MASAMA ang lagay ng katawan ni Breonna nang bumangon mula sa pagkakahiga sa napakalambot na kama. Masakit ang ulo niya. Pati ang buong katawan. Partikular sa gitna ng hita niya.
Pagkaalala sa mga nag-aalab na eksena sa nagdaang magdamag ay napaungol siya. What had she done?! Hindi siya pakawalang babae maski pa nga lumaki siya sa isang liberated country at nalilibutan ng mga liberated na uri ng babae. Pero kahit kailan ay hindi niya naiwala ang sarili.
Pero ang nangyari kagabi, anong sumapi sa kanya at naiwala niya ang sarili? That thing she had done last night was something she never thought she would do. Madumi ang tingin niya sa ganoong bagay pero bakit kagabi ay ni hindi sumagi sa isip niya ang idea na iyon? All she had in mind was the thought that she wanted to free her desire. Yes… desire. Ang desire na hindi niya alam na nagtatago din pala sa kaloob-looban niya. At tanging isang lalaki lang ang nagawang gisingin iyon.
And hell! Who could have refused someone hot and sexy just like Axyl Bachelor? Isa itong biyaya na puno ng abilidad at hindi dapat tanggihan. Hindi kayang tanggihan ng kahit sino. Maski pa siya. At paano niya tatanggihan kung halos magwala ang kanyang katawan nang mapadampi lang sa balat ng maalindog na lalaki?
Pinilit ikondisyon ni Breonna ang katawan at bumaba ng kama. Hinagilap niya ang mga damit pero hindi niya mahanap. Sa halip, bagong red mini dress at malinis na mga panloob na nakatupi at nakapatong sa dulo ng kama ang nakita niya. May note pa sa ibabaw.
I'm sorry. I ripped your dress and your undies. Please use this in exchange.
Pagkabasa sa note ay parang gasolinang siniklaban ng apoy ang katawan ni Breonna. Paulit-ulit na namang nagfa-flash sa utak niya ang umaatikabong mga eksena sa pagitan nila ni Axyl. Halos sumalya ang utak niya palabas ng kanyang bungo sa malakas na pagpilig. Pinipilit niyang itago sa kasuluk-sulukang bahagi ng isip ang mga nangyari.
Ah! Speaking of what happened last night, hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap kay Axyl sa muling paghaharap nila. Siya ang nag-initiate ng lahat. Alam niya, tandang-tanda niya. Oo, sa kinalakihang bansa ay normal nalang iyon. Pero hindi matanggap ng pride ni Breonna na dala ng kalasingan ay naiwala niya ang kanyang moral values.
Bago pa malaman ng lalaki na gising na siya ay kailangan na niyang makaalis. Kung nasaan man ito, nagpapasalamat na din siyang hindi pa ito nagpapakita. Dali-daling nagbihis ang dalaga at marahang lumabas ng silid. May kumukudlit na panghihinayang sa kanyang dibdib dahil alam niyang posibleng ito na ang huli nilang pagkikita. Pero isinalya niya palabas ng pinto ang damdaming iyon.
May isa pang pinto na katabi ng nilabasan niya. Siguradong nandoon ang binata. Marahan siyang naglakad palayo ng silid. Mula sa sala ay nagpalinga-linga ang dalaga para hanapin ang clutch bag, pero hindi niya makita. Ang high heeled shoes lang niya ang nakita niya roon. Dali-dali niyang isinuot ang sapatos at walang ingay na nakalabas ng condo unit. Maswerte din siyang walang laman ang elevator nang bumaba. Walang aberya na nakalabas si Breonna ng residential condominium. Sumakay siya ng taxi na agad tumigil sa tapat niya pagkalabas ng building.
“Good morning, Ma'am.” magalang na bati ng taxi driver.
“Morning.” Luminga-linga siya sa labas ng taxi. Nasaang lupalop ba siya ng siyudad? Bakit kahit saan siya lumingon, magkakamukha ang mga building?
“Where to, Ma'am?”
“Ahm...”
Hindi niya maalala kung anong pangalan ng hotel kung saan siya iichineck-in ni Xavier.
Damn! Her phone was in her bag! At hindi niya alam kung nasaan ang kanyang clutch bag.
“Please drive me to...to... a police station.”
Siguro doon nalang siya manghihingi ng tulong. Makikitawag siya para itanong kay Xavier ang pangalan ng hotel na tinutuluyan niya. Pero biglang umatake ang pride niya.
Hindi.
Hindi siya tatawag kay Xavier. Wala nang dahilan para makipag-ugnayan pa siya sa walanghiyang lalaking iyon, na isa lang naman pala talaga ang kailangan sa kanya.!
Natutop ni Breonna ang sariling sintido. Hindi niya nagawang ibigay ang sarili kay Xavier na ‘di hamak na mas kilala niya kaysa kay Axyl. Nagagalit siya sa lalaki dahil katawan lang niya ang habol nito sa kanya. Pero anong ginawa niya? Ibinigay niya ang sarili sa isang halos estranghero pa rin sa kanya. Maliban sa pangalan ay wala naman siyang alam patungkol sa lalaking kasama niyang nagtampisaw sa ligaya sa nagdaang magdamag.
“Ah! I must be crazy!” mahinang sikmat niya sa sarili.
“Ma'am, would you mind if I ask, do you have a money to pay a cab?”
Ang tanong na iyon ng taxi driver ang agad na umagaw ng kanyang atensyon. Nakasilip pala ito sa kanya sa rearview mirror. At hindi pa sila umaalis magpahanggang sa sandaling iyon. Bigla niya ding na-realize kung bakit ito nagtatanong. Siyempre, wala nga naman siyang bitbit na maski ano. Gulo pa ang buhok niya at malamang, hulas na din ang make-up. Paano nga naman niya maa-afford ang magbayad sa estado na iyon?
“I-I... Ooh!” Sumakit bigla ang ulo niya. Sa hang over o sa alalahanin, hindi niya sigurado.
“I am sorry... Nawawala kasi ang bag ko...”
Parang nagulat na nanlaki ang mga mata ng driver. “Filipina? Ow! Napeke mo ako do’n ha? Ang dami talagang katulad mo. But anyway, tumatanggap naman ako ng aliw bilang kabayadan.”
Nanindig ang mga balahibo sa katawan ni Breonna nang mula sa rearview mirror ay nakita niya kung paanong hagudin siya nito ng tingin na puno ng malaswang pagnanasa. Mababa ang neckline ng mini-dress na suot niya kaya agad na hinagip niya ang bandang dibdib para maitago ang sarili sa mga mata nitong puno ng makamundong pagnanasa.
“You, pervert!”
Bago pa nito mai-drive ang taxi ay mabilis na nabuksan niya iyon at nakababa ng sasakyan.
Padabog na isinara niya ang pinto at nagmamadaling naglakad palayo roon. Bastos na driver na iyon. Akala niya ay sa bansa niya lang madaming ganoon, pati pala dito sa Pilipinas!
Naglakad-lakad nalang si Breonna palayo ng residential building. Siguro naman ay may mabuti pang nilalang na pwedeng tumulong sa kanya. Habang naglalakad ay pinilit niyang alalahanin ang pangalan ng hotel. Gusto na niyang makauwi, maglinis ng katawan, kumain at magpahinga. Saka niya iisipin ang susunod na hakbang. Gusto muna niyang kumain dahil nagugutom na siya. Mataas na ang araw, siguro ay mag-aalas onse na. Nakakahilo na din ang matinding init ng araw at mahapdi iyon sa balat.
Kasabay ng pagkislap ng logo ng hotel sa kanyang utak ay nahagip ng mga mata niya ang traffic enforcer na nasa kabilang dulo ng pedestrian lane. Sa sobrang excitement niyang nakakita na ng pwedeng mahingian ng tulong, idagdag pang may nakitang lalaki na tumatawid din ay nagmamadaling sinundan niya iyon. Pero nagimbal siya nang isang nakakabinging busina ng itim na new edition ng mercedez benz sports car ang pumailanlang sa lansangan. Napatili siya sa labis na kabiglaan at hindi nakuhang kumilos mula sa kinatatayuan. Hinintay niyang bumangga sa katawan niya ang nguso ng sasakyan pero hindi nangyari ang kanyang inaasahan.
Iisang dangkal na ang layo noon mula sa kanya at talagang nanginig ang katawan ni Breonna. Sa sobrang takot at pagkabigla halos hindi na niya naintindihan ang pagkakagulo ng trapiko.
“What the hell?! Magpapakamatay ka ba? Kung oo, do’n ka sa tulay tumalon at ‘wag kang nandadamay ng ibang tao!”
Pamilyar ang galit na galit na boses. Kahit gaano pa kabagsik iyon ay hindi niya maipagkakamali sa ibang tao. Sigurado siya. Siguradong-sigurado siya. Lalo at nararamdaman ng dalaga ang pabilis ng pabilis na pintig ng kanyang dibdib. Kinakabahan siyang hindi niya maintindihan.
Unti-unting iniangat ni Breonna ang mukha sa kung sinong lumapit sa kanya at malupit na naninita. And as if her heart went out when she saw the same man she was waiting to meet again for more than a decade
“T-Tyrelle?”
“Breonna!”
Nanlalaki ang mga mata nito pagkakilala sa kanya. At dahil sobra-sobrang emosyon na ang nararamdaman niya, idagdag pa ang gutom ay unti-unting bumigay ang mga binti ni Breonna. Just in time ay nahagip siya ng kapatid at binuhat papasok sa sasakyan nito. Bukod sa nag-aalala ay nakakaabala na din sila ng sobra sa mga motorista kaya ganoon nalang kabilis ang pagkilos ni Tyrelle.
“MY LIFE is a mess, Breonna. Hindi kita pwedeng idamay sa magulo kong buhay.”
Tumikwas ang mga kilay ni Breonna sa narinig. At mula sa kinauupuan niya, doon sa loob ng café na pinagdalhan sa kanya ng kapatid ay kitang-kita ng dalaga sa parking ang kumikinang na sasakyan ni Tyrelle. Latest model iyon at nasisigurado niyang milyones ang halaga. Kaya anong sinasabi nitong hindi maayos ang buhay nito?
“With a car like that?” She mocked at her elder brother. “You better think a great story to redeem your car and...” Pinasadahan niya ng tingin ang kapatid.
He was so gorgeous in his designer's clothes. Signature polo shirt, denim and his shoes. God! He looks so expensive!
“You don't understand---”
“Then make me understand!” She angrily snapped at him. Hindi niya mapigilan ang paghulagpos ng sama ng loob rito. “Fifteen years! Fifteen years, Tyrelle. I waited for you for fifteen years. Sampong taon akong patago-tago para hindi ako maampon. At kahit pa nakaalis na ako sa orphanage, subconsciously, umaasa pa din pala ako na babalikan mo ako.” Pumiyok na si Breonna at mapait na ngumiti. Pigil niyang malaglag ang mga luhang unti-unti nang namumuo sa gilid ng mga mata. “Yeah. Nagyon ko lang narealize na hinihintay pa din pala kita. Ngayon lang nang magkaharap ulit tayo.”
Hindi na niya napigilan. Tears slipped down her face, habang binabayo siya ng sari-saring emosyon. Hinampo, galit, pagkasabik, at ligaya. Lahat iyon, sabay-sabay na nararamdaman ni Breonna. Those were stronger than her weariness and hunger.
“Hindi kita pwedeng balikan. My life is not that easy.” Pilit pinasisimple ni Tyrelle ang lahat. Pero hindi ganoon kasimpleng tanggapin iyon. Nalilito siya. Nagagalit. Nasasaktan.
“I waited for you.” panay ang agos ng luha ni Breonna.
Mabilis naman siyang inabot ng kapatid, pinahid ang mga luha, inalo at niyakap. Pero hindi iyon sapat. Dapat nagagalit siya ngayon rito. Because all along, maayos naman pala ang buhay nito at hinayaan lang siyang mag-isa? Habang siya, walang ibang ginawa kundi hintayin ito. Hindi siya natapos umasa na someday ay makikita at makakasama niya din ang kapatid.
“Sweetheart---”
Nang bigla ay may pumasok na ideya sa utak ng dalaga.
“W-were you illegally staying here? Were your business are illegal?” Nanlalaki ang mga mata ni Breonna sa mga conclusions na bumabagyo sa kanyang utak. And didn't he tell her, his life was a mess?
“No! Maayos ang mga papeles ko. I am already a Filipino citizen. Ginamit ko ang middle name ni Daddy para mas madaling ma-approbahan ang citizenship ko dito.”
“How? I mean, why?” parang nalito siya sa sinabi ng kapatid.
Huminga ito ng malalim. “We still have a Filipino blood. Sa blood line ni Daddy. His grandparents were Filipino and Filipina. Our greatgrandparents. Nakatulong ‘yon para madali akong maaprobahan. Plus, I lived here for almost thirteen years.”
“Paano?” Naguguluhan pa ding tanong ni Breonna.
“Alright.” Hinarap siya ng kapatid at derektang tiningnan sa mga mata. He was dead serious. At bakit kinakabahan siya habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Tyrelle? “I'll tell you everything. But please... Honey, please bear with your one hell of an asshole brother...”
Sunod-sunod ang paglunok ni Breonna. Inabot niya ang malamig nang kape na hindi niya naubos kanina at iniisang lagok iyon. Palagay niya kakailanganin niya ng mahabang oras na lumulunok kaya pinaghahanda na niya ang sarili.
“Tell me. Everything.”
Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Tyrelle bago muling sinalubong ang mga mata niya. Seryoso at direkta nitong inilahad ang lahat sa kanya. Sa mahina at maingat na boses.
“That day I decided to leave you, three, in the orphanage, ginusto kong makaipon kaagad. Lahat ng trabaho, pinasok ko para lang kumita ng pera. Halos hindi ko kibuin ang sweldo ko para lang makaipon kaagad ng malaking pera para mabawi ko kayo. Tiniis kong hindi magpakita sa inyo nina Briella at Bea dahil baka hindi ko na gustuhing mapahiwalay sa inyo kapag nakita kong umiiyak kayo at gustong sumama sa akin. But...there were no day ends that I never visit the orphanage. Mula sa malayo, sinisilip ko kayo. Tinitingnan ko kung okay kayo. I used to ask the security guards if you are all fine. Kung wala bang nagkakasakit sa inyong tatlo.”
Pansin ni Breonna ang pamumula ng gilid ng mga mata ni Tyrelle. Tanda na nagpipigil lang itong maiyak. At gusto niyang yakapin ang kapatid. Pero mas nauna ang pangangailangan niyang marinig ang lahat-lahat ng nangyari rito sa buong isa at kalahating dekada na lumipas.
“There was a time na napahalo ako sa grupo ng mga kabataang, hindi ko naman alam na nasa ilalim ng mga syndicate.” Nahigit ni Breonna ang hininga pagkadinig sa sinabi ni Tyrelle. “Please. Hindi ko alam na galamay sila ng sindikato. Inalok nila ako ng madaling trabaho at malaking kita. At desperado akong makaipon kaagad. Madali lang naman ang ipinagawa sa akin. Nag-deliver lang ako ng mga cargos. Kung saan-saan ako nakakarating. Iba't-ibang bansa. Iba't-ibang kontinente. And I easily earn money. Noong mga panahon na sa palagay ko, sapat na ang naipon ko, binalak ko nang umalis sa trabaho at magtayo nalang ng business. Pero noon ko nalaman ang lihim ng grupo. Mga smuggled goods ang dinadala namin sa kung saan-saan. Sometimes, drugs na nakatago sa mga cargos. Sometimes, childrens... The group was involved in smuggling, human trafficking and drugs. It's... It's...”
Nahagod ni Tyrelle ang sariling batok. Habang si Breonna ay nag-uuna-unahan na naman ang mga luha sa paglandas sa kanyang pisngi. Hindi niya mapaniwalaan ang mga naririnig.
“It's too late for me para kumawala sa grupo. They were a world wide syndicate. Hindi basta-basta ang grupo nila. At kung tatangkain kong umalis sa grupo, sa dami na ng alam ko, hindi ako sisikatan ng araw na may buhay, kinabukasan. Napakadami nang nagtangkang umalis at nakita ko kung paanong parang sisiw lang kung kunin nila ang buhay. I opted to stay with the group, at hindi nagtagal, ipinadala nila ako dito sa Pilipinas para siyang tumungin sa grupo nilang naka-base rito.”
“Tyrelle...” Gusto niyang abutin ang kapatid. Suntukin ito at sisihin sa mga maling desisyon nito. Pero may magagawa pa ba ang lahat ng iyon?
“I don't want to leave. Pero mas makakabuti na din iyon. Hindi ko kayo pwedeng idamay sa kinasangkutan ko. Hindi ko kayo pwedeng hilahin sa libingan na hinukay ko. Mas gugustuhin ko pa na magkakalayo tayo, nakikita at nakakabalita ako patungkol sa inyo at alam kong maayos ang mga buhay ninyo. I even knew that Mommy got herself killed in jail.”
Yes. He was right. Five years after na mahuli ito, nalaman nalang niyang nagpakamatay ang Mommy nila. Kaya lalong humina na din ang loob nilang magkakapatid na magkakaroon pa sila ng matinong pamilya.
“You mean alam mo kung nasaan kami? Kung sino ang umampon kina Bea at Briella?”
Marahang tumango si Tyrelle.
“As much as I wanted to visit you, I refused to do so. Mate-trace kayo ng Torrent. Kapag nakagawa ako ng isang pagkakamali, siguradong kayo ang babalikan nila.”
“A-Anong Torrent?” Naguguluhang tanong niya.
“Iyon ang pangalan ng grupo. The group was silently proclaimed at mainit kami sa mata ng interpol. Pero dahil makapangyarihan ang grupo, hindi madaling mahanap ang mga base. Malakas din ang mga protector sa bawat bansa na pinagba-base-han. Itong pagkikita natin, hindi na ito dapat na maulit---”
“No!” Mabilis at awtomatikong humawak si Breonna sa braso ng kapatid. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa nakalipas na labing limang taon ng buhay niya kung kailan nagpapaalam din sa kanya ang kapatid.
At sa pagkakataong ito, hindi siya papayag na iwan ulit siya ni Tyrelle. Ayaw na niyang mag-isa. Wala na ang walang kwentang si Xavier sa buhay niya but she was thankful that she found her long long brother. Hindi na siya mag-iisa ngayon. At wala siyang pakialam kung nakasanla na sa impyerno ang kaluluwa ng kapatid, basta hindi na niya gustong mahiwalay ulit sa kapatid. Ayaw na niyang maiwan ulit. Ayaw niyang mag-isa. Takot siyang mag-isa.
“No. Hindi mo ako iiwan. Sasama ako sa ‘yo.”
Halos maputol ang leeg niya mula sa sariling ulo sa pagkakailing.
“You won't leave me again.” Sumisinghot na sambit ni Breonna aa kapatid. “I've waited for you for fifteen years. I don't want to wait again.”
“Are you crazy?!” Mahina pero pagalit na sikmat ni Tyrelle sa dalaga. Saka mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang balikat. Maigi nalang at tago ang bahaging iyon ng mesa nila. Walang masyadong makakapansin ng intense na eksenang iyon.
“Maayos ang buhay mo, Breonna. You have a succesful career. A peaceful life. As well as Bea and Briella na mga pamilyado na.”
“Aanhin ko ba ang tahimik na buhay na sinasabi mo kung nag-iisa naman ako?” Sumisinghot na singhal niya din sa kapatid. “At ngayon pa ba na alam ko na ang nangyari sa ‘yo? Everyday, I'll surely die in worrying.”
“At anong gusto mo? Masangkot din sa buhay na pinasok ko? Mag-isip ka nga, Breonna!”
Tuluyan nang napahagulhol ang dalaga. Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Na magkita ulit silang magkapatid. At magkasama na sa wakas. Pero heto, at itinataboy na naman siya ni Tyrelle. Palayo. Paalis sa buhay nito.
“I don't have any, but you...” Humihikbi pa ding sabi niya. Si Tyrelle ay hindi malaman kung aamuin siya o pagagalitan. “I don't want to be alone again.” Dagdag pa niya.
“Then, get married and have a family!” He snapped. Parang nawawalan na ito ng pasensiya.
“Easy for you to say tha?t! Akala mo ba ganoon kadaling magtiwala sa tao at bumuo ng pamilya pagkatapos nang... nang…”
Hindi na niya kailangang ituloy ang sasabihin dahil alam ni Breonna na nahulaan nitong ang nangyari sa kanilang pamilya at mga magulang ang tinutukoy niya. At pati na din ang patungkol sa stepfather nila…
“God! Breonna, why are you doing this to me?” Parang nadagdagan ng maraming taon ang hitsura ni Tyrelle habang hinahaplos paitaas ang sarili nitong buhok.
“I wanted to be with you, big bro... Even if it means I will be living in hell for the rest of my life. As long as I am not going to be alone.” Nakikiusap ang mga matang tumitig siya sa kapatid. “Please... I wanted to be with the family I only had.”
“You're crazy!” galit na singhal nito sa kanya. “Ibinabalik kita sa maayos na buhay---”
“Hindi ko iyon kailangan!” Mabilis na putol niya sa sinasabi ng kapatid. “All I need is my family, na alam kong mahal ako at hindi ako pababayaan. Matagal kitang hinintay. At ngayon, itutulak mo lang ulit ako paalis sa buhay mo?”
Tumitig ng matiim sa kanya si Tyrelle. Tila nag-iisip ng malalim. Halos mapugto na ang kanyang hininga sa pagpipigil habang hinihintay ang sasabihin nito. She was afraid of what life she will going to face if she will going to choose to stay with her elder brother. But the happiness of being with her superhero of a brother didn't equalize anything. Alam niyang kahiy gaano kapanganib ang mundong papasukin nila, hindi siya nito hahayaang mapahamak. That was all she needs. To feel safe and secure.
Just how she felt when she was enveloped by a warm big arms owned by an insanely handsome man, named Axyl Bachelor. But Axyl was just like a ferry boat. Who had passed by in her shore... And there's no concrete assurance that he'll going to be back again.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Tyrelle saka walang salita siyang kinabig at niyakap ng mahigpit.
“I missed you so much, my little missy.”
MAG-E-ENTER ng password si Axyl sa kanyang unit nang mapansing bahagyang nakaawang ang pinto. Umangat ang kilay niya sa pagtataka. Hindi ba niya iyon nailapat nang lumabas kanina? Bumaba lang siya saglit sa underground restaurant dahil nakikipagkita ang ina sa kanya. Hindi kasi siya umuwi sa mansyon. Maigi nalang at naitimbre ng receptionist na papaakyat roon ang kanyang Mama. Sinalubong na niya ito bago pa makarating sa kanyang unit.
Hindi nito maaaring makita si Breonna sa loob. Knowing his mother, she was ultra-conservative. At ayaw niyang sa unang pagkakita nito sa dalaga ay mahusgahan agad nito ang moralidad ni Breonna. He didn't know why he had felt that kind of protectiveness but he doesn't really wants Breonna to get involve with any controversy.The woman was pure. Was...dahil nakuha na niya ang purity nito nang nagdaang gabi.
As the flaming scenes flooded inside his mind, hindi niya napigil ang pagragasa ng masarap na init sa buo niyang katawan. Never thay he felt this way. No woman had aroused him this hard just by thinking of her soft and supple skin. Her soft cries and moans. Her delicious sensual lips.
Darn! His denim starts to tightened.
Itinulak ni Axyl ang pinto at deretsong pumasok sa loob. Tahimik na tahimik roon. Naisip niya na baka tulog pa din si Breonna. Malamang. Pinagod niya ito ng husto nang nagdaang gabi. Siguradong masakit ang buong katawan nito paggising.
Napasipol ng wala sa oras si Axyl. Binabagyo siya ng pagnanasa, hindi pa man niya nasisilip muli ang dalaga sa silid nito. Maiging gisingin na niya si Breonna. Magpapadeliver nalang siya ng brunch since, it's already eleven in the morning.
Pero sa pagbukas niya ng silid ay wala sa ibabaw ng kama ang dalaga. Wala na din doon ang damit na ipinadeliver niya para rito. Mabilis na dumeretso siya sa shower room ng silid at wala rin iyon doon.
Dinagsa siya ng matinding kaba. Umalis na ba si Breonna? Hindi pa sila nag-uusap. Kailangan nilang mag-usap.
Drat!
Nasabunutan niya ang sariling ulo. Ano ba ang iniisip niya? He had bedded so many gorgeous woman and none of them that he gave a moment to talk about what they did. It was just a pure sex. Just the same with what he had with the woman he bedded last night.
Breonna initiated it. He just gave her what she needs and wanted. Pinagbigyan lang nila ang pangangailangan ng isa't-isa. Bakit ngayon ay sinasalakay siya ng matinding kaba matapos maramdamang wala na sa unit niya ang dalaga.
“Easy man...you were just horny and you wanted to get laid right now. That was just it.” pagpapakalma niya sa sarili.
Dumeretso siya sa kitchen para iinom ng malamig na tubig ang halo-halong init ng katawan at pagkataranta.
“Bakit ko ba siya hahanapin? Hindi naman ako ang nawalan. Besides, hindi ko iyon kinuha sa kanya. Ibinigay niya sa ‘kin ang sarili niya.”
He was just trying to calm himself. But he was really disturbed. Gusto niyang mag-usap sila ni Breonna. Pero hindi rin naman niya alam kung ano ang ipapakipag-usap sa dalaga.
Nang mula sa kinaroroonan ay napansin niya ang clutch bag ni Breonna sa ibabaw ng malaking fridge. Doon nga pala niya iyon naipatong kaninang madaling araw na mapansing nakakalat iyon sa sahig. Lasing na lasing na kasi ito at naihulog siguro niya habang dinadala sa silid si Breonna.
May kumislap na ideya sa utak ni Axyl. He wants to tract her. And the phone will do it for him. Hinalungkat niya ang bag ni Breonna at hinanap ang cellphone nito.
Pagkakita ay kaagad na hinanap niya ang number ni Xavier at nagpadala ng message roon.
“Hi! I am out and want to go back to the hotel. I forgot the name. What is it again?”
He grinned menacingly.
“You can't get away with me, my lovely blonde. Perhaps, not that easy.”