HinovelDownload the book in the application

Chapter 4

Often

------------

The next morning, maaga akong nagising. Pakiramdam ko nga ay hindi ako masyadong nakatulog dahil sa nasaksihan ko kagabi. Kapag naiisip ko iyon ay bigla nalang nag iinit ang pisngi ko. I never thought Simon can do such thing like that. Ugh! What do I expect? He's a devil! At bakit ba naiisip ko iyon?

Hindi lang talaga ako makapaniwala, Coz I never see him with other girls. OMG! Maggie! Why can't you move on? My virgin and eyes and mind, nadivirginize niya! Umiling nalang ako at diretso sa banyo. I don't know how will I explain to Prim kung bakit ala ako kagabi. Hindi naman niya siguro mahahalata.

Nang matapos ako gumayak ay mabilis akong bumaba dahil sa busina ng sasakyan. It's thursday today so mas maaga ang pasok ng kambal sa akin.

Sumilip muna ako sa slidding window para tignan kung sino ang sundo ko ngaun. I heaved a sigh when I saw Glen leaning on his Montero.

"Kanina kapa?" I said happily. Bakit ba hindi ko kayang kumalma kapag si Glen ang kaharap ko? It's like my heart wants to get out of my rib cage.

He smiled genuinely. "Not really," ngumuso siya at tumingin sa wrist watch niya. "Mga 30 minutes lang akong naghintay."

Nanlaki ang mga mata ko." Seryoso? Bakit hindi mo ako tinawag agad?" Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya! Hindi ko tuloy maiwasan mapaiwas ng tingin. Ako na nga ang nakisabay hinintay pa ako. Ayoko lang masabihan na pa-importante ako..

"It's fine, Maggie. It's worth the wait." Seryosong sabi niya tsaka ako pinagbuksan ng front door sa Montero niya. I didn't say anything. I'm out of words okay? Eh pinakilig niya kaya ako. What are you doing to me Glen?

Nang makarating kami sa school ay mabilis na hinawakan ni Glen ang kamay ko. Well, medyo kinikilig pa din ako kahit sanay naman ako na hinahawakan niya ang kamay ko. It's a normal thing for him, I guess? Ako lang naman ang may malisya dito.

We're walking on the ground peacefully. Medyo nakakairita lang yong ibang chismosa na pinagbubulungan kami. Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sa amin? Glen Silverio's with me!

We reached our floor. Pakiramdam ko ay ang bilis lang namin narating. Kapag ako lang kasi mag-isa ang papasok, pakiramdam ko ay ang layo nang lalakarin ko. But with Glen? Bakit ang bilis?

"I'm free today, Maggie.. can we eat outside later?" Biglang sabi niya kaya natigilan ako. Is he serious?

He snapped his fingers infront of me. My gulay! Natulala ako. Kasi naman siya! "Can we?" Ulit niya. Ang lambing lambing ng boses ni Glen kaya naman umaatake na naman ang bilis ng puso ko.

Tumango ako. "Of course.." tipid na sagot ko kaya napangiti siya.

Diniretso namin ang hallway sa third floor dahil sa bandang dulo pa ang room namin. Magkahawak pa din kami ng kamay ni Glen habang naglalakad. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti, na-iimagine ko kasi na boyfriend ko siya at girlfriend niya ako.

Diretso lang ang tingin ni Glen kaya hindi niya napapansin na nakatingin lang ako sa kanya the whole time. Nang dumating kami sa room ay napakunot ang noo ko. Napatingin kasi ako kay Dom habang masayang masaya sa kausap niya na babae na nakatalikod naman sa amin.

"I can't believe you, Dominic Dela Fuente.. such a pussy.." natatawang umupo si Glen sa tabi niya. Ako naman ay nanatili lang nakatayo. Humalakhak bigla ang babaeng kasama ni Dom kaya natahimik si Glen at napatingin sa babae na nakakunot ang noo. Hindi ko maiwasan mapa-irap. Bihira lang kasi tumingin si Glen sa babae kaya nairita ako bigla. She must be beautiful, huh?

"Atleast, not a virgin.." natatawang sagot ni Dominic sa kanya kaya sinamaan siya ng tingin ni Glen at bahagyang sinuntok sa braso.

"Maggie, take a seat." Natatawa nalang akong umupo sa tabi ni Glen. Bahagya pang nanliit ang mata ko ng napansin ko na nakatitig sa akin yung babae na kausap ni Dom.

"Claudine Margaret Romano?" Manghang sabi nung babae habang malaki ang ngiti. She knows me? Napahalakhak sila ni Dom ng sabay kaya nagkatinginan kami ni Glen. Nagkibit balikat ako. Who is she by the way?

"You're still into Glen.." sagot niya ulit kaya bahagyang nanlaki ang mata ko. Mabilis tuloy akong lumingon kay Glen na bigla nalang ngumisi. My goodness!

"Do I know you?" Alam kong nahimigan niya ang iritasyon sa boses ko kaya ngumisi siya ng usto.

"Awwww.. you forgot me?" Humawak pa siya sa dibdib niya na tila ba umaarte na nasaktan sa sinabi ko.

Forgot? I didn't even know her in the first place, how could I forgot her?

"I think, I know you.." sagot ni Glen kaya napatingin ako sa kanya. Malaki ang ngiti ng babae habang si Dom naman ay nakangisi lang.

"Awwww, that's so sweet Glen.." ngumiti ng matamis ang babae kay Glen kaya nanliit lalo ang mata ko. Is she flirting with Glen?

"Sino kaba talaga?" Matabang na sabi ko kaya nakuha ko na naman ang atensyon niya.

"It hurts that you forgot me already my dear Maggie. I'm Sasha Dela Fuente lang naman." Nagtaas siya ng kilay.

Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya kung sino siya. Is this even possible? The nerd girl na naging kaibigan namin when we was at our grade school. Siya ang pinsan ni Dominic na ate ni Kristele na patay na patay kay Simon. How come na ganito na siya ngaun?

She's pretty--- I mean. Super pretty. And sexy too. Ugh! Ano nangyari sa batang nerd at mataba noon na palagi nalang binubully ni Simon? Ibang iba na siya ngaun.

"W-what happened to you?"

Natawa siya at mabilis na tumayo para yakapin ako. I hugged her back kahit gulat na gulat ako. Natawa naman si Dom at Glen sa reaksyon ko. I feel like I looked stupid!oh crap!

"Silly, of course, dalaga na ako." Natatawa siyang bumitaw ng yakap sa akin. Matanda kasi siya sa amin ng isang taon. Si Simon ang talagang ka edad at classmate niya noon. Their family left the country para manirahan sa ibang bansa noon. Until we lost contact. And she's here now. Ang laki talaga ng pinagbago niya.

"Maya-" she didn't finish what she's saying ng tumahimik ang room. Para bang may dumaan na anghel. Napatingin ako sa pinto. Kaya naman pala! Kailan pa naging anghel ang demonyo? Papasok si Simon habang nasa bulsa niya ang dalawang kamay niya. His aura can make people shut up! Ang lakas talaga ng dating niya eh. And naalala ko na naman ang scene sa Bulshoi! Ugh!

"Kyaaaaaaaa! Simon my loves!!!" Nalaglag ang panga ko ng bigla nalang tumakbo si Sasha kay Simon at lundagin ito. Kitang- kita ko ang gulat sa mukha ni Simon at iritasyon.

Marahas niyang tinanggal ang kamay ni Sasha na nakayakap sa kanya. "Who. The. Hell. Are. You?" Iritableng sabi niya. I can't believe na hindi niya na noticed si Sasha, at hindi niya din napansin ang isang magandang babae sa harap niya.

"You alright?" Tanong sa akin ni Glen. Tumango lang ako pero nanatili ang mga mata ko kila Simon.

Ngumuso si Sasha kay Simon. Nanatili lang ang blangko mata ni Simon sa kanya."You're still mean.." malungkot na sabi ni Sasha.

Tumingin sa akin si Simon kaya nagtama ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya kaya nag iwas ako ng tingin. My goodness! Maggie! Bakit ba nakatingin ka?

Ang bilis ng tibok ng puso ko nang magsimulang maglakad si Simon palapit sa amin, Glen and Dominic are talking with some matters na hindi ko masundan. Nang makarating si Simon sa gawi namin ay nagkunwari akong may kung anong ginagawa sa notebook ko. Ano ba Maggie? Why you suddenly nervous?

Tumabi si Sasha kay Simon. Nakatapat sila sa akin kaya lalo akong nailang.

"Kamusta kana?" Masayang tanong ni Sasha kay Simon. She may looked new, but her attitude still the same. Ang witty pa din niya.

"Why asking me? Close tayo?" Masungit na salita ni Simon kay Sasha. Napatingin ako sa kanila. Kitang kita ko ang iritasyon ni Simon habang yakap ng yakap pa din si Sasha sa kanya. Umiling ako at nakaramdam ng iritasyon. Binaba ko ulit ang mata ko sa notes ko at nagpanggap na nagbabasa. Bakit ba kasi ala pa ang prof namen?

"You don't remember me? Yehey!!" Maingay si Sasha na parang tuwang tuwa na hindi siya kilala ni Simon. I rolled my eyes. Why is she acting like that? Sayang pa naman ang ganda niya. At ano ba pakialam ko sa kanya?ugh!

"You're crazy.." nahimigan ko na natatawa si Simon, kaya lalo akong nairita. Talaga bang dito sila maglalandian?

"Indeed, Simon! Baliw na baliw pa din ako seyo.." tuwang tuwa si Sasha. Hays! Nakakaloka siya!

"What the Fuck!" Gulat pero natatawang sabi ni Simon. Napatingin ako sa kanya. Kahit iretable siya ay nakangiti pa din siya. Nagtama ulit ang mga mata namin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya umirap ako sa kanya. Humalakhak si Simon na umalingaw ngaw sa buong room. I instantly got a goosebump. Ang lamig lamig kasi ng halakhak niya.

"Ako si Sasha Dela Fuente, you remember now?" Malakas na sabi ni Sasha habang yakap pa din ng yakap kay Simon. Kumunot ang noo nito at tila ba nag iisip at tinignan mabuti si Sasha. Nilaro laro niya ang labi niya gamit ang kamay habang unti unting nanlaki ang mata.

"Sasha?the nerdy fat girl?" May himig ng pagkamangha sa tono niya. Mabilis na ngumiti si Sasha at tumango tsaka tumili na naman! She's so loud.

"The one and only.." tili niya ulit. Hindi na ako makatiis sa kaingayan niya kaya mabilis akong tumayo para lumabas muna. She's so loud kaya maiirita ka.

"What happened to you?" Gulat na gulat na sabi ni Simon nang padaan ako sa harap niya kaya napa irap ako.

Nakakainis!

Nang makalabas ako sa tapat ng room ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay nabibingi ako kakatili ni Sasha. Magkatabi lang naman sila ni Simon, kailangan pa talagang sumigaw?

"What are you doing here?" Napalundag ako ng bigla siyang lumabas sa likod ko. Malamig ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"What did I do?" Nakataas ang kilay niya at lumitaw unti unti ang ngiti sa labi niya. When you look at him now? Mukha siyang inosenteng bata! Looks can really deceived people.

"Wala." Iritableng sagot ko.

Kumunot ang noo ko ng humalakhak ng mahina si Simon. Ano ba problema niya?

"I see, kahit wala akong ginagawa masungit ka pa din sakin." Malaki pa din ang ngiti niya. "I hope that's jealous.." natatawang sabi niya. What the hell?

"Asa ka.." kapal ng mukha! Me? Jealous? Duh! Tumalikod ako ng biglang dumating ang prof namin. Lalong humalakhak si Simon.

"Yeah right. I think I should hang out with Sasha more often.."

Lumakad na ako tuluyan papasok ng room habang malakas pa din ang halakhak niya. Wala akong pake!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free