“WHAT the heck!”
Galit na naihampas ni Lori ang kamay sa ibabaw ng desk table. Naka-ready na ang bagahe niya para lumipad papunta sa kanyang bakasyon pero naisipan munang dumaan sa Wizards para i-check ang iba pang mahahalagang bagay. Baka kasi kung kailan nasa bakasyon na siya, saka siya bubulabugin ng kapatid. Pero heto nga. Ni hindi pa siya nakakapunta sa airport, may aberya na agad.
“Paano ako magbabakasyon nito? Wala kang executive assistant?”
Ang nakakainis pa, itong Kuya niya, parang hindi naman bothered. Nakataas at nakapatong pa ang mga paa sa ibabaw ng desk table habang nakahilig sa swivel chair.
“Bakit daw hindi papasok ang executive assistant mo?” tanong ni Axyl na parang hindi din naman masyadong interesado. Kapag tinopak ito, baka hindi siya pagbakas’yon in.
“Ewan ko. Nag-stow away yata si Star kasama ang boyfriend. Isa din ‘yong matigas ang ulo na kahit ayaw ng parents sa boyfriend, go pa din!”
Frustrated na naihilamos ni Lori ang isang kamay sa sariling mukha. Saan ba siya kukuha ng instant na assistant ng kapatid. Hindi ito makakatrabaho ng walang inuutusan. Baka pabalikin din siya ng ama kung malaman na may aberya bago siya umalis.
“Good for her. Abswelto na siya sa paglalayas kasama ng boyfriend niya. Pagbalik niya, tatanggapin ko pa din siya bilang executive assistant.” Pabalewalang sabi nito at dumampot ng isang folder sa gabundok na files sa tabi nito.
“What?!” Halos hurumentadong sambit ni Lori.
Anong kalokohan ang sinasabi ni Axyl? Matapos siyang bigyan ng problema ni Star, tatanggapin pa din niya kapag bumalik iyon sa trabaho?
“Are you kidding?”
“I’m not.” Binuklat-buklat ni Axyl ang mga papel na laman ng folder. Alam ni Lori na kahit akala mo, nilalaro lang ng Kuya niya ang papeles na hawak pero ang totoo, masusi na nitong pinapasadahan ng basa ang laman noon. “Tama ang ginawa niya. It’s not okay to always obey kung hindi ka na masaya sa pinapagawa sa ‘yo.”
And she knew better what her elder brother was saying. Alam nito kung gaano siya kamasunuring anak, to the point na naisasantabi na niya ang sariling kaligayahan.
“Anyway, you should do two things for me, little missy.” Sabi nitong umangat na ang tingin sa kanya. Saka pabalewalang iniitsa ang folder sa ibabaw ng desk table. “One, get me a substitute assistant. ‘Yong pang temporary lang hanggang hindi nabalik si Star-who-ever-she-was.”
Lori rolled her eyes in disbelief. Minsan ay hindi niya gets ang mga trip ng kapatid. “And another one?”
Ngumisi ang kapatid. Nakita niya ding parang kumislap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Make sure the substitute was Breonna Imperial.”
Mas lalong umigkas ang kilay ni Lori nang marinig ang request ng kapatid.
“Hindi pwede si Breonna. Madami siyang project. And her team was one of the best team. Hindi ko siya pwedeng itali sa ‘yo.”
“Good idea!” Pumitik pa sa hangin si Axyl. “Make sure na nakatali ang schedule niya sa akin. Dapat i-instruct mo siya na hindi siya aalis sa tabi ko.”
Pinanlakihan ng mga mata ni Lori ang kapatid. Humalakhak naman si Axyl. “Do that and you were free to leave. Kahit ilang buwan ka pang magbakasyon.”
Hindi niya ma-gets ang kapatid. Or gets na niyang interesado si Axyl sa isa sa mga marketing manager nila pero ayaw niya lang i-acknowledge. Pwede ding ayaw niyang ibigay si Breonna sa kapatid dahil mukhang nahuhulaan na niya kung ano ang mangyayari kapag napunta si Breonna sa kuko ng malikot niyang kapatid. The woman must curse her to hell.
Kaya lang ay paano ang bakasyon niya?
Ah, hindi naman siguro mamasamain ni Breonna since two to three months lang naman siyang mawawala. Kung hindi pa din babalik si Star sa mga panahon na nasa bakasyon siya, mapipilitan na siyang mag-hire ng new executive assistant. Tsaka isa pa, hindi naman niya magiging kasalanan kung magkamabutihan ang dalawa ni Axyl at Breonna. Besides, nasa may katawan kung papadala iyon sa temptation.
But her brother was a walking temptation. Sino ang makaka-resist sa nag-uumapaw na seductive charm ng kapatid?
Bahala na nga! Kailangan niyang makapagbakasyon!
KUNG minsan ay iba din man trip ang tadhana. Minsan, magkakampi kayo, minsan mortal enemy kayo. But this time, mukhang kakampi ni Breonna ang tadhana. Hindi na magiging mahirap para sa kanya kung paano lalapitan si Axyl, ang problema nalang niya ay mag-imbento ng sariling guide ng Seducing 101.
Naglalakad lang siya papunta sa conference room para sa meeting ng kanyang team nang humahangos na lumapit sa kanya ang isang intern. May pagmamadali pa sa boses. Pinapatawag daw siya ng boss. Nagkabuhol-buhol na ang paghinga ni Breonna habang naglalakad papunta sa office ng boss. Paano, biglang rumagasa sa isip niya ang umaatikabong sandali nila sa lounge. Kahapon pa iyon, but hearing the boss wants to see her, pakiramdam niya ay ilang segundo lang ang dumaan magmula nang mangyari ang nagliliyab na sandaling iyon. Dahil ngayon, para na naman siyang nililingkis ng apoy habang papalapit sa opisina.
Only to find out na ang lady boss pala ang nagpapatawag at hindi ang new boss. Akala ba niya ay nakaalis na ito para sa bakasyon nito? Bakit nandito pa ang babae? Pero hindi na nagtagal ang katanungang iyon. Agad na niyang naintindihan nang walang sayanging oras si Ms. Lori at sinabi ang kailangan sa kanya.
“I need you to be his temporary, executive assistant. Nag-stow away si Star!”
Medyo eksaherada at parang gustong makiusap ng tinig ni Ms. Lori. Pero ang salitang binitawan ay para namang nagco-command at hindi nakikiusap. Distress na din siguro dahil mapupurnada ang flight. And she’s not damn idiot to decline the request. Para siyang inuutusan ni Lori na gawin ang gustong-gusto niyang gawin.
But wait…
Hindi siya pwedeng maging makasarili. Mahalaga din sa kanya ang mga katrabaho…
“But Ms. Lori, paano po ang team ko? Walang magle-lead sa kanila.” Gusto pang sampalin ni Breonna ang sarili sa naging tanong.
Paano nga kung nawala lang sa isip ni Lori na mas kailangan siya ng team? Baka makakuha pa ng ibang papalit sa posisyon ni Star. She couldn’t trade that off…
“Magpatawag ka nalang ng meeting once a week. Alam kong kaya mong i-time manage ang mga bagay-bagay kaya nga mas okay sa akin na ikaw ang napili ni Kuya na pumalit kay Star.”
Biglang lumipad ang mga mata ni Breonna sa prenteng lalaki sa likod ng mahogany table. Ngumisi at kumindat lang ito sa kanya na parang nagpabaliw sa kanyang puso. Kumakalabog kasi iyon sa loob ng kanyang dibdib. At nandoon na naman ang mainit na pakiramdam na biglang gumapang sa kanyang kabuuan habang nakatitig sa gwapong nilalang.
“Dalawang buwan lang naman akong mawawala eh.” Sabi ulit ni Lori. “Sige na, Breonna, please? Male-late na ako sa flight ko. I need your answer now.”
Nang bumalik ang mga mata ni Breonna sa former lady boss, alam niyang hindi ito tatanggap ng negative answer mula sa kanya. Muli siyang napalingon sa gawi ng malapad pa din ang ngiti na lalaki. His handsomeness was dangerous and lethal. Yet, she wanted to be with him. She needs to be with him. Kailangan niya ding maging makasarili paminsan-minsan. Lalo na sa laro ng buhay niya ngayon.
At isa pa, how could she say ‘no’ if the handsome beast was staring intently and lustfully to her? Parang binubuhusan nito ng gasolina ang mumunting apoy na naglalakbay sa katauhan niya. She was in flame right now while answering his intense gaze.
Humugot siya ng malalim na hininga.
“Okay, Ms. Lori.” Sa wakas ay sagot niya at inilayo ang mga mata kay Axyl. Hindi na siya nakakasigurado kung mapapanghawakan pa ang sarili habang nilalamon ng apoy ng pagnanasa. Nakakatakot na baka makita nalang niya ang sarili sa kandungan ng gwapong boss at nililingkis ito ng halik habang pinararaanan ng sariling mga palad ang matigas nitong dibdib.
Goodness, gracious! Kung anu-anong iniisip niya!
“Okay? You mean, payag ka na?” Parang naniniguradong tanong pa ng babae.
Nang tumango si Breonna ay tuluyang lumiwanag ang mukha ni Lori. Nahablot pa siya nito at niyakap ng pagkahigpit-higpit. Saka masayang-masaya na nag-iwan ng mga bilin sa kapatid. Lumayas itong parang walang iniwang mainit na tensyon sa pagitan nila ng kapatid nito.
Magpapaalam na sana siya sa boss nang unahan siya nitong magsalita.
“You should start being my assistant today.”
Napatanga siya rito. “Pero Sir, may meeting ako ngayon sa team ko.” Gusto muna sana niyang asikasuhin ang maiiwang trabaho sa team niya. Ayaw naman niyang iwan sa ere ang mga ka-team.
“Or else, I’ll file an insubordination case against you.” anitong parang hindi narinig ang sinabi niya.
What the fuck! Kung tutuusin, ang magkapatid ang humingi ng pabor sa kanya. Tapos ngayon, siya ang gigipitin sa oras?
Pero nakasilip siya ng pag-asa nang makitang napunit ang pilyong ngiti sa mga labi ng lalaki. At tama ba ‘yong nakikita niyang apoy sa mga mata nito? Katulad ba niya, paulit-ulit din sa isip nito ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila sa lounge?
“Well, that was of course after you settled all of your appointments.” Tumayo ito at habang naglalakad palapit sa kanya, titig na titig sa kanya. Para siyang sinisibat ng kung anu-anong pakiramdam na hindi na niya alam kung paano papangalanan. “Since Lori said you were great in everything, then, let’s try your capabilities.”
Ngayon mas hindi na alam ni Breonna kung sino sa magkapatid ang pumili sa kanya para sa posisyon. Sino ang papasalamatan niyang mas nagiging madali sa kanya ang makalapit sa target? But then, kailangan pa ba iyon? She should and must straight her head first. Dahil kapag ganitong mas malapit na si Axyl sa kanya, nawawala na sa tamang daloy ang isip niya at nilulunod nalang ng mainit na pagnanasa.
With his looks… standing tall in more than six-feet, having his broad shoulders, strong muscles and impossible wide chest, his perfect face with arrogant jawline, completely with his early growth whiskers that made him more and absolutely manly, who wouldn’t went crazy and drool over him? Parang habang patagal ng patagal ay pagwapo ng pagwapo ito sa mga paningin niya. Patindi din ng patindi ang wild need niyang mahawakan at malapitan ito, ‘yong mas malapit, malapit na malapit. He was oozing with so much sex appeal!
What? Wait…
Who should be seduced by whom? Siya ang dapat na nangse-seduce pero parang mas siya ang naaakit sa lalaki. Lalo na nang lumapit ang bibig nito sa tainga niya. Nagsitayuan yata ang lahat ng balahibo niya nang tuluyang humaplos ang mainit nitong hininga sa puno ng kanyang tainga. Pakiramdam pa nga niya ay lumapat ang mga labi nito doon at pinaliguan siya ng sandamakmak na pangangailangang mahawakan at mahalikan ito.
“I’m sorry. I’ve got too excited to be with you.”
Gusto niyang maging bato sa mga sandaling iyon. Hindi na kasi tama ang ibinibigay na pakiramdam ng mainit na hininga ni Axyl sa kanya. At ang impact at sense ng mga salita nito. Her feelings go haywire while hearing his voice and feeling his presence so near to hers. She should brace and remind herself that what she was planning to do was for their safety and not for her own pleasure and personal need.
Hindi siya dapat nagpapatangay sa erotikang pakiramdam na hatid ng mga titig at presensiya ni Axyl. She should be the one to seduce and not being seduced by the walking temptation.
She gathered herself and picked it all together. Nakuha pa niyang tumikhim para kahit paano ay ma-ease ang nagkakarambolang pakiramdam.
“I need to go, Sir. Para maasikaso ko na ang mga dapat asikasuhin.”
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Axyl at dumistansya sa kanya. Hindi iyon nakatulong. Kung kanina ay nag-iinit ang pakiramdam ni Breonna, ngayon naman ay gusto niyang manlambot sa mga ngiting iyon.
‘Why so ruthless, Mr. Bachelor? Wala ka pang itinatanong, pero pakiramdam ko, ‘yes’ na agad ang sagot ko. Wala ka pang iniuutos, pero gusto ko nang sundin kung anuman iyon.’
“WHERE is Bu-Breonna?”
Gigil na pumasok si Axyl sa department ng mga marketing managers. Kanina pa siyang naghihintay sa office niya. Tanghali na, wala pa ding sumusulpot na Breonna o Breonna or what fucking name is she using right now. Basta ni anino ng babae, hindi pa niya nakikita. At inip na inip na siya. Ano ‘yon? Limang oras na nakipag-meeting ito sa ka-team?
“S-Sir, ano. Lumabas po kasama ni Sir Louis no’ng lunch. Hindi pa bumabalik.” Sabi ng janitor na nabungadan niya. Ito lang ang naglakas-loob na sagutin ang tanong niya. Ang karamihan sa mga empleyado ay nakatanga lang.
Nangunot ang noo ni Axyl. Sandali lang at nagdilim ang kanyang mukha. Kung nakita niyang nasindak ang janitor na sumagot ay hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Mas na nagpokus siya sa narinig.
‘Louis? Who’s that fucking Louis?’
“Sabay silang kumain?” Parang ayaw pang tanggapin ni Axyl. Nagutom na siya at lahat sa kakahintay rito, ‘yon naman pala ay may kalandian na itong iba? And who gave the permission to that bastard to take his woman out?
Uh, wait? Breonna isn’t his. Not in a formal sense. Pero nandoon sa pakiramdam niya ang pagiging territorial. That woman is his, either she likes it or not. At ang Louis na iyon. Makakatikim ito ng bagsik ng galit niya sa paglapit-lapit kay Breonna. Kahapon nga lang sa office, kitang-kita niya kung gaano kalagkit ang pagnanasa ng walanghiya sa dalaga.
“Siguro po. Sabay pong umalis eh.”
Bigla namang bumukas ulit ang pinto ng department na iyon.
“Ayan na pala sila Sir?”
Sa paglingon ni Axyl, unang-una niyang nakita ang magkasabay pumasok na sina Breonna at Louis. At ang mas ikinapag-init ng ulo niya ay nang makitang magkadikit na magkadikit ang dalawa. Habang parang nagtataka ang mukha ni Breonna na makita siya roon, patuloy naman ang pagkulo ng dugo niya. Oo at siguro ay wala namang masama na makitang magkadikit ang mga braso ng mga ito nang pumasok. Pero kahit na! Ayaw na ayaw niyang madidikit sa ibang insekto si Breonna.
“Good afternoon, Sir.” Si Louis ang naunang bumati sa kanya. Saka palang sumunod si Breonna.
“What’s good in the afternoon?” Galit niyang sita sa dalawa saka sinilip ang Armani watch. “You too were late. It’s already one-oh-one in the afternoon. Where have you been? Ganyan ba kayo habang si Lori pa ang nagpapatakbo ng kompanya? Sobra-sobrang kumunsumo ng breaktime? You’re taking advantage of Lori’s kindness!”
Natameme ang Louis. Si Breonna naman na tila hindi papatalo ang sumalo sa galit niya.
“Sir, kahit kailan po, hindi kami nag-take advantage sa kabaitan ng boss namin. Actually, isinabay na nga namin sa lunch time ang pakikipag-meet sa magkapatid na owner ng dalawang kompanya. Kung na-late man kami ng isang minuto…” She stopped, emphasizing the last two words. “Then, paki-kaltas nalang po sa sahod namin. But make sure to pay our fifty-five minutes talking to the client over lunch.” Naghahamong sabi ni Breonna.
And for the first time in his entire life, he had rendered speechless.
What the fucking fuck!
Kung anu-ano kasing kamalisyahan ang pumasok sa isip niya nang malamang magkasama ang dalawa na nag-lunch. At bakit ba sa dalawang ito pa ibinigay ni Lori ang project para sa magkapatid na kliyente? And of all the coincidences, bakit magkasabay na magkasabay pang nakipag-meet ang mga kliyenteng iyon.
Tumikhim si Axyl. “Of course I will.” Aniyang binabawi ang composure. Binalikan niya ng tingin ang janitor na tila nanonood ng magandang pelikula habang nasa isang tabi. “Heard that? Pumunta ka sa accounting department at sabihan mo Si Nick na pumunta sa office ko, pronto!” Sikmat niya rito kahit na hindi naman ito ang dapat niyang utusan. Sunod-sunod na tumango ang janitor.
Parang gusto niyang bigwasan ang sarili. Talaga bang paninindigan niya ang hamon na iyon ni Breonna? Ah, wala siyang pakialam kung parang katangahan na ang ideya. He needs to stand it to save his ego.
“You, go back to your team.” Sabi niya kay Louis. Saka binalingan si Breonna. Matiim na tinitigan ito. At hindi na nakapagtatakang ang umaapaw na inis niya ay napalitan ng nag-uumalpas na init. Seeing the sexy woman just put him into fire. “Follow me in my office, Breonna.”
‘Yon lang at tinalikuran na niya ang mga ito. Habang papalabas ay naririnig pa niya ang mahihinang bulungan ng mga empleyado.
“What happened to the new boss? Bakit mainit ang ulo?”
“Oh, come to think of it. Bagay sa kanya ang adjective na ginagamit ng lady boss natin sa kuya niya.”
“The Eldest Beast. Indeed a beast. Kakatakot siyang magalit pero kakakilig tumitig kay Breonna.”
“Swerte mo girl! Baka type ka ng boss?”
“Nah! The boss was a player. I heard and read it from…”
Unti-unti nang nawala sa pandinig niya ang kwentuhan ng mga empleyada. Gustong umigkas ng kilay niya. Player, eeh? Hindi naman. May hinahanap lang siya noon. At hinahanap niya iyon sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya. Yet, he never saw her from any of them. Kaya ngayong nakita na niya ang hinahanap, hinding-hindi na niya ito papakawalan pa.
At mamaya, pagbabayadin niya ito sa ginawa sa kanya.