Pwede ba Miss moreno paki ayos ng sarili mo bago ka humarap sa tao mukha yatang nag aanyaya ka ng kapahamakan ang maawtoridad na tono ni charles.
Anung!!!
Agad napatingin si shiela sa kanyang sarili ganun na lamang ang kanyang pagkagulat at agad tumalukod sa kaharap na lalaki.
Bastos!!!!
Kanina pa pala nito pinag pipyestahan ang katawan ko uminit ang kanyang mata habang namumula ang kanyang pisngi sa sobrang pagkaka pahiya.
Tumakbong umakyat siya sa kanyang kwarto para mapagtakpan ang sobrang kahihiyan.
Si Charles naman ay hindi mawaglit sa kanyang isipan ang kanyang amo sa unang araw pa lamang niya ay nasubok na ang kanyang katatagan bilang lalaki, napailing na lamang siya habang dinadampot ang damong tinangal niya sa hardin ng mga Moreno.
Hapon na ay hindi pa rin lumalabas ng kanyang kwarto si shiela.
Anong mukha ang ihaharap niya sa lalaking iyon .
"Charles."
Anung ginagawa mo? ang tanong ni Mrs Moreno kay charles na agad niyang nilingon.
Wla po ma'am tinangal ko lamang ang mga damo at tuyung dahon para makahinga ang mga halaman.
Napaka sipag mong bata charles.
ang swerte ng babaing mamahin mo at pakakasalan.
Naku hindi naman po ma'am, talaga lamang na pag dating sa mga halaman ay magaan ang aking kamay at loob para sila ay alagaan.
Kung ang halaman nga ay na aalagaan mo,ang babaing mahal po pa kaya charles.
Siya nga pala wag mo na akong tawagin na ma'am tawagin mo na lamang akong Tita.
"Kung iyan po ang gusto mo Tita walang problema."
Siya nga pala sumabay kana saaming kumain ng Tito mo.
Ah, sige... Tita sunod na lamang po ako.
Tinapus na niya ang kanyang ginagawa para saluhan ang mag asawa sa hapag kainan.
Palabas na ng kusina si Sheila ng marinig niya ang pag uusap ng kanyang ama at ng kanyang bodyguard.
charles...
Ikaw na ang bahala kong ano sa palagay mong makakatulong para sa kaligtasan ng aming anak.
Salamat po tito,tita sa inyong pag titiwala sa akin.
Iniis na bumalik ni shiela sa kanyang kwarto kahit ang daddy niya nakuha na din nito ang loob Ng lalaking iyon ang kanyang himutok.
Kinabukasan ay naligo at nagbihis si shiela para pumasok sa kanyang agency naglagay siya ng manipis na lipstik at kunting pulbos para mag ka kulay ang kanyang mukha.
Bumaba siya ng hagdan at tuloy tuloy sa garahe ng kanyang sasakyan bubuksan na lamang niya ang kanyang kotse ng biglang may mga kamay na humawak pabukas sa pintuan ng kanyang sasakyan.
"Sa palagay mo ba, ms. moreno makakaalis ka ng hindi ako kasama seryoso ang mukha ni charles habang naka tingin ito kay shiela."
"Bodyguard lang kita! wala kang karapatan pag salitaan ako at turoan kong ano ang dapat at hindi ko dapat gawin!
Lumagay ka kong saan ka nararapat ako parin ang amo mo at pinasahuran ka ng mga magulang ko tandaan mo yan!"
"Dumilim ang mukha at naningkit ang mga mata ni Charles halata ang pagpigil na kumawala ang galit sa mga sinabi ni shiela sa kanya,
Ms.Moreno maganda ka sana.
subalit nakakamatay pala ng dila mo seryosong sagot ni charles sa kanyang mga sinabi."
Nakaupo siya sa tabi ni charles na nag mamaniho ng kanyang kotse.
Iniiwas niya ang kanyang tingin dito
Namimintig na ang kanyang leeg sa pagkakatingin sa labas ng bintana ng sa wakas ay nakarating na nila ang kanyang opisina.
Agad bumaba ng sasakyan si charles binukasan ang pintuan ng kanyang kotse para siya ay bigyan daan makalabas.
Sa halip na mag pasalamat ay diritso niyang dinampot ang kanyang bag saka lumakad papasok ng building.
Tinapus ni shiela ang lahat na gawain sa kanyang opisina mag alas 10 na gabi ng siya ay lumabas kong kayat hindi niya inasahan na nandoon parin sa labas ng kanyang opisina ang kanyang body guards nag hinhintay sa kanya.
Biglang kumulo ang kanyang dugo pagkat hindi ito nag iisa nakikipag harutan ito at lingkisan sa anak ng may-ari ng building na iyon.
Hindi niya ito masisisi baka naman naghahanap ito ng mag aahon sa kanya sa kahirapan at ang anak ng may ari ng building ang makapagbibigay dito ng opportinidad. Na makaahon sa hirap.
"Hmmmp ..."
Nakasimangot niyang irap na akala mo ay nasa harapan niya ang babae at si charles.
Ang landi naman ng babaing ito makapulupot ng braso parang ahas biglang uminit ang kang ulo na humakbang palapit sa mga ito.
"Hmmmm...."
Pagkuha niya ng pansin ni Charles at ng babaing kausap nito.
Ah shiela andiyan kana pala uuwi na ba tayo ang tanong ni charles kay shiela.
Na nakapagkit parin ang ngite sa mga labi nito.
Sahalip na sagutin ang tanong nito ay galit na hinarap ni shiela si charles ang ganda ng trabho mo ano nakikipag landian ka kapag wala ang amo mo!
Nakataas ang kilay at boses ni shiela.
Ms. What are you talking about?
Ang nakakunot noong tanong ng anak ng may ari ng building na iyon.
I said, aalis na kame ng nilalandi mong bodyguard ko at pwede ba kong maghaharotan kayo sa tamang lugar at hindi oras ng trabaho!
What!!!
Pagkasabi noon ay walang lingon siyang naglakad palabas ng building.
Shiela,sandali..!!
Tawag ni charles sa kanya ngunit
Hindi niya ito pinansin.
Hindi niya alam kong bakit biglang uminit ang kanyang ulo ng makita niya ang dalawa kanina paglabas ng kanyang opisina.
Tahimik at walang kibong nag maniho ng sasakyan si charles habang si shiela naman ay sa likod na na upo ayaw niyang makatabi ang kinaiinisang lalaki.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Mataman tinitigan ni charles si shiela habang natutulog ang ganda niya napakaamo ng kanyang mukha.
Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya kailangan kong pigilin kong anu man ang nararamdaman ko sakanya natigilan sa pag iisip si charles kong kayat ipibagpatuloy niya ang kanyang pagmamaniho.
Tulog na tulog parin si shiela hangang makarating sa bahay kong kayat walang nagawa si charles kung hindi buhatin siya.
Nasalubong niya ang ang ina sheila na halatang kanina pa naghihintay sa anak.
"charles.. Anung ng yare ?"
Ah tita nakatulog po ng mahimbing nakadalawang gising na ako hindi parin siya nagigising kaya naisipan kong buhatin na laman siya.
Salamat hijo sumunod ka sakin dito ang kwarto niya.
"Sige po Tita."
Inilapag niya sa higaan si shiela at pinanood ang ina nito na tangalin ang sapatos ng kanyang anak.
Tita lalabas na po ako maiwan ko na po kayo.
Oh,siya sige Charles.
Kumain ka sa kusina kong nagugutom ka hijo pag katapus ay mag pahinga kana sa iyong kwarto.
Busog pa po ako tita mag papahangin lang po ako sa labas.
"Ikaw ang bahala charles."
Nakatayo si charles ng may marinig na kaluskos sa dulong bahagi ng madilim na halamanan. Agad lumikot ang kanyang isip na baka may masamang tao na pumasok sa bakuran ng mga moreno.
Umikot siya sa kabilang bahagi para malaman ko anu ang dahilan ng ingay na narinig niya.
Wala siyang ingay na nagmasid sa paligid habang nakakubli sa madilim na pwesto. Kinapa niya ang kanyang baril.
Para kong miron man pangagas na nakapasok ay ma protektahan niya ang mag anak.
biglang tumakbo at tumalon ang pusa sabay ang pag ingay nito.
"Ha!
Pusa lang pala akala ko ay may naka pasok na ibang tao."
Mayamaya pa ay pumasok na siya sa kanyang kwarto para matulog mag alas 2 na ng madaling araw.