HinovelDownload the book in the application

Of Love... And Miracles

Aya Myers
46.0K · Completed
236
Views
20
Chapters
9
Ratings

Summary

“A-ayokong m-mag-alala ka… p-pero k-kung hindi kita kakausapin n-ngayon, baka… baka hindi na kita m-makausap k-kahit kai...

RomanceTrue LoveFemale leadDominant

CHAPTER ONE

CHAPTER ONE

“DIYOS ko po! Diyos ko po!” puno ng takot na usal ng driver ng taksing sinasakyan ni Johna.

Mula sa pagtanaw sa pinanggalingan, itinuon ni Johna ang atensiyon sa harap. Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot dahil sa nakita. Bumuka rin ang mga labi niya. But she was too shock to utter a word. May isang malaking truck ng cement mixer na nasa kabilang lane ang biglang nag-counterflow at gumiwang.

Oh, my God. Oh, my God… tanging nasambit niya sa isipan.

Dala na rin siguro ng shock, hindi naiiwas ng driver ang sasakyan. Dadagan sa taxi ang dambuhalang cement mixer.

Nanginig at nanlamig ang katawan ni Johna sa sobrang takot. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero walang boses na lumabas doon. Napapikit na lang siya habang nagsusumiksik sa kabilang dulo ng backseat. Hinagilap ng nanginginig niyang kamay ang door handle at sinubukang buksan ang pinto pero hindi niya mabuksan.

N-no, please, God. Please, iligtas N’yo po ako para sa anak ko. P-para sa anak ko…

Then something hard from above hit her head. Bumuka ang mga labi ni Johna at lumabas ang singhap. Her eyes grew big, tumutulo na ang kanyang mga luha. Hindi siya makahinga. The pain was blinding. Dumagan na ang cement mixer na ikinayupi ng bubong ng taxi. It was crushing her, too.

N-no! Oh, no. Lia, a-anak… N-nanay… P-Prince…

Johna was taking sharp breaths. Ramdam niya ang pag-agos ng dugo mula sa ulo pababa sa kanyang mukha. Dumidilim ang paligid. Napakahirap huminga. Para na siyang mapipisa sa bigat na dumagan sa kanya. Something sharp hit her body. Bakal yata na tumusok sa kanya. Bigla siyang inantok, at hindi niya iyon mapaglabanan. Hindi niya mapigilan ang unti-unting pagpikit. Ramdam niya ang pagbilis ng kanyang pulso. Pagkatapos ay parang lumulutang ang katawan niya.

Katapusan na ba niya? Iyon na ba ang oras niya?

Funny. Si Prince ang nagpaalam sa kanya. Tinawagan siya ng asawa kanina habang nag-aagaw-buhay ito kaya nandoon siya ngayon sa taxi.

“A-ayokong m-mag-alala ka… P-pero k-kung hindi kita kakausapin n-ngayon, baka… baka hindi na kita m-makausap k-kahit kailan... I… I w-want to hear y-your voice f-for the last time…” sabi nito sa nakapangingilabot na boses.

Johna felt so scared, hysterical, and helpless. Paano ba kakausapin ang mahal mo gayong nag-aagaw-buhay ito?

“I… w-want to tell you h-how—how much I love you.”

Ah, she could only cry. “L-love…?” umiiyak na tawag ni Johna. Para na siyang masisiraan ng ulo. “P-please hold on. P-please don’t talk anymore. B-baka lalong makasama sa `yo,” nagpapakatatag na sabi niya. “P-papunta na ako diyan. P-pupuntahan kita. P-please fight. Pleaseeee!”

“W-will you hate me i-if I… c-can’t m-make it?”

“Y-yes!” umiiyak na sagot ni Johna sa asawang kausap sa phone. Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa takot. “I-If you love me, you’ll make it,” pilit na nagpapakatatag na sagot niya.

Ah! Parang puputok ang kanyang dibdib dahil sa sobrang takot at pag-aalala. She couldn’t breath. “I l-l-love y-you,” garalgal na sabi niya. “I love you so much, Prince. I love you, a-as deep as the deepest sea. I love you with all my heart...”

Tuluyan nang napipikit si Johna. Hinihila ang kanyang kamalayan. Pakiramdam niya, naririnig na niya ang tictac ng orasan, na parang sinasabing oras na niya.

Sinikap niyang salatin ng daliri ang suot na wedding ring. Bahagya siyang napangiti nang masalat iyon. Paulit-ulit niyang sinabi kanina sa asawa na kung mahal siya nito ay lalaban ito. Lalabanan ni Prince ang kamatayan. And maybe he was doing that-fighting for his life for her. Because he was still breathing. His heart was still beating…

“K-kung oras ko na po...” Hindi sigurado si Johna kung naisatinig niya iyon o sinasabi lang sa isip. “K-kung kukunin N’yo na ako, at least… at least save Prince. Iligtas N’yo po ang asawa ko. Hindi puwedeng dalawa kaming mawawala sa buhay ni Lia. Please, God. Please…”

NAPASINGHAP si Johna nang sa isang kisap-mata ay nasa harap na siya ng isang babae. Nakasisilaw ang puti sa aura nito. The lady was wearing white flowing dress. Nakaladlad ang medyo kulot na buhok. May parang koronang bulaklak sa ulo. She had an angelic face. May hawak itong isang libro na kulay-silver.

Binuksan ng babae ang libro, sa parte kung saan parang may sumisilip na liwanag. “Your name is Johna Navales Patterson. Age: Twenty-five years old. Cause of death: Vehicular accident.” Tumigil ang babae sa pagsasalita bago isinara ang libro. She smiled at her.

“S-sino ka? Ano’ng…” Naguguluhan sa nangyayaring inilinga ni Johna ang tingin sa paligid. The blurry surroundings suddenly became so vivid. Naririnig na niya ang sound na tila naka-mute kanina. Her eyes grew big. Her lips parted in shock. Nagkakagulo sa kalye dahil sa isang aksidente. Isang cement mixer ang dumagan sa isang taxi. Nagkakagulo ang mga tao. Nakabibingi ang sirena ng truck ng bombero at ng ambulansiya.

Tinakasan ng lakas si Johna nang maalala ang nangyari. Siya ang nasa aksidenteng iyon.

Nang biglang may isang babaeng tumatakbo at tinutumbok siya. Nang malapit na ito, tumabi siya dahil siguradong mababangga siya. What was wrong with that woman? Hindi ba siya nito nakikita?

“You’re now in energy form, Johna,” sabi ng babaeng parang anghel na nasa tabi niya. “Isang kaluluwa. You’re invisible now. Untouchable. Lulusot ka lang sa anumang physical things, pati na sa mga tao.”

Kinilabutan si Johna. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naghahalo ang takot at pag-aalala sa kanyang puso. Pero kakatwa na agad siyang kumalma nang hawakan ng babae ang kanyang kamay. Wala itong pakpak pero mukhang anghel. She seemed magical.

“P-patay na ako? A-at ikaw… you’re an a-angel. A-anghel ka, hindi ba? Wala kang pakpak pero anghel ka.”

The angelic lady gently smiled. “Ako si Armia. Hindi ako isang anghel kundi isang tagasundo.”

Umalon ang sikmura ni Johna. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang maramdaman iyon. Kaluluwa na lang siya, hindi ba? Maraming bagay ang hindi na niya mararamdaman pa.

“T-taga—tagasundo,” nanginginig ang boses na sabi ni Johna, ibinalik ang tingin sa aksidente. Nakita niyang hindi magkandatuto ang mga bombero kung paano aalisin ang nakadagan na mixer. Yupi ang taxi. Kahit siya mismo ay masasabing isang milagro ang bubuhay sa sinumang sakay ng taxi. Unfortunately, she was the passenger. At heto siya ngayon, kaluluwa na at may tagasundo sa kanyang harap.

“K-kung gano’n… kung gano’n s-susunduin mo na nga ako? M-my name was written on that book. At siguro… siguro ang librong `yan ay listahan ng mga pangalang susunduin mo.”

Ah, when it rains, it really pours. Patay na siya. Her rocky road has come to an end.

Tumigil ang isang jeep sa harap nila. Tumaas ang sulok ng labi ni Johna nang mabasa ang mga letrang nakasulat sa katawan ng jeep. Biyaheng Langit. Napansin din niya ang driver. May maputing aura ito na katulad ng kay Armia.

Then, this was not an ordinary jeep.

“Tara na, Johna,” sabi ni Armia. Nauna na ito sa pintuan ng jeep pero tumabi at pinauuna siyang sumakay.

Nag-alangan si Johna. Pakiramdam niya kapag sumakay siya, there was no turning back. Baka ang jeep na iyon ang sasakyan nila papunta sa pintuan ng langit. O dadalhin sila sa nakasisilaw na liwanag. That magical light—iyon ang mga nababasa niya sa libro at napapanood sa mga pelikula. Siguro hindi lang laging ganoon. Pero kung patay na siya, paano na ang anak niyang si Lia? Paano na ang kanyang asawa na nasa ospital at lumalaban para sa buhay nito? Paano na ang nanay niya? Her death will leave them broken.

“What’s wrong, Johna?” tanong ni Armia. “What’s holding you back?”

“H-hindi… hindi ganoon kadaling umalis,” halos pabulong na sabi ni Johna. She wanted to cry but for some reason she couldn’t cry. Siguro dahil wala na ring kakayahan ang mga kaluluwa na lumuha.

“It’s paradise there, Johna. Walang problema, walang luha ng pighati. Payapa do’n, masaya, walang alalahanin. Everything is perfect,” malamyos ang boses na sabi ni Armia.

Napayuko siya. “My life was far from perfection. I traveled a rocky road. Mahirap ang buhay. Maraming problema. P-pero kahit gano’n, m-masaya at kontento ako dahil k-kapiling ko ang mga mahal ko sa buhay. H-hindi ko alam kung papaano ako mabubuhay sa isang paraiso k-kung… kung hindi ko sila kasama. It will be meaningless. Limang taon lang ang anak kong si Alia. At ang asawa ko, si Prince—nasa hospital siya at comatose. My mother’s already old. M-mahirap pumunta sa lugar na masaya kung alam mong maiiwang nasasaktan ang mga mahal mo sa buhay.”

“Pero natapos na ang oras mo dito sa lupa, Johna. It’s time to meet Him. Oras na para humarap ka sa Kanya at sabihin kung paano mo ginugol ang buhay mo dito sa lupa.”

Johna closed her eyes. This is God’s will, right? And she should trust Him. Muli siyang dumilat nang may maalala. “O-on my last breathe, I asked Him to save my husband’s life. Prince was c-comatose and deteriorating... M-makakaligtas ba siya? S-sabi ng mga doktor, h-himala na lang kung… kung makakaligtas siya. I need him to live. I love him. I need him to live f-for my daughter. H-hindi puwedeng dalawa kaming mawawala. M-makakaligtas siya, hindi ba, Armia? Ibibigay ng Diyos ang hiling ko. T-tell me, please tell me he’ll wake up. M-magigising siya. G-gagaling siya.”

“God heard your prayers. M-magigising si Prince. Gagaling siya,” sagot ni Armia.

“Thank God! Thank God…” bulalas ni Johna. Ganoon na lang ang saya at relief na pumuno sa kanyang dibdib. Umalis man siya, alam niyang hindi pababayaan ni Prince ang kanilang anak at ang nanay niya.

“Now, please…” Iminuwestra ni Armia ang pintuan ng jeep, pinasasakay siya. “We should get going now.”

“DAD, KUYA’S fingers just moved!”

Ang boses ng kapatid na si Princess ang unang pumasok sa pandinig ni Prince.

“O-oh, my G-God. A-are you sure?” said the shock voice of his dad.

“Y-yes, yes, Dad! Oh, my God! L-look! Look, Dad, it’s moving again. K-Kuya…? K-Kuya… A-and his eyes— they’re moving, too… D-Dad, I think Kuya’s back! T-tatawag ako ng doktor.”

Nakarinig si Prince ng nagmamadaling yabag na papalabas ng kuwarto.

“Son… g-gising na. Prince, Prince… G-go on, open your eyes. Y-you can do it, son. C-come on, open your eyes,” pakiusap ng gumagaralgal na boses ng daddy niya.

Sinubukan ni Prince na dumilat. Nagawa naman niya. Pero malabo ang kanyang nakikita. Parang may ulap na tumatabing sa mga mata niya.

“Oh, my God! Oh, my God!” bulalas ng daddy niya.

Prince blinked his eyes weakly. Umaasang sa pamamagitan niyon ay lilinaw ang kanyang mga mata. And it worked. Una niyang nakita ang luhaang mukha ng amang nakatunghay sa kanya.

“D-Dad…” halos walang boses na usal niya.

His dad sobbed. “T-thank God. Thank God! W-welcome back, son. Welcome back.”

Itatanong na sana ni Prince kung ano ang nangyari nang maalala ang shooting incident sa labas ng opisina. There was a sniper on the loose. At isa siya sa mga tinamaan ng bala. The shot was fatal. Alam niyang hindi siya makakaligtas kaya tinawagan niya ang asawang si Johna para magpaalam. Para sabihing mahal na mahal niya ito. For the last time, he wanted to hear her voice. For the last time, he wanted to tell her how much he loved her.

T-then I s-survived?

Inilibot ni Prince ang tingin sa paligid, pagkatapos ay hinawakan ang kung anong tubong nasa bibig.

“D-don’t,” natatarantang awat ng daddy niya. Namumula ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. “Don’t remove it yet, son. Let’s wait for the doctors. You’ve been sleeping for weeks now. You suffered from comatose, son.”

Comatose! Right, that was a fatal shot. Isang milagro na nakaligtas siya. Sinikap niyang magsalita. “W-where’s… m-my wife?” mahinang tanong niya. He could only imagine her horror habang kausap si Johna para magpaalam. “Johna? Love?”

Hindi nakaligtas kay Prince nang magpalitan ng tingin ang kanyang ama at kapatid. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang kakaibang emosyong bumakas sa mukha ng dalawa.

Dumating ang mga doktor. Nagulat ang mga ito nang makitang gising na si Prince. His father and sister gave way. Narinig niyang tinatawagan na ni Cess ang mommy nila.

Then Prince gasped. May mga salitang parang ibinulong ng hangin sa kanyang tainga.

“K-kung oras ko na po...K-kung kukunin N’yo na ako, at least… at least save Prince. Iligtas N’yo po ang asawa ko. Hindi puwedeng dalawa kaming mawawala sa buhay ni Lia. Please, God. Please…”

No. Hindi ibinulong ng hangin ang mga salitang iyon. Rather, he recalled it from his memory. Tama, narinig niya ang mga salitang iyon ni Johna noong nasa—Ah, hindi niya alam kung anong lugar iyon. Pero maganda roon, parang paraiso…

Dumagundong ang dibdib ni Prince. His eyes grew big. Iyon ang huling narinig niya bago siya balikan ng malay, bago narinig ang boses ni Cess.

“Mister Patterson…? Mister Patterson…? Can you hear us, Mister Patterson?”

Napatingin si Prince sa mga doktor na nakatayo sa tabi ng kama. Ang isa ay nakaupo sa tabi niya.

“Can you hear us?”

Hindi niya pinansin ang mga ito. Binalingan niya ang ama at kapatid. Everybody gasped when he forcedly removed that tube in his mouth. “S-si Johna. W-where is she? W-where’s my wife?” mahina at garalgal ang boses na tanong niya.

Muli, nagtinginan ang mag-ama. Napansin pa ni Prince nang dumiin ang pagkakahawak ni Cess sa braso ng daddy nila.

“Hindi puwedeng dalawa kaming mawawala sa buhay ni Lia. Please, God. Please…” muling pag-alingawngaw ng boses ni Johna.

That particular tone of her voice… It was… It was desperate and came from the core of her heart. It was like she uttered that prayer while taking her last breath.

Binalot ng kilabot si Prince. His heart was wildly pumping against his chest. “Answer me! Where’s my wife?” nagpa-panic na tanong niya. “Cess, tinawagan mo si Mommy pero hindi ang asawa ko. Why?”

“Johna’s f-fine,” biglang sabi ng daddy niya.

She’s fine? Pero bakit hindi niya maramdaman ang sincerity ng ama?

“A-are you sure? Where is she? Please call her now. Tell her I’m awake. Tell her to stop crying and stop worrying. Tell her to come, please. Tell her that I made it. Gusto ko siyang makita, mahawakan, mayakap. Daddy, my wife, w-where’s my wife?”

“Your wife is r-resting. I-ilang gabi na siyang walang tulog kaya p-pinauwi na muna namin para magpahinga. I-I’m sure mamaya, nandito na rin si Johna. P-please, son, makipag-cooperate ka na muna sa mga doktor. They need to check you up.”

“But…” Tiningnan ni Prince ang kapatid na nag-iwas ng tingin habang kagat ang lower lip. Na parang may gustong itago. “Cess…” tawag niya.

“Kuya, please,” pakiusap nito.

He sighed in surrender. Itinuon niya ang atensiyon sa mga doktor.

PRINCE opened his eyes. Agad niyang napansin na iba na ang kuwartong kinaroroonan. Nakita niya ang kapatid na nasa couch. She was asleep. Sinuri niya ang sarili. Kompara noong una, iilang wires na lang ang nakakabit sa kanyang katawan. Hindi katulad noong una na pakiramdam niya, para siyang ine-experiment.

“C-Cess…” tawag niya sa kapatid. “Princess…”

Agad naman itong nagising at hangos na lumapit sa kama niya. “Oh, thank God, you’re finally awake.” Niyakap siya nito. “K-kumusta ang pakiramdam mo, Kuya?”

“I-ilang oras pa akong nakatulog?” sa halip na sumagot ay tanong din ni Prince. Natatandaan niyang bumigat uli ang talukap ng kanyang mga mata pagkaraang sumailalim sa kung ano-anong test. Hanggang sa hindi na niya mapaglabanan ang antok.

Cess smiled poignantly. “Four more days.”

He gasped. “Days?!”

Tumango ang kapatid. “The doctors told us na matutulog ka pa nang ilang araw. Pagkagising mo raw ay m-magiging normal na ang lahat. In fact, inilipat ka na namin kahapon dito sa recovery room. You’ve been doing great, Kuya. The doctors were amazed at your recovery. May—”

“Si Johna?” hindi nakatiis na putol ni Prince sa sinasabi ng kapatid. “I bet she also cried when she heard the news. Pumunta ba agad siya rito? Where is she now?”

Namutla si Princess. “S-she’s…”

“Call her. Please, Cess, tawagin mo ang asawa ko. Umuwi ba siya sa bahay? Pahiram na lang ng cell phone mo. Ako na ang tatawag sa kanya,” excited na bulalas niya at inilahad ang kamay. “Give me your phone.”

Lumunok si Cess. Then she bit her lower lip.

“Cess…” Kinakabahan na naman si Prince. Hayun na naman ang pakiramdam na may mali.

Nag-iwas ng tingin ang kapatid na parang naluluha na.

“Princess!” maigting at seryoso niyang sabi. “Where’s my wife?!”

“K-Kuya, I—”

Tumiim ang mga labi ni Prince. “Tinatanong kita. Answer me. Damn it, Cess, answer me!” frustrated na bulalas niya, hindi gusto ang pakiramdam na may dapat siyang malaman pero hindi naman masabi-sabi sa kanya.

“K-Kuya, h-huwag kang… huwag kang mabibigla, ha,” alanganing sabi nito.

That line brought shiver down Prince’s spine. Nanindig ang kanyang mga balahibo. Ang linyang iyon, hindi ba at ginagawa iyong introduction kapag… kapag may masamang balita?

Lumunok siya. “D-did… did something happen to her? Is she… all right?”

Nag-iwas ng tingin si Cess. Tears run down her cheeks.

“Cess!” sigaw na niya, tumitindi ang takot at pag-aalala sa dibdib.

“A… a w-week ago. Na… n-nasangkot sa isang c-car accident si J-Johna. I-isang… isang cement mixer ang... d-dumagan sa sinasakyan niyang taxi…”

Malakas na suminghap si Prince. Parang nanlaki ang kanyang ulo sa narinig. Palaki nang palaki na parang puputok. It felt as though his blood was drained from his body.

Start Reading
Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free