HinovelDownload the book in the application

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO

BAKA sa langit talaga ako ihahatid ni Armia, Johna thought. Para kasing sa ibabaw ng mga ulap tumatakbo ang jeep. The cold breeze was blowing on her, calming her nerves. Inililipad ng hangin ang kanyang buhok. Ipinatong niya ang isang braso sa may bintana at inihilig doon ang ulo.

Baka sa mga oras na ito ay alam na ng nanay niya na wala na siya. Paano sasabihin ng kanyang ina kay Lia na wala na ang mama nito?

Baka sa mga oras na ito ay gising na si Prince.

Ah, si Prince ang nagpaalam sa kanya pero siya pala ang aalis at ito ang maiiwan.

“What’s your story, Johna?” tanong ni Armia.

Napapikit siya. “It’s a long story…”

“Gusto kong marinig, kung hindi mo mamasamain. Mahaba pa naman ang biyahe natin.”

Muling dumilat si Johna, pagkatapos ay medyo nagulat nang sa pagliko nila ay mapansin na may jeep sa banda roon. May sakay rin iyon na kaluluwa at tagasundo. Bumuka ang kanyang bibig nang makilala ang sakay. Iyon ang driver ng taksing sinakyan niya. Kung ganoon, tulad niya ay namatay rin ito.

Malulungkot sana si Johna nang mapansin na nakangiti ang kaluluwa ng taxi driver. Serenity was all over him. Siguro tanggap na nito ang biglang pagkamatay.

She sighed. Tanggap na rin naman niya ang nangyari. It was just that… something was holding her back— her love for Prince. Her love for her daughter. Her love for her mother.

“Johna…” tawag ni Armia.

Bahagya siyang ngumiti. “Tao ka rin ba dati bago naging tagasundo?”

Nakita niya ang pagkagulat na rumehistro sa malaanghel na mukha ni Armia. “Bakit mo naitanong?”

“Ewan ko rin. Well, siguro dahil gusto kong malaman kung naging tao ka rin at… kung n-naranasan mong m-magmahal.”

Umilap ang mga mata ni Armia. “Hindi ko masasagot ang tanong mo. As far as I could remember, isa na akong tagasundo.”

“Hmm.” Tumango-tango si Johna. “Sabi mo kanina, oras na para humarap ako sa Kanya at sabihin kung paano ko ginugol ang buhay ko sa lupa.”

“Ganoon na nga.”

“Paano kung hindi Niya magustuhan ang kuwento ko?”

Armia just gave her a mysterious smile. “So, tell me, Johna. Is your life a worthy one?”

Napasinghap si Johna when Armia held her eyes. Her eyes were so powerful. Para siyang hini-hypnotize. As if she was compelled to tell the truth. Pagkatapos, biglang may lumitaw na libro sa isang kamay nito at iniabot sa kanya.

“A-ano `to?” tanong niya kahit nababasa naman ang mga letrang “Johna Navales Patterson” sa pinaka-cover ng libro.

“Your Book Of Life,” sabi ng babae bago binuklat ang unang pahina ng libro. “Masusulat diyan ang anumang ikukuwento mo. Once done, ilalagay ang aklat mo sa library.”

Napatango si Johna. “L-lumaki ako sa isang mahirap na pamilya sa Batangas…” Namangha siya nang makitang lumilitaw sa pahina ng libro ang mga salitang sinabi niya. Parang magic. Itinuon niya ang tingin sa mga ulap para hindi ma-distract sa mga letrang lumilitaw sa pahina. Nagpatuloy siya.

“N-nag-iisa akong anak. At kapag lumaki ka sa hirap, mangangarap kang umasenso. Gusto kong makatapos ng pag-aaral para magamit `yon bilang stepping-stone sa pag-unlad. I was thriving and doing well. I was on the right track until… until a wrong kind of love changes everything…

“First year college ako no’ng makilala ko si Vaughn Asuncion. Guwapo siya. Mayaman. Halatang happy-go-lucky. Parang walang direksiyon ang buhay. Sa kabila n’on, unang kita pa lang ay nagkagusto agad ako sa kanya. I was hit big-time. Iyon na ang mga panahong natuto akong mas mag-ayos ng sarili para mapansin ni Vaughn.” Johna chuckled at the memory. “Kinampihan naman ako ng tadhana dahil noong second year, napansin ako ni Vaughn. Lantarang nagpakita siya ng interes sa akin. He was already a graduating student then. I was the happiest. Too young, naïve, and gullible, I fell hard for his charm. Ni hindi siya nahirapang manligaw sa akin. Love knock off my logical thoughts. Akala ko, hawak ko ang mundo sa mga kamay ko. Sige nang sige. Kilig na kilig. Feeling ko, naglalakad ako sa ibabaw ng mga ulap kapag kasama ko siya. I was so drawn at him like a magnet. Ni hindi ko namalayang nagka-cutting class na ako at bumaba ang grades ko. Oh, well, I was aware, yes. Wala nga lang akong pakialam. Ipinapasok ko sa kaliwang tainga at pinalalabas sa kanan ang mga payo nina Nanay at Tatay. In fact, may mga oras pa nga na pakiramdam ko, kontrabida sila at sinasakal ako.”

Malungkot na ngumiti si Johna. Maybe her mind and eyes were doing tricks at her, dahil parang pelikula na napapanood niya sa mga ulap na nadadaanan ang ikinukuwento niya.

“N-nalimutan ko ang pangako kina Nanay at sa sarili ko na pagbubutihin ko ang pag-aaral para makapagtapos at makapaghanap ng magandang trabaho, at para maiangat kahit pa’no ang pamumuhay namin. Sadly, nalimutan ko ang goal ko. Si Vaughn lang ang importante sa akin noon. He was caring and attentive, kaya lalo akong nalulong sa kanya…”

Sinulyapan niya si Armia. Matamang nakikinig ang babae. She encouraged her to continue.

“T-then came the day na sumama ako sa outing ng barkada ni Vaughn. Overnight `yon sa isang resort. There were alcohols, cigarettes, weeds, and other drugs. I badly wanted to belong to the group so I tried them all. Nalasing ako. Na-high sa droga. N-nang… nang pasukin ako ni Vaughn sa kuwarto ko, naging mapangahas siya, at… at natangay rin ako sa init ng katawan.”

Sandaling yumuko si Johna at huminga nang malalim. “Isang buwan bago mag-nineteen, nadiskubre kong buntis ako. That was when my bubble burst into thin air. Noon ako nagising mula sa panaginip. Noon bumalik ang realidad. Nawala ang pantasya na may happily-ever-after sa pagitan namin ni Vaughn. Hindi niya gustong panagutan ang magiging baby namin. I was so young and so scared. So scared…

“P-pero alam mo, Armia, that was the day that I encountered another kind of love…” Napangiti si Johna. “Naramdaman ko `yong sinasabi nilang unconditional love. Iyong pagmamahal na walang kapalit. W-walang hinihinging rason. Pagmamahal na… na walang katapusan at walang kapantay. Alam mo ba kung ano `yon?”

“What was it?” tanong ni Armia.

Tumingin siya sa tagasundo. “A mother’s love.”

Marahang tumango ang babae.

Ibinalik na ni Johna ang tingin sa labas bago nagpatuloy. “Minahal ko agad ang buhay na pumipintig sa sinapupunan ko. Sa kabila ng nangyari, minahal ko ang anak ko nang buong puso. H-huminto ako sa pag-aaral. Sa tulong ng parents ko, ipinanganak ko ang anak ko. Oh, by the way, I named her Alia. Sabi ni Nanay, God’s gift daw ang ibig sabihin n’on. And I really felt like my daughter was a gift from Him.”

“She’s lovely. An angel…” komento ni Armia.

Nang sulyapan ni Johna ang tagasundo, nakita niyang nakatingin ito sa ulap. There, on the clouds, nakikita niya ang kanyang anak. Kung ganoon, hindi siya dinadaya ng mga mata dahil nakikita rin ni Armia ang parang pelikulang nagpe-play sa mga ulap. Nandoon si Lia-naglalaro, tumatawa, humahagikgik, nagpapa-cute.

Johna’s heart was bursting with so much love and pride for that little girl. “I love her. I love her so. I love her with all that I am,” buong pusong bulong niya. “Maaga akong nagkamali, pero si Lia, hindi siya isang pagkakamali…”

“Every child is a gift from Him,” nakangiting sang-ayon ni Armia. “No matter what the circumstances of a child’s birth are. He or she is never a mistake. Every child is destined to be conceived, meant to be birth…”

“Lia was one year old nang lumipat kami sa Angeles City. Namatay ang nag-iisang kapatid ni Tatay. She was an old maid kaya sa amin naiwan ang bahay niya sa Angeles. Kahit medyo gipit, in-encourage ako nina Tatay na muling mag-aral. Hindi para sa kanila kundi para sa anak ko. And then… Prince entered my life. Siya ang lalaking nagpakilala sa akin ng isa pang klase ng love…”

And Johna couldn’t help but further walk down memory lane…

MULING sinulyapan ni Johna ang suot na wristwatch. Anumang oras ay matatapos na ang huling klase niya. Kanina pa siya handang lumabas.

“That’s all for today, class. `Yong research paper n’yo, malapit na ang deadline, ha?”

“Yes, Ma’am.”

Nagtayuan na ang mga estudyante, pati na si Johna. Isinukbit niya sa balikat ang bag at dinampot ang dalawang libro na nasa ibabaw ng armchair. Sumabay siya sa mga estudyanteng lumalabas. Malalaki at nagmamadali ang kanyang mga hakbang. May hinahabol kasi siyang oras. After an hour kasi ay dapat nasa Angelicious Cake and Café na siya. Doon siya nagpa-part-time bilang crew. Yes, she was a working student. And she was really working hard para makapagtapos ng pag-aaral.

Tuloy-tuloy na naglakad si Johna palabas ng campus. Mula roon ay may masasakyan na siyang jeep. The shop was just four kilometers away from her school.

Kumunot ang noo ni Johna nang makita ang isang motorsiklo na nakaparada sa labas ng gate. May isang lalaking nakaupo roon. He was wearing a white shirt and a denim pants. Napapatungan ng jacket ang damit nito. Halatang matangkad ang lalaki kahit nakaupo. Guwapo at lalaking-lalaki ang dating.

Kahit hindi tumingin sa paligid, alam ni Johna na pinagtitinginan ang lalaki. Guwapo kasi kaya agaw-atensiyon. Kilala niya ito, walang iba kundi si Prince Wolfe Patterson. Ito ang maginoo pero medyo bastos niyang kabarangay. Pilyo kasi. Kinakaibigan siya ni Prince pero prangkang sinabi sa harap niya na may HD ito sa kanya. The nerve of this man was making her roll her eyes a lot of times. Asar siya sa guts nito.

Tumayo si Prince nang makita siya. His face lit up. Gumuhit ang ngiti sa mga labi na lalong nagpasimpatiko sa binata. Sigurado siyang maraming kolehiyala ang naaakit sa ngiti nito.

“Hi, Johna.” Kumaway pa si Prince.

Bahagya niya itong tinaasan ng kilay. Prince was ruggedly handsome. Kayumanggi ang kulay ng balat, matangkad, at maganda ang built ng katawan. He was masculine. Halata rin ang pagiging street-smart. Parang action star na hindi matatakot maglakad sa madidilim na eskinita dahil kayang-kayang ipagtanggol ang sarili. Oh, well, hindi naman talaga takot makipagbasag-ulo ang binata. In fact, sa loob ng apat na taong paninirahan nina Johna sa Barangay Masinop, ilang beses na niyang nasaksihan na napasama si Prince sa mga rambulan. Matapang din kasi ang binata at may pagkabasagulero. Mayaman ang pamilya nito.

“May photo shoot ba dito, kamahalan? Para kang nag-e-endorse ng brand ng motorsiklo, ah,” mataray na sabi ni Johna. O baka ang jeans ang imino-model ng binata, o ang sunglasses. Tinatawag niya itong “kamahalan,” “your highness,” o “your majesty” dahil sa pangalan na Prince.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Prince at parang nagsayaw ang mumunting ilaw sa mga mata. “‘Mahal’ na lang, huwag nang ‘kamahalan’,” sabi nito, halatang nanunukso. “And really, mukha akong modelo na may photo shoot? Tsk! Am I really that gorgeous? Wala pang ka-effort effort `yan, ha.” Iniliyad pa nito ang dibdib sa pagyayabang.

Oh, well, totoo naman. Walang ka-effort-effort pero mukhang modelo si Prince na kayang-kayang dalhin anuman ang isuot. Mukha ring laging mabango. Ganoon naman yata talaga kapag guwapo o maganda ang isang tao, lalo’t mayaman. Prince Wolfe Patterson was Filipino-American. Prominente ang tabas ng panga ng binata, matangos ang ilong, at arogante ang hugis ng mga labi. His eyes were bold and dangerous. There was also a waiting stillness about him, as if he was a predatory animal ominously standing guard. Maging ang kilay nito ay parang sadyang ibinagay sa mukha. He had a commanding presence.

Pasimpleng iginala ni Johna ang tingin sa paligid. As expected, girls were throwing second glances at him. Ang iba ay lantarang nakatitig at parang nangangarap pa ang mga mata.

“Tara na, ihahatid na kita sa café,” alok ni Prince.

Iningusan niya ang binata. “Kailan ako nagpahatid sa `yo?” Iyon lang at lumakad na siya papunta sa waiting shed para maghintay ng jeep.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free