HinovelDownload the book in the application

Chapter 2: Bipolar

Kylie's Point of View

Being alone, you can differentiate yourself from the others. Walang makakaalam ng sikreto mo. Just like me, I have no dorm mate nor friends kasi bago pa nga ako.

It's already five thirty in the morning. I'm already wearing my uniform. Nakaupo ako sa edge ng kama ko at kanina pa ako nababahala sa suot ko, ang iksi ng skirt ko. Baka makita ang underwear ko.

Nakita ko rin ang mga armas na nandito sa loob ng kwarto ko. Siguro dinala ito dito ni-- ano bang pangalan nun? At hindi rin siya tanga upang buhatin ang lahat ng ito. She used her ability. Portal malamang.

Tumayo na ako at nagalakad palapit sa pinto, pinihit ko ang knob at tumambad sa akin ang mga estudyanteng nagsisilakaran at iisa lamang ang direksiyong tinatahak nila. Papunta sa School.

Walang makakakilala sa akin dahil sa hitsura ko. I am wearing my thick eyeglass, with the braces and uncombed hair. Sinadya ko talagang hindi magsuklay para talbog ang kapangitan ko. I hate formalities kasi e. Kaya heto, I am wearing this disguise. Nerd.

"Sino 'yan?"

"Newbie ateng!"

"An ugly creature."

"Na mislead ata ang parents niya sa pagpapapasok nila sa kanya dito."

"Well maraming ganyan dito kaya hayaan niyo na."

"New weakling. "

Para akong nasa isang fashion show na pinag-chichismisan ng lahat. Para akong dumi sa mga paningin nila. Dahil ba sa hitsura ko kaya nagkakaganyan sila? Judgmental creatures.

PAGKARATING KO ng Classroom, that moment na nakatingin silang lahat. Akala mo may Artista silang nakita. Oo sila na ang maganda. Sila na.

Umupo ako sa pinakalikod na upuan. Kahanay ko ang gaya kong Nerd pero lalaki siya. He has that smirk. Nagagawa pa talaga niyang ngumisi kahit ang tingin nila sa gaya namin ay useless? Pathetic people.

Muling nag-ingay ang lahat, they have their different businesses in life. Akala mo katapusan na ng mundo kaya grabe sila kung makachismis.

"Class quiet! "

'Di ko namalayan nandito na pala si Sir. Mukha siyang bata, mga kaedad lang siguro namin. Pero kung makasita akala mo naman siya na ang pinakamatandang tao sa mundo.

"Siya si Sir Mel, he has the ability to manipulate time and age, kaya ang bata ng mukha ' di ba?"

Ang FC ng nasa tabi ko. Tinatanong ko ba siya? Well salamat kasi may nalaman na ako at last.

"A, Monica pala, Monica Montero." pagpapakilala niya at inilahad ang kamay. Nahihiya akong abutin iyon kaya naman hindi ko na ginawa pa.

Using my peripheral vision, binawi na niya ang kamay niya. Monica right?

"Miss transferee, kindly please introduce to us yourself?"

Bago pa may masabing hindi maganda ang mga Classmates ko, nagtungo na ako sa harap.

"I'm Kylie Era!"

Pagpapakilala ko. Iba ang tinginan ng mga classmates ko sa akin. Parang pinapatay nila ako sa bawat tingin nila. Ano bang kasalanan ko?

"Thank you Miss Era!"

Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. Nagsimula na ngang magdiscuss si Sir Mel. Para talaga siyang teen pa lang.

MAY NABIGKAS si Sir na ikinakuha niya ng atensyon ko. He's tackling us about the History of this Academy.

"...there are three aspects of this Academy. First is the Formality, second is the Alpha, thirdly is the Sanctuary."

Alam ko na ang mga bagay na iyon, kaso parang nais ko muling malaman kung ano ang kabuuang ibig sabihin ng mga Aspeto na iyon.

First, Formality. Formality is for those students who belong to the Council. Second, the Alpha. Alpha is the Prince of this Noblebright Academy especially the Noblebright Kingdom. Kaya siya ang mas may matibay na formalities. And thirdly, the Sanctuary. Sanctuary is located here in this Academy. Kaya naman hinihigpitan ng lahat ng mga sundalo ang mga taong nag-aaral dito.

Hindi maaaring makapasok ang mga taga Grimdark dito dahil ito ang daan papunta ng Kaharian ng Noblebright. At ayon kay Sir Mel, mayroon daw batas ang mga taga Noble at sa Heab'ngs. Hindi maaaring pakialaman ng dalawang ito ang bawat batas, dahil makakasama ito sa bawat mutants sa Noble at sa Being ng Heaven.

"Okay Class, I need you to do something, this will be your assignment in my subject."

May isinulat si Sir na hindi ko maintindihan. Kaso ng nagtagal, biglang naging salita ang simbolong kanyang sinulat. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon?

???

Psdn

"I want you to research about this symbol and especially those letters. Class dismissed. "

Psdn? Napahawak ako sa chin ko sabay kamot sa batok. Well mahirap ang assignment na iyan. Kasunod na ang Physical.

Muling nag-ingay ang mga estudyante. Wala kasing titser kaya ganyan. Psdn? Hmm. Nasa dulo ng dila ko pero hindi ko mabigkas. May kaugnay ba ito sa translation na pinakita kanina ng utak ko? Mamaya na nga lang.

May kumalbit sa akin kaya napatingin ako doon.

"Tawag ka ni Ma'am. "

Bulong nito sa akin. Bumaling naman ako kay Ma'am na hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya dito sa silid namin.

"Lagot siya."

Narinig kong ibinulong ng nasa unahan ko. Bakit terror ba ang titser na 'yan? I think I messed this time.

"Are you with us? If not then you may go out! It's not just because your a transferee you will be exempted? Huh! You're not an exception here!"

"Sorry po." nakatungo kong tugon. Terror nga. Ipahiya ba ako sa klase. Parang si Tiya Imelda lang. I remember again that desperate woman.

Bipolar lang ang peg ng mga teacher dito. Walang pinagkaiba sa Tiya ko. Narinig kong humuni na ang bell. Means it was already break time.

PAGKARATING ko ng Cafeteria, iba-iba ang mga usapan dito. Pero ang nangingibabaw sa tainga ko ay ang Prinsipe na nasa Private Room.

"Narinig ko, kakain daw dito ang Prince."

"Kaya naman pala may naka reserved na table doon o!"

Napasulyap ako doon sa mesang sinasabi ng mga babaeng nag-uusap. Hindi ako chismosa, kusang narinig ko lamang ang mga pinag-uusapan nila. Mayroon ding guards malapit sa table na iyon.

Biglang tumahimik ang lahat ng may pumasok sa double door ng cafeteria. Nakapamulsa siya habang papasok dito. 'Di alintana ang mga presensiya namin. Parang wala lang kami para sa kanya. What kind of royal is he?

"No I don't. Just a cup of tea."

Umalingawngaw ang boses niyang sobrang lamig dito sa cafeteria. May ilang kababaihan na nagpipigil na mapatili. Malalandi. Typical na malalandi.

Tapos isa lang ang napagtanto ko, nakatitig pala ako sa kanya, and he's staring back. I gulped. Itinuon ko muli ang sarili ko doon sa pagkain ko. Bakit ko iyon ginawa?

Inayos ko ang salamin ko at umupo ng maayos. Kailangan kong maging pormal sa harap niya. Sa harap ng lahat I mean. Kung ano kaugalian nila dito, kailangan kong tularan iyon.

"I SAID A CUP OF TEA!"

"I'm sorry Prince, patawad po. Kukunin ko na po."

"No, you don't need to. I've already lost my appetite. "

Nanindig ang mga balahibo ko sa pagsigaw niya. I heard, we almost gasped in air when he left.

"My gosh! Ang hot ng boses niya!"

"Heaven bess! Gwapo niya talaga!!"

Ay juice ko, ang lalandi. Lumabas na ako ng Cafeteria at nagtungo sa Library. Kailangan kong magresearch, about doon sa Psdn na Assignment namin.

Naglalakad ako dito sa hallway ng may biglang humablot sa akin at dinala ako sa kabilang hallway na wala masyadong tao.

"Ano ba bitawan mo ako! Hoy!"

Hindi ba niya alam na nasasaktan ako? Ang sakit ng wrist ko. Tae! Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakakahood siya na kulay black.

Tinanggal niya ang hood niya at lumitaw sa akin ang pamilyar niyang mukha. He is the Prince.

"B-bakit po? Anong kailangan niyo sa akin?"

"Are you the owner of Dorm 40?"

"Opo, bakit?"

Kumalas ang kanyang mga kamay at hinawakan niya ang bridge ng eyeglasses ko hanggang sa tuluyan na niya itong natanggal. And a shocked and amazed seen in his blueish eyes.

Ibinalik niya muli ang eyeglasses ko at naglakad na paalis. Nakatanaw lang ako sa matipuno niyang likod. At napailing dahil sa ginawa niya. He's crazy. Bipolar din siya gaya ng mga teachers. I heaved a sigh at pumunta na sa Library.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free