HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 3

CHAPTER 3

“HAH!” malakas na napasinghap si Alessandra kasabay ng pagbalikwas mula sa kinahihigaang kama. Humihingal na tuluyang naupo ang dalaga. Niyakap niya ang kanyang mga binti at ipinatong ang kanyang ulo sa kanyang mga tuhod habang pinapayapa ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Binabangungot na naman siya.

Pagkaraan ng ilang sandali ay bumaba na siya ng kanyang kama. Sinulyapan ng dalaga ang wall clock sa kanang bahagi ng kanyang silid. Alas singko na pala ng umaga. Ipinasya niyang tumakbo sa paligid ng subdivision.

Alessandra slept in her panties and an oversize shirt. Pinalitan niya ang oversize shirt ng sando, at nagsuot ng leggings para kumportable ang magiging pagtakbo niya. Itinatali na niya ang sintas ng kanyang sapatos nang tumunog ang telepono. Ang dalawang kaibigan lang naman niya ang maaaring tumawag sa kanya sa ganoong oras. Mabilis na tinapos niya ang pagtatali ng sintas bago malalaki ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang cellphone at tinanggap ang tawag.

“Alex…” agad na sabi ng nasa kabilang linya. Si Chameleon iyon at nahimigan niya ang kalungkutan sa tinig ng kaibigan. Si Chameleon ay bente siyete na. Ganoon din ang edad ni Shadow.

“Chamie. Hey… okay ka lang? Nasaan ka?”

“Alex, kahit isang saglit nahiling mo ba na sana iba ang naging takbo ng buhay mo? Nahiling mo ba na sana normal ka na lang na babae? Na may tahimik na buhay at hindi umuutang ng buhay? Na umiibig ka…Iniibig… and soon will have kids of your own…family… a happy, peaceful, and loving family.”

Naguluhan ang dalaga sa sinasabi ni Chameleon. Sa kanilang tatlo, si Chameleon ang may malambot na pagkatao. Pero ngayon lamang ito nagsalita ng ganoon. Maaaring tama ang sapantaha ni Shadow na may problema si Chameleon. Umawang ang labi niya nang marinig niya ang tila paghikbi ng kaibigan. “Calm down, Chamie. Mag-usap tayo, ha. Nasa Pilipinas ka na ba? Saan, pupuntahan kita.”

“I'm okay, Alex. Huwag kang mag-alala sa akin. Sabihin mo rink ay Shadow na okay naman ako,” tugon nito. “I’ll see you both pagbalik ko ng Pilipinas. I love you, girls.”

Hindi na siya nakasagot dahil narinig na niya ang tunog ng pagkadiskonekta ng linya. Bumuntong-hininga si Alessandra. Hindi niya alam kung dapat ba siyang makialam sa kung ano mang pinagdadaanan ng kaibigan. Oo, silang tatlo ay magkakaibigan, at literal na partners in crime. Pero kailanman ay hindi sila nakialam sa personal na problema ng bawat isa. Sa isang banda, sila mismo ay pinananatiling rreserbado ang mga sarili. Palaging may sapat na distansiya, may limitasyon. Ni hindi nga nila alam ang buong kuwento ng buhay ng bawat isa. They never dared to have a sneak at someone’s room of secrets.

Kinuha ng dalaga ang isang towel bago lumabas ng bahay.

ISINARA ni Alessandra ang front door bago bumaba sa tatlong steps na nasa covered entrance. Lumabas siya ng gate. Magsisimula nang tumakbo ang dalaga ng dumating ang isang motorsiklo, pasalubong sa kanya. Nakasuot ang driver ng itim na jacket at helmet kaya hindi niya makita ang hitsura nito. Subalit, ang puso niya ay tila nag-iba ng tibok. Lumampas sa kanya ang motor at pumasok sa town house na kaharap ng sa kanya. Nawala ang tunog ng umaandar na makina ng motorsiklo.

“Excuse me,” sabi ng tinig ng lalaki. Kunwa ay balewala iyon sa kanya bagama’t alerto ang lahat ng pandama ng dalaga. Hindi matatawaran ang reflex at bilis niya. Ang nakakatawa lang ay ibang klase ng panganib ang nararamdaman niya na lumalabas sa lalaking ito. “Ikaw, Miss na magdya-jogging, sandali lang…”

Kumunot ang noo ni Alessandra. Ang boses na iyon...ang lalaki sa eskuwela kahapon. Si William. At iyon lamang ang kinailangan para magising ang bawat dugo sa kanyang katawan at ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao. Para umikilkil sa isip niya ang kagustuhang matikman ang labi nito, mahagkan ang buong katawan nito, at madama ang lahat-lahat dito. Oh, shit! mura niya sa sarili dahil gumagana na naman ang kanyang imahinasyon.

Namaywang si Alessandra bago humarap, alerto pa rin. Humakbang papalapit sa kanya si William, suot pa rin ang helmet. Pinanatiling matatag ni Alessandra ang kanyang pagkakatayo.

“Sabi ko na nga ba at hindi ako dinadaya ng paningin ko,” sabi ni William bago hinubad ang helmet.

Damn. He’s so hot! Mas naging prominente ang jawline nito dahil pinagupitan na nito ang buhok nito. Ang mga labi nito ay buo at tila kay lambot. Tila nangangako iyon ng walang kapantay na langit. Kunwa ay balewalang tumalikod siya at itinuloy ang pagtakbo. Kailangan niyang lumayo rito dahil tila bawat pagdaan ng oras ay lalong hindi niya masukat ang pagnanasang nararamaman niya para sa binata.

“Hey, Alessandra!” umagapay ito sa kanya sa pagtakbo.

“Ano?”

“Magkapit-bahay pala tayo? Kalilipat ko lang last Saturday, bakit hindi kita nakikita diyan nong weekends?”

Weekends? Nasa Russia ako. At pinatay ko si Yuri Udinov. Pinili niyang huwag na lang tumugon at balewalain na lang ito. Bahagya niyang binilisan ang pagtakbo, pilit namang umaagapay sa kanya si William.

“Masaya akong nakita ka. Mukhang pinagtiyap ng tadhana na dito ako makakuha ng town house sa kung saan ka nakatira.”

Tumigil siya sa pagtakbo at hinarap ito. Sa papasikat na liwanag ng araw, nakapaskil sa labi ng lalaki ang isang kaaya-ayang ngiti. Bagama’t naroon pa rin sa mga mata nito ang kaarogantihan na ipinamalas nito sa eskuwelahan. This animal is was so damn sexy. “Sino ka nga uli?” kunwari ay tanong niya sa nababagot na tinig. Gusto niyang bigyan ng impresyon ang lalaking ito na balewala ito sa kanya. Na alam niyang kabaligtaran sa tunay niyang nararamdaman.

Nawala ang ngiti ni William. He looked at her intently. Na para bang sinusuri nito kung nagbibiro lang siya sa tanong na iyon o hindi. “Pambihira!” pumalatak ito, hindi makapaniwala na may babaeng hindi talaga interesado rito, lalo na sa pangalan nito para matandaan iyon. “William. William del Tuazon.”

“William, will you leave me alone?” walang emosyon niyang tanong. “Salamat,” agad niyang dugtong bago tumalikod at iniwan ito. Kailangan niyang iwasan ang lalaking ito. Kailangan niyang labanan ang kaway ng pagnanasa. Oh, puwede naman siyang magpadala na lang sa pagnanasa niya, ‘di ba? Pero hindi, hindi talaga niya alam kung bakit ibinubulong ng isip niya na kailangang iwasan niya ang lalaki at huwag magkaroon ng ano mang uganayan rito. At palagi na ay pinagtitiwalaan niya ang kanyang instincts.

BUSTED! Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng isipan ni William habang hinahabol niya ng tanaw ang papalayong dalaga. Parang bigla-bigla ay nasa harapan niya ang lahat ng babaeng nawasak ang puso dahil sa kanya; pinagtatawanan siya at sinasabihang nakita na niya ang katapat niya, ang babaeng dudurog ng puso niya katulad ng ginawa niya sa mga ito.

Nang hindi na matanaw ang dalawa ay tumalikod na si William at tinalunton ang daan pabalik sa kanyang townhouse. Ipinasok niya ang motor sa garahe na basta na lang niya iniwan kanina sa kalsada. Nang makapasok ng bahay, hinubad ni William ang suot na jacket, balewalang binitiwan iyon sa sahig bago pasalampak na naupo sa sofa. Hindi siya pinatatahimik ng alaala ni Alessandra. Kahapon, nang buksan niya ang kanyang mga mata, tatlong segundo lamang ang kinailangan para mapasok at magulo ng dalaga ang sistema niya. Maganda ang dalaga, that’s given. Ang kumuha sa atensiyon niya ay ang malayo at walang-emosyong mga mata nito. Pero tila ang walang-emosyon na mga matang iyon ay napakadelikado. Gusto niyang malaman kung bakit nagtataglay ito ng malamig at matigas na aura. Alessandra had aroused something peculiar within him, something odd and strange. At hindi siya titigil hanggang hindi nabibigyan ng kasagutan ang mga tanong na gumigitaw sa kanyang isip.

“Humanda ka, Alessandra,” usal niya. “Papasukin ko ang mundo mo.”

HINDI ako lulubayan ng lalaking ito, komento ni Alessandra ng makita niya ang isang bungkos ng mga bulaklak na nakapatong sa armrest ng kanyang silya. At siyempre pa, sa katabing upuan, naroon at prenteng nakaupo ang binata. Buong-kumpiyansa ang pagkakangiti nito. At, mahabaging langit! Sa suot na maong na humahapit sa mga hita nito at sa asul na polo shirt ay naghuhumiyaw ang sex appeal nito. Without exaggeration, William is a stand out among her male classmates. Naghuhumiyaw ang presensiya nito. Ito ang tipo ng lalaki na hindi maaaring hindi mapansin. At batid ni Alessandra na ang mga kabaro niya ay nahuhumaling rito, nananalangin na sana ang mga ito na lang ang nakakuha ng atensiyon ng binata. Marahil ay nasa tatlumpo ang edad ng binata. Sa buong klase ay sila lamang ni William ang maituturing na may edad na dahil ang natitirang mga kaklase nila ay nasa edad 20 o 21 lamang. Wala siyang ideya kung bakit pumapasok pa si William. Marahil ay nasa pangalawang kurso na ito. Pwede rin na tulad niya ay hindi nito naging prayoridad ang pag-aaral. Ah, whatever.

Tumayo ang binata nang makapasok siya ng silid, dinampot nito ang bulaklak at naglakad pasalubong sa kanya.

“Hi. Flowers for you.”

Binigyan ni Alessandra ng malamig na tingin ang binata. Napakalamig ng panlabas niya, subalit sa kalooban niya siya ay nag-aapoy. Nag-aapoy sa makamundong pagnanasa. Nilampasan lang niya ito. Humabol sa kanya si William. “Hey, peace-offering ko ang mga bulaklak na ito. Tanggapin mo naman, oh. Please.”

“Gusto mo ng kapayapaan?” aniya.

Napakamapang-akit ng ngiting gumuhit sa labi nito. “Oo.”

“Darating sa iyo ang kapayapaan kung ititigil mo ang pamimerhuwisyo mo sa akin. Lubayan mo ako,” sabi niya na may sapat na lakas para marinig ng lahat ng kaeskuwela nila, umaasang sa pamamagitan niyon ay mapapahiya na si William. Naupo siya. Ramdam niya nang maupo rin ang binata.

“Hindi ko iyon maipapangako. Hindi kita lulubayan hangga’t hindi tayo nagiging close. Gusto mong makipagpustahan?”

Bahagyang nagulat ang dalaga, bahagyang tumambol ang kanyang dibdib. Hindi dahil sa sinabi ni William kundi dahil sa naging aksiyon ng binata. Halos ibulong kasi nito sa tainga niya ang mga salitang iyon. Ang init ng hininga niot na tumama sa balat niya ay nagpatindig ng mga balahibo niya. Sapat na iyon para mag-apoy ang buo niyang katawan. At nang tingnan niya ang mga mata nito, nabasa niya ang determinasyon nito, determinasyong mapalapit sa kanya. And Alessandra could swear she was just holding into a fragment of self control. Kailangan niyang hawakan ang katiting na self control na meron siya dahil kung hindi, doon din mismo ay kakandong siya rito at kukuyumusin ng halik ang labi nito. At kilala niya ang sarili. Sa sandaling nag-aapoy siya at nawawalan siya ng pakialam sa paligid niya.

“Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo,” may babalang tugon niya. “Hindi mo ako kilala.”

“Kaya nga kikilalanin kita.”

“Kapag nakilala mo na ako, pagsisisihan mong kinilala mo pa ako. Pagsisisihan mong nagsalubong ang mga landas natin,” hindi tumitingin sa usal niya. Damn it. Saan nanggaling ang linyang iyon? In the first place why I am having this conversation? Balewalain mo nalang siya, Alessandra, at huwag pansinin!

“Hindi ikaw ang magsasabi niyan. I think at the end of the day, you are worth all the risk.”

Hindi iyon inaasahan ng dalaga na marinig kaya naman napalingon siya rito. Banayad ang pagkakangiti ni William, as if he could see beyond her soul. At tila ba may sensitibong bahagi sa kaibuturan ng pagkatao niya ang nasagi ng binata.

“Gusto kita, Alessandra.”

Gusto rin kita. Gusto kong tikman ang lahat sa ‘yo. I wanted to devour you. I wanted to fuck you! walang prenong pagsagot niya sa kanyang isip. Pinili ni Alessandra na huwag umimik. Hindi niya maapuhap ang kanyang tinig para sumagot, ni hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Tila may malaking bara sa kanyang lalamunan na nahirapang lumunok ang dalaga.

P’wede siyang huwag nang pumasok ng eskuwelahan, at lumayo na lang. Pumunta sa kung saan malayo kay William. Pero hindi niya gagawin ang mga bagay na iyon. Si William ay parang isang delikadong misyon. Delikado pero hindi niya uurungan. Haharapin niya ang pagsubok.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free