HinovelDownload the book in the application

Chapter 7

“DROP that big face, will you?”

Pinagtaasan ng kilay ni Chyiarah ang nasa driver seat na si Thrace. Nagmamaneho na ito ng magarang kotse nito na obviously ay bagong-bago. Maski ang back seat ay may plastic pa.

Dapat ay doon siya pupuwesto sa hulihan para iwasan ang lalaki pero…

‘Hija? Pagmumukhain mo namang driver ang fiancée mo?’

“Tss! Ano bang pakialam mo? Sisimangot ako hanggang gusto ko!”

Gusto niyang tumili. Gustong-gusto niyang tumili hanggang marindi na ito sa kanya at isoli na siya sa mga magulang niya.

He heaved a deep sigh. “Ang sabi ni Lori ay mabait ka at madaling pakisamahan. Hindi nagsisinungaling ang kapatid kong iyon. Ngayon pa lang.”

She impatiently turned to him. “And what was that supposed to mean?”

“Oh, Chyiarah.” Marahas na umungol ito. “Don’t make me stressed the obvious.”

“Hindi sana ako mahirap pakisamahan kung hindi ka lang naging arogante sa unang beses na nagkaharap tayo!”

“Arogante? Ako pa ba ang arogante samantalang ikaw itong biglang nagwala maski pa obviously ay nagugustuhan mo naman ang mga haplos ko.” May halong sarkasmo ang tinig ng lalaki at hindi nakaligtas sa kanya iyon.

Gusto mang pigilan ni Chyiarah ang pamumula ng mukha ay hindi niya nagawa. She felt her face hot in embarrassment. Dahil aminin man niya o hindi ay tama ang walanghiya.

“You brute! Fuck you!” Sa labis na kahihiyan ay sigaw niya rito.

“Oh, sure. Mamaya, pagdating sa bahay.” Nangingislap ang mga mata nitong bumaling sa kanya. “We’ll fuck each other to our hearts content.”

Sa halip na sumiklab ang galit sa kabuuan niya ay kakaibang apoy ang mabilis na dumaloy sa buong sistema ng dalaga. At para bang sinapian siya ng nasasabik na ispiritu.

His voice was husky… and tempting that it stirs her loins. Naaamoy niya ang halimuyak ng mabangong hininga ni Thrace. And it was intoxicating as the man himself.

Kung maaari ay kakabigin na niya ang batok nito at hahagkan ito hanggang sa malagutan sila ng hininga.

But she wouldn’t let her lust and need rule over her. Itinago niya ang pagnanasang nasa mga mata at pinaibabaw ang galit na siyang dapat.

“I wish I won’t see you ever, again!” She achingly groaned.

Tumahimik lang ito at patuloy na nagmaneho.

Mabuti naman.

Napapagod na siyang makipagbanggaan ng salita rito. And to think na umaga palang. Kakasimula palang ng araw niya. Kakayanin pa ba niyang magtagal hanggang hapon? At hanggang gabi?

Ah, kung mananahimik nalang ba ito sa tabi niya at hahayaan siyang papakin ito ng titig ay bakit hindi? She would gladly gaze upon him, all day, until night long.

Nah! Palagay niya ay hindi siya makokontento sa pagtitig lang sa katakam-takam nitong katawan. She would even love to roam her hand to his whole body. From his handsome face, to his neck, to his broad shoulders. She will feel the warmth of his wide chest down to his torso. At parang hindi pa din siya makokontento sa haplos lang. Papaulanan niya ito ng nag-aapoy na halik sa buong katawan nito hanggang magmarka ang mga iyon roon.

She will make him beg to feel him more as she was pleasuring his whole rock body.

And she couldn’t wait to taste the beast down there.

“I bet I passed, with flying colors.” Nakangisi na ang hudyo nang biglang bumaling sa kanya.

At isang matipunong halakhak ang pinakawalan nito nang mapasinghap siya ng malakas.

The brute!

Might as well, kill him without mercy!

Pero ano ba? Kasalanan naman niya. Kung hindi pa ito nagsalita ay mauuwi na sa porn ang utak at imahinasyon niya.

“Don’t flatter yourself too much, Mr. Bachelor. Hindi pa din kita gustong pakasalan.”

“Well, I bet you can’t do anything about it dahil magulang mo na ang nagdecide para sa ‘yo, Chyiarah. Anyway, I prefer a first name basis. No need for formalities. Hindi naman tayo nagtatransaksyon sa isang negosyo.”

“Oh, really?” She mockingly asked. “Hindi ba out of business naman talaga ang dahilan ng punyetang kasalang ito?”

Napangiwi si Thrace sa pagmumura niya. “Woman! Cursing didn’t suit you. You were so lovely to use those bad words. But…”

He stopped in midsentence as he playfully and quickly studied her with glittering lust in his grayish brown eyes. At hindi pwedeng hindi siya maapektuhan sa pang-akit nito.

Bumalik sa daan ang mga mata ni Thrace na halos magpapugto ng kanyang hininga.

“You are free to curse when we were in bed, mon belle.”

And the words were said in a sensual yet seducing way that it sends her tiny balls of fire. At para siyang tinutupok ng apoy ng pagnanasa. Nilulunod ng pangangailangan at pananabik. He was using a French endearment na lalo lang nagpapaigting sa kanyang damdamin.

Why, she was even excited when she should be mad.

Nababaliw na siya!

Nababaliw na talaga siya!

Mabilis na binawi niya ang mga paningin nang muli itong sumulyap sa kanya. Inihagis sa labas ng bintana ang mga damdaming hindi dapat maramdaman ayon sa dikta ng kanyang isip.

Tama, ang isip ang kanyang dapat na paganahin at hindi ang malanding katawan.

“Turning your back from the fight?”

Hindi pa din siya lumingon.

“You disappoint me, Chyiarah. Akala ko pa naman ay fighter ka.” Naghahamon ang baritonong tinig nito na para bang biglang nanghinayang.

“Anong sinasabi mo?”

Huminga ito ng malalim. Saka siya binalingan.“Akala ko ay ipaglalaban mo ang sinasabi mong ayaw mong makasal sa akin kahit na, it was obvious that you want me.” Pilyong lumingon ulit ito sa kanya saka initigil ang sasakyan dahil naka-red ang traffic lights.

Arogante!

Gusto na niya itong singhalan at itanggi ang sarili maski pa maging katatawanan siya sa harapan nito. Pero nang umangat ang isang kamay nito sa pisngi niya, and gentle rubbing his knuckles on her cheeks, down her long and sleek neck, ay gusto nalang niyang magpatangay sa sensasyong parati nitong pinauulan sa buo niyang katauhan.

“And I want you too, Chyiarah.” His voice was husky ang tempting. “Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko kung ayaw mo sa akin. Not if you won’t answer every touch I’m going to do with you.”

Nah! Porke alam nitong hindi siya makakatanggi sa mga haplos nito ay…

Oh, hell! Fuck it!

“E’di gumawa ka ng paraan para hindi matuloy ang kasalang ito.”

The words were said so thickly and weak. Na para bang maski siya ay ayaw ilabas ang mga salita.

“I can.” Maigsing sabi nito. Ibinalik ang sarili sa pagmamaneho nang mag-go ang traffic light at biglang pumormal. At para bang ng mga sandaling iyon ay may nagnakaw ng kanyang puso mula sa kanya. Para siyang nanibago.

“Then, bakit hindi ka kumikilos?” Mahina na ang boses niya. Napapagod nang singhalan ito o talagang ayaw nalang niyang magsalita kaya lang ay kailangan.

“Si Mama ang pagdidiskitahan ni Papa. Kukulitin niya si Mama na isa sa mga kapatid ko ang suyuin at piliting ipakasal sa ‘yo. And knowing how stubborn my siblings are, pahihirapan lang nila si Mama. And I won’t allow that. Ganoon din naman ang kahahantungan, isa din sa amin ang ipapakasal sa ‘yo ay pahihirapan pa si Mama. I might as well offer myself. I hate thinking that I can’t do anything to protect my own mother from my calculating and manipulating father.”

Parang may itinarak na kung ano sa puso ni Chyiarah habang naririnig ang mga sinasabi ni Thrace. Napakapormal man pero ramdam niya kung gaano nito kamahal ang ina. At hindi ito gagawa ng bagay na ikagagalit ng ama huwag lang balingan ang ina.

Sabi nila, higit na mahal ng magulang ang anak. Pero sa nakikita niya sa katabi, higit na mahal nito ang ina.

And it was like a switch of light turned on. Mas maswerte siya sa mga magulang kaysa kay Thrace. Ngayon lang niya naranasang imanipula at talagang gusto niyang magwala, paano pa kaya kung ang buhay niya ay tulad rito na nahuhulaan niyang buong panahon ay minamanipula ng ama?

And yet, ano ang ginagawa niya? Nagrerebelde siya dahil lang kulang ang mga ito ng panahon sa kanya?

‘Pero hindi lang naman iyon ang dahilan ng mga ginawa mo, Chy. Naging dagdag nalang iyon dahil wala sila no’nghigit mo silang kailangan. Walang gumagabay sa ‘yo noon sa ano ang dapat gawin.’

Malalim na nagbuntong-hininga si Chyiarah at pinalis sa isip ang mga bagay-bagay. “That was honorable of you, Thrace.” Dapat ay pasarkastiko niyang sasabihin pero mas ang admiration.

Biglang humarap sa kanya si Thrace. Glints of smile were in his eyes. “I like it, hearing my name from you. Parang ang gwapo-gwapo ko.”

And it earned a real laugh from her.

“Why, aren’t you aware of how handsome you are?”

‘You are devastatingly handsome!’ She wanted to add. But she did not.

…..

HINDI inaasahan ni Chyiarah na ang tinutukoy ni Thrace na bahay nito ay isang mansyon pala. Isang magarang mansyon. At ito raw ang nagmamay-ari?

Well, ano ba ang nakapagtataka? Napakayaman ng mga Bachelor. Hindi na siya magtataka kung sasabihin ni Thrace na sa bawat bayan sa bansang Pilipinas ay may bahay ito. Na kahit saan ito abutin ng pagod at puyat ay may komportableng matutuluyan ito.

“Where’s the maid?” Nagtatakang tanong ni Chyiarah habang bitbit ni Thrace ang maliit niyang maleta.

Napakatahimik ng buong bahay.

Parang sa mansyon nila. Kung hindi sila magkakaroon ng family gatherings na doon ginaganap ay hindi magkakaroon ng buhay. Minsan nalang umuwi ang mga kapatid ni Chyiarah. Nagkanya-kanya na kasing bili ng tirahan ang mga iyon. Siya lang ang hindi pinayagang mag-free living ng mga magulang. Una ay wala naman daw siyang trabaho para maging dahilan para bumukod. Pangalawa, dahil siya ang bunso ay sa kanya mauuwi ang mansyon. Bukod pa sa SFC at iba pang propriedad ng pamilya na paghahatian nilang magkakapatid.

“May caretaker ako na tatlong beses sa isang linggo kung pumunta rito para maglinis.” Kaswal na sagot ni Thrace.

“How about the cook? At ang labandera? Hardinero? Look, hindi ako marunong ng kahit anong house chores.”

Iniuwi ba siya ng lalaking ito para gawing katulong? Ipapa-practice na nito sa kanya kung paano maging may bahay ni Thrace Bachelor?

May bahay…

It sounds great! May kung anong katuwaan ang humaplos sa puso ni Chyiarah nang maisip ang salitang iyon. Na hindi niya naramdaman noong minsan na rin siyang inaya ng dating kasintahan na magpakasal. This time ay parang excited pa siyang maisip ang salitang—

Oh no!

Mabilis ding iwinaksi ng dalaga ang kung anumang masarap na pakiramdam. Bakit siya matutuwang maging may bahay nito?

“Do you think I didn’t know that? Isa pa…” Pilyo itong bumaling sa kanya. “Sa kama mo lang ako pagsisilbihan, mi amore.” Tukso pa nito sa kanya.

At sa tuwing ginagawa nito iyon ay pinapaapoy nito ang mga pisngi niya. Pinapasabik ang katawan niya.

Goodness!

Inirapan niya ang binata para maitago ang sarili. Binuksan nito ang two panel door ng magarang bahay saka dere-deretsong pumasok sa loob. Sumalubong sa kanila ang mabangong amoy ng bahay, citrus scent.

Naglumikot naman ang mga mata ni Chyiarah at sumuri sa buong paligid. Napakalawak noon. Walang masyadong dekorasyon. Walang anumang bagay na hindi naman kakailanganin sa loob. And yet, naghuhumiyaw ang karangyahan. Hindi siya ganoon kagaling kumilatis ng mga kagamitan pero nahuhulaan niyang hindi biro ang halaga ng lahat ng naroroon. Lalong-lalo na ang chandelier na nasa kisame sa tapat ng grand staircase.

Sa isip ay parang nakikini-kinita niyang nakikipagtalik si Thrace sa mga babae nitong dinala roon. Ano pa ba ang dahilan nito para bumili ng sariling tirahan? Para madala ang babae nito roon at maging malayang gawin ang mga sexual escapades ng mga ito.

‘Pare-pareho kaming mga lalaki ng gusto. Only hypocrites will deny it.’

Yeah. Tama, sigurado siyang ang black leather couch nito ay may alaala rin ng pakikipag-sex nito. Ang counter top sa nakikita niyang kitchen na naka-seclude sa pamamagitan ng glass panel. Ang mini bar. Ang bawat sulok ng bahay. Baka nga pati ang mamahaling carpet na nakalatag sa grand staircase.

Bigla siyang nainis sa mga naiisip at pasikmat na binalingan si Thrace na ngayon ay umaakyat na sa malaking hagdanan.

“Dahil magiging mag-asawa na tayo, gusto kong malaman mo na hindi ako papayag na dalhin mo rito ang mga babae mo.” Sa naiiritang boses ay sabi niya rito.

Pilit nagpe-play sa utak niya ang magkapatong na hubad na katawan nito at ng mga naging babae nito kahit anong pigil niya. And it irritates the hell out of her!

“This is my house—”

“Na magiging akin na din kapag mag-asawa na tayo. What’s yours is mine and vice versa.” Mabilis na putol ng dalaga sa pagtutol ni Thrace. “Kaya kung may mga babae kang pumupunta rito, pakisabihan mo silang hindi ka na nila pwedeng dayuhin dito.”

Nabubwisit si Chyiarah. Hindi man nito deretsong inamin pero may hint na may babae nga ito base sa pagtutol sa sinabi niya.

“Well, rest yourself na walang babaeng biglang kakatok sa pintuan ng bago mong bahay, Chyiarah Speckhart-Bachelor.” Kung amusement ang nahimigan niya sa tono ni Thrace ay hindi niya sigurado.

Pero natitiyak niyang kumikislap ang mga mata nito nang muli siyang lungunin ng binata. It was as if he was excited or something.

Excited to what?

Dream on, Chyiarah. Hindi bukal sa loob ng lalaking iyan na pakasalan ka. He was obligued to.

But then she was happy he assured her no one will gonna knock outside.

O baka dahil sa ibang bahay nito dadalhin?

Binuksan ni Thrace ang isang pinto. At bumungad sa kanya ang napakalaking silid na nalalamanan ng mamahaling mga bagay. A king sized bed in deep blue color. Masyadong malaki ang kama para sa isang tao. May settee rin sa isang bahagi. Personal refrigerator sa kaliwang bahagi ng silid na kitang-kita niya mula sa glass panel na humahati sa bahaging iyon ng silid, pahiwalay sa kabuuan.

Pang-lalaki ang kulay ng silid at pakiramdam niya ay hindi siya welcome. Nang lumingon pa siya sa isang bahagi ay ganoon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata.

Ang walk-in closet ay may malapad at malaking salamin sa pinakapinto! Maging sa dingding sa kaliwa niya ay may floor to ceiling na salamin. At ang iba pang bahagi ay nalilibutan ng salamin!

“A-Ayoko rito!” Halos hindi lumabas ang tinig sa kanyang bibig. At para bang tinangay ng kung ano ang kaluluwa niya patungo sa lugar na kinatatakutan niya.

Sa ulunan ng malaking kama ay may malapad ring salamin na katulad ng iba ay nakakapit sa dingding.

“We were getting married. At ang master’s bedroom ang dapat na gamitin nating pareho. I’ll be staying in the country for our honeymoon. Pwede ko namang i-monitor ang negosyo habang naririto and once in a month…”

Parang natauhan si Chyiarah sa naunang sinabi ni Thrace at hindi inintindi ang papahuli.

Hindi iyon ang silid na inilalaan nito para sa kanya kundi para sa kanilang dalawa. At nasisigurado niyang ito ang dating gumagamit noon.

Oh well, may escape na siya para hindi mapilitang gamitin din ang silid na iyon.

“We are not yet married. Bigyan mo naman ako ng pagpapahalagang moral—”

Natigil sa kanyang lalamunan ang sasabihin nang makitang umangat ang gilid ng isang labi nito pagkarinig sa kanyang sinasabi. Nakalimutan ni Chyiarah na madumi nga pala ang tingin nito sa kanya. He had falsely accused her for being a cheap kind.

Which made her curious. ‘Di ba dapat ay tigas ito sa pagtanggi na pakasal sa kanya? Who would want to marry someone of loose moral character and an easy virtue?

‘It was hitting two birds with one stone.’

‘I want you…’

Naiintindihan na niya ngayon. Gusto siyang gawing parausan nito habang sakop sila ng sakramento ng kasal. Bed activities will never be a question to them beause it will be legal. And also, he will get the SFC. How clever!

“This is our bed, whether you like it or not.”

Napahakbang paatras si Chyiarah nang makitang kumikislap sa pagnanasa ang mga mata ni Thrace. He was grinning like a wild beast ready to catch her and dragged her to his bed.

Sa imagination niya ay nagbabago ang anyo nito. He was becoming someone that she was afraid of yet she loved.

It was like déjà vu. She was transported back to the tail of time.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free