HinovelDownload the book in the application

Chapter 5

“WHAT THE hell!? Hindi ba talaga kayo titigil sa pagdidikta sa buhay namin? Wala ba kaming karapatang patakbuhin ang buhay namin sa gusto namin? At hindi pa ba kayo nakuntento sa paninira niyo ng buhay ni Axyl? Ako naman ngayon ang isusunod niyo?”

“Anak lang kita! Huwag mo akong sinisigawan!” Mahina ang boses ng kanyang ama pero ramdam ni Thrace ang diin at higpit ng mga salita.

Nanatili siyang nakaupo at kumakain sa harap ng hapag habang gusto magwala ng kapatid niyang si Azriel. Si Loridee ay nasa opisina habang ang iba pa nilang kapatid ay nasa iba’t-ibang bansa para asikasuhin ang mga negosyo ng pamilya.

“Oo. Anak niyo ako! Hindi niyo ako tauhan o sundalong laruan na pwede ninyong ipuwesto sa kung saan niyo gustong ipwesto!” Padarag na tumayo si Azriel at hindi na tinapos ang pananghalian.

“Bastos ka, Azriel! Bumalik ka rito!”

Gaano man katindi ang pagngangalit ng kanilang ama ay hindi napasunod si Azriel. Nagpatuloy iyon sa paglabas ng kanilang mansyon.

Paalis na sana si Thrace ng bansa. Babalik na siya mamayang hapon sa Europe para asikasuhin ang mga branches ng banko roon na pag-aari ng pamilya niya at siya ang nag-aasikaso. Pero naisip niyang dalawin ang ina. Miss na miss na niya ito. Kung pwede niya lang itong isama sa Europe para mailayo sa halimaw na ama. Pero alam niyang imposible. Hindi papayag ang control freak na ama.

Kaya naman bago lumipad ay dinalaw muna niya ang kanyang ina. Ganoon nalang ang tuwa nito nang makita ang pangatlo sa bunsong anak.

Hindi niya rin inaasaahan na nando’n si Azriel. Magmula nang i-assign sila ng ama sa iba’t-ibang kompanya na sakop ng Bachelor Group of Companies ay bihira nalang silang umuwi. Kapag may mga corporate meetings lang silang magkakapatid na sa Bachelor’s Hub, isang isla sa Palawan, ginaganap.

And knowing his siblings, hindi uuwi ng kusa at walang dahilan ang mga ito kung hindi lang ang kanilang ina ang nakiusap. At kaya pala nandoon ang kapatid ay para sa isang announcement.

Imagine his shock when he heard what his father planned to do with Azriel’s life?

Nag-iigting ang kanyang paghinga though hindi iyon napapansin ng mga kaharap. Ang babaeng pinapangarap niya ay nanganganib na maging hipag niya?

Damn it!

Gusto niyang magwala. Gustong-gusto niya!

Paano nga namang hindi papayag ang matandang Bachelor na ipakasal ang isa sa mga anak nito sa prinsesa ng mga Speeckhart kung ganoong iniaalok na ni Emmanuel ang SFC sa mapapangasawa ng anak?

Gusto niyang magalit sa ginoo. Bakit parang ibinebenta nito ang anak?

Nang biglang may sumagi sa kanyang isip.

Hindi kaya may nakalusot sa kanya na ebidensiya ng mga pinaggagagawa ni Chyiarah at nakarating na iyon sa mga magulang nito?

At ano nalang ang magiging buhay ni Chyiarah sa kung sinong lalaking mapapangasawa nito kapag nalaman ang mga sexual escapades ng dalaga? She would definitely be in hell inside her marriage.

Biglang binuhusan ng kaba si Thrace. Hindi niya ma-imagine na pandidirihan ito ng lalaking mapapangasawa nito matapos matuklasan ang lahat.

“Tingnan mo ‘yang mga anak mo, Dawn?!” Pagalit na baling ng kanyang ama sa kanyang ina na nagpatigil sa malalim na pag-iisip ni Thrace. “Matapos ko silang palakihin ng maayos ay ganito pa ang ibabalik nila sa akin?”

“Hindi naman na nga kasi tama ang ginagawa mo.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay kontra ng kanyang ina sa asawa.

Parati lang kasi itong nagpapasakop sa desisyon ng asawa noon.

“Anong hindi tama doon? Inilalagay ko sila sa maayos, sasabihin mong mali iyon? Ang problema sa ‘yo, masyado mong ini-spoiled ang mga iyan kaya lumaking mga suwail! Si Loridee nalang ba ang susunod sa akin. Sana ay naging babae nalang lahat ng anak ko kung—”

“Stop it, Papa! Huwag kang magsalita na para bang hindi mo kami napapakinabangan.” May igting na rin ang tinig ni Thrace.

He was hurt by his father’s outburst. Dapat ay sanay na siya. Kahit noon pa man, hindi anak ang turing nito sa kanila kundi mga tau-tauhan nitong pwedeng pakilusin sa gusto nito. Pero gumuguhit pa din ang sakit sa tuwing ipapakita at ipaparamdam nito sa kanila ang katotohanan.

Inabot ng kanyang ina ang kanyang balikat at marahan iyong pinisil. At alam niya ang ibigsabihin noon. Pinatitigil siya ng ginang na kontrahin ang mainit ang ulo na ama.

“Isa ka pa!” Pagalit na baling nito sa kanya. “Paanong napasok ng money launders ang mga banko natin sa Europe? Kasiraan na naman iyan! Alam mong iniingatan kong masangkot ang kahit na anong kompanya natin sa mga ilegal na gawain. Madaling mag-conclude ang mga press at ang mga utak-talangka na mga tao!”

Inabot nito ang baso ng malamig na tubig at mabilis na pinangalahati iyon. Namumula na ang ginoo sa matinding galit, inis at pati konsumisyon.

“Nagawan ko na iyon ng paraan, Papa. Magpapa-press release din ako para ipaliwanag ang nangyari.” Tahimik na sagot niya sa amang nanggagalaiti pa din.

“Dapat.” Mariing sabi nito saka muling binalingan ang asawa. “Kausapin mo ‘yang anak mo. Naka-oo na ako kay Emmanuel. Ayokong maghahanap pa iyon ng ibang ipapakasal sa anak niya. Hindi ko mapapalagpas ang SFC. Malaking bagay iyon para sa business empire natin… cliché as it may seem but hell who cares?”

Cliché naman nga. Para sa mga katulad ng pamilya nilang may pinangangalagaang kayamanan, uso pa din ang arrange marriage para ma-secure ang kayamanan at estado ng pamumuhay. Katulad sa London at iba pang bansa sa Europe, ang mga anak ng may mga higher ranks ay palaging ipinipilit na mapangasawa ang mga may social ranks din. Lalo na ang mga anak na babae. Just to secure the social ranks. At ang mga katulad nilang business oriented families, natural na piliin ang mga kauri nila. Lalo na kung kasing tuso ng kanyang ama. Walang mahalaga rito kundi ang pagpapayaman at pagpapalaki ng business empire.

Madami pang sinasabi si Avio at bawat isa sa mga iyon ay nagpapakuyom sa kanyang mga kamao. Anong klase bang magulang ito? At ang ama ni Chyiarah? Akala ba niya ay iba iyon sa ama niya?

Gusto tuloy niyang maawa sa dalaga. Maaaring dahilan ng pagwawala nito ay ang magulang. Pero sa pagkakatanda niya, mabait na ginoo si Emmanuel Speckhart na isang British American. Mas mabait kumpara sa kanyang ama. Mali ba siya?

‘Same feather flocks together.’

Yeah right.

Binalingan niya ang ina. Alam na niyang ito ang guguluhin ng ama hanggang hindi napapapayag si Azriel na pakasalan ang babaeng gusto niya.

Hindi pumayag si Azriel!

Bigla siyang inulan ng pag-asa at mabilis na napawi ang panlulumo at lungkot sa kanyang puso.

Gustong mainis ni Thrace sa sarili dahil dapat ay wala siyang pakialam kay Chyiarah. Pero heto at naroroon sa kaloob-looban niya at nagsisisigaw ang isang desisyon.

“Tama na iyan, Papa.” Sabi niyang uminom ng tubig.

“Don’t tell me to stop, damn it!” galit na asik nito. Maski sa harap ng hapag ay nagmumura ito kapag nagagalit. Nakakawalang ganang kumain.

Nagkibit-balikat si Thrace. “Hindi ka sana hina-highblood diyan kung hinahayaan mo muna akong sabihin ang naiisip kong solusyon sa problema mo kay Azriel.”

Curiously ay bumaling ng maayos ang ama sa kanya.

“What is it?” Tanong nitong parang takam na takam sa sasabihin niya.

He heaved a sigh. “I’ll marry the Speckhart’s princess.” He declared without breaking an eye contact from his father.

Kitang-kita ni Thrace ang pagdaan ng pagkalito at pagtataka sa mga mata ng ama. At sa bandang huli ay umulan ang pag-asa at relief. Sumilay na ang ngiti. Pero agad ring naging reserved.

“And what made you think to decide?”

Tumikhim siya at confident na hinarap ang ama. “Simple as she was so pretty plus, she is an heiress. Hindi ako tanga para palagpasin ang pagkakataong makuha ang magandang benepisyo na mapangasawa ang isang tagapagmana.”

He just said what his father wanted to hear. Para rin matigil na ito sa pambubuliglig at pang-i-stress sa kanyang ina.

A smile of success was ripped from his father’s lips. “Good… good. Mula pa kaninang umaga ay iyan na yata ang pinakamagandang salita na narinig ko.” Masayang sabi nito.

Ang kanyang ina ay inabot ang balikat niya at marahan iyong pinisil. Nagtatanong ang mga mata na nakatunghay sa kanya. He just held her hand and warmly squeezed and smiled at her.

“Thrace—”

“Thrace, cancel all of your appointments today and tomorrow. Mamayang dinner na tayo pupunta sa mga Speckhart para mapag-usapan…”

Hindi na pinansin ni Thrace ang mga pinagsasabi ng ama. He moved closer to her mother and whispered. “Trust me, Mama.”

MAY kumakatok sa pinto ng silid ni Thrace at nang mabosesan ang ina ay pinapasok niya ito.

“What are you doing, Thrace?”

Nag-igkasan ang makakapal na kilay ni Thrace sa tanong na iyon ng ina. It was obvious that he was fixing himself.

“Dressing myself, I guess?” He smiled drily at his mother. She had this worried…no, troubled beautiful face.

“Huwag mong gawing literal ang tanong ko, anak. I was asking about what you said in front of your father. Alam kong hindi ka ganoon. You hate your father for being such a coon and yet, I’ll hear those words from you? Hindi ikaw ang narinig kong nagsalita kanina, Thrace.”

Tumigil sa pag-aayos ng kurbata ang binata at hinarap ang ina. He respects and loves his mother more than anyone else. And of course, Loridee, their youngest. Kung pwede niya lang ilayo na ang mga ito sa impyernong mansyon ng kanyang ama. Alam niyang hindi rin gustong sumunod ni Loridee sa ama pero wala lang itong choice.

God! Their father was such a control freak! Obsession na yata nito ang manipulahin silang lahat roon. Dahil na rin sa pagiging sakim at tuso nito.

“Trust me, Mama. Alam ko ang ginagawa ko.” He assured her.

Matagal na tumitig ang kanyang ina kay Thrace. Para bang sinusukat siya o kung papaano. Pagkuway: “Did you, know her?”

“Yes.” Kaswal na sagot ng binata na hindi niya alam kung para saan ang tanong. Of course a lot of men knew the sultry heiress.

Darn!

Hindi maganda sa kanyang isip ang dating ng ideya. Pinilit niyang isalya sa likod ng isip ang bagay na iyon at pinagpatuloy ang pag-aayos ng kurbata.

“And did you want her? Did you love her?”

Natigilan si Thrace.

Biglang nag-flash sa isip niya ang maraming eksena na sangkot ang dalaga. Ang gabi na lasing na lasing itong iniuwi niya. Loridee and he were the only people from their family knew about it. Hindi niya lang alam kung nabanggit ng kapatid kay Chyiarah na siya ang sumundo rito at naghatid nang gabing iyon.

At nang mga oras na iyon ay parang gusto niyang iuwi sa sarili niyang bahay ang dalaga. He wanted to keep her. Take care of her. Protect her.

He wanted to touch her, caressed and feel her. Halos mapugto ang kanyang paghinga sa pagpipigil sa sariling haplusin ang malambot at makinis nitong balat. Nagsisikip ang kanyang pang-ibaba habang katabi sa kanyang kotse ang lasing na lasing na dalaga. Ang mabangong bango nito na nahaluan ng amoy ng alak ay halos magpabaliw sa kanya. It was making his loins ache in need.

He wanted to run his knuckles on her face, down her sexy long neck, to her fine and smooth shoulder. He wanted to feel her firm and sleek breast on his palm. Mould it in a sensual and passionate way. He would love to hear her moan in so much pleasure as he done so.

At nang kumilos ito mula sa pagkaka-reclined ng passenger seat at malilis ang maigsi nitong dress, ah! God knows kung paanong matindi niyang pinigilan ang sarili na mahawakan ang makikinis nitong hita. Nag-aapoy ng husto ang kanyang pakiramdam nang masilip pa niya ang kulay itim na lacey panties nito. Lalo lang nitong napaungol ang buo niyang sistema.

He really, really wanted to touch her.

But God! Hindi niya ito hahawakan nang hindi nito nalalaman. She respects her just like how much he respects his own mother and sister.

At kung hindi lang nagkaroon ng problema sa mga negosyong hawak niya sa Europe ay hindi siya babalik roon. He would gladly show himself to her.

Pero madamot kasi ang tadhana.

And now, was that love already? Want or need? Lust?

No.

Want and need, lust and love were understatements. Cause love could never ever feel this strong. It was more than love. And there was no such word to describe how he felt for her.

“No. I don’t just love her.”

Bumuntong-hininga ang ina ni Thrace. Nahuhulaan na niyang mali ang interpretation nito sa sinabi niya. He was about to say a word nang marinig nila ang malakas na boses nang ama. Sumisigaw ito at pinapababa na silang mag-ina.

He sighed and broadly smiled at his mother. “Let’s go, Ma. Baka magwala na naman si Papa kapag nagtagal pa tayo.”

Inabot ng binata ang coat nito saka inilahad ang kamay sa ina para alalayan itong tumayo.

“Napakagwapo talaga ng anak ko.”

NAKAILANG biling-baligtad si Chyiarah mula sa kama. Nakapanligo na siya. Nakabihis na rin ng matinong damit. Pero wala siyang balak na mag-ayos ng sarili. Ni hindi siya nagpolbo. Kung maaari siyang magpahid ng uling sa mukha ay gagawin niya. Gusto niyang ma-disappoint ang dadating. Gusto niyang ayawan siya ng isa sa mga anak ni Avio na siyang babayaran ng kanyang ama para pakasalan siya.

Dear Lord! She hated her father! At ang kanyang ina ay hindi man lang siya pinangatwiranang hindi pa dapat magpakasal.

Pero ano bang aasahan niya sa ina? Siguradong iniisip nito na kung hindi pa sasang-ayon sa gusto ng asawa ay baka kung ano pang eskandalo ang dalhin niya sa pamilya.

“Ah! I hate this life!” gigil na ibinato ni Chyiarah ang throw pillow sa kung saan.

Ang natamaan ay ang make-up table niya at naalis ang malaking puting towel na nakaalampay roon. Bumulaga sa kanya ang salamin at ang sandaling pagkakatitig roon ay nagdala ng takot sa kanya. Naisubsob niya ang mukha sa kama. Hindi siya makagalaw at gusto nalang mag-freak out habang inuulan ng mga nakakatakot na imahinasyon, nang bumukas ang pinto ng kanyang silid.

“Bakit hindi ka pa—” Boses ng kanyang ina na biglang natigil sa pagsasalita. Naglakad ito papunta sa tokador at nasisigurado niyang inaayos na nito ang tuwalya sa harap ng salamin. “Bakit kasi hindi ka tumawag ng katulong para ayusin ito?”

Noon palang iniahon ni Chyiarah ang mukha mula sa kama. At napatunayang tama siya ng hula sa ginawa ng ina.

“Ayusin mo na ang sarili mo, Chyiarah. Paparating na ang mga Bachelor.”

Nakasimangot na sumalampak siya sa ibabaw ng kama at humalukipkip. “Maayos na ako. Maganda naman ako maski walang make-up. Sabi mo nga ay mukha akong Barbie.”

Hindi niya alam kung alin sa mga sinabi niya ang nakapagpangiti sa ina. “Yes, you are.” Anitong tahimik na naupo sa gilid ng kama. Saglit pa at hinahaplos na ang mahaba at animo alon sa pagkakakulot na buhok niya. It was brown and silky.

“At natatakot ako sa mga pinaggagagawa mo. Iniingatan ka lang namin.” Her mother’s voice was so solemn, so deep and fervent that it touches her very soul.

Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Chyiarah ay bumalik siya sa panahong musmos pa siya at may oras pa para sa kanya ang ina.

She wanted to hugged her and told her what really happened to her. What really pushed her to be such an ill-bred that she ruined herself…

Pero tumayo na ito. Nawalan na siya ng lakas ng loob na makipag-heart to heart talk.

“Come on, get up.” Her mother was smiling down to her at sinusuyo siyang bumaba ng kama.

“Mom…” Her voice was quite. Na parang gusto niyang umiyak tulad ng isang musmos at magpayakap sa mga bisig ng ina.

To feel safe and secure. She wanted to be vulnerable again. Dahil parang hindi na niya kayang magpanggap na matatag.

“Yes, sweety?” As if her mother understands how she felt. Her endearment for her told her so. Kay tagal na nang huli niyang narinig na tinawag siya sa ganoon ng ina.

Isang katok sa labas ng pinto at gustong magmura ni Chyiarah.

“Senyora, Senyorita, hinihintay na po kayo ng Senyor sa ibaba. Dumating na daw po ang mga bisita.” Pagkasabi noon ay nawala na ang katulong sa harapan nila.

Muling binalingan ng ina si Chyiarah. Nawalan na din siya ng pag-asang makapaglalabas pa ng saloobin sa ina. Tumayo na siya at nagpaakay rito.

“You are such a beauty, hija. Siguradong kapag nakita ka ng mapapangasawa mo ay agad na magyayaya iyon sa simbahan.” Her mother said proudly while laughing.

Umismid lang siya. And cold shivers inside her when she heard a voice inside her mind.

‘Your beauty and wealth were not enough! Iiwan at iiwan ka pa din ng kahit na sinong lalaking mapaugnay sa ‘yo dahil hindi ka marunong. You are such a boring ass!’

It creeps down her very soul.

‘Pare-pareho kaming mga lalaki ng gusto. Only hypocrites will deny it.’

Ano ang posibleng maging buhay niya sa tabi ng lalaking ipinagkasundo sa kanya? At bakit ba siya aasa ng maayos na samahan kasama ng mapapangasawa?

Yes, she surrendered in defeat. Wala siyang magagawa para suwayin ang ama. Ang pag-asa nalang niya ay hindi siya magustuhan ng nakatakdang ipakasal sa kanya o ng kahit na sinong kapatid ni Loridee.

Kung bastusin kaya niya ito habang magkakaharap sila sa hapag mamaya?

Abala pa si Chyiarah sa pagluluto ng masamang plano nang bumukas ang main door. Nasa puno ng grand staircase ang dalaga habang ang ina ay nagmamadaling lumapit sa mga bagong dating.

At kamuntik sumala ang paa ni Chyiarah sa baitang ng hagdanan nang biglang bumungad ang mga bagong dating. Tumigil ang pagpintig ng puso niya kasabay ng pagtigil ng mga mata sa iisang tao.

He was stunningly gorgeous in his three-piece suit. Na lalong nagbibigay pansin sa malalapad na mga balikat at napakagandang pangangatawan. His hair was black and was cutted short that it only made him looks so manly and utterly handsome.

Nakakasira ng isip ang kagwapuhan nito, na para bang ayaw na rin niyang huminga sa mga sandaling iyon habang pinapakatitigan ang lalaki.

Gracefullness was the first word came in her mind upon looking down in him. But it was changed the moment he shoots her with a dark look. His savage grayish brown eyes landed on her, studied her from head to toe. At parang gusto nalang niyang magtatakbo pabalik ng kanyang silid.

What was this man doing here?

Mabilis na nag-calculate ang utak ni Chyiarah.

Ito ang lalaking pakakasalan niya?

No!

The repulse of her mind was so thin. Dahil nang maalala niya kung paano siya haplusin ng malapad at mainit nitong kamay ay mabilis na nagsiklab ang apoy sa kanyang buong pagkatao. Seems like there were tiny balls of sweet flames raining down her whole body and senses that she wanted to explode. Pasalit-salit sa isip niya ang bawat haplos nito at ng labi nito sa kanyang leeg pababa sa kanyang cleavage. She could even feel her nipples harden as she met his intense gaze.

Oh, Lord. Take me now!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free