HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 6

“BALIW KA talaga, tranché!”

Naririnig ni Breonna ang masayang pag-uusap ng kanyang boss at ng kaibigan nito na kakapasok palang sa loob ng opisina. Nakaawang kasi ng bahagya ang pinto. Hindi yata naisarado ng maayos o talagang wala lang pakialam ang huling pumasok o lumabas.

“So, paano nga? Hindi ka sasama?”

“Hmm. Madami kasi akong trabaho ngayon. Hindi ko alam kung kailan babalik si Kuya.”

“Ewan ko nalang kay Tito Avio, ha? Sa dami ng pera niyo, pwede ka niyang ibili ng reliever sa trabaho. Pero hindi niya ginagawa. If I know, ayaw ka lang talaga niyang pagbakasyonin.”

Nagbuntong-hininga ang kaniyang boss. “Alam mo naman si Papa. Hindi 'yon basta magtitiwala sa kung sino lang kung patungkol sa trabaho ang usapan. Si Kuya naman kasi, kailan ba niya balak bumalik dito?”

Hindi malaman ni Breonna kung kakatok na ba o hahayaan nalang munang mag-usap ang dalawa. Nasa advantage niya ang naririnig. Hindi naman siya tsismosa, pero maigi na din na alam niya, ahead of time na magkakaroon pala sila ng bagong boss.

Kasalukuyang nagtatrabaho si Breonna sa The Wizard, ang pinakamalaking marketing company sa bansa, bilang isa sa mga Marketing Managers. Ang mga business ng pamilya Bachelor ay ang kompanya na ang humahawak ng marketing strategies. Plus, ang pinakamalalaking kompanya sa bansa ay sa The Wizard din nagtitiwala. Kaya nga laging tambak ang kanilang mga kliyente. The Wizard produced the most talented and extra-ordinary professionals.

And because she was always good in everything she did, madalas na sa kanya ibigay ng boss ang malalaking projects. Ngayon nga, nasisigurado niyang may ipapa-handle na naman sa kanya si Ms. Lori dahil ipinatawag siya nito sa opisina ng dalaga. Isang taon palang si Breonna sa kompanya at ganoon na kalaki ang tiwala ng boss niya sa kanya. Kaya hindi na kataka-taka kung may mga marketing managers na galit na galit sa kanya dahil sa inggit. Kung may ilang beses na ngang binalak na isabotahe ang trabaho ng kanyang team. Maigi nalang at nareremedyuhan niya iyon.

Sa wakas ay nagdesisyon na si Breonna na kumatok. Agad naman siyang pinapasok ng boss.

“Pinapatawag niyo daw po ako, Ms. Lori?”

Mas matanda siya ng dalawang taon sa boss pero palagay ni Breonna ay pareho sila ng wavelengths.

“Hi, Bunny.”

Bunny… ‘yon ang tawag nito sa kanya dahil kamukha niya daw ang isa sa mga favourite model nito. Which is siya naman talaga. Kaya nga masyado siyang maingat kapag kaharap ang babae.

“You look so stunning pa din, huh? And hey!” Tumayo si Chyiarah, ang bisita ng boss at sa pagkakaalam niya ay bestfriend since time eternity. Nang lumapit ito sa kanya ay nagtaka pa siya. At biglang kinabahan si Breonna nang tumingkayad ito sa kanyang tabi na parang may tinitignan sa kanyang tuktok. “Goodness! Is this real? Blonde ang real color ng hair mo?” Tila gulat na gulat ang dalaga.

Napahawak tuloy siya sa may tuktok. Pinakulayan niya ang buhok ng itim na ang kinalabasan ay naging brunette, para maitago na din ang sarili dahil sa karaniwang sitwasyon nila ng kapatid na si Tyrelle. Nang sumama na siya sa kapatid ay agad nitong iniayos ang kanyang mga papeles para maging legal ang pagtigil niya sa bansa. Kung paano nito nagawa ay hindi niya alam. Basta ang tanging sinabi nito sa kanya ay pinapalitan nito ang apelido niya, sa apelido ng Lola nila na isang Pilipina. Pero ang real first name pa din niya ang gagamitin. Para daw mas madaling maaprobahan sa screening at wala nang marami pang tanong sa kung bakit pati iyon ay kailangang palitan. Ginamit din kasi ang real informations niya noong nasa New York at maging noong nasa orphanage sa Texas pa siya. Mas madali daw ang lahat kung totoo ang informations na ihahayin para magmukhang totoo din ang alibi. She can live in the country na hindi matatakot na magiging overstaying sa bansa.

Dalawang buwan na siyang nasa poder ng kapatid nang magsunod-sunod ang problema nila. May nakagalit ang kapatid sa Torrent, ang kanang kamay ng utak ng sindikato. May pumalpak kasi sa team ni Tyrelle. At gusto nang ipaligpit ang kanyang kapatid. May iba na ding napili na maging leader ng grupong nag-ooperate sa bansa. At ang isa pa ay nalaman niyang buntis siya. Nagbunga ang isang gabing nakagawa siya ng hindi dapat.

Wala sana siyang balak na ipaalam dito ang kanyang kondisyon pero nahalata iyon ng kapatid. Ganoon nalang ang galit ni Tyrelle sa kanya. Hindi na nga maganda ang sitwasyon nila ay magdadamay pa siya ng isang inosente. At wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang buong pangyayari para maintindihan siya ng kapatid. Itinaboy siya ng kapatid pabalik sa New York at mag-isa nalang itong makikipaghabulan kay kamatayan pero nagmatigas siya. Paano siya mabubuhay kung araw-araw siyang nag-aalala sa kapatid? Mas mabuti pang manganib din siya kaysa ligtas nga pero hindi naman matatahimik. Mas mahirap na torture iyon.

In the end, nagdesisyon silang sabay na magtatago mula kay kamatayan kahit ano pang taboy at tulak sa kanya ng kapatid. Pero naaksidente si Tyrelle bago pa ang araw ng plano nilang pag-alis. Maigi nalang at hindi siya kasama ng kapatid sa kotse nito nang maaksidente iyon at mawalan ng preno. Kung hindi ay baka pareho na silang baldado. Mas magiging mahirap ang pagtatago.

Sa ngayon ay nasa Palawan sina Tyrelle at ang kanyang anak. Paubos na ang perang naipon ni Tyrelle na ipinalipat nito noong una sa ghost account niya. At nang makapanganak ay ipinagpagawa niya ng account ang anak na si Sehun. Iyon ang ginagastos nila habang nagtatago. Pero hindi sila pwedeng ganoon habambuhay. Mauubos at mauubos ang perang inipon ng kanyang kapatid. At paano si Sehun? Lalaki din ito at sa paglaki nito ay paglaki din ng pangangailangan.

Kaya naman nagdesisyon si Breonna na bumalik ng lungsod at maghanap ng trabaho. Iniwan niya sa kapatid ang anak at kumuha ng tagapag-alaga na taga doon lang din sa Palawan, dating tauhan sa isang rancho sa malapit sa lugar nila.

After all ay may maganda ding epekto ang pag-aayos ni Tyrelle ng mga papeles niya. She can work legally in the Philippines under her new name. Breonna Imperial. Press release niyang Lola ang nagpalaki sa kanya sa probinsya at matagal na iyong namatay kaya mag-isa nalang siya sa buhay.

Maayos na ang kanyang pagtatagalog kaya hindi naging kaduda-duda. Pinalitan niya ang kulay ng buhok at nagpalagay ng nunal sa kanang gilid ng mata. Idinaan niya sa make up at cosmetics ang ilang bagong detalye sa mukha. Lahat ng iyon ay pikit-matang ginawa niya para makapag-apply ng trabaho na hindi siya mate-trace ng sindikato. Alam naman kasi niyang nakakalat lang sa paligid ang mga galamay noon at malamang din na alam ng mga ito na may kaugnayan siya kay Tyrelle.

Nang inakala ng grupo na namatay na si Tyrelle, at ipina-crimate pa niya ang kunwaring ilang parte ng katawan ng kapatid na nakuha sa sumabog na sasakyan, naging tahimik ang buhay niya. Habang ang kapatid naman niya ay namalagi sa pasekretong binili nitong bahay sa Palawan sa pangalan niya.

Isang buwan pa at nawala ang mga umaaligid sa dating tinutuluyan nila ni Tyrelle. Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala siya sa interes ng Torrent. Pero hanggang ngayon ay praning pa din si Breonna. Pwede pa din siyang pagbalingan ng sindikato kung hindi siya mag-iingat at maaamoy ng mga ito na buhay si Tyrelle.

Kaya nang bumalik siya sa siyudad ay ingat na ingat siya sa lahat ng kilos. She may seem she lives her life normally but no one knew how hard it is for her. Isang beses sa isang buwan niya lang makasama ang kapatid at anak sa takot na baka isang araw ay may aksidenteng makadiskubre sa pinagtataguan ng mga ito.

At kahit ano yatang gawin niyang pagtatago sa sarili, hindi mawawala ang mangilan-ngilan na makakakilala sa dating modelo na si Bunny Yascha. Hindi siya sobrang sikat noon pero siyempre ay na-expose sa media kaya anong inaasahan niya? Kaya nga ba kahit Breonna ang pangalan na gamit niya ay nagdesisyon pa din ang boss at ang ilan na tawagin siyang Bunny. Masyadong halata kung pilit siyang tatanggi gayong kung sa normal na sitwasyon, dapat na maging grateful pang mapagkamalan siyang isang celebrity icon. Na hindi naman na bago sa mga ito. Marami nga daw magka-look-alike sa mundo kahit hindi naman magkaano-ano.

“Ahm... Hindi. Nagpakulay kasi ako ng blonde noong weekend kaso hindi ako natuwa kaya pinabalik ko sa dati.” pagdadahilan ni Breonna na pilit itinatago ng mga palad ang tuktok. Mamaya ngang paglabas niya sa trabaho ay dederetso siya sa salon. Kailangang maremedyuhan agad iyon.

“Talaga?” Parang hindi pa din kumbinsido si Chyiarah na inabot naman ang laylayan ng kanyang buhok. “It seems the color was from its roots. Parang sadyang bagong tubo na blonde. And these...” Iniangat nito ang laylayan ng buhok niya. “Parang ito ang product ng cosmetics.”

“Oh, come on, apple pie. Leave, Bunny alone. May trabaho pa ako para sa kanya.” narinig niyang saway ng boss sa kaibigan nito.

She had nothing against the young lady. Pero kasi, dahil sa pagiging fashionista ni Chyiarah, alam niyang hindi niya ito basta makukumbinsi kung alin ang fake at ang totoo sa buhok niya. Maaari iyong mag-trigger para pagdudahan ang bio niya. At baka bigla siyang ipa-background check ng mga ito. Matatapos na ang pagiging simpleng si Breonna, the marketing manager niya.

Naipikit ni Breonna ang mga mata at pilit pinakalma ang sarili. She was over thinking it again. Hindi siya dapat ma-rattle dahil mahahalata siya.

“All right! Ang ganda mo naman kasi, girl. Para ka talagang 'yong modelo na bigla nalang naglaho sa industry.” Nakangiting sabi ni Chyiarah at binalingan na ang bag sa mesa ng kaibigan. Dinukot ang cellphone at nagdutdot doon. “Tranché bakit hindi niyo nalang gawing model si Breonna? Para may Pilipino version tayo ng Bunny Yascha ng New York, ‘di ba?”

Well, wala naman na sanang problema kung gamitin man niya ang totoong identity dahil malamang sa malamang na alam ng Torrent na ang dating Bunny Yascha ay kapatid ni Tyrelle. Pero ayaw niya kasing magpaliwanag sa mundo kung sakaling i-expose niya na siya si Bunny at pinili ang ganitong buhay kapalit ng sana ay magandang showbiz career. Gusto niya ng tahimik at pribadong buhay. Sa kanyang new identity, doon niya iyon nahanap.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Lori.

“Kung alam mo lang, apple pie. Napakadaming beses namin siyang binigyan ng offer. Pero mahiyain itong si Breonna sa camera. Iyon ngang tawagin siyang Bunny ay naiilang na.” Magaang tinapik-tapik ni Lori ang balikat niya at nginitian. Iniabot nito sa kanya ang isang folder. “Here's the new project, Breonna.” Ngumiti ito sa kanya. “I am looking forward to your extravagant work.” Saka siya kinindatan.

Ganoon kalaki ang tiwala ni Lori sa kakayahan niya. At dahil sobrang bait nitong boss na parang hindi empleyado ang turing sa kanya kundi kaibigan, gusto niyang ma-guilty sa ginagawang pagsisinungaling.

Pero kailangan niya din namang protektahan ang sarili. “Thank you Ms. Lori.” nasabi nalang niya at nagpaalam na.

“You should consider my bestfriend's offer. Mas madaling kumita sa pagmomodel kaysa sa paggagawa ng marketing plan... Aw!”

Napangiwi si Chyiarah nang tapikin ni Lori sa braso. “Gusto mo pang malagasan kami ng isa sa pinakamagaling na marketing manager, apple pie. Tigilan mo na si Breonna.”

“She's Bunny. Our Bunny look-a-like.”

“Nah! Let's go. Sumama nalang tayo sa pagsundo kay Kuya Ax sa airport.”

“Umuwi na si Kuya Axyl? Akala ko ba...”

“I tricked you! The eldest beast is coming.”

The eldest beast is coming…

Natigilan si Breonna sa paglabas ng opisina pagkarinig sa pangalang binanggit ng dalawa. She felt froze right in her tracks. Popular ang bansag na eldest beast sa panganay na Bachelor. Axyl proclaimed he is a beast, he swallowed pretty little woman. Iyon ang palaging sinasabi nito sa mga interview nito sa society page sa tuwing ipinade-describe ang sarili. Yes, it must be just a joke pero ginawa na ding bansag ng mga paparazzi ang mga salitang iyon. Dahil panganay at tinatawag na beast ang sarili, he was known as the Bachelor’s eldest beast. At kahit saan ay ganoon ang naging katawagan dito ng marami.

Isang taon na niyang hinihintay na magkaharap sila ni Axyl. Kaya nga pinili niya ang The Wizard dahil gusto niya itong makausap. Siyempre ay karapatan nitong malaman na may anak sila. Pero nang malaman niya kung gaano kayaman ang pamilya nito ay nagdalawang-isip siya. Paano kung kunin sa kanya ni Axyl ang kanyang anak? O baka naman itanggi nito. Pwede rin na hindi na siya kilala ng lalaki dahil ilang beses lang ba silang nagkita? Pagkatapos ay mukhang wala naman itong pakialam sa nangyari sa kanila. Maybe the thing happened between them was just a plain sex for him. And knowing the old man, Mr. Avio Bachelor, matatanggap ba noon ang bastardong apo?

Ah! Paano niya malalaman ang sagot sa mga tanong niya kung hindi niya susubukang ipaalam sa mga ito? But Axyl never showed up himself for more than two years. At ngayong narinig niyang parating na ito, hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Kaba? Excitement? O takot sa magiging reaksyon ni Axyl kapag ipinaalam niya rito ang tungkol kay Sehun...

“HEY! You little missy!”

“What?”

Bigla ang pag-U-turn ni Breonna nang mula sa main entrance ng The Wizard ay nakita niya ang pamilyar na lalaking papasok. Kasama ng lady boss niya.

Goodness! He was here! He was really here!

Aatakihin yata siya sa puso kahit wala siyang sakit sa puso. Saglit na saglit na sulyap lang iyon sa pinakagwapo na yatang nilalang na nakilala niya sa buong buhay, at heto siya na parang tumaob ang kanyang buong mundo.

Mabilis na nagtago si Breonna sa hallway papuntang comfort room ng ground floor. Napakaingay ng kanyang dibdib. Kung dahil ba sa kaba o anupaman ay hindi niya sigurado. Sumilip siya ulit at tiningnan kung saan na nagpunta ang mga bagong dating. At nang makitang dadaan ang mga ito sa kinaroroonan niya ay mabilis ulit siyang nagtago.

Bakit ba siya nagtatago? For sure, hindi siya natatakot. Mahabang panahon na din siyang nabuhay sa panganib and she got used to it. Pero bakit nang makita niya si Axyl, nang maging aware siya sa pagbabalik nito, parang mas kinatatakutan pa niya ang magiging paghaharap nila.

Come on, Breonna! Hindi ba at ito naman talaga ang gusto mo? Ang magkaharap ulit kayo ni Axyl? Then, why are you hiding like a criminal?! Damn it!

Pilit niyang pinakakalma ang sarili nang marinig ulit ang mga boses ng nag-uusap. This time ay mas malinaw dahil nasa malapit na ito sa kanya. Doon pa talaga tumigil ang mga ito sa malapit sa hallway na pinagtataguan niya.

“I am telling you, be careful in dating. Pumili ka ng matino at hindi ka sasaktan. At baka makapatay na ako kapag nalaman kong...argh!” Parang naiinis ang tono ni Axyl sa pagsesermon sa kapatid.

“Someone like who? Why, Kuya? Natatakot ka ba na ako ang singilin ng destiny sa pagiging playful beast ninyong mga kuya ko?”

“Damn it!”

Narinig niya ang mahinang tawa ni Lori. “Why don't you pick a woman you have right now and get married? Para matapos na ang mga kalokohan mo?”

Parang dekada ang bawat segundo na naghihintay si Breonna sa sagot ni Axyl. She wasn't even aware that she was holding her breath.

“Nah! Marriage is the last thing in my mind.”

May kung anong masakit na bahagi sa tapat ng dibdib ni Breonna pagkarinig sa sinabing iyon ni Axyl. Hindi niya alam kung matutuwa o manlulumo. Ang kaalaman na hindi siya magkakaroon ng napakalaking problema sa status nito ay isang relief para sa kanya. But the thing that he hadn't had any plan og getting married is really a big problem.

Yes. She maybe very selfish that the first reason why she wants him to know they had a son is because they need his help to pull them out from the hell where they had been dragged, all this time. Pero bahala na ang Itaas na husgahan siya. Kailangan nilang mabuhay. Makasalanan na kung makasalanan sila pero biktima lang sila ng pagkakataon. At ang anak niya, nadamay lang ito sa lahat ng kamalasan niya sa buhay. Isa nalang ang pag-asa niya para makalabas sa impyerno kasama ng anak at kapatid, ang tulong ni Axyl. If he would ever know the thing about Sehun, will he ever change his mind and marry her?

Ah! Imposible yata. What would she expects in him? He loves his free life. Sino nga naman ang gugustuhing mapatali kung lahat na ay nagagawa nito dahil sa pagiging malaya. He had everything. Money, fame and the looks...

The oh-so-perfect looks.

Bakit ganoon? Mahabang panahon na ang lumipas at ni katiting yata ay walang nagbago kay Axyl. He was still the most sought-after bachelor she had ever saw.

And she had ever desire...

Darn!

Ipinilig niya ang ulo. Nasa mahirap na sitwasyon siya at kung anu-ano ang iniisip.

“Really? E, paano kung makabuntis ka sa mga pinaggagagawa mo?” narinig niyang sikmat ni Lori sa kapatid.

Natahimik si Axyl. At para na naman siyang tinotorture sa paghihintay ng sagot nito.

“That will never happen. Maingat ako.”

Really huh?

Gustong sumigaw ni Breonna. Kung maingat ito, then why Sehun exist?

Hindi sa pinagsisihan niya na nagkaroon sila ng anak. Sa dami ng mali at masamang nangyayari sa buhay niya, si Sehun lang ang pinakamaganda at pinakatamang ibinigay sa kanya ng mundo.

“What if nga, Kuya. Let's say nagkamali ka at may nabuntis.”

“I'm perfect. Hindi ako nagkakamali pagdating sa mga ganyang bagay.” Nasa tono na nito ang pagbibiro.

Gustong-gusto niyang sigawan si Axyl.

“Aish! Darn thing!”

Humahalakhak na si Axyl at nang silipin niya ang mga ito ay ginugulo na ng binata ang buhok ng kapatid.

For a moment ay parang nabura ang lahat ng alalahanin ni Breonna. Just the timber of his handsome and so manly laugh and she felt she was healed in every pain she had been. As if she was being lift up from the hardships where she was being throw down.

Why the hell?

Bakit may ganito siyang pakiramdam kapag si Axyl na ang sangkot?

“But if it will happen, well, it maybe a very hard thing for me to decide. And also, it will depend on the mother of the child.”

“What do you mean?” puzzled na tanong ni Lori.

She saw him gave his sister a loopsided grin. God! That was his signature. The most attractive grin no woman could ever resist.

“If she was a great partner in bed then why not settled with her. Kailangan ma-satisfy niya muna ako.”

Sumimangot si Lori.

“Gosh, Kuya! You're so dirty! Why are you saying that to your sister?”

Tumawa na naman si Axyl. “She should audition first as my bed warmer.” Himig nang-aasar na ito na hindi iniintindi ang sentiments ng kapatid.

“Damn you!” Yamot na itinulak ito ni Lori. Saka nagpatiunang naglakad.

“Should I announce that to the world? An audition for the Eldest Beast's wife?” Nakakalokong sinundan ni Axyl ang kapatid. “Madali ko nang magagawa iyon since you will be handling me the company.”

“I am not hearing anything!” bulyaw ni Lori sa kapatid at tinakpan ng kamau ang magkabilang tenga habang naglalakad.

“Show me the best marketing manager for the ads.”

“No way!” tili ni Lori habang papalayo. Humahalakhak naman si Axyl na sumunod sa kapatid.

Napunta tuloy sa magkapatid ang atensyon ng marami sa ground floor. Habang si Breonna, nakamasid nalang sa papalayong magkapatid.

“Then you should date a great guy. A better than I am. Huwag kang pipili ng kasing loko ko.”

Papahina na ng papahina ang boses ng mga ito hanggang sa tuluyang makalayo. Si Breonna ay parang natutunaw na kandilang sumalampak sa tile floor.

He'll never get serious. Kung may totoo man siguro sa mga sinabi ni Axyl, iyon ay patungkol sa satisfaction nito sa magiging ka-partner sa kama.

At ano na ang gagawin niya ngayon? She wants a happy and safe family for her child. Ang bagay na hindi siya nagkaroon noon, gusto niyang ibigay kay Sehun. Pero paano?

Paano niya gagawin?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free