HinovelDownload the book in the application

Chapter 5

Taste

---------------

Pumasok ako sa klase na nakabusangot. Lumabas na din si Sasha ng room at patuloy pa din ang pagtili kay Simon. Nakakainis talaga ang kaingayan niya, pati na din sa pagiging vocal niya masyado sa feelings niya. Nakakababa ng pagkababae ang ginagawa niya. Haays!

Iritable akong umupo sa gitna ni Dom at Glen."What's with the duck face?" Salita ni Glen sa akin. Kumunot ang noo ko. Hindi ko namalayan na nakasimangot pa din pala ako. Huminga ako ng malalim at tinanggal ang iritasyon na nadadama ko.

"Nothing.. ang ingay lang kasi ni Sasha." Pag amin ko. Si Glen naman ang kumunot ang noo sa akin. I stared at him. Mukha kasing may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Ganyan naman talaga siya diba? Are you jealous with her?" Diretsong sabi ni Glen. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang bumilis ang tibok mg puso ko. Jealous? Saan ba nila napupulot yan? She's loud! And it annoys me, bigtime! Pwede bang ganon lang? Haays!

"Of course not!" Depensa ko. Hindi na ulit nag salita si Glen at tinuon nalang sa prof namin ang mga mata niya.

I was bothered the whole class. Ni wala ngang pumapasok sa isip ko dahil sa sinabi ni Glen. Bakit nila naisip na nagseselos ako kay Sasha? Anong rason? Pati din si Simon hoping that I'm jealous. What the?! Mali sila!

Umiling nalang ako. Wala nga si Simon sa harap ko pero damang dama ko ang presensya niya. Yung tawa niya kanina na parang ligayang ligaya siya. Ang adik lang!

"Lets go.." napasinghap ako ng hawakan ni Glen ang kamay ko. Nagulat pa ako ng nagtatayuan na ang mga kaklase ko para lumabas ng room. Tapos na talaga ang klase? Shocks! Ano nangyari?

Ngumiti ako sa kanya."San tayo pupunta?" Tanong ko habang nililigpit ang gamit ko.

"We'll eat outside, remember?" Nakangiting sabi ni Glen. Oh crap! Hindi ko pinahalata kay Glen na nakalimutan ko iyon. Parang kanina lang ay sobrang excited ako dahil makakasama ko siya. Tapos nakalimutan ko? What's happening to you Maggie?

Magkahawak kamay kaming lumabas ng classroom. Nakatingin pa nga sa amin yung ibang studyante. Maybe they're wondering kung bakit kami ganito kalapit ni Glen.

"Mr. Silverio, may I speak with you?"

Napahinto kami ng salubungin kami ni Mrs. Catindig. Pilit ko pa ngang inaalis ang kamay ko na nakahawak kay Glen dahil sa tingin na ibinibigay doon ni Mrs. Catindig. I heaved a sigh, lalo lang hinigpitan ni Glen ang hawak niya sa kamay ko.

"Can't that wait?" Seryosong sabi ni Glen. I was astounded when I heard him talking to Mrs. Catindig, I mean--- para kasing hindi siya studyante. His authoritive voice embraced the place. Somehow, mayroon pala silang pagkakamukha ni Simon. It's just that, Simon is very blunt.

Umiling si Mrs. Catindig." This is urgent."

Lumingon sa akin si Glen. I nodded. Ala naman akong magagawa. Gusto ko man siya makasama pero kailangan siya ng buong university. Who am I diba? Hindi nga niya ako girlfriend. Bahagyang nag init ang pisngi ko sa naiisip ko. May chance kaya na maging kami ni Glen?

"Wait for me sa field." Malambing na sabi niya tsaka nagpakawala ng buntong hininga at sumunod kay Mrs. Catindig.

Ngumuso ako at tumalikod para pumunta sa field. Glen's to young para sa responsibilidad niya. I admire him more coz he's matured enough for the thing. Dapat kasi si Simon ang gumagawa non! Puro pasarap buhay.

Nang nakababa ako ng hagdan ay namataan ko si Simon na iretableng iretableng tinatanggal ang kamay ni Sasha na nakakapit sa kanya. Apura ang tawa ni Luther sa likod niya kaya naman busangot ang mukha ni Simon. Nairita na naman akong bigla! Hindi ko akalain na may ganyang babae na kayang ipagkalandakan ang feelings niya para sa lalaki. She's too pretty to stoop down her level.

Nang nasa kalahatian ako ng field ay napatingin sa akin si Luther. Kumunot pa nga ang noo ko ng may binulong siya kay Simon. Napatingin bigla sa akin si Simon at umayos ng tayo.

"Simon.. sige na!!! Date tayo!! Kahit kunwari lang payag ako!!" Malakas na sabi ni Sasha kaya nalaglag ang panga ko. May mas ikakagulat pa pala ako sa mga ginagawa niya.

Umupo ako sa gilid na bench ng field. Namataan kong papalapit sa akin si Simon kasama si Luther at Sasha. Nagtama ang paningin namin. Ngumuso pa nga siya ng makita niya na nakatingin ako sa kamay ni Sasha na nakahawak sa kanya.

"Maggie!!" Tili ni Sasha sa akin. I secretly rolled my eyes. Ang ingay niya talaga!

Tumabi sa akin si Sasha habang humalikipkip sa harap ko si Simon at Luther.

"Where's your baby Glen?" Bungad sa akin ni Sasha. Napalunok ako bigla. Ang ingay talaga niya! Nahihiya tuloy ako sa pinagsasabi niya. Pakiramdam ko ay gusto kong lumubog sa kina-uupuan ko.

"Ohhhh---that hurts.." napatingin ako kay Luther na natatawang nakahawak sa dibdib niya habang nakatingin kay Simon na nagpakawala ng isang malutong na mura.

"Akala ko aalis kayo? Glen told me na may date kayo." Patuloy ni Sasha. Gusto kong kumuha ng panyo at ipasak sa malaking bibig niya. Yung iritasyon ko kanina ay lalong usbong ngaun.

"Aww.. strike two, man.." tatawa- tawa si Luther kay Simon. Kinilabutan ako bigla ng sumeryoso ang mukha ni Simon. Nag igting ang kanyang panga habang nakatingin ng masama kay Luther. His eyes are dangerous now, na parang nagsasabi na isang salita pa ni Luther ay ililibing niya ito ng buhay. Nawala ang ngiti ni Luther at inarko ang kamay niya sa bibig niya.

"Chill.. I'm gonna zip my mouth." Kahit alam kong pinapakalma niya si Simon ay kitang kita ko ang pigil na tawa ni Luther. Naiiling nalang ako sa dalawa. Para kasing may sariling mundo sila.

"Simon my loves! Sumama nalang tayo kay Glen at Maggie!" Biglang sabi ni Sasha na ikinabigla ko. Kumunot ang noo ni Simon pero unti unting sumilay ang ngisi niya. Yung ngisi na parang may naisip siyang hindi maganda.

Lumapit si Sasha kay Simon at ikinawit ulit ang mga kamay kay Simon. Tumaas ang kilay ko. Nakataas din ang kilay ni Simon sa akin, alam kong hindi papayag si Simon. I just really know. He's not interested kay Sasha to begin with. He doesn't like loud girls.

Nawala ang ngiti ko ng tumingin si Simon kay Sasha." Okay." Isang salita niya pero ang lakas ng impact sa akin. I mean-- seryoso? Gusto niya i-date si Sasha? At talagang samin pa sila sasama?

Halos mabingi ako ng biglang nagsisigaw si Sasha na akala mo nanalo ng jackpot sa lotto. Tinignan ko ng masama si Simon na mabilis na nagkibit balikat lang.

"Para paraan.." naiiling na salita ni Luther kay Simon. Hindi iyon pinansin ni Simon. His attention is focus on me kaya nag iwas ko ng tingin. Ano ba problema ni Simon?

"I'm done." Napalundag ako ng bigla nalang lumabas si Glen sa likod ko. Sumeryoso ang paligid. Ultimo tuyong dahon na nalalaglag mula sa puno ay maririnig mo ang tunog.

Ano nangyare? Naputol lang ang katahimikan ng biglang pumapalakpak si Sasha.

"Simon and I, are coming with you." Masayang masaya si Sasha habang nagsasalita. Napatingin si Glen kay Simon at ganon din si Simon kay Glen. Parehong nag-igting ang panga nila.

"Alright." Malamig na sabi ni Glen kaya lalong napatili si Sasha. Ugh! Parang hindi ko kayang tumagal na kasama si Sasha!

Hinawakan ni Glen ang kamay ko. Naiiling pa nga ako ng makita ko si Sasha na pinipilit si Simon na hawakan ang kamay niya. I don't get Simon. Iritable kasi siya ngaun. Arte pa! Eh pumayag naman makipagdate kay Sasha.

Nang makarating kami sa isang coffee shop ay mabilis kaming pumasok. Nakaconvoy lang kasi sila Simon sa amin kaya magkasabay lang kaming dumating.

Panay ang talak ni Sasha. Hindi ko nga makita ang itsura ni Simon dahil nasa likod namin siya.

Hinapit bigla ni Glen ang beywang ko kaya halos mapalundag ako. He's busy on the menu kaya naman hindi niya siguro naramdaman ang gulat ko.

"Damn it!" Singhal bigla ni Simon kaya bahagyang natigilan si Sasha. Kahit ako man ay natigilan. Simon's voice will send you fear. Napuno na siguro siya kay Sasha.

Dahil walang bakanteng pang apat na upuan ay magkahiwalay kami ng mga upuan. Me and Glen, Sasha and Simon.

Maingay pa din si Sasha habang iretableng iretable ang mukha ni Simon. However, natatawa ako kay Simon kahit naiirita ako kay Sasha. Ang gwapo kasi ni Simon lalo na't frustrated ang itsura niya. Nakaharap kasi ako sa kanila kaya kita ko ang nagyayari sa kanila.

Maya maya ay dumating ang order namin. Nagulat pa nga ako ng isang mangkok na Pringles at tig isa kaming baso ng Coke. Mayroon din tig isang cheese cake. Pero ang ikinamangha ko talaga ang Coke at Pringles. When we were young, Glen and I used to eat this. Para kasing comfort food namin yan.

"Remember this?" Hawak ni Glen ang isang pirasong Pringles tsaka isinawsaw sa Coke niya. I smiled widely and nodded.

"Of course.. akala ko nakalimutan mo," nakangiting sabi ko.

"How can I forgot this, Maggie? It's our thing." Malaki ang ngiti ni Glen habang kumuha ng isang piraso at sinubo sa akin. Nag init bigla ang pisngi ko.

Nawala ang ngiti ko ng tumikhim si Simon. Napatingin ako sa kanya, kumunot pa nga ang noo ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya na biglang nawala. Nawala ang tingin niya sa akin ng tinapat ni Sasha sa bibig niya ang tinidor na may nakaikot na pasta. Nag igting ang panga ni Simon at marahan tinabig ang kamay niya.

"Ang sungit.." salita ni Sasha kaya lihim akong napangiti. You're dating a devil girl, expect that.

Panay ang tawa namin ni Glen habang nagkukwento siya nung kabataan namin. Ngaun ko lang napagtanto na matagal ko na talagang gusto si Glen. I mean--- he's perfect kasi.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha sa bag ko. Kumunot bigla ang noo ko ng makita ang text ni Simon. Tumingin pa nga ako sa kanya. Nakita kong hawak niya ang cellphone niya habang nakanguso.

From: Simon Aries

- Can I taste you?

Nanlaki bigla ang mata ko. Dahil pa sa gulat ko ay natabig ko bigla ang coke sa harap ko dahilan para mapatayo si Glen. Oh shit! Basang basa ang pants niya.

"Shocks! I'm sorry.." hiyang hiyang sabi ko.

"It's okay, Maggie.." ngumiti si Glen. Hindi ko tuloy siya matignan. Ang clumsy ko naman. Kasalanan ni Simon to eh..

"Wash room lang.." tumango ako sa kanya. Pag ka alis na pagka alis niya ay napatingin ako kay Simon na masayang masayang kausap si Sasha! Demonyo talaga!

Dahil sa inis ko ay nireplayan ko siya. Kung pwede ko nga lang siyang sugudin para buhusan ng Coke ang buong mukha niya.

To: Simon Aries

- What the hell! You're so evil talaga!

Walang pang ilang segundo ay nagreply siya.

From: Simon Aries

- Sorry, love. Typo. What I mean is, can I taste your food, it looks delicious.

Inis na inis akong nagreply sa kanya. Habang nagtatype pa nga ako ay apura ang halakhak niya.

To: Simon Aries

- epal mo talaga! You just ruined our date! You ruined our having a Coke moment!you fucking jerk!

From: Simon Aries

- Sorry, love, I didn't mean it. But it made my day, though.

Ugh!!!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free