CHAPTER 2
PASIPOL-SIPOL na lumabas ng banyo ang bagong paligo na si William del Tuazon. Eksakto namang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha ng binata ang telepono at tinunghayan kung sino ang tumatawag. Tinanggap din naman niya agad ang tawag nang makitang ang kaibigan na si Manuelito o Manu ang tumatawag.
“Manu, what’s up?” Inilagay ni William sa speaker mode ang telepono bago dinala iyon sa banyo at ipinatong sa isang estante. Pagkuwa’y dinampot niya ang kanyang toothbrush at nilagyan iyon ng tootpaste.
“Hey, Wil, wala ka pa bang balak bumalik dito sa New York?”
Isinahod ni William sa binuksang faucet ang isang baso at pinuno iyon ng tubig. Binasa ang toothbrush. “Wala pa. Alam mong nag-aaral uli ako.” Nagsimula ng magsipilyo si William.
Umungol si Manu. “Akala ko talaga magbabakasyon ka lang diyan. Pero nabalitaan ko na lang na nag-transfer ka na ng pag-aaral sa Pilipinas? They are looking for you nonstop, Wil. Para na akong sirang plaka sa kasasagot.”
“Sino ang mga naghahanap sa akin? The girls?” sagot niya na hindi maiwasang mangiti. Siyempre ay alam niya kung ano ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.
“The girls. The movie directors. The casting agents… and those agent na ayaw pa ring sumuko sa pagkumbinsi sa ‘yo na subukan mo ang limelight. They—the directors—are quite frustrated with the other stuntmans. Nakakailang take sila sa isang eksena. At kapag nakakailang take, marami ang ibig sabihin: delay, cost, etc. Hinahanap nila ang trabaho mo na pulido, propesyunal, at one to two takes lang. Whew, William, you really set the bar high for us stuntsman.”
Ngumiti ang binata at napailing-iling. Siya si William del Tuazon, bente nueve anyos. Isa siyang professional stunt man sa Hollywood. Bata pa lang siya ay taga-hanga na siya ng mga action movies dahil gusto niya ng mga aksiyon. Bagama’t hindi naman niya pinangarap na maging artista o maging bida sa isa sa mga pinanunuod niya. Binatilyo na siya ng magsimula siyang mahilig sa parkour at kung ano-anong sports na may kinalaman sa pagpapaliksi ng kilos, sa pagpapatatag at pagpapalaki ng katawan. He tried all the sports that requires physical strength and stamina. Nagustuhan niya ang mga aktibidades na nagpapabuhay ng kanyang dugo at nagbibigay ng adrenaline rush. May pagka-adventurer din kasi siya. Pagkatapos niyon ay nadiskubre niya ang isang bagay na naging dahilan para magrebelde siya. Itinapon niya ang magandang imahe niya at nagsimula siyang bumuo ng isang bad boy image. Nanigarilyo siya, nag-inom, at sumubok ng iba’t-ibang klase ng droga. Palagi siyang napapasok sa gulo na madalas ay sinasadya niya.
Pagkatapos ay nagdesisyon si William na lumayo. Nag-aral siya ng kolehiyo sa America. Graduating na siya noon nang mahimok siya ng isang kaibigan na subukan nilang mag-audition para maging double o stuntman ng isang malaking pelikula. Ni hindi nahirapan si William sa pagpasok sa industriyang iyon dahil maganda ang profile ng kanyang katawan at puwedeng-puwede siyang mag-double sa mga artista ng Hollywood. Plus, of course, his skills. Unti-unti ay kinagiliwan siya ng mga director dahil sa pagiging dare devil niya, dahil sa pagiging walang reklamo niya, at dahil sa pagiging pulido niyang magtrabaho. Naging isa siya sa pinakamagagaling at pinaka indemand na stuntman.
“Wil, nariyan ka pa ba?”
“Ah, oo. Sorry.” Naglakbay na pala ang isip ni William ng hindi niya namamalayan. “Hindi pa ako makakabalik, Manu. Nawiwili pa ako dito sa Pilipinas. Siguro ay masyado ko talang na-miss ang Pilipinas. At alam mo naman na bukod sa marami akong investments dito, nagtatayo rin ako ng negosyo. I don’t know, man. I'm not getting any younger, gusto ko ng magseryoso sa buhay. You know, build my own home, business…” Mabilis na tinapos niya ang pagsisipilyo. Dinala niya ang telepono sa silid niya at nagsimulang magbihis.
“Iniisip mong magtayo ng sarili mong emperyo, huh? Kunsabagay, hindi mo naman talaga kailangan na maging stunt man habang buhay. You were basically born with silver spoon in your mouth. Si William del Tuazon ay milyonaryo na bago pa man ipanganak sa mundong ito. So, sabihin mo sa akin Wil, nakipag-usap ka na ba uli sa ama mo?”
William snorted. “Bakit kaya hindi ka na rin lang bumalik dito sa Pilipinas at magtrabaho para sa akin?” Pag-iiba niya ng pinag-uusapan nila.
“Okay that’s my cue to back off,” natatawang tugon nito. “Tungkol naman sa trabahong iniaalok mo, well, hayaan mo at pag-iisipan ko. Keep me posted though. O, siya, kailangan ko ng umalis. Bye, Wil.”
Napailing-iling si William. Halos isang taon na rin mula ng bumalik siya ng Pilipinas. Ewan niya, pero tulad ng sinabi niya kay Manu, bigla na lang siyang nabagot sa takbo ng buhay niya sa states. Bigla siyang nakadama ng kahungkagan. Pagkatapos, naisip na rin niya na magseryoso sa buhay niya. Hindi naman sa hindi siya seryoso sa buhay niya. Kaya lang kasi sa edad niya, dapat ay naiukit na niya ang pangalan niya sa mundo ng pagnenegosyo. Oh, he had investments here and there. Pero iyong negosyo na siya mismo ang nagtatag, iyong palalaguin niya at magiging kaakibat ng pangalan niya, iyon ang gusto niya. At isasakutuparan niya iyon. Sa katunayan ay sinisimulan na niya ang lahat, kasabay ng pag-aaral niya ng kanyang ikalawang degree. Ang unang tinapos kasi niya ay walang kinalaman sa pagnenegosyo. May kinalaman iyon sa batas at sa pagpapatupad niyon.
Binuksan ni William ang telebisyon. Pagkuwa’y tinungo niya ang ref at kumuha ng beer. Bukas ay bibisitahin niya ang town house—na ipinahanap niya sa isang ahente. Kung magustuhan niya roon ay doon muna siya pansamantalang titira habang hindi pa natatapos ang bahay na ipinagagawa niya sa Taguig. Ang condo unit kasi na kinaroroonan niya ngayon ay pag-aari ng kanyang ina.
“Hindi ko po nakilala. Madilim ang lugar na pinangyarihan,” sabi ng tinig sa TV. Nang itutok doon ni William ang kanyang paningin nakita niya na isang buntis na babae bagama’t blurred ang mukha nito. Sa ilalim ng screen may nakasulat na: Babaeng buntis hinalay, 7 suspect patay naman sa kamay ng hindi nakilalang rumisponde. “Pero kung sino man siya, nagpapasalamat ako sa kanya at— ”
Hindi na tinapos ni William ang panonood niyon at inilipat iyon ng channel. Maaasar lang siya sa kabikabilang pangit na balita at krimen na siyang laging laman ng balita.
IPINARADA ni Alessandra ang kanyang sasakyan sa inilaang parking lot ng unibersidad na para sa mga estudyante niyon. Oo, isa siya sa mga estudyante. Sa edad na bente singko ay nasa ikaapat na taon pa lamang siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Business management.
Pitong taon siya nang maulila. Pasko niyon ng magbago ang takbo ng buhay niya. Pasko nang patayin ng hayup na iyon ang kanyang mga magulang at masaksihan mismo ng kanyang mga mata ang krimen. Mula noon ay sunod-sunod pang trahedya ang dumating sa buhay ni Alessandra. Nahalay siya, nalapastangan; paulit-ulit na hindi niya kayang bilangin pa. Sa edad na kinse unang nabahiran ng dugo ang mga palad niya. At sa edad na bente uno, naging bihasa siya sa isang mapanganib na laro. Alessandra became a femme fatale, a killer for hire, a cold blooded assassin.
Sa normal na tao na mag-aabalang tingnan o ipasuri ang background niya, siya ay si Alessandra Santiago; maagang naulila, nagpalaboy-laboy sa lansangan hanggang sa kupkupin siya ng isang good Samaritan. Binigyan siya ng bahay ng Good Samaritan na iyon. Ito ang bumuhay sa kanya at nagpaaral. At nang mamatay ang Good Samaritan na iyon ay sa kanya ipinama ang lahat ng kayamanan nito.
Napakamapanlinlang na kuwento. Kuwenotng malayo sa katotohanan…Alessandra snorted. Pinatay niya ang makina ng sasakyan bago inabot ang ilang libro at ang kanyang bag bago siya lumabas ng sasakyan. Si Shadow ang nagtulak sa kanya para pumasok ng eskuwelahan. Bukod sa magandang cover up daw iyon sa tunay na pagkatao nila, matututo pa daw siya. Sinubukan niya at sa pagkamangha niya ay nagustuhan niya ang naging routine niya. Pagkagraduate niya, ang pagnenegosyo naman ang magiging front niya.
PAGPASOK pa lang ni Alessandra sa silid-aralan ay napansin agad niya ang isang hindi pamilyar na bulto ng katawan ng lalaki na pabalandra ang pagkakaupo. Agad napansin ng dalaga ang lalaki dahil silya niya ang inuukupa nito.
Transferee marahil…o baka kumukuha lang ng subject na iyon tulad ng ibang estudyante na kumukuha ng masteral degree, aniya sa kanyang isipan. Sa sulok ng mga mata ni Alessandra, napansin niya na binabato na siya ng tingin ng mga kaklase niya. Kipkip ang kanyang mga libro, tinungo niya ang kinaroroonan ng lalaki. Batid ng mga kaklase niya kung gaano siya kapormal at mapag-isa. Wala nga siyang maituturing na kaibigan sa eskuwelahang iyon. Huminto siya sa gilid ng lalaki. Patingalang nakasandal ang ulo ng lalaki sa sandalan. Nakapikit ito. Ang mga daliri ng kanang kamay nito ay panay ang tapik sa armchair. May kahabaan ang buhok nito pero madaling hulaan na may headset na nakapasak sa magkabilang tenga nito at nakikinig ito ng musika. Masasabi niyang rock o metallic ang uri ng musikang pinakikinggan nito. Ang mga binti nito na may kahabaan ay nakatuwid dahilan para mawala sa hanay ang silyang inuukupa nito. Kupas ang pantalong suot nito at maluwang na t-shirt na may imprinta sa harap ng isang international rock band. Base sa muscle na halata sa sleeves ng t-shirt nito at sa kaha ng katawan, masasabi ni Alessandra na siksik sa laman ang katawan nito. Pupusta siya para roon. Isang backpack ang nasa sahig. Na marahil ay pag-aari nito.
Napansin ni Alessandra na may hitsura ang lalaki. May katangusan ang ilong nito, makapal ang kilay, at animo may kakaibang karakter ang nakatikom nitong labi. Hindi, ang deskripsiyong ‘may itsura’ ay hindi angkop. This man is as gorgeous as hell! Hindi labis sabihin na taglay nito ang appeal ni Brad Pitt. And he is very Hollywood-ish, aura and physique wise. Hindi mahirap imagine-in na nagbibida ito sa isang action film.
Pinag-aaralan mo siya, Alessandra! sita niya sa sarili. Pero lubhang huli na. Nakabisa na agad niya ang bawat anggulo ng mukha nito. Nasa isip na agad niya ang frame nito, ang taas, ang kaha ng katawan. Nalulunod siya sa aura ng lalaking ito.
Kinalma ni Alessandra ang sarili. “Excuse me…?” sabi niya. “Excuse me…?” naiikot ni Alessandra ang mga mata niya. Paano nga pala siya nito maririnig gayong may nakapasak na earphone sa tainga nito. Walang pag-aalinlangan na itinapik niya sa braso ng lalaki ang kanyang libro. There, nakuha niya ang atensiyon ng lalaki. Nawala ang pagtapik ng mga daliri nito sa armchair bago ito nagmulat ng mga mata.
Hindi alam ni Alessandra kung bakit muntikan na siyang mapasinghap ng makita ang mga mata nito. Punong-puno iyon ng panganib, punong-puno ng sekreto. Para iyong killer eye; mapanganib at determinado. Saglit na natigilan ang mga matang iyon, nakapako lamang sa kanyang mga mata. Kung ilang segundo tumagal ang ugnayan ng mga mata nila ay hindi niya alam. Pagkuwa’y naglakbay ang mga matang iyon sa kabuuan niya. Pinasadahan siya ng lalaki ng tingin mula ulo hanggang paa.
Mariing ipinikit ni Alessandra ang kanyang mga mata. Bigla niyang narinig ang malakas na pagtambol ng kanyang dibdib. Ang kanyang mga palad ay biglang namawis. Nanuyo ang kanyang lalamunan. She could hear the rush of her blood through the veins in her head. Hindi magandang senyales…
“Yes?” sabi nito habang tinatanggal ang earphone sa tainga. Ang mga kaklase niya ay nasa kanilang dalawa ang atensiyon.
Pilit na kinalma ng dalaga ang sarili. Walang ideya ang mga kaklase niya o ang lalaking ito kung gaano siya kadelikadong babae. Sa tuwina ay pinipigilan ni Alessandra ang sarili na ipangalandakan ang kakayahan niya. “Silya ko iyan.”
Sa gulat niya ay inabot ng lalaki ang I.D niya at binasa ang impormasyong nakasulat roon. “Alessandra Santiago,” usal nito bago ibinalik sa kanya ang paningin. “Wala akong nakitang Alessandra Santiago na nakasulat sa silyang ito,” anito na nakaangat ang isang sulok ng labi sa pagkakangisi. Iniiwas ni Alessandra ang paningin niya sa mga labing iyon. Mga labing napakasensuwal, napakapilyo, mapang-akit. Tila nangangako iyon ng kaligayahan, ng langit.
“Ipinagbabawal dito ang vandalism, Mister—”
“Huwag mo akong tawaging ‘Mister’. Hindi mo ako asawa,” nanunudyong putol nito sa sinasabi niya. Nagtawanan ang mga kaklase niya. Siya naman ay nag-init ang mga pisngi, hindi niya batid kung dahil napahiya siya o napipikon. Sa kabila noon ay napansin niya na may kakaibang karakter ang boses nito. Malalim iyon, buo, at sigurado. Sexy iyon. Taglay nito ang hindi maipagkakailang presensiya na lubhang kapansin-pansin at mahirap balewalain. “…hindi pa.” Hindi inaasahan ni Alessandra na dugtong pa nito.
“Nakakatawa,” sarkastikong balik ng dalaga. Dahil sa angkin niyang pisikal na ganda ng katawan at mukha, maraming kaeskuwela niya ang nagtangkang hulihin ang kanyang atensiyon. Subalit sa unang panonopla pa lang niya ay agad ng tumitiklop ang mga ito.
Muling ngumisi ang lalaki. “I know, right.” Tumayo ito. Dinampot nito ang bag at isinukbit iyon. “Sino ang nakaupo rito?” tanong ng lalaki sa mga kaklase niya habang itinuturo ang silyang katabi ng sa kanya.
“Ako,” sagot ng isang kaklase niya na Brenda ang pangalan.
“Oh,” usal ng lalaki. “Eh nasaan ang mga silyang available?”
“Sa likuran,” sabi ni Alessandra, dismissing him.
Sa gulat ng lahat, gamit ang isang kamay na binitbit ng lalaki ang silyang nasa tabi niya. Dinala iyon sa likod bago kumuha roon ng isang bagong silya at siyang ipinuwesto sa tabi niya. “Ayos,” anito habang inuukupa ang silyang itinabi nito sa kanya.
Hindi makapaniwalang napatingin na lang siya rito. Si Brenda ay sumimangot at wala na ring nagawa nang dumating na ang kanilang professor.
“Ako si William,” sabi nito maya-maya. “Alam ko na interesado kang malaman ang pangalan ko,” buong kumpiyansang wika pa nito.
Walang-emosyon na nilingon niya ito. “Hindi ako interesadong malaman kung ano ang pangalan mo. At huwag kang magpapansin dahil hindi ka naman kapansin-pansin.” Nagsisinungaling siya. Alam ni Alessandra na nagsisinungaling siya. Ang totoo ay pinupukaw ng lalaking ito ang kanyang sensuwalidad. Nararamdaman niya ang apoy sa kanyang kaibuturan na dagling nasilaban sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata. Tinutukso siya ng kanyang imahinasyon. Sa gunita niya ay gumuguhit ang mga bulgar na eksena sa pagitan niya at ng lalaking ito sa pinaka-intimate at pinakamainit na sandali. He was oozing with undeniable maleness and it was radiating in every pore.
Lalong nanuyo ang lalamunan ng dalaga. Gutso niyang daklutin ang lalaking ito at doon mismo ay walang habas na angkinin ang labi nito. Hindi. Hindi natatapos sa halik ang gusto niyang mangayari. She wanted this man to brand her, to possess her, to blow her mind in pure rapture. Ikinuyom ni Alessandra ang kanyang mga palad, sinusubukang payapain ang kanyang sarili. Sa murang edad ay inabuso, nilapastangan na siya ng paulit-ulit. Naging sex slave siya. Hanggang isang araw, nagising nalang si Alessandra na katawan na niya ang humihingi, naghahanap ng sex. Nagumon siya roon. The deed became a food to her hungry body. Madali siyang ma-arouse. At siya ay wild at dominante sa kama. Laging gusto niyang makuha ang control at ang pagiging dominante. Kapag type niya ang isang lalaki, makikipagniig siya rito hanggang sa mapunan ang hilig sa tawag ng laman. No strings attached. No feelings whatsoever. Nang dumating sa buhay niya sina Shadow at Chameleon, hindi lamang ang pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot ang nalinis sa katawan niya. Sumailalim siya sa ekspertong mga kamay ni Chameleon at hinayaan ang kaibigan na galawin ang ilang region ng kanyang utak. ‘Nasa utak lang iyan’ ang sabi ni Chameleon. Totoo nga, nawala ang cravings niya sa sex. Naging maayos siya at hindi na muli nagkaroon ng pisikal na ugnayan sa kahit na sinong lalaki sa loob ng limang taon.
“Whoa,” nakangiting sabi ni William. Bahagyang tumango-tango. “This is gonna be interesting,” usal nito bago umayos ng upo.
Napapiksi nalang si Alessandra nang dumampi sa balat niya ang balat ng braso nito. Ang apoy sa kalooban niya ay lalong sumiklab. Bigla siyang nakadama ng takot sa lalaking ito. Bakit may kakayahan itong ipadama sa kanya ang isang bagay na sa tulong ni Chameleon ay napagtagumpayan niyang alisin sa sistema niya? At bakit tumatambol ng ganoon ang kanyang dibdib? Ah, kailangan niyang makausap si Chameleon. Kailangan niyang ikonsulta rito kung may ‘expiration date’ ba ang pangagamot nito sa kanya.