HinovelDownload the book in the application

Chapter 2 Accident

Ang takot sa dibdib ng mag asawa ay Nadagdagan pa ng mag umaga na ay wala parin ang kanilang anak.

Si shiela ng mga oras na iyon ay halos ay nakasiksik sa madilim na bahagi ng mga punung kahoy nagtatago sa mga lalaking humarang sa kanyang sasakyan at pilit siyang isinakay sa sakyan ng mga ito.

Mabuti na lamang at nalingat ang mga ito Kong kayat nakatakas siya habang nagtatawanan ang mga ito .

Ang hinde niya maintindihan kong bakit ng yayari ito sa kanya bakit siya dinukot ng mga ito?

Sino ang boss na tinatawag ng mga ito sa cellphone habang nakasakay siya sa sakyan ng mga ito?

Ano ang kinalaman nya para saktan ng mga ito.

Dios ko! tulongan ninyo po ako! Ang kanyang mahinang panalangin.

Maya maya pa ay may marinig siyang mga kaluskus at salita...

Miss Moreno lumabas kana wag mo na kaming pahirapan mahahanap ka parin namin kahit Saan ka magtago.

Sabay ang mga halakhak ng mga ito

Dios ko!!!.. Dios ko!!!

Tulongan mo po ako!!! wag mo po akong pabayaan na nakita nila pigil ang hiningang usal ni shiela habang gumagapang papalayo sa mga taong dumukot sa kanya.

Pare...Nakita mo ba? tanong ng isang lalaki sa kasama nito.

Hindi pa pare!

Ang sagot naman ng isang balbasin na nakakatakot tignan ang mukhang unang tingin pa lamang ay mahahalatang mga walang kaluluwa kong pumatay ng tao.

Lagot tayo kay boss pag hindi naten nadala sa kanya Si Ms. Moreno!

Mag hiwa-hiwalay tayo wika ng isang lalaki sa kasama doon kayo sa bandang kanan dito kami sa kaliwa.

Oh, sige pare mabuti pa nga, magkasabay na sagot ng iba pang mga lalaki.

Hindi yon maka-katakas sa atin wala siyang masasakyan sa mga oras na ito wika ng isang pinaka pinuno ng groupo.

Ng makalayo ang mga ito ay agad gumapang si shiela palabas sa kanyang pinag tataguan.

Lakad takbo sa kalsada ang kanyang ginawa para makalayo sa mga taong dumukot sa kanya pagod at hinang hina na siya ng mga oras na iyon nawawalan na din siya ng pag asa ng may isang sasakyan ang papalapit sa kanya, pinaghalong takot at pagod ang namayani sa kanyang buong katawan takot na baka ang mga lalaki ang nakasakay sa sasakyan na iyon

lalo pa niyang binilisan ang kanyang takbo.

Samantalang di naman napansin ng nagmamaniho na may taong tumatakbo na biglang tumawid kasunod ang kalabog at sigaw ng matinis na boses.

Bro...

Hinto mo may nabanga tayong tao agad na inihinto ni Brent ang minamanihong sasakyan.

Samantalang nag mamadaling binukasan naman ni Charles ang pintuan para masakluluhan ang taong kanilang nabanga agad niya itong kinarga at ipinasok sasakyan.

Doon niya nasilayan ang mukha ng babaeng nasa kanyang mga bisig sinuri niya kung may mga sugat ba itong natamo sa pagkakabanga ng matiyak na wala man itong gaanung tinamong sugat ay mapag disisyonan ng dalawa na dalahin na lamang ito sa bahay ni Brent para doon magpahinga.

Tatawagan na lamang nila si Marissa para ma asikaso nito ang kanyang kaibigan at ng maipaalam na rin sa mga magulang nito ang ng yari sa kanilang anak.

Siyempre pa hindi maiwan iwan ni Charles ang babae sa bahay ng kanyang kaibigan alam niyang may nararamdaman ito para sa babae.

Baka hinde ito makipag pigil kong anu ang magawa nito kay Sheila habang wala itong malay kilala niya ang kanyang kaibigan pagdating sa babae.

Ang mag asawang Moreno maman ay maagang pumunta sa General na kaibigan para humingi ng tulong hindi nila alam kong sino ang may galit sa kanila at kong sino ang nagtatangka buhay nilang mag anak.

General Marten Dizon:

Kumpare Bakit hindi ka kumuha ng magbabantay sa anak mo Kong nag aalala ka sa kanyang kaligtasan.

Mr. Moreno:

Yan nga kumpare ang sadya ko sayo mayroon ka bang alam na maaaring makatulong sa aming mag asawa ?

Sa bagay na yan kumpare matutulungan kita kaylangan ko munang kausapin ang aking mapagkakatiwalaang tao. Ang wika Ng general

Maraming salamat sayo kumpare tatanawin kong malaking utang na loob ito Ang sagot ni Mr. Moreno sa kanyang kumpare.

General Dizon:

walang anu man ito kumpare maliit na bagay lamang ito kumpara sa mga naitulong mo sa akin ng ako ay na ngangailangan ng iyong tulong saka di ko maaring pabayan ang aking inaanak.

Mrs, Isabel Moreno:

Kung ganun kumpare kami ay aalis na ng aking asawa aasahan namin ang taong iyong irerekomenda sa amin.

General Dizon:

Aba oo naman Isabel isa o dalawang lingo ay makakahap tayo ng maaring pagkatiwaan sa bagay na yan, alam kong magpapalamig muna kong sino ang may kagagawan at may utak nito.

Ng makaalis ang mag asawa agad tinawagan ng general Ang taong maaring makatulong sa mag asawa.

Tumunog ang celphone ni charles.

Agad niyang itong sinagot Ng makilala Ng numerong naka regester sa kanyang cellphone.

Hello...

General Dizon:

Charles nabasa mo na ba ang mga pinadala kong files sayo?

Yes sir .

Pwede mo bang ipadala sa akin ang picture ng mga taong pagsisilbihan ko..

General Dizon:

May bago tayong client nais kong ikaw ang humawak nito.

Ang una mong project ay si Mark na lamang aking itatalaga ipapadala ko sayo ang bago mong assignment.

Sige sir hintayin ko.

oh siya sige hintayin mo ang iba pang files na aking ipapadala sayo at ang mga larawan.

Mayamaya pa ay nag beep ang kanyang cellphone agad niyang binukasan at binasa ang minsahe ng makita niya ang larawan ay agad

bumilis ang tahip ng kanyang dibdib hindi siya maaaring magkamali ito ang babaing iniligtas nila kagabi.

Si Shiela ng mga oras na iyon ay pilit kinakalma ang kanyang sarili sa takot ng nagdaang gabi para sa kanyang mga magulang ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang mga ito.

Matamang pinag mamasdan ni marissa ang kanyang kaibigan nais niyang alamin kong anong ng yari dito.

Hmmmmm....

Pag kuha ni marissa ng atensyon ng kanyang kaibigan.

Shiela...

Marissa bkit?

Pwede ba akong mag tanong sayo?

Oo naman ano yun?

Anong ng yare sayo kagabi?

Anong ginagawa mo sa lugar naiyon mabuti na lamang ay na daanan ka nila brent kong hindi baka na pahamak kana!

Nag simulang isinalaysay ng lumuluhang si shiela ang buong ng yare na labis na ikinalungkot ng kanyang kaibigan nasa tono ng boses nito ang simpatya sa ng yare.

Tahan na shiela parating na sila Tita malalaman din natin kong sino ang nagtangka sa buhay mo!

Maraming salamat saiyo marissa

Naku walang ano man para ano pa at naging magkaibagan tayo.

Ang mabuti pa ay tumayo kana diyan ng malamanan na iyang tiyan mo mukhang kahapon pa yan walang laman.

Oo nga eh, nagugutom na talaga ako.

ah siya nga pala nasaan ba tayo bakit parang nasa ibang bahay tayo hindi mo naman ito bahay marissa. kay brent itong bahay dito ka niya dinala ng kagabi, pasalamat ka at siya ang nakatagpo sayo ng mawalan ka ng malay akala nga niya ay na purohan ka niya sa pagkakabanga.

Labis ng kanyang pag aalala sa condition mo,

Hali kana!

Magkasabay silang magkaibigan na pumunta sa kusina

Ng mamoy niya ang masarap na amoy ng pag kain na nag pakulo sa kanyang sikmura.

Masarap ang pagkain kong kaya't sandaling nalimutan ni shiela ang pangyayari ng gabing yon.

Shiela bakit hindi ka pumunta sa mga pulis para maipa blotter ang ng yare sayo kagabi ang wika ni marissa.

Marissa sina mommy na lamang ang bahala sa kong ano ang disisyon nila hindi ko alam kong sino at ano dahilan kong bakit ako dinukot ng mga lalaking iyon sa ngayon wala pa akong balak sa bagay na ito kaylangan ko munang makausap ang aking mga magulang.

Ikaw ang bahala shiela ang nais ko lang naman ay makatulong sayo.

Maraming salamat sayo marissa napakabuti mong kaibigan.

Walang ano man binola mo pa ako hehehe.ang sagot ng kanyang kaibigan na humagikhik.

Hindi kita binobola taos sa puso ko ang aking pasasalamat sayo kasi nan dito ka sa tabi ko sa oras na kaylangan ko ng kaibigang masasandalan.

Asusss....

Ayos lang ikaw tlaga tama na nga at baka bigla akong umiyak.

Ang isipin mo ligtas kana at kaylangan mahuli ang nagtatangka sa buhay mo ano ka ba!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free