room. Means isang room na lang ang dadaanan ko, at nandoon na ako.
Habang papalapit ako sa silid, mas lumalakas ang pandinig ko. Pinakinggan kong mabuti ang mga huni. Tumapat ako sa Room 46. Inilapat ko ang tainga ko sa pinto. Tama, may nagt-training nga rito.
"F**k! Umayos ka naman! Nawawalan na ako ng gana sa pagpapalakas sa'yo! Ilang araw ka ng ganyan!"
Sigaw ng kung sinuman sa loob. Hindi pamilyar ang boses ng lalaki, may katandaan ang boses nito.
"Pagod na ako."
Tama ba ang narinig ko? Siya ba itong nandito sa loob? Pinakinggan ko muli ang loob ng kwarto subalit wala na akong iba pang narinig, maliban sa yapak na papalapit sa pintong kinatatayuan ko.
Dahil sa matinding kaba, nagfeeling akong kararating lamang at tuloy tuloy na lumakad papunta sa silid na pag-eensayuhan ko. The door of room 46 squeaks. Meaning nabuksan na ito. Hindi na ako nag-abala pang lumingon pa dahil tama ang hinala ko. Ang Prinsipe nga ang nagt-training sa Silid na iyon.
Pinihit ko na ang knob, liningon ko muli ang Prinsipe, subalit wala na ito. I just shrugged and push the wooden door.
Pagpasok ko, the darkness and the ambiance of the room thresholds my entire body and gives me goosebumps. Narinig ko ang pagpunit ng hangin palapit sa kinaroroonan ko. My instinct gives me a warning. Warning to dodge that thing.
I managed to dock. At gumapang kalapit sa left wall. Sinong tangang gumawa nun?
Dahil madilim nga ang kuwartong ito, hindi ko siya maaninag but I can sense it's presence. A black dim light.
Narinig ko muli ang paghagis niya ng mga bagay na iyon. I think it was a dagger. Muli kong iginaya ang ulo ko dahil ito ang puntirya niya. I was late in dodging those stuffs kaya nadamplisan nito ang kaliwang legs ko.
"F**k!"
Inis kong tugon. Sumirit ang kaonting dugo sa legs ko at dumaloy ito patungo sa paa ko.
"Concentrate Kylie! You looked so confused. Is it your first time?"
Nanganga ako sa narinig ko. It was him again. That hologram s**t! Inayos ko ang pagkakatayo ko.
"Yes." malamya kong tugon. I expected na ako lang mag-isa dito. Subalit nandito pala ang ugok na ito.
"Well I wasn't impressed on your reflexes, kulang pa ang mga ibinato ko sa'yong daggers."
Nakahalukipkip niyang tugon while grinning devilishly.
"WHAT!? Almost mapatay mo nga ako tapos kulang pa 'yon?"
"Buhay ka 'di ba? So it means, you can synchronize with my ability."
"Kahit na! Alam mo naman sigurong wala akong karanasan sa ganitong mga bagay 'di ba?"
Pinantitigan ko ang maskara niya. He's still keeping his identity to me.
"Sa giyera ba, ipagsisigawan mo bang hindi mo alam makipaglaban? Hangal ang taong ganoon. Ganoon ka rin ba?"
He has a point. Pero wala talaga akong alam kung paano ang makipaglaban. Ni nga pakikibuno talo agad ako. Hinihintay niya siguro ang sagot ko subalit nanatili lamang akong tahimik.
Lumakad siya ng tatlong hakbang. Palayo sa kinaroroonan ko. He raised his right hand. Ngayon ko lamang napansin ang singsing niya. Pamilyar sa akin ang ganong singsing. Parang may ganon si Athena.
He flicked his fingers, a magic circle summons his foot. Kulay-lila ito. Kasabay nun ang paglitaw ng espada niya na may isa't kalahating pulgada ang haba. May simbolo ito sa katawan na hindi ko mawari kung ano. Kumislap ang talim nito sa mukha ko at nakita ko ang repleksyon ng mukha ng Hologram S**t. He's wearing again that smirk that irritates me.
"So, you've no choice but to fight me."
He said arrogantly. Nakaka-irita na ang pagmumukha niya. May chance lang sana akong tanggalin iyang maskara na yan, naku puputukin ko talaga ang labi niyan.
Then bigla siyang naglaho, using teleportation. A violet smoke was hovered sa dati niyang puwesto. I can't locate him. I can't sense his presence.
"Patay ka na sana."
Naramdaman ko ang talim ng kanyang espada sa likod ko. Ang malamig nitong metal na pumunit sa uniform ko. I gulped. I was corner. Kaso ang ikinabigla ko ay imbes na hatawin siya, ay inapakan ko ang paa niya sanhi upang umatras siya at dumaing.
"Oh s**t! What was that! You're cheating!"
"No I'm not! Self defense ang tawag doon, and tiyak kong hindi mo alam 'yon?"
"Nice kaso, that's not a proper defense, it's a way of death."
"What do you mean?"
Umayos siya ng tayo. Naglaho na ang espada niya at wala na rin ang magic circle niya.
"We're done, bumalik ka na lang mamayang hapon."
At naglaho na siya. Tae! Hindi niya sinagot ang katanungan ko. It's way of Death! Mas lalo niya akong pinahihirapan e!
Alam kong may ability ako. Precognition. Kaya kong makaramdam ng panganib kahit ilang milya pa ang layo nito sa akin. Pero may isa pa na hindi ko alam kung ano ang tawag.
'Yon bang mga mahihirap na katanungang nakikita ko ay may mga clue na ibinibigay. Gaya noong sa assignment namin sa history. Is it my other ability or an addition for my ability?