HinovelDownload the book in the application

Chapter 3: Monochromatic

Kylie's Point of View

IBA ANG paggising ko ngayon kumpara kahapon. It was dimmer. Napakadilim ng paligid. Nagbalikwas ako at sumilip sa labas ng Dorm. It's raining. Kaya naman pala.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. It was just like a mare. Hinigit ako ng Prinsipe, sinong makakatulog sa ginawa niya?

"Are you the owner of Dorm 40?"

That was his first line to me. Syempre kahapon ko lamang siya nakausap, at siya pa ang lumapit. Ano kung ako ang may-ari ng Dorm na ito? As if he cares, 'di ba?

'YONG ASSIGNMENT pala namin kahapon, 'di ko alam kung ano ba ang relasyon ng Descendant na lumitaw kahapon sa blackboard at sa pangalan ni Poseidon? And that Trident.

???

NAGSIMULA na ang klase, at tama nga akong, Poseidon iyon. Pero ang hindi ko maisip, kung ano ba talaga ang relasyon ng Descendant kay Poseidon.

"Based sa pangalan ni Poseidon at ng Trident niya, it has a powerful connections, especially the one who is inherited his power."

Inheritance? Namana? Ano 'yon? Kalokohan? Sabagay, walang imposible sa mga Diyos. Lahat nangyayari kahit sa anumang naisin nila.

Buong maghapon akong lutang, dahil sa kakaisip ng Descendants na iyan. Nung nasa cafeteria ako, hindi ko man lang nagalaw ni isang katiting ng pagkain ko.

Hindi ko rin masyadong napagtuonan ng pansin ang buong leksyon namin. Nababaliw na talaga ako.

Pagkarating ko ng Dorm, wala na akong ibang ginawa pa kundi natulog lang. Kaso naalala ko muli ang Prinsipe. Kaya naman napabalikwas ulit ako at umayos ng upo sa kama.

Six thirty pa lang ng hapon. Makulimlim pa rin ang paligid, at tiyak kong maya-maya lamang ay bubuhos na ang ulan. Dumungaw ako sa bintana at napatingin sa isang puno. Malaki ang puno na ito. Sa bandang gilid, may naaninag akong isang anino. Silhouette ng isang lalaki, 'yong anino na nakita ko noonh unang pasok ko rito noon nakaraang araw.

Nakatayo ito sa likod ng puno at habang ang ulo ay nakatingin ng diretso sa Dorm ko. Naglakad ito at naaninag ko ang pagkakangisi niya. Hindi ko siya mamukhaan pero siyang siya 'yong lalaking nakita nung papasok ako sa Dorm ko.

A smirk drawn on his lips. Mas dumilim pa ang paligid at kumulog at kidlat. Kasabay nito ang pagbugso ng malakas na ulan at hangin. Wala na 'yong lalaki, isinara ko ang bintana dahil tumatama ang metal nito sa pader, at pumapasok ang kaunting ulan dito sa loob.

"Your curiosity can kill you."

Napaismid ako ng mapagtantong nandito na siya sa loob ng kwarto ko. Paanong nakapasok siya?

Lumingon ako sa kanya, nakamaskara na siya. Sanhi upang hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya. Humakbang ito ng kaunti, rason upang mapaatras ako.

"Sino ka? Anong kailangan mo?"

Wala akong anumang armas ngayon kaya bahala na. Dumikit na ang likod ko sa bintana, ang pagkabog ng puso ko ang siyang tanging narirnig ko. Ang malakas na pagbayo ng hangin sa labas na halos sirain na nito ang bintana.

"You don't need to know." Umatras siya at tinalikuran na ako. Agad akong humakbang at hahablutin sana ang abaga niya nang lumusot ang mga kamay ko sa katawan niya.

It is a monochromatic illusion. Hindi kaya'y isa ito sa abilidad niya? Na kaya niyang papuntahin dito ang sarili niya using hologram features.

Kaya nawalan ako ng balanse at sumubsob ako sa sahig. Lumingon ako sa kanya subalit naglalaho na siya and he's wearing again that bulls**t smirk.

***

KINABUKASAN, wala akong tulog dahil doon sa nangyari. Ang daming katanungan sa kukute ko kaso ni isa walang nasagutan. Bumangon na ako, kahit sarili ko hindi ko maayos.

PAGKAPASOK ko ng classroom, ganon pa rin ang atmosphere dito sa loob. Nag-iba narin ang pakikitungo nila sa akin. Kung noong minsan ay halos patayin nila ako sa tingin nila, ngayon, masyado ng iba. Hindi na nila ako pinapansin. May kanya-kanya silang trabaho.

Umupo ako sa upuan ko at napahilamos ang palad sa mukha ko. Nakakastress dito. Lahat ng nakikita kong bagay ay ang hirap sagutin. Lahat ng nalalaman ko, halos magka-alzimers na ako.

Hindi ko na namalayan ang oras, Break time na naman. Pumunta ako ng Cafeteria, hindi ko rin natutuunan ng pansin ang pagkain ko. Lumabas na ako doon ng wala man lang laman ang tiyan.

I seemed that I've no friends nor plastic friends. Kasi naman, sino bang tao ang lalapit sa akin? Sa ganitong wangis? Sa ganitong hitsura? Well, mas masaya dahil wala akong poproblemahin. Friends are just an excess to my baggage. Ako lang din ang mahihirapan.

***

Nandito na naman ako sa kwarto ko. It's like my habit. Aral, uwi. Ganon lamang ang cycle ng buhay ko rito.

Someone's knocking.

Someone's outside my Dorm. Tumayo ako at sinilip ito sa maliit na butas. Ilang araw na ako dito, ni pangalan ng matandang ito ay hindi ko man lang natanong. Pinagbuksan ko siya.

"O, pinamimigay ni Headmistress sa'yo."

Inabot niya sa akin ang isang papel. It was my training schedule.

"Salamat po!"

Napasulyap ako sa name tag niya sa bandang kanan na nakakabit sa bandang bulsa sa dibdib niya. Dorothy Theodore.

"Call me Aunt Dory. Sige kailangan ko ng umalis."

"Salamat po muli."

Umalis na siya. Isinara ko na ang pinto ko at sinuri ang papel. May training ako bukas pagkatapos ng History. Meron din sa hapon.

"You should better sleep."

Nabitawan ko ang papel dahil sa matinding pagkabigla. It's him again. That bastard hologram of him. Don't tell me, dadalawin niya ako rito palagi?

Hindi ko pinansin ang lalakinh ito, pinulot ko muli ang papel, inilapag ko ito sa study table ko. Umangkas ako sa kama at tinulugan ko ang hologram na lalaking ito. Bahala siya sa buhay niya.

•HIS POV•

I wagged my head. Ang pangit na nga suplada pa. Nandito ako sa kwarto niya ay upang i-secure ng nasa magandang kalagayan ba siya o hindi. Isa itong utos sa akin. Na bantayan siya.

I am always following her. Hindi ako nakikita ng mga estudyante maliban sa kanya, dahil Goddess siya. Goddess na kailangang matutunan ang abilidad niya.

Goddess na kailangan umupo sa tungkulin niya bilang isang pinuno.

Isinara ko ang lamparang nakasindi pa at kinumutan siya. I swear, she must removed her disguise. Sinasayang lamang niya ang ganda niya.

Muli kong kinurusan ang noo niya. This is an important symbol, especially for us. Isa itong barrier na hindi maaaring masira ng kahit sinumang mutant maliban sa Heaven Beings.

Umalis na nga ako sa kwarto niya at bumalik sa Olympus. Kailangan kong gawin ito, upang ipaalam kay Ama ang mga nangyayari ngayon. May kapangyarihan naman siya, kum' bakit ayaw niyang gamitin iyon, upang i-monitor ang buhay ng mga taga lupa.

Ikalawang pagbabantay ko na ito sa mga taong gifted. At si Kylie Era ang ikalawa. Sana magwagi siya. Magwagi siyang iligtas ang koneksyon lupa at ng langit. Sana nga.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free