HinovelDownload the book in the application

Chapter 3 Parents

Dalawang linggo ang nakalipas ngunit naroon parin ang kaba ng kanyang mga magulang para sa kanyang kaligtasan.

Umalis na sa kanyang trabaho si shiela sa halip ay pinamahalaan na lamang niya ang negosyong kanilang pinagtutulungan na palaguin ng kaibigang si marissa.

Maaga siyang umuwe ngayong araw dahil tumawag ang kanyang magulang na umuwe siya ng maaga may sasabihin daw ang mga ito sa kanya na importanting bagay.

Pagkarating sa bahay ay hinanap niya ang kanyang ina sa sala ngunit wala ito pumunta siya ng kusina at kanyang nakita ang yaya niya na matagal ng naninilbihan sa kanila mula pa sa kanyang pagkabata.

Yaya nakita mo po ba sina Mommy at Daddy?

YayaNina:

Naku shiela nandiyan kana pala nagbilin ang iyong mommy na papuntahin kita sa hardin kapag ikaw ay dumating na,

may paguusapan yata kayo na mahalagang bagay.

Ah, ganun po ba! yaya maiwan ko muna kayo puntahan ko muna sila mommy mukha yatang mahalaga nga itong pag uusapan namin.

Yaya Nina:

oh, sige hala at kanina pa sila nag hihintay sa iyong pag dating.

Nag lakad na si shiela pa punta sa hardin para makapag usap sila ng kanyang mga magulang.

mommy ......!!

Agad na napalingun sa kanya ang kanyang Mommy at Daddy.

Anak dumating kana pala halika rito, maupo ka.

Naupo sa bakanting upuan si shiela sa harap ng kanyang mga magulang.

Daddy mommy anu po ba ang ating mahalagang pag uusapan?

Anak kami ng iyong ama ay kumuha ng mag babantay sayo para sa iyong kaligtasan.

Shiela:

Pero mommy kaya ko naman alagaan ang aking sarili.

Halata ang pag tutol sa kanyang boses sa disisyon ng kanyang mgamagulang.

Anak para ito sa iyong kaligtasan nag aalala kami ng iyong Mommy sa tuwing ikaw ay lalabas ng bahay, sana ay iyong maunawaan ang bagay na ito.

Kahit na masama ang kanyang loob at tutol sa plano ng kanyang mga magulang ay nakuha na lamang niyang manahimik para hindi na humaba pa ang kanilang pag uusap.

Mag iisip na lamang siya ng bagay para umurong ang body guard nakuha ng kanyang mga magulang .

Maagang naligo at nag bihis si shiela para pumunta sa kanyang kaibigan na si marissa gusto niyang gumala at maglibang na kasama ang kanyang kaibigan.

Nag text ito sa kanya na daanan na lamang niya ito.

Nasa kahabaan na siya ng kalsada papuntang San Martinez ng biglang tumirik ang kanyang kotse.

Anu ba yan wala pa naman tao dito madalang ang pagdaan ng sasakyan sa lugar na ito.

Anung gagawin ko!

Kalahating oras bago may dumaan na sasakyan agad niya itong pinahinto sa pamamagitan ng pag harang at pagkaway.

Babae ng sakay nito nakataas ang kilay na nag bukas ng bintana

Hoy , babae umalis ka diyan sigaw nito hindi ako intresadong tumulong sa taong hindi ko kilala.

Agad naman siyang tumabi na nawalan ng pag asa.

Sabay ang pagsara ng bintana ng sasakyan ay pagpapaharorot palayo ng may ari ng kotse na iyon.

Maya maya pa ay may isang sasakyan na dumaan agad itong tumigil sa tabi ng kanyang tumirik na kotse.

Matipuno ang lalaki Matangkad,Makinis na mamula mula ang balat na maputi subalit halatang sa sunog araw.

Tinignan niyang ang sasakyan nito isang lumang lumang at kinakalawang na owner type jeep.

Bumaba ang lalaki na nakapag patulala sa kanya sa taas niyang 5'5 ay halos niyukuan lang siya ng lalaki agad itong kumuha ng tools at kinalikot ang kanyang kotse.

Ms..... Tawag pansin ng lalaki sa kanya.

Tapus na ang sasakyan at saka pakisarado ng bibig mo baka ma pasukan ng langaw.

Mukha yatang gwapong gwapo ka sa akin pasado na ba ako sa iyo?

Sabay halak-hak.

Aba't presko pala ito. napapahiyang wika ni Sheila sa kanyang sariling biglang pinagtakpan sa pamamagitan Ng pagtataray sa lalaki.

Hoy!!! lalaki hindi ka gwapo!

Antipatiko ka !

bwisit!

presko at mayabang inis niyang sagot na pasigaw.

Agad siyang bumunot ng pera sa wallet niya limang daan at bigay ito sa lalaki tinignan naman ito ng lalaki ng inabot niya may gumuhit na ngite sa mga labing kinuha nito ang pera.

Kulang ito dalawang libo ang hinihingi kong bayad Mahal ang Labor ko.

Aba't buwisit talaga itong lalaki na ito.

Muli siyang kumuha ng karagdagan at inabot ito sa lalaki.

Salamat....Ms. Makakabili na ako nito ng masarap na ulam sabay ang pag kindat.

Agad kumulo ang dugo ni shiela padabog na binuksan at pumasok sa kanyang kotse.

Samantalang si Charles ay tatawa tawang sumakay sa kanyang owner type jeep.

Hinde mawaglit sa kanya ang magandang mukha ng dalagang kanyang kausap kanina.

Tanghali na ng narating ni shiela ang bahay ng kanyang kaibigan.

Nag hihintay na sa kanya si marissa pagkarating ay agad niyang binalita ang ng yare siyempre pa hindi niya sinabi ang tungkol sa lalaki.

Tayo na pag aya niya kay marissa.

Para mawala ang namumuong iniis niya ng maalala ang lalaki kanina.

Paikot ikot sa mall ang magkaibigan namili at nag sukat ng mga nagugustuhan.

Kumain sila habang kwentuhan sa isang restaurant mag alas 10:00 na ng gabi ng kanilang maisipang umuwe.

Dumaan muna si shiela sa bahay ng kanyang kaibigang si marissa para maihatid Ito.

Naabutan niya ang kanyang mga magulang sa sala nanunod ang kanyang mommy habang ang kanyang Daddy ay abala sa pag babasa sa computer nito.

Daddy ,Mommy humalik siya sa mga magulang.

Kumusta ang lakad ninyo ng iyong kaibigan anak nag enjoy ba kau?

Ang tanong ni mrs. Moreno sa kanyang anak.

Oo naman po, mommy bakit po.

Wala naman anak.

Gusto ko lang masiguro ang iyong kaligtasan sa bawat araw na umaalis ka kinakabahan ako.

Napatingin sa kanila Si Mr. Moreno

Anak bukas ay mag sisimula na magtrabho si lie sundin mo ang mga sinasabi niya para sa iyong kaligtasan wika ng kanyang ama.

Oo nga pala anak mabait na bata si lie kaya alam kong magkakasundo kayong dalawa Ang wika ni mrs moreno na bakas ang tuwa sa kanyang mata.

Sige po Mommy, Daddy papasok na ako sa kwarto ko ang tanging sagot na lamang niya sa kanyang mga magulang.

Kinabukasan ay hindi na nag abala pang mag hilamos man lang si shiela.

Maging ang kanyang nakatalilis na damit pantulog ay hindi na niya pinagkaabalan pang ayusin total wala namang lalaki sa loob ng kanilang bahay maliban sa kanyang daddy.

Ang karamihan nilang kasama sa bahay ay babae.

Tatlong katulong at kanyang yaya.

Nag mamadali siyang bumaba sa hagdan at pumanhik sa kusina.

Isang lalaki na naka tiimbagang habang nakatingin sa kanya madilim ang anyo nito.

Yan ba ang pa welcome mo sa iyong body guard wika ng lalaki na walang iba kong hindi ang lalaking nag ayos ng kanyang kotse kahapon.

Ikaw!!!! Ang gulay na sagot ni Sheila sa lalaking nag sasalitan

Ako nga!! Ang sagot naman ng seryosong si Charles.

Aba't.. Hoy lalaki!

Anong ginagawa mo dito binayaran na kita wag mong sabihin kulang pa ang dalawang libong binayad ko sayo kahapon wika ni shiela na nagigil na gigil.

Hindi niya napansin na kanina pa nakabukas ang kanyang damit pantulog.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free