HinovelDownload the book in the application
Author
Aya Myers
883.0K
Words
22
Stories

Story Of Us Trilogy 1: A Love To Cherish (Filipino)

Parang gulong na umikot ang buhay ni Bainisah nang isang araw ay sumulpot sa pintuan ng bahay nila si Ezekiel Moreno—Mayaman, makapangyarihan, at CEO ng Moreno Brodcasting Network—para baguhin ang buhay niya. Her life took a full 360 degree swing. She was now a celebrated newscaster. Pero hindi lamang siya kilalang newscaster, kilala rin siya bilang babae ni Ezekiel. Nang minsang manganib ang buhay niya ay naroon si Vladimir Mondragon para iligtas siya mula sa kapahamakan. Hanggang sa matagpuan nalang niya ang sarili niya na nagmamahal rito ng lihim pero dahil kumplikado ang sitwasyon niya ay hindi niya maihayag ang damdaming iyon lalo na at isa si Vladimir sa naniniwalang siya ay kept woman ni Ezekiel. Kung sana ay sabihin sa kanya ni Vladimir na mahal siya nito…

RomanceTrue LoveFemale lead

Story Of Us Trilogy 2: A Tale Of Love (Filipino)

Malalim ang sugat na nilikha ni Ezekiel sa batang puso ni Patrice. Lumipas ang labindalawang taon pero hindi naghilom ang sugat na iyon. Revenge. Iyon ang kailangan niya para tuluyang maghilom at gumaling ang sugat sa puso niya. Sa tulong ng modelong si Alexander Mondragon ay nakalapit si Patrice kay Ezekiel, na ngayon ay CEO na at siyang may ari ng Moreno Brodcasting Network.

RomanceTrue LoveFemale lead

You ad Me At Hello (Filipino)

Pinaghihilom daw ng panahon ang bawat sugat. Tama nga siguro sila dahil sa paglipas ng panahon ay gumaling ang nawasak na puso ni Kristina. Sa ibang bansa, natuto uli siyang ngumiti at mangarap. Subalit dumating ang araw na kailangan niyang umuwi sa Pilipinas upang pakasalan si Jared Montecillo--- ang lalaking dumurog sa puso niya. Saka lang niya na-realize na hindi pa pala magaling ang puso niya.

RomanceTrue LoveFemale lead

Party Of Destiny: Sunshine And You

1) Isang araw ay pinilit si Celine ng isa niyang kaibigan na dumalo sa isang masquerade ball. Party of destiny diumano iyon. Ayon sa host ay doon niya makikilala ang lalaking babago sa buhay niya. True enough, nakilala niya sa pagtitipong iyon si Daniel Cavelli. He was every inch a man. He was oozing with sex appeal, bold, intriguing, and mysterious. At pinukaw nito ang interes niya. Pareho nilang alam ni Daniel na intresado sila sa isa’t-isa. They both agreed to acknowledge the strong physical attraction between them and act on it. Pero natutunan niyang mahalin si Daniel na isang kumplikadong tao pala…

RomanceTrue LoveFemale lead

Valencia Brood Series 8: Jacob Valencia

Blair's boyfriend was cheating on her. Ang mas masama pa, ang nakahuli sa boyfriend niya ay walang iba kundi si Jacob Valencia. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi asarin siya. Ngayon ay may maipang-aasar na naman ito sa kanya...

RomanceTrue LoveFemale lead

One Love, One Soul

Nawalan ng kulay at kahulugan ang buhay ni Santi nang mamatay si Kara. Years had passed and he’s still loving her with all his heart. He couldn’t move on… Hindi niya kaya. Hindi niya gusto. Until one fateful day, nakita niya si Kara.On that very moment, his heart started beating again. Parang binigyan ng matinding electric shock ang walang buhay niyang puso. So it was now beating and wildly pumping against his chest. He saw light, he saw life, he saw love. He saw his Kara…Pero dinadaya lang pala siya ng paningin niya. Hindi si Kara ang babae, ito si Jessica. Ibang mukha, ibang pagkatao. Gustong umasa ni Santi. But, no, hindi si Kara si Jessica. It was impossible because Kara died in his arms.

RomanceTrue LoveFemale lead

Of Love... And Miracles

“A-ayokong m-mag-alala ka… p-pero k-kung hindi kita kakausapin n-ngayon, baka… baka hindi na kita m-makausap k-kahit kailan... I… I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I… w-want to tell you h-how— how much I love you…”Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay Prince. She was so scared, hysterical, and helpless. Paano ba kakausapin ang lalaking mahal mo gayong nag-aagaw buhay ito?Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil si Prince ang nagpaalam pero siya pala ang aalis. Dahil natagpuan niya ang sarili na nasa harap na niya ang isang malaanghel at nakakasilaw na babae. Binuksan nito ang dalang libro at binasa sa kanya ang mga salitang; “Your name is Johna Navales Patterson. Age: 25 Years old. Cause of death: Vehicular accident.”

RomanceTrue LoveFemale lead

Pleasurable Revenge

Adam Cordovo--- Nerd. Shy. Innocent. Virgin.Glaysa Ramirez--- Gorgeous. Sexy. Alluring. Liberated. A man's fantasy.Pinaglaruan ni Glaysa ang inosenteng si Adam. Tinuruan niya ito ng tungkol sa kama at sex. Tinuruan niya itong maging makamundo. Iniligaw niya ng landas. He became her boy toy. Sunod-

Romance18+Mature

Catriona (Filipino, Erotic, Romance)

Catriona del Valle. Gorgeous. Rich. And a troubled woman. Ginugol niya ang nakaraang anim na buwan ng buhay niya sa loob ng isang mental hospital. Paglabas niya, disidido na siyang ayusin ang buhay niya.Pero nasilayan ng mga mata niya si Trey. He was freaking Hot. Gorgeous. Dangerous. An alpha male.Pinukaw nito ang sensuwalidad ni Catriona. Ang kagustuhang ayusin na ang buhay niya ay biglang naisantabi. Dahil wala na siyang ibang gusto kundi ang makuha ang lalaki, by hook or by crook.Photo credits: Story Cover from Google.

RomanceTrue LoveFemale lead

At First Sight (Filipino, Romance)

Nalagay sa panganib ang buhay ni Randall Clark ng madawit sa eskandalo ang kanyang ama dahilan upang itago siya ng kanyang mga kaibigan sa isang malayong resort. Sa resort na iyon nagtagpo ang landas nila ng isa sa mga babaeng nagkakandarapa sa paghabol sa kanya…nuon, si Aira Ledesma. Ngunit sa pagkakataong iyon ang babae na ang umiiwas sa kanya and to his surprise hindi na matahimik ang isip niya mula ng muling makita ang babae na nuon ay talagang pinagtataguan niya.

Romance18+Mature

The Start Of Forever (Filipino, Romance)

Dahil sa isang malalim na sugat ng kahapon, nangako si Mikaella na kailanman ay hindi siya papayag na may lalaking kokontrol sa kanya. Hindi niya kailangan ng lalaki para mabuhay. Subalit, sa kasal ng isang kaibigan ay nakaengkuwentro niya ang aroganteng si James de Andrada. “Saluhin mo ang bulaklak, ang wedding bouquet. Then bring me the flowers and then we’ll talk.” Iyon ang mga salita nito na para kay Mikaella ay tila katumbas na ng buhay at kamatayan. Hell, kailanman ay hindi niya nakita ang sarili na makikipag-agawan para sa wedding bouquet. Ayaw niyang sumunod sa utos nito pero kailangan. Wala siyang pagpipilian dahil sa sekretong ipinamba-blackmail sa kanya ng lalaki.

Romance18+Mature

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Filipino)

Hindi pa nagkaka-boyfriend si Catherine. Hopeless romantic kasi siya. Ang gusto niya, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay dahil mahal niya ang isang lalaki at hindi para magkanobyo lang. Pero wala yatang Prince Charming na nakalaan para sa kanya dahil ni minsan ay wala pang lalaking nagpakabog nang husto sa puso niya. Hanggang sa umeksena sa buhay niya si Lance Pierro Alvarez. Mayaman ito, matalino, at guwapo. Okay na sana--- kung hindi lang ito punoNg-puno ng angas at yabang.

Romance18+Mature

Valencia Brood Series 1: Dylan Valencia (Filipino)

Binigyan lamang si Lorraine ng isang buwan na palugit ng kanyang ama para maghanap ng boyfriend kung hindi ay ipagkakasundo umano siya nito sa isang lalaki na ni hindi niya kilala. Stress is a killer. Pero saan siya hahanap ng nobyo sa loob ng isang buwan? Until one day, may lalaking kumuha ng atensiyon niya. He was tall, dark, and very much handsome! And oh boy, he’s hot! For the first time, gumana ng matindi ang imahinasyon niya patungkol sa mga anak ni Adan. She pictured him topless in her mind. Ikinumpara agad niya ito sa mga Greek god statues. Marahil ay gusto rin siyang paglaruan ni Kupido dahil muling nagsalubong ang landas nila ng lalaki na ang pangalan pala ay Dylan Valencia. Ito na kaya ang sagot sa problema niya? Puwede…anang isip niya. Or was it her heart?

RomanceTrue LoveFemale lead

Love On Trial (Filipino)

Bianca Cusap is a supermodel. Isa siya sa mga Filipinang hinahangaan sa European catwalk. Umuwi siya ng Pilipinas para sana magbakasyon. Pero natagpuan na lamang niya ang sarili niya na nasa loob ng korte---bilang abogado---para ipagtanggol ang isang taong malapit sa kanyang puso. Yes, she was a lawyer. Pero hindi niya inakala na ang makakatunggali niya sa korte ay walang iba kundi si Attorney Milo Montecillo. Ang matinik na abogadong wala pang naipapatalong kaso.

Romance18+Mature

Dare To Love You (Filipino)

Napilitang sumali si Grace sa isang reality dating show sa telebisyon. Kailangan kasi niya ng pera at iyon lamang ang nakikita niyang sagot sa problema niya. She was surprised when she learned that the bachelor who will be looking for prospective Ms. Right is no other than Mike Villamor, one of the most eligible bachelors in town. Pero ang pinakamalaking sorpresang natanggap niya ay ng matuklasan niyang si Mike at ang lalaking naging biktima ng Truth or Dare na katuwaan nilang magkakaibigan ay iisa.

Romance18+Mature

Written In Te Stars (Filipino)

Sa edad na dalawampu ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Margaux. May history pa naman ang pamilya nila na hirap nang magkaanak kapag nasa late twenties na. Kaya nagdesisyon siyang sumailalim sa artificial insemination noong nakatira pa siya sa New York. Nagbalik siya sa Pilipinas at doon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Miro, ang kababata niya na wala nang ginawa noon kundi asarin siya. Pero napakalaki na ng ipinagbago nito at tila desidido itong bumawi sa kanya. Niligawan siya nito. Hindi narendahan ni Margaux ang puso niya at tuluyang nahulog ang loob niya kay Miro.

Romance18+Mature

Alesssandra- A Femme Fatale's Story (Filipino)

• Puno ng dugo ang mga palad ni Alessandra. At hindi siya titigil hindi nagmamantsa sa mga palad niya ang partikular na dugong minimithi niya. At iyon ay ang dugo ng kriminal na pumatay sa kanyang mga magulang. Ang dahilan kung bakit siya naging isang assassin. Iyon lamang ang makakapagpatahimik sa kanya. Iyon lamang ang magbibigay sa kanya ng peace of mind. Pero dumating sa buhay niya si William at ginulo nito ang matigas at malamig niyang mundo. Tinuruan uli siya nitong makaramdam. Tinuruan siya nitong magmahal. Pero batid ni Alessandra na walang bukas para sa kanila…

RomanceTrue LoveFemale lead

Valencia Brood Series 5: Charlie Valencia (Filipino)

Isang dentista si Guinevere. Nang maimbitahan siya ni Febe Juderial Valencia, asawa ni Brandon, na sumama sa medical mission ng Valencia Foundation ay agad siyang pumayag. May hidden agenda siya at iyon ay ang makilala ang kanyang hinahangaan na si Charlie Valencia. Hindi naman siya nabigo. At mukhang kakampi niya si Kupido dahil tinamaan sa kanya ang binata. Sparks fly when they met. Romance bloomed like a whirlwind. Subalit ayaw niyang umasa na sa happily ever after matatapos ang kuwento nila. Sa oras na mabunyag ang sekreto niya, Charlie might leave her…

RomanceTrue LoveFemale lead

A Home In His Arms (Filipino)

Mula ng umuwi ng Pilipinas si Angela ay palagi na siyang ginugulo ng isang masamang panaginip. Ang bangungot na iyon ang naging daan para matuklasan niya na hindi pala siya tunay na anak ng kinikilala niyang ina. Sa paghahanap niya sa kanyang tunay na katauhan tsaka nagtagpo ang landas nila ni Marko. Marko has blue eyes and he was charming. Unang pagtatama palang ng mga mata nila ay agad ng sumikdo ang puso niya para rito. Niligawan siya nito. Ginawa ni Marko ang lahat mapaibig lamang siya nito at nagtagumpay naman roon ang binata. She loves his blue eyes. She loves all of him. Hanggang sa dumating sa puntong ipinagkatiwala na niya rito ang lahat lahat sa kanya kahit na malabo pa ang kanyang nakaraan. Her life was almost perfect…almost. Subalit natuklasan niya na si Marko pala ay bahagi ng kanyang madilim na nakaraan…

RomanceTrue LoveFemale lead

My Smiling Assassin- Fan fiction (Filipino)

Kilala ang pangalang Marc Marquez sa mundo ng motorcycle racing. Hindi lamang ang pagiging champion ni Marc sa premier league na MotoGP ang nagpasikat dito, why, Marc Marquez is a modern definition of a prince charming. Mayaman ito, guwapo, at nagtataglay ng, ika nga ay, killer smile. At isa ang puso ni Riza sa tinamaan ng virus ng ngiti ng binata. Naging masugid na tagahanga si Riza ni Marc. Hindi niya kailanman inakala na isang araw ay magku-krus ang landas nila ni Marc at babaguhin nito ang buhay niya. Posible nga kaya na mahalin ni Marc ang isang probinsiyanang tulad niya?

RomanceTrue LoveFemale lead

Entwined (Filipino)

• Nagtatrabaho si Julienne sa WonderWorld—isang theme park—bilang mime. Nagpapasaya siya ng mga tao sa pamamagitan lamang ng mga actions. Sa paglipas ng araw, napansin ni Julienne ang isang audience—guwapong manonood— na bukod-tanging hindi natatawa o ngumingiti man lang sa ginagawa niya. Julienne was determined to make him smile. Ginamit niya ito sa isa sa mga act niya. Huli na ng malaman niya na ang lalaki palang iyon ay ang big boss ng WonderWorld na si Edward Henares. Gusto niyang umiwas subali’t may plano ang tadhana para sa kanila ni Edward. Sa isang pambihirang pagkakataon ay pinagtapo muli sila at sa pagitan nila ay nabuo ang isang pag-ibig. Hindi nila iyon matatakasan. Their fate was entangled.

RomanceTrue LoveFemale lead

Valencia Brood Series 3: Vicente Valencia (Filipino)

Nag-apply si Marissa bilang personal assistant ni Vicente Valencia. Ayaw siya nitong tanggapin dahil ayaw na umano nito sa assistant na babae. Simply because his past assistants ended up loving him. Kailangan niyang makalapit rito kaya ipinangalandakan niya sa pagmumukha nito na hinding hindi siya maiinlove rito kahit isama pa nito iyon sa kontrata niya. Natanggap naman siya at agad isinama nito sa Paris. Lingid sa kaalaman ni Vicente, hindi siya ordinaryong assistant lamang dahil siya ang sekretong bodyguard nito. Kailangan niyang siguruhin ang kaligtasan nito sa lahat ng oras. Pero may problema. Hindi pala niya kayang panghawakan ang mga salita niya dahil natutunan niyang mahalin ang binata. Paano kapag natuklasan ng binata ang damdamin niya at tunay na pagkatao?

RomanceTrue LoveFemale lead
Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free