HinovelDownload the book in the application

An Olympian Goddess

EroEjercito
33.0K · Completed
390
Views
31
Chapters
9
Ratings

Summary

He is destined to her.She is destined to save him.He is tough and strong.She is powerful.He is the God of Love.She is my...

RebirthFemale leadIndependentFantasy

Chapter 1: Noblebright

Kylie's Point of View

'Mga buwisit kayo! Namatay lang si Ama at nakuha niyo na ang mga pag-aari niya'y ni ako man lang ay hindi niyo tratuhin ng mabuti! Anong klase kayong mga kamag-anak!'

'Yan ang sinisigaw ko sa utak ko. Nagpupuputak na naman kasi si Tiya Imelda. Ang dami ko pa ngang ginagawa dito, ba't ba kasi hindi niya utusan 'yang walang silbi niyang anak!

"KYLIE! MAY MGA LABAHIN PA RITO!" sigaw niya mula sa loob ng 'bahay' ko.

'Bwisit kang babae ka!'

"Opo nandiyan na!" tugon ko.

Naglalaba kasi ako ng mga damit nilang mag-iina. Jusko, 'yong buhay ko.

Papasok na sana ako sa sala nang salubungin ako ng berduga-si Dianne, pinsan kong may silbi. Nagngangalit ang mga bagang. Tiyak kong may narinig siyang hindi ko na dapat pa binigkas kani-kanina lamang. She twisted my left ear. Halos mapa-tiptoe ako sa ginawa niya.

"Akala mo ba hindi ko narinig ang mga ibinubulong mo kay Mommy?! Ha!? Ano magsalita ka!?" lumalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Ano bang sinasabi mo Dianne! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa tainga ko na pilit niyang pinipihit. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

"At sumasagot-sagot ka na ngayon?!"

Kinaladkad niya ako papasok sa sala, nadatnan namin doon si Tiya Imelda at si Dana. Tumayo si Tiya at tinanggal naman ni Dianne ang pagkakakurot niya sa tainga ko.

"Anong nangyayari dito?"

Nakita kong nakangisi ang magkapatid. Wala na ang Ama nila, sundalo kasi ito sa Palasyo at namatay sa digmaan. Nagbalik ako sa diwa ko ng sampalin ako ni Tiya.

"Hoy! Kinakausap kita!"

Sigaw muli nito habang pinanlilisikan ako ng mga mata niyang ubod ng sama kung makatingin. Ang mukha niyang puno ng kolorete at ang wrinkles niyang tambad sa noo. Wicked nga naman.

"Sorry po Tiya, kasi..." pinutol ni Dianne ang pagpapaliwanag ko.

"Ang sabihin mo, 'yong mga ibinubulong mo, impakta ka!"

Sinabunotan niya ako at inilampaso ang mukha sa floor. Dumaosdos muli ang mga luha ko. Kung iiyak lang ba ako ay makakatulong ito? Hindi! Kasi mas masasanay lang sila kung hindi ko sila lalabanan.

"Anong bulong bulong ang mga pinagsasabi mo Dianne?" mas naging intense ang pagkakabigkas niya ng mga katagang iyon. Alam na alam ko kung paano magalit si Tiya.

"Sinabi lang naman ng impaktang iyan na, 'Bwisit kang babae ka!' Sa'yo."

Ginaya pa talaga niya kung paano ko binigkas ang pangungusap na iyon. Humihikbi lang ako dito sa gilid habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Bastos ka! Wala kang galang! Bwisit ka! Lumayas ka na rito! Wala kang modo!"

Napabaling agad ako kay Tiya. Umalis? At saan naman ako titira? Lumapit ako kay Tiya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Patawarin niyo po ako Tiya, promise hindi na po mauulit. Promise po." pwe! Plastikan na naman, ayoko na nito!

Narinig kong nag-ingay ang sofa, si Dana iyon, tiyak kong tumayo iyon at sasabu-

"Tama Mommy, maawa ka, kasi mawawalan tayo ng yaya, mawawalan ako ng para laba." saad niya at sinabunutan ang buhok ko, narinig ko pa ang paghiwalay ng anit ko sa ulo ko. Napakagat labi na lamang ako dahil sa sobrang hapdi nito.

Unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Umub-ob ako sa dalawa kong palad. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Ibinato ni Tiya ang mga damit na lalabahan ko pa, "Bumalik ka na doon, ituloy mo ang labahin! Tiyakin mong wala akong makikitang ni isang mantsa, kundi mag-alsabalutan ka na." pambabanta ni Tiya.

Nang tumalikod na ako. I rudely rolled my eyes. Akala nila padadala ako sa mga pang-aabuso nila? Hell no! May araw din sila, huh! May araw ding hindi na sila sisikatan ng araw.

Well I'm 17 years old, 15 ako noong namatay si Ama, noong namatay naman si Ina ay kakasilang ko pa lamang. Kaya naman, 2 years na akong nagtitiis sa bruhang Tiyahin at ang dalawa kong mukhang mga paang pinsan. Ugh! Bulls**t talaga!

IPINAGPATULOY KO muli ang paglalaba ng mga damit nila. Ang kaninang maingay na sala dahil sa sigawan ng magkapatid, ngayo'y bigla na lamang tumahimik na animo'y may kalaban sila.

Wala akong pakialam sa kanila kaya naman ay itinuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Mga ilang minuto na, napansin kong walang nag-iingay sa loob. Baka naman nanonood sila or pumunta sa kwarto nila. Ganoon naman ang buhay nila, buhay mayaman, tapos ako ang alipin. Hustisya?

May kakaiba akong naramdaman, mga kakaibang presensiya. As if I care? Oo parang may mga presensiya sa loob ng aking bahay. Dahil sa matinding kuryusidad, tumayo ako mula sa pagkakaupo at ipinahid ang bula-bulang mga kamay sa aking palda na tagpi-tagpi na dahil sa mga ilang butas nito. Kasi naman, ni kahit isang pares lang ng damit, walang binili sa akin ng magaling kong tiyahin.

Naglakad ako palapit sa pinto papunta sa sala. Matinding kabog ang aking nararamdaman. Anong babala ang ipinapahiwatig ng aking instinct? Bakit ganito na lamang ito kung magreact? Aapak na sana ako sa floor mat nang may magsalita mula sa likuran ko.

"One more step and you're dead." mahinahon subalit may babalang tugon ng taong nasa likuran ko.

I managed to twist my head, upang matanaw ko ang nagsasalita. Naningkit ang mga mata ko ng makita kung sino ang narito. It's her. She is Athena of Olympus. At ano ang ginagawa ng Diyosa sa bahay ko? Err-- I mean anong sasabihin niya?

"Athena..." I murmured.

"I know, you have too many concerns why I am here, right?"

Napaka-angelic ng boses niya. Paanong hindi, e siya lang naman ang anak ni Zeus. The God of Thunder and of course the supreme God.

Tumango ako sa tanong niya. Humakbang siya papasok ng sala. Habang ang kaliwang kamay nito ay hawak ang kanyang baluti sa ulo. Headdress Armor.

"May dalawa akong rason kung bakit ako nandito, iyon ay upang sabihin sa'yo na, kailangan mong mag-aral sa Noblebright Academy at ang isa ay upang hasain ang iyong abilidad."

Naglakad muli ito. Natanaw ko sina Tiya, Dianne at Dana. Naka-freeze sila. Isa ito sa kakayahan ni Athena. Lumakad si Athena palapit sa kinaroroonan ni Tiya at hinaplos ang kanyang hintuturo sa makulubot nitong mukha.

Ayon sa biography ni Athena na nabasa ko na minsan. Ang lahat ng kanyang mahahawakan ay mapipinsala. Dipende iyon kung nanaisin niya.

"Naintindihan mo ba?"

Minsan ay natatakot rin ako sa kanya. Oo, kasi noong last na nagpakita siya ay nasa 13 years old pa lang ako. At ganoon din ang ginawa niya kay Tiya, hinaplos niya ang mukha nito at naging ganoon na. May mga wrinkles na siya.

Tapos nanlaki ang mata ko ng mapagtantong may tatlong hiwa na ang mukha ni Tiya.

"Kailangan na nating umalis."

"As in now?"

"E kailan? Sa makalbo ka ng Tiyahin mo?"

Hmm, sabagay. Tumakbo ako papunta sana sa kwarto ko ng mapagtantong nasa harap ko na si Athena.

"Where do you think are you going?"

"Mag-iimpake po? Bakit?"

Instead of answering my beautiful qustion ay pinitik niya lang ang mga kamay niya, and in a snap. Nandito na kami sa-

"Welcome to Noblebright, Kylie. May mag-aasikaso sa'yo, don't worry, magkikita pa tayo. Husayan mo ang pag-eensayo mo, okay?"

Ang kaninang napaka-istrikto ay ngayo'y anghel na. And wait-kyaaahh nasa Academy na ako. Ang pinaka prestihiyosong paaralan sa balat ng Noblebright.

"Salama-?"

Asan na siya? Iginaya ko ang mga mata ko sa kabuuan ng silid na ito. It was like a dressing room. Oo kasi may mga damit rito na uniform lang ang uri. Malamang paaralan 'di ba?

May mga yapak akong narinig. Marami sila, iyon ang tiyak ko. Patungo sila sa kinaroroonan ko. Nabaling ang atensyon ko sa door knob. Gumalaw na ito, may pumihit malamang. Unti-unting nagbukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Siguro nasa mid-40's na siya. Ang mahaba niyang buhok at ang maamo niyang mukha.

"Pasensiya na ha nalate ako, marami pa kas-" I cut her off.

"Okay lang po, kararating ko lang din." sagot ko.

May hawak siyang mga gamit, I'm sure para sa Cosmetics iyon. May kinuha siyang upuan sa sulok at pinaupo ako roon. Kinuha niya ang paa ko at hinubad ang lumang sapatos ko. Tumambad sa kanya ang marumi kong paa.

"Hindi ka ba binibilhan ng Tiya mo ng bagong mga gamit?"

Iniwas ko ang aking tingin. Naalala ko na naman sila. Ang mga impaktang iyon. Ang pagpapahirap nila sa akin. Ang pang-aabuso. Pagmamalupit.

"Ilang taon ka na Hija?"

Pag-iiba niya ng tanong, napansin niya sigurong masiyado akong emosiyonal sa tuwing ang Tiyahin ko ang pinag-uusapan.

Kinuskos niya ng maigi ang kuko ko gamit ang pusher. Saka niya linagyan ng nail polish. Sakto lang naman ang kulay na inilagay niya. It was my favorite. Red. Linagyan niya rin pati ang kuko sa kamay.

Nang matapos ay saka niya ipinasukat sa akin ang Uniform. Tumambad sa kanya ang mauti kong balat. Hindi ako ganon ka dugyot para hindi linisin ang sarili.

"It fits you, paanong hindi e ikaw lang naman ang Olympian Goddess na nabigyan ng matinding kapangyarihan."

Hindi ko masyadong narinig ang iba pa niyang sinabi dahil iniwas niya itong marinig ko. May kinuha siya mula sa kanyang bulsa. It was my schedule.

"Dadalhin ko na lang mamaya 'yong iba mo pang gamit, o heto"

Inilahad niya sa akin ang susi. Duplicate ito at kulay bronze. Tapos nakaukit dito ang 40. Dorm Number 40.

"Wala kang kadorm, iyon ang saad ni Headmistress. "

I heaved a sigh. Bakit wala? Hindi ba ako friendly?

"Kailangan mo nang pumunta roon."

I nodded. "Salamat po!" saad ko at tuluyan ng umalis. Pagbukas ko ng pinto, tumambad agad sa akin ang Dorm 40. Abilidad ito nung Maid.

Pumasok na ako sa Dorm pero bago iyon may silhouette akong nakita sa bandang kanan ng hallway. Lalaki. Dahil bago pa lamang ako rito hindi ko na lamang iyon pinansin pa.

Start Reading
Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free