HinovelDownload the book in the application

Chapter 4

“SORRY. I—I don’t mean it.” Naguguluhang sabi ni Chyiarah habang inaayos ang sarili.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Kaninang pinaliligaya niya si Chace ay ito naman talaga ang nasa isip niya. Nasisiyahan siya sa kaalamang kailangan siya nito. And she was glad to give him the pleasure he wanted. Pero nang dumating sa point na nagbabagong anyo na ito sa kanyang imahinasyon, ibang tao ang sumagi sa isip niya. Hindi si Phyro kundi si Thrace.

Ang aroganteng si Thrace!

She was imagining that it was Thrace who moaned and gasped in what she was doing. And she wanted him to beg for more. She wanted to hear him beg for her.

Hindi na siya aware sa nasabi. At iyon din ang naging dahilan para magising siya sa nakalulunod na pagnanasa.

Why it was Thrace?! Kakikilala lang nila. At nagagalit ang lalaking iyon sa kanya! Paanong nagawa niyang pagnasaan ito ng ganoon, to the point na ito, sa halip na si Phyro ang sumasaglit sa kanyang imahinasyon sa tuwing nasa ganoon na siyang momentum?

“Who was that Thrace?” Sa nagtitiim na bagang ay paasik na tanong sa kanya ni Chace.

She couldn’t blame him. Pang ilang beses na niya itong naibitin. Though inaasahan na naman niyang mangyayari iyon, hindi naman ganito kabilis. At hindi dapat na ang lalaking iyon ang maging dahilan. Bakit si Thrace?

“Someone.” Matipid na sagot niya dahil hindi rin alam ni Chyiarah kung paano sasagutin ang tanong ng lalaki.

Who is Thrace, anyway? Aside from being a Bachelor, who was he?

“Someone?” Nakakunot-noong tanong ni Chace. “Someone that you fucked and you can’t move on?”

Pahablot na inalis ni Chace ang boxer briefs nito. Tumayo bigla sa harapan niya na nakahayin ang fully aroused na pagkalalaki. At hindi na niya masigurado kung dahil iyon sa pagnanasa o galit at insulto.

Her eyes widened as she looked swiftly away from him. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naeeskandalo. Sa karaniwang sitwasyon, dapat ay inaabot na niya ang malaking sandata at minamasahe. And she’ll make him beg even more. Her ego boasted the moment she heard her partner beg for her.

Pero sa mga sandaling iyon ay gusto nalang niyang makalabas ng unit ni Chace and dragged herself home. Mabilis na inabot niya ang clutch bag at tumakas ng labas. Naririnig pa niya ang paghabol at pagmumura ni Chace pero hindi na niya ito pinansin.

“What the hell is happening to me?” Naninibago talaga siya sa kanyang sarili.

“WHAT, dude? Sinong Thrace? Phyro ang pangalan na binabanggit ng babaeng iyon kapag nasasarapan na din.”

Nagtiim-bagang na naman si Chace pagkarinig sa halakhak ng kaibigan.

Mabilis niyang tinawagan ang kabarkadang naka-one night na ni Chyiarah at naalala niyang hindi natuloy ang mga ito sa paraiso dahil nainsulto ang kaibigan. Ibang lalaki daw ang binabanggit ng babaeng iyon.

At ganoon din ang naranasan niya ngayon.

“Thrace nga, pare. Hindi Phyro. Malinaw ang pandinig ko. Sino-sino ba ang mga lalaking iyon?” pagalit na sikmat niya sa kaibigang nasa kabilang linya.

Masakit pa rin ang puson niya maski nakapag-hand job na. At hindi niya maintindihan kung bakit pamilyar sa kanya ang pangalang Phyro, unang beses palang niyang marinig iyon sa kaibigan.

“Aba malay ko? Basta Phyro ang pangalan ng binabanggit ng gagang iyon. Tanungin mo si Zaico. Ganoon din ang naranasan niya e. Si Phyro din ang binanggit habang kasama niya ‘yon.”

Sandali pa at kasama na ang iba pa nilang katropa sa usapan. Naka-conference call na sila at nagpapayabangan sa karanasan kasama ng sultry heiress.

At dahil gustong patunayan ni Chace na tama siya ng narinig ay pinadala niya sa mga ito ang trimmed feed ng hidden camera sa unit niya. Iyong parte na nakapatong sa ibabaw niya si Chyiarah, hanggang sa nagbo-blow job ito at pakawalan siya saka binanggit ang pangalan ng kung sinong Thrace na iyon.

Gusto na naman niyang mairita. Masyadong nakakabaliw ang babeng iyon. At sa tuwing maiisip palang niya ito ay bumubugalwak na ang apoy sa kanyang katauhan. Kaya hindi niya matatanggap na hindi niya ito makukuha.

PAPALABAS si Chyiarah ng kanilang mansyon nang pigilan ng katulong.

“Pinapatawag po kayo ng Daddy niyo sa library, Senyorita.”

Umigkas ang kilay ng dalaga. Naroroon napala ang Daddy niya? Masyado naman yatang maaga? Alas sinko palang ng hapon. Kadalasan ay hatinggabi na ito nakakauwi. Kaya hindi na rin nalalaman ng mga ito na gabi-gabi siyang nakatambay sa mga bar.

At ngayon nga ay may usapan sila ni Loridee na magkikita. Ayaw na niyang mag-isang magpunta ng bar. Nawalan na siya ng ganang gawin ang katulad ng ginagawa niya dati. Iyong makipagkilala at makipagflirt sa bagong kakilalang lalaki. At hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkakaganoon.

Ilang gabi na siyang naguguluhan dahil hindi maialis ng dalaga sa isip ang anyo ni Thrace. Ang iba’t-ibang ekspresyon sa mukha nito ay parang nagsisindi ng apoy sa kanyang kabuuan. The view of him in her imagination made her loins ached in need. Minsan ay hinahaplos niya ang sarili na si Thrace ang laman ng kanyang isip.

Hindi na tama iyon. Bakit niya pagnanasaan ang lalaking napakataas ng tingin sa sarili at napakababa naman kung uriin siya?

At para matapos na ang lahat ng kanyang kabaliwan ay kakausapin niya si Loridee patungkol sa Thrace na iyon.

Naglakad pabalik si Chyiarah at dumeretso sa library. Kabubukas palang ng pinto at isang paa palang ang naihahakbang niya papasok ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. Halos matulig siya sa lakas ng impact noon na nahawakan niya ang kaliwang pisngi na nasaktan.

Narinig ni Chyiarah na napasinghap ang kanyang ina.

“Emmanuel!”

Nag-angat ng mukha si Chyiarah. At sa nagtatanong na anyo ay tinitigan niya ang kanyang amang halos sumabog sa matinding galit.

“Anong ginawa ko, Dad?”

Umangat muli sa ere ang kamay nito at bago pa iyon dumapo sa pisngi niya ay napigilan nang kanyang ina. Napaurong ang dalaga. Sa buong twenty-three years ng existence niya sa mundo bilang si Chyiarah Speckhart ay wala siyang matandaan na pinagbuhatan siya ng kamay ng kanyang ama. Ito ang spoiler niya habang ang ina ang disciplinarian na magkita at humindi sila ay ayos lang.

Pero anong nangyayari ngayon? Kung hindi ito napigil ng kanyang ina ay baka tumilapon siya palabas ng library. His anger was enough to beat her into pieces. At natatakot siya. Ngayon palang niya nakitang nagalit ng ganoon sa kanya ang kanyang ama.

Bumaling ang dalaga sa kanyang ina. Maging ito man ay nagtiim-bagang rin maski pa nakikita niyang may gentle expression sa mga mata nitong nakatitig sa kanya.

Kumawala si Emmanuel mula sa asawa at lumapit sa table na naroroon sa library. Siya naman ay hinila ng ina palapit rin doon.

At ganoon nalang ang pagkamangha ni Chyiarah nang isalya ng kanyang ama ang mga larawan sa kanyang harapan. Mga bastos na larawan niya, while doing a blow job to someone. Madaming kopya sa iba’t-ibang anggulo. Meron pang nakasakay siya sa katawan ng isang lalaki. And the back ground was familiar.

Damn him!

“You…!” Nag-uumapaw ang galit ng kanyang ama at kung hindi siya nakalayo ay baka nasampal na naman siya nito. “Did you know that someone’s blackmailing me because of those fucking pictures of yours?!”

Parang kalugkog na dumagundong sa buong library ang boses ng ama ni Chyiarah. Namumula rin iyon sa matinding galit na kung pwede lang ay baka kanina pa itong nagbuga ng apoy at tinusta siya.

Gustong pangapusan ng hininga ang dalaga. Sana ay bumuka na ang lupa sa mga oras na iyon at lamunin siya. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Chace sa kanya. Kahit naman dalawang linggo palang silang nagkakilala ay naramdaman niyang hindi ito ganoong uri ng tao. Pero nagkamali na naman ba siya?

“That son of a whore!” Muling umugong ng malakas ang galit na tinig ng kanyang ama. “Gusto niyang kapalit ng pagkawala ng mga pictures na iyan at lahat ng uri ng kopya ng mga iyan ay ipakasal kita sa kanya!” Sa matatas na tagalog ay galit na sigaw ng kanyang ama.

Napasinghap si Chyiarah. Binablackmail ito ni Chace?

Sa pagkakaalala niya ay malinaw dito that they were just having fun. Ganoon ba katindi ang naging galit nito sa kanya sa ginawa niya para iblackmail nito ang kanyang ama?

“At hindi ako nababaliw para ipakasal kita sa lalaking alam kong ang mana at pera mo lang ang gustong makuha sa ‘yo!”

Magsasalita sana siya para tumutol pero nalunok nalang niya ang dila nang tumigas na naman ang anyo ng kanyang ama.

“Kung sino man ang hayop na lalaking iyan ay hindi ako papayag na makasal ka sa kanya. Hindi ako nagpakakuba ng maraming taon para lang mapunta sa wala ang mga pinaghirapan ko.”

Oh, sure. Alam naman niyang walang ibang mahalaga rito kundi ang kayamanan nito. At dahil doon ay gusto na naman niyang maghimagsik. Oo, kasalanan naman niya kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon. Pero naisip ba ng mga ito minsan kung ano ang dahilan ng mga pinaggagawa niya?

“At ikaw Chyiarah!” Dinuro siya nito. “Kailan mo aayusin ang buhay mo? Ni hindi kita mapakinabangan sa opisina, punyeta kang bata ka!”

“Emmanuel, tama na.” Masuyong saway ng kanyang ina rito.

Nanatiling nakatayo lang si Chyiarah. Hindi alam ang sasabihin. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Sa pagkapahiya o takot ay hindi niya alam. Siguro ay pareho. At ayaw nalang niyang kumilos habang tinatanggap ang mga pagmumura ng kanyang ama. He was in his worst mood. At kung magsasalita siya ay baka kung anong magawa nito dahil sa bugso ng galit, at maaaring pagsisihan rin nito sa bandang huli.

“Hindi. Hindi ako titigil hangga’t hindi nagtitino ang anak mo! Ibinigay ko na sa kanya ang lahat. Hindi ko na nga yan inoobliga na magtrabaho at hinahayaan nalang na magpasarap sa buhay! Pagkatapos ay bigla nalang akong gugulatin ng isang blackmail? Punyeta! Wala akong kaalam-alam na ganyan na kalala iyang anak mo, Marianne!”

‘Wala kayong alam dahil wala naman kayong pakialam!’

Gusto niyang isigaw sa mga ito. Abala pareho sa negosyo ang kanyang mga magulang. Maski noong nag-aaral pa siya ay hindi man lang makapaglaan ang mga ito ng oras para sa mga school events. Parating ang driver at tagapag-aalaga niya ang umaattend para sa kanya. Hanggang sa mag-college siya ay wala ang mga ito noong tumanggap siya ng awards sa unibersidad.

Parating busy sa pagpapayaman. Hindi magawang guluhin ang schedule para sa kanya. Maaalala lang siya ng mga ito kapag kailangan siyang iharap sa mga amiga at amigo ng mga ito. O kaya ay ipagyabang ang maganda, sopistikada at nag-iisang anak na babae na magiging tagapagmana ng mga ito ng SFC.

Dekorasyon lang siya para sa mga magulang.

Kaya bakit nagtataka pa ang mga ito na walang alam sa mga pinaggagagawa niya?

Pinatigas ni Chyiarah ang loob sa kabila ng katotohanang gusto nang bumukal ng mga luha niya dahil sa tampo sa mga ito. They will never see her weak. Murahin siya ng mga ito hanggang gusto pero hindi siya titigil sa mga pinagagagawa niya. Besides, wala naman siyang tatakbuhan kapag bumalik na naman ang mga pangit na alaala. Kapag inuusig na naman siya ng kanyang konsensiya.

Muling nagrebelde ang damdamin ni Chyiarah. Kung kaninang papalabas siya ng bahay ay gusto na niyang iwan ang kanyang mga mahahalay na gawain, ngayon ay parang itinulak muli ang kanyang sarili pabalik sa mga iyon.

“I gave you everything.” Bahagyang bumaba na ang tono nito. “Everything that you need and want. And yet, here you are that I never thought you will be an ill-bred, oh, holly shit!”

The voice of her father almost sliced her. She could feel his disappointment and anger. And pain that it stir her guilt. But then, mabilis ang rebelyon sa kanyang puso na hindi niya napigilan ang sarili na magsalita.

“Everything? You gave me everything… but I don’t need everything.” Sa pigil na emosyon ay sabi niya. “Kayo naman talaga ang kailangan ko.” Mahinang-mahina lang ang boses niya na halos ayaw niyang iparinig sa mga ito.

Dahil bakit pa? Wala rin namang mangyayari. Wala pa ring halaga ang sasabihin niya dahil walang importante sa mga ito kundi pera.

“You shut up!” Singhal muli ng ama sa kanya. “Kahit anong sabihin mo, sinira mo pa din ang sarili mo at idinadamay mo sa eskandalo ang pamilyang ito!” He breathed as his face hardened. “And you have to clean your mess, Chyiarah!”

Napatanga siya sa ama.

“You’ll not go anywhere, starting now. And so to clean your mess, pakakasal ka sa lalaking ako ang pipili. Ako ang magdidikta kung kailan at saan!” Matigas at pinal na saad ng kanyang ama na nagpalaki ng mga mata niya.

Oh God! His father was being like a manipulative freak!

“Dad—”

“You heard it. Hindi ka aalis hanggang hindi mo nakikilala ang lalaking mapapangasawa mo. Bukas na bukas din ay pupunta rito ang mga Bachelor at pag-uusapan namin ang kasunduan. Kung kinakailangan kong ialok ang pamamahala at pagpapatakbo ng SFC sa isa sa mga anak ni Avio, masigurado ko lang na mapupunta ka sa matinong lalaki ay gagawin ko!”

Tigagal si Chyiarah nang pabastang talikuran ng kanyang ama. Mabait itong ginoo pero sa sandaling magdesisyon ito out of anger ay hinding-hindi iyon mababali ng kahit na sino.

At nagsisimula na siyang matakot. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang mag-asawa. At sa ganoong edad? She’s young yet to marry at her age!

Ah. Hindi lang iyon. Hindi na siya naniniwala sa kasal. Lalo pa kung out of agreement lang iyon.

Oh, hell!

Wala sa loob na kinuha ni Chyiarah ang isa sa mga larawang nagkalat sa ibabaw ng mesa. Gusto niyang puntahan si Chace at pilipitin ang leeg nito. Sa akala ba nito ay ganoon kadaling matakot ang kanyang ama para mai-blackmail ng mga mahahalay na larawang iyon?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free