HinovelDownload the book in the application

Chapter 8 Black Diamond Gem

Light POV

I already heard the humors.

Pero bakit? Hindi pa ba nadadala ang konseho?

napadako ang aking tingin sa kabilang hallway na aking nilalakaran ngayon

And I smiled when I realized kung sino yung naglalakad

Tumakbo ako papuntang kabilang hallway at saka sya tinawag

"Dana!"

"Ohh? Light?"

"Bakit nasa labas ka pa? Wala kayong klase?"

"Ahh may kinuha lang"

At saka nya itinaas ang box na dala nya

Ibababa na sana nya ung kamay niya ng hinawakan ko ito at saka ko tinitigan ang suot niyang bracelet

"So totoo nga?"

"Ang alin? Ahh na ako ung trainee ni master Ken? Uhmm oo" - sagot nya na tila alam nya na ang tinutukoy ko

Bakit sya pa?

"Eh ikaw ba Light sino trainor mo?"

Tinignan nya ang kamay ko

"Ehh? Wala kang bracelet?" - sabi nya habang nakatingin sa kamay ko

Binitiwan ko naman ang kamay niya at saka ngumiti

"We don't have bracelet nor a tattoo"

"Kung ganun??"

Tinignan nya ang badge na nasa kaliwang dibdib ko

"Schridde? Light Schridde?? Isa ka sa 12 masters??" - manghang mangha nyang tanong

Haha she's cute

"Yeah, earing ang saamin, while ang mga babaeng master naman ay kwintas"

At saka ko ipinakita sakanya ang kaliwang tenga ko kung nasaan ang hikaw ko na may jade na bato

Yes jade is the color of my gemstone.

Nakaclip lang to saaming tenga

"Wooohh!! Astig! Kung ganun matagal ka na pala dito"

Tumango naman ako

"Ohh! Waahh kailangan ko ng umalis Light"

at nagmamadali na siyang tumakbo

"Ngayon ko naman ulit narinig ang pangalan ko na walang Master sa unahan mula sa hindi ko ka ranggo" - ngiting bulong ko sa sarili

Dana POV

"Bakit ka ba natagalan kanina?" - Chanel

Nasa may bench kami na nasa gilid ng open field

"Ahh kasi kanina kinausap ako ni Light"

Ibinaba naman nya ang librong binabasa bago inilapit ang mukha saakin na ikinaatras ko naman

"Master Light Schridde"

"Oo, si Light"

Tinakpan namn nya ang bibig ko

"Wag mo siyang tawagin ng ganyan"

Inalis ko ang kamay niyang nasa bibig ko

"Ehh ano pala?"

"Master Light. Isa sya sa master kaya kailngan iaddress mo sya sa tamang paraan"

"Ahh? Ganun ba? Salamat sa pagsasabi Chanel, kaya pala kanina parang nabigla sya"

"Maswerte ka at mabait si Master Light, nga pala di ko pa nakikitang pumasok si Master Ken dapat ay nag uumpisa na kayong magsanay"

"Kailan ba magsisimula ang battle round para sa ranking?"

"End of every month. Every month ang pagranking pero sa pag rank sa mga masters ay ginagawa lang every 2 months"

"Owhh paano ba ang set up ng laban?"

Nagnining ang aking mata ng makakita ako ng cheese cake sa lamesa at agad ko iyong kinuha

"Ginagawa ang ranking sa loob ng isang linggo" - Shea

"Sa unang araw ng ranking ka level mo ang makakalaban mo. Pag nanalo ka aangat ka sa ranking battle papunta sa second day kung saan makakalaban mo ang mataas sa iyong level, ang Elite 2, ang natalong Elite 2. Katulad niyo sabay sabay ring maglalabanan sa unang araw ang mga mag kaka level. Kapag natalo mo ang Elite 2 aangat ang rank mo at ang Elite 2 na iyon ay bababa naman ang ranggo pero pag natalo mo ang mas mababa saiyo ay mananatili ka sa rank mo pero di kana makakalaban sa mas mataas saiyong rank kasi natalo ka ng ka rank mo. At hanggang doon na lamang" - Chanel

"Hanggang 2 days lang?" - tanong ko habang binubuksan ang cheese cake my loves ko!

"Yeah. Pero hindi jan nagtatapos ang ranking para sa mga matataas na ranggo. Sa ikatlong araw jan magaganap ang paglalaban ng nanalong Elite 3 sa mga natalong Elite 4. Ang mga natalo ay bababa ang rank at ang mananalo naman ay tataas sa pagiging Elite 4. Bibigyan ng dalawang araw ng pag eensayo ang mga nasa rank na Elite 4 maging ang mga bagong Elite 4 para sa pagpili na ginagawa sa araw ng sabado" - Shea

"Pagpili? Para naman saan?" - tanong ko at saka isinubo ng buo ang cheese cake sa aking bibig

"Para lumaban sa mga master sa susunod na buwan ng pag ranggo" - Channel

"Huh?" - tanong ko habang nginunguya ang cheese cake sa bibig ko

"Ang mga mananalo sa pagpili ay siyang sasali sa ranking ng mga masters, lima ang mga pinipiling Elite 4 na lalahok sa ranking ng Masters. Kung papalarin silang manalo ay pwede silang maging isa sa labing dalawang master at ang matatalong dating master ay magiging Elite 4. Samantalang ang Elite 4 na hindi papalarin ay mananatiling Elite 4" - Shea

"Pero napaka imposibleng mangyari iyon. Walang nakakatalo sa mga masters. Walang nakakapalit sa mga pwesto nito" - Channel

"Ano bang ngyayari sa ranking ng mga masters?" - tanong ko

"Isang araw lamang iyong ngyayari. Anim na araw pagkatapos ng ranking ng mga lower rank, sa araw ng biyernes" - sagot uli ni Channel

"Iba ang ranking sakanila. Ipinapasok ang lahat na kasali sa ranking para sa highest rank sa isang lugar na napag usapan ng mga konseho. Pero madalas sa gubat iyon. Puno iyon ng camera upang makita ang mga ngyayari sa laban. Lahat sila ay maglalaban laban sa lugar na iyon na napapalibutan ng Invisible wall" - Shea

"Bawat kalahok sa ranking na iyon ay may life safe. Kung saan nasa 100% ito sa umpisa at mababawasan iyon sa tuwing masasaktan o tatamaan ang kalahok. Kapag naging zero iyon automatic mapapapunta ka sa safe zone, sa labas ng ranking ground. Mag uumpisa ang ranking count sa ikalabing dalawang kalahok na mapapalabas. Hanggang sa isa na lang ang matira at tatanghalin bilang 1st master" - Channel

"Ganun ba? Ang hirap naman pala nun. Pero, hindi naman siguro tayo masasaktan nun tulad ng una kong pagsubok dito diba?" - ako

Kumuha ulit ako ng isa pang cheese cake

"No Dana. Hindi ito tulad niyon. Masasaktan tayo sa ranking conquest na ito. Lalo na sa ranking ng mga masters. Halos magpapatayan sila doon"

"Teka! Legal ba iyon dito?!"

"Dana, wala ka sa normal na mundo. Ibang iba ito sa dating mundo natin. Dito walang ibang batas na sinusunod kundi mga batas ng mismong eskwelahan at ng mga council" - Shea

Ganito ba talaga sa bagong mundong pinasukan ko?

~~~~

Mag isa akong naglalakad sa hallway.

Di ko kasama si Channel kasi abala na sila sa pag eensayo.

Kaya maging sa hallway na dati ay madalas punuan ngayon ay walang mga estudyanteng nagkukumpulan

Nakayuko akong naglalakad. Sanay akong ganito maglakad lalo na pag may iniisip ako

Ano kaya ang mangyayari sa ranking? Hindi sa natatakot ako na masaktan. Natatakot akong makasakit.

"Ouch!"

Nahimas ko ang aking ulo ng mabangga ako sa matigas na bagay

"Look at your way, lady"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang napaka lamig na boses na mula ata sa aking kaharap

Pag-angat ko ng aking tingin isang napaka gandang mata ang aking nakita

Kulay itim ito na parang itim na perlas. Napakaitim nito na pag tinitigan mo ay parang hinihila ka sa ibang dimensyon

Pero nanlaki ang aking mata ng mapagmasdan ang kanyang mukha

Siya nga! Ang anghel na nakakadena sa likod ng pulang pintuan

Ibinaba nito ang tingin sa aking kaliwang kamay kung nasaan ang aking bracelet.

Samantalang ako naman ay napatingin sa kaliwa niyang tenga kung saan ay naroon ang black diamond niyang hikaw

"Move!"

Hindi ako kaagad nakaalis kaya't tinulak niya ako paalis sa harapan niya

Muntik pa akong matumba sa pagkatulak niya saakin mabuti na lang ay nakapag balanse ako kaagad

Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang naglalakad na papalayo

--------

#AchilleanAcademy

~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free