
Summary
Blair's boyfriend was cheating on her. Ang mas masama pa, ang nakahuli sa boyfriend niya ay walang iba kundi si Jacob Va...
CHAPTER 1
CHAPTER 1
NGINGITI-ngiti si Jacob habang pinanunood niya ang pag-uusap ng mga pinsan niya na sina Jillian at Megan sa garden ng Hacienda Catalina. Katatapos lamang magkarera ng mga ito. Natalo si Megan. Tulad ng nakagawian, kailangang ibigay o tuparin ng natalo ang ano mang kahilingan ng nanalo bilang premyo. At ngayon nga ay pinag-uusapan ng dalawang dalaga kung ano ang hihingin ni Jillian.
“What?!” narinig ni Jacob ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Megan sa kahilingan ni Jillian. Jillian must have already spilled the beans. Pigil ang ngiti na tumayo si Jacob mula sa kinauupuang balustre at patay-malisyang papasok na sana sa grand villa.
“Kuya Jacob!”
Natigil sa paghakbang si Jacob dahil sa pagtawag na iyon ni Megan. Nag about face si
Jacob. Nakita niya ang gusot na mukha ni Megan, si Jillian ay nakasimangot din sa kanya. “What?” tanong niya sa seryosong tinig. Animo wala siyang alam sa ipinagkakaganoon ng mga pinsang dalaga.
“What?” Pinamaywangan siya ni Megan. “What? Kung makaakto ka kala mo inosente
ka at wala ka talagang alam? Huh!” Hindi na napigilan ni Jacob ang amusement. A smile appeared on his lips. “Come here. You freak!” sabi pa ni Megan.
Nilapitan na rin niya ang dalawa. “Freak? Ako? Sa guwapo kong ito?” aniya ng makalapit.
“Guwapo nga torpe naman!” buska ni Jillian kay Jacob. Binalingan nito si Megan. “It was all his idea, Meg. Si Kuya Jacob ang may gusto na ang hilingin kong premyo sa ‘yo ay ang date nila ni Blaire. Hindi naman ako makatanggi kasi isinusumbat niya sa akin ang mga pabor na hiningi ko sa kanya.”
Jacob chuckled. Kinutsaba, o mas tamang sabihin na ginamitan nga niya ng blackmail si Jillian para pumayag ito sa nais niyang mangyari. He wanted to have a date with Blaire Sebastian---Megan’s friend. At dahil natalo si Megan sa karera, wala itong magagawa kundi kumbinsihin si Blaire na pumayag sa date.
“Kuya naman,” angal ni Megan. “Kung gusto mong i-date si Blaire, why don’t you ask herproperly? Wait---Oh no!” Megan exclaimed when she realized something. Natawa si Jacob sa panlalaki ng mga mata nito. “Papaanong nalimutan ko…may boyfriend nga pala si Blaire. And…hindi ba at tinawagan mo ako para tanungin kong boyfriend pa ba ni Blaire si Paul? I said yes, ‘di ba? So bakit gusto mong humingi ng date kay Blaire?”
“No, Meg,” singit ni Jillian. “Hindi talaga date ang habol niyan kay Blaire. How can we forget the old days na inaasar niyan si Blaire.”
Lalong nanlaki ang mga mata ni Megan. Kung nakamamatay lang ang matatalim na titig nito at mga irap ay baka kanina pa siya tumimbuwang. “Gusto mo lang inisin ang kaibigan ko. Kuya! Seriously?”
Ngumisi lang si Jacob bago niya inakbayan ang dalawang dalaga. “Let’s make it clear, sweethearts. Hindi romantic date ang hinihiningi ko, okay? May boyfriend si Blaire. I am well aware of that. Ang date na hinihingi ko ay friendly date lang. You hear me? Friendly date lang. Hindi ko siya aasarin. Promise. Just convince her to have a friendly date with me. Okay?
“Hindi papayag si Blaire,” agad na tugon ni Megan, sinamahan pa ng pag-iling.
“Exactly. Kaya nga kailangan ng blackmail. At ikaw lang, Meg, ang makakakumbinsi sa kanya,” ani ni Jacob.
“Duda pa rin ako sa pakay mo,” busangot na tugon ni Megan. Pagkuwa’y binalingan nito si Jillian. “Jill, iba na lang ang hingin mo…” ungot nito. “Huwag kang makinig diyan kay Kuya Jacob. Pang-asar lang ‘yan eh.”
Jillian shot a glance at him, silently pleading. Pero sinagot lang niya iyon ng kibit-balikat. Dahil doon ay inirapan siya ni Jillian. Napamot ng ulo si Jacob. “I’m sorry, Meg. Naka-oo na ako kay Jacob eh,” ani ni Jillian. Alam ni Jacob na dahil sa ginawa niya ngayon ay hindi maaaring hindi siya gagantihan ng dalawa. Oh well, tsaka na niya iyon iisipin. Tulad nga ng sinabi niya, hindi pang-aasar ang pakay niya kay Blaire. In fact, he had something important to tell her.
PANAY ang sulyap ni Blaire sa kaibigang si Megan. Si Megan ay miyembro ng kilalang angkan sa kanilang probinsiya—ang Valencia clan. Her friend’s complete name is Megan Valencia Stanford. Bunso ang mommy ni Megan sa magkakapatid na Valencia at nakapag-asawa ng purong amerikano. Thus, Megan looks like a foreigner. Maputi ito, blond, at may asul na mga mata. Ganoon pa man ay fluent itong managalog. Kunsabagay lahat naman ng Valencia ay gamay na gamay pa rin ang sariling wika. “What is it, Meg?” tanong niya sa kaibigan.
“What?” balik-tanong ni Megan.
“Nagyaya kang kumain sa labas...”
“So? Ngayon lang ba kita niyayang lumabas?” defensive na tugon nito, malikot ang mga mata.
“Madalas, actually.” Madalas nga itong magyayayang lumabas pero paminsan-minsan lang niya ito mapagbigyan dahil busy siya sa trabaho. Nagdududang tingin ang ibinato niya sa kaibigan. “Pero kilala kita, eh. This time, may motibo ang paglabas nating ito. Tell me, what is it?” Bumakas ang hesitasyon sa mga mata ni Megan. “Come on. Tell me,” udyok niya.
Inabot ni Megan ang baso ng tubig at uminom ito. “Nagkarera kami ni Jillian kahapon, di ba?” Si Jillian ay pinsan ni Megan at ang pagkakarera na tintutukoy nito ay ang karera ng kaniya-kaniyang stallions sa ancestral home ng mga ito. Batid niya na madalas ay nagkakarera ang magpipinsang Valencia bilang bonding. Hindi iilang beses na nasaksihan niya iyon.
“Oo nga pala, turn ninyo ni Jill kahapon. So how was it? Sino ang—” itatanong sana ni Blaire kung sino ang nanalo sa magpinsan pero mukhang hindi na niya kailangang magtanong. Ang disappointment sa mukha ni Megan ay sapat ng sagot. “Natalo ka,” natatawang sabi niya.
Sumimangot si Megan. “Split of seconds lang naman,” pagtatanggol nito sa sarili.
“Just the same. Talo ka pa rin,” buska niya. “Noong nakaraan buwan ay natalo ka naman ni Cassandra. Tsk. Mukhang kinakalawang ka na, ah.”
“Blaire!” saway nito sa kanya, hindi na maipinta ang magandang mukha.
“Sorry,” she uttered, laughing. “So, ano naman ang consequences ng pagkatalo mo? Ano’ng hiningi sa ‘yo ni Jillian bilang premyo niya?” Alam din ni Blaire na may spice ang bawat karera ng mga ito dahil may pustahang nagaganap. Ibibigay ng matatalo ang ano mang kahilingan ng mananalo. Kaya naman pinaghahandaan talaga ng mga ito ang karera. Aware siya sa lahat ng iyon dahil matalik silang magkaibigan ni Megan at hindi iilang beses na isinasama siya nito sa hacienda para manood ng karera. Well, that was a few years ago. Nitong mga nakaraang taon ay hindi na siya nakakapunta uli sa Hacienda Catalina—the Valencia’s safe haven. Hindi dahil hindi siya isinasama ni Megan, kundi dahil natatapat na hindi siya available kapag nagyayaya ito. Isa pa ay naging busy siya sa pagsasabay ng masteral niya at pagtatrabaho nitong nakaraang dalawang taon.
“Iyon na nga…” ungol ni Megan. Sa hindi malamang dahilan ay biglang kinabahan si Blaire. “Ano kasi, Blaire… A-ano…” Tila hindi malaman ni Megan kung paano nito sasabihin ang consequence na dapat nitong tuparin.
“Ano?” Bakit naman ito mag-aalangan? Unless may kinalaman siya. At magkakaroon lang naman siya ng kinalaman kung…Ipinilig niya ang isiping pumapasok sa ulo niya.
“Eh ‘di ba, malalaman lang namin kung ano ang hihingin ng mananalo pagkatapos na ng karera?”
“Meg, malapit na kitang masabunutan sa inis.” Kunwa ay sabi niya. Of course she can’t do that to her. Megan is the sweetest girl she ever knew. “Huwag mo nga akong ibitin. Sabihin mo na kasi. Why are you so hesitant?”
“Eh kasi nga may kinalaman ka. Hiniling ni Jillian na kailangang mapapayag kita na i-date mo si Kuya Jake,” mabilis na tugon ni Megan.
Tigagal si Blaire. “What?!” napakalakas ang boses na sabi niya nang makabawi sa pagkabigla. Napagtanto ni Blaire na napatayo pa siya at pinagtitinginan ng mga katabi nilang diner. Naupo rin naman siya agad. Inabot niya ang baso ng ice tea at uminom. Jacob ‘Jake’ Valencia—Megan and Jillian’s cousin. Ito rin ang nag-iisang Valencia na kinaiinisan niya. “Tell me, nagkamali lang ako ng dinig, ‘di ba?”
Ngumiwi si Megan. “Not a romantic date naman. You’ll go out lang as friends. He needs to talk to you daw.”
“Kailan pa kami naging magkaibigan ni Jacob?” balik niya. “I'm going to kill you, Meg.”
“Wala akong kinalaman sa ideyang iyan. Promise. But please, tulungan mo naman ako na matupad ang wish ni Jill. You know very well how we value our words, right? Kailangang ibigay ko ang hiling ni Jillian. So please, please, help me.”
Determinadong umiling siya. “No.” Magunaw na ang mundo pero hinding-hindi siya lalabas kasama ang lalaking iyon. Sariwa pa sa isip niya ang mga pang-aasar na inabot niya sa damuhong iyon.
NAIINIS na binitiwan ni Blaire ang mga resibo na dapat niyang i-encode at i-tally sa expenses ng kanilang negosyo, ang Sebastian Trucking Services. Dapat ay kanina pa niya natapos iyon pero wala siyang maunawaan sa ginagawa niya. Ang kanyang ulo ay ukopado ng isipin na hindi rin nagpatulog sa kanya kagabi.
“A date with Jacob Valencia?!” tila sirang plaka na paulit-ulit na sambit ni Blaire. “No. It’s not really a date…” Umiling siya. Pagkatapos ng isang taon na pananahimik nito, heto at mukhang may oras na naman ito para mang-asar. Sa kamalas-malasan, siya ang napagtitripan ng kumag na iyon. Isa pa, bakit siya makikipag date gayong siya ay may karelasyon ngayon? She had a boyfriend, for Pete’s sake! At alam ni Jacob ang bagay na iyon. Friendly date nga lang daw, Blaire. Pagbigyan mo na, sulsol ng isang bahagi ng isip niya na obvious na itinutulak siya para pumayag.
Isinandal ni Blaire ang kanyang ulo sa headrest ng swivel chair at ipinikit ang mga mata. Tubong Naujan din ang mga Sebastian at sa Mindoro na piniling magtatag ng negosyo. Hindi sila matatawag na sobrang mayaman pero maalwan din naman ang pamumuhay nila. Bagama’t parehong taga-Naujan, teen-ager na sila ni Megan nang magkakilala sila at maging magkaibigan. Hindi naman kasi sa Pilipinas naka-base ang mga ito. Pabakabakasyon lamang sa Pilipinas sina Megan. Apat na taon na ang nakakaraan mula ng ipasya ng mga ito na manatili na ng Pilipinas. Mula noon ay naging malapit na magkaibigan sila ni Megan. She was now 22 years old. Accounting graduate. Siya na ngayon ang namamahala pagdating sa pinansiyal na estado ng kanilang negosyo habang ang kuya niya ang nagpapatakbo niyon.
“May dinaramdam ka ba, anak?” anang tinig ng kanyang ina na si Mirasol. Ni hindi namalayan ni Blaire ang pagpasok nito sa kanyang opisina. Nagmulat ang dalaga ng mga mata at umayos ng upo.
“Wala naman po.” Nginitian niya ang ina. Tumayo siya at hinagkan ang ina sa pisngi. “Napadaan po kayo? Si Papa?” The Sebastian Trucking Services office is located in the heart of Naujan. Sila ng kuya niya ang namamahala niyon dahil ang mga magulang nila ay mas gustong magtanim sa kanilang maliit na farm. Ang bahay naman nila ay matatagpuan sa isa sa mga liblib na barangay ng Naujan, an almost half an hour drive.
“Nariyan sa tapat ang ama mo at kumukuha ng abono. Dadaanan na lang namin ang mga iyon mamayang pauwi. Bale ba nagyayang kumain ng tanghalian sa mall ang papa mo. Kako baka hindi busy at gusto mong sumama sa amin? Pagkatapos niyon ay manood tayong sine.”
“Ahh,” she muttered, smiling. “Naku, ‘Ma, kayo na lang po. Ayokong makaistorbo sa inyo ni Papa.” Mukhang magde-date ang mga magulang niya at ayaw naman niyang bumuntot-buntot sa mga ito. Hindi katulad noong bata pa siya na halos maglupasay siya sa paghabol sa mga ito kapag umaalis sila ng bahay.
“Sus. Ano bang istorbo? Ikaw na bata ka, oh.”
Natawa si Blaire. “Next time na lang po ako sasama, kapag kasama rin si Kuya.” She grinned. Tuluyan na ring nagpaalam ang ina niya. Pagkaalis nito ay nakatanggap naman ng tawag si Blaire mula sa kanyang boyfriend. “Paul…” nagagalak na anas niya.
“Kumusta?” anito. Paul had been her boyfriend for two years. Ito ang first love niya at first boyfriend. Dahil sa tiyagang ipinamalas nito sa panliligaw kaya na-develop na rin ang damdamin niya para rito. Masaya siya kay Paul. He was an ideal boyfriend, if she may say so. Apat na buwan na ang nakakaraan mula ng bumalik siya ng Naujan at tumulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Simula noon ay naging madalang na ang pagkikita nila bagama’t lagi naman silang nag-uusap sa telepono. Kapag weekends at libre si Paul ay dumadayo ito sa kanila, ganoon din siya.
“AHH! Breathtaking!” bulalas ni Jacob habang pinapanuod ang unti-unting paglubog ng araw sa bandang kanluran ng hacienda. Nasa burol siya noon kasama ang panganay na kapatid na si Brandon. Araw-araw na niyang napapanood ang eksenang iyon pero sa tuwina ay hindi niya maiwasan na hindi mamangha.
Apat na taon na ang nakakaraan ng permanente na siyang nanirahan sa Pilipinas. Kung dati ay pinapayagan lamang ang younger generation na permanenteng umuwi ng Pilipinas kapag nakapagtapos na ng pag-aaral, ngayon ay hindi. Puwede umuwi ang mga kabataan kung iyon ang nais ng mga ito. Halos lahat ay ginusto na permamente ng umuwi ng Pilipinas kaya marami na sila rito. Ang iba ang nag-aaral pa sa Maynila, bagama’t marami pa ring naiwan sa San Fransisco.
“Sigurado ka na ba talaga? Na pag-a-asyenda ang gusto mo? Ayaw mong magtayo ng kumpanya sa siyudad?” ani ni Brandon, ang panganay niyang kapatid.
Tumango si Jacob. He was twenty five years old now and he knew what he wants. “Sigurado na ako. Sapat na ang tatlong taon na pamamahala ko rito sa Hacienda Catalina para matiyak ko sa sarili ko na ito ang landas na gusto kong tahakin. Gusto ko ng lupa na mabubungkal at mapagyayaman. Bukod doon gusto ko ring mag-breed ng mga kabayo.”
Three years ago ay siya na ang namahala sa asyenda Catalina. Ni hindi manlang siya naenganyo na magtayo ng negosyo sa Maynila katulad ng Kuya Brandon niya at iba pang pinsan. Ang gusto niya ay buhay asyenda.
“Kunsabagay, noong nasa California pa tayo, bata ka pa lang ay gustong-gusto mo na sa rancho nina Tito Alex. Doon mo gustong gugulin ang weekends mo at holidays. Bata ka pang talaga, sanay ka ng sumakay at magpatakbo ng kabayo. No wonder we can not outsmart you when we are racing.”
“Right.” Nangingiting pagsang-ayon niya. Bagama’t noon akala niya ay ang mga kabayo lamang ang habol niya sa rancho ng tiyuhin nila sa California. He never knew then that he wants all of it.
“So nakahanap ka na ng mabibiling lupa?”
“That’s where I want your help, Kuya. Tulungan mo akong makahanap ng mabibiling lupa. If possible, gusto ko na dito rin sa Mindoro, para malapit dito sa Catalina ng sa gayon ay maasikaso ko pa rin ito. Si Tito Alex naman ang hihingan ko ng tulong pagdating sa mga kabayo na i-be-breed ko.”
“Okay, walang problema. I’ll work on it personally.”
“Thanks,” aniya. “Paano, Kuya, mauuna na ako sa ‘yo. Naka-oo ako kay Flint na dadalo ako sa opening ng coffee house niya sa bayan.”
“Kaya pala nakabihis ka,” anito. On the way na sana si Jacob papuntang bayan kaya lang ay naakit siya sa gandang isinasabog ng paglubog ng araw kaya ipinasya niyang dumaan ng burol at panoorin iyon. Halos magkasunod lang silang dumating doon ng kuya niya. “You go ahead.”
“’Kay.”Sumakay na si Jacob sa kabayo niya at matuling pinatakbo iyon patungo sa gate ng grand villa. Nang naroon na ay isang guwardiya ang sumalubong sa kanya at kinuha mula sa kanya ang renda ng kabayo. Ito na ang maghahatid ng kabayo sa nakatakdang kuwadra roon, habang siya ay kukunin naman ang kotse niya sa garahe. Ilang minuto pa at binabaybay na ni Jacob ang daan patungong kabayanan.
Pasipol-sipol si Jacob habang nagmamaneho. Bukas ang mga bintana ng sasakyan. Mas gusto niyang samyuhin ang sariwang hangin sa kanilang probinsiya at ang natural na lamig niyon. Dalawang buwan mula ngayon ay panahon na ng anihan ng mga palay. Sa panahong iyon ay mas masarap samyuhin ang hangin dahil mas mabango iyon. Tunay na tahimik at payapa roon. Hindi niya ipagpapalit ang tahimik na probinsiya sa matataas na buildings ng kamaynilaan. Kahit naman noong nasa California pa siya ay mas gusto niya sa hacienda ng Tito Alex niya at---natigil ang daloy ng isip ng binata ng madaan siya sa tapat ng tatlong palapag na establisiyemento ng Sebastian Trucking Services. Ang unang palapag niyon ay renting space ng mga ibat-ibang shops. Ang ikalawa ay ang pinakaopisina ng STS. Ang ikatlong palapag, sa pagkakaalam niya ay limang pinto ng apartment na pag-aari rin ng pamilya nito. Napansin ni Jacob na may mga bukas pang ilaw sa ikalawang palapag.
Pumalatak siya. “Blaire.” Oh, he was sure it’s Blaire. Si Blake kasi, ang kapatid nito, ay nasa Maynila. Alam niya dahil nakita at nakausap niya ito noong isang araw na lumuwas siya ng Maynila dahil sa kaarawan ng anak ni Brandon. It was also then that he saw Paul---Blaire’s boyfriend.
