HinovelDownload the book in the application

Chapter 2 Chapter 2

Nasa harapan na kami ng bahay. Naandto na rin ang kotse nila Sheena.

Si Sheena lang ang susundo saakin ngayon dhil nauna na daw sa Achillean sila Mr. Austin para ayusin ang pag enrol ko doon

"Dana, mag-iingat ka roon ha? Wag kang mananakit ng iba ng walang sapat na dhilan. Kontrolin mo ang kakayahan mo. Wag kang mgpapalipas ng gutom. Laging matutulog ng maaga. Magsanay ka ng maayos. At...."

"Tay Karding Oo na po. Alam ko na iyon. Haha kagabi nyo pa po iyan ibinilin saakin. Gagawin ko po iyon lahat. Mag-iingat rin po kayo dito ni Nay Alicia" - putol ko kay Tay Karding na mangiyak ngiyak na bago ko ito niyakap ng mahigpit

"Dana, wala na akong sasabihin pa dahil nasabi ng lahat ni Karding" - Nay Alicia at saka tinignan ng masama si Tay Karding haha

"Basta Dana lagi mong tatandaan ha, kahit ano pa mang mangyari sa paligid mo wag na wag kang magbabago. Wag mong hayaan na mabago ang iyong pananaw dahil sa mga mararanasan mo sa mundong iyong papasukin. Lagi mong iisipin na napaka espesyal mo Dana. Sana ay bumalik ka saamin na ikaw pa rin iyan. Ang Dana na pinalaki namin" - Nay Alicia

"Nay.. Pinapangako ko. Babalik ako sainyo. At hinding hindi ako magbabago" - ako bago sya niyakap

"Bes! Wag kana lang kayang umalis?" - Jess habang nakacross arms

Napanguso naman ako sakanya. Eh aalis na ko tas pipigilan pa ko

"Ahh basta basta! Bes! Hanapan mo ko ng boylet dun ha! Haha oo nga pla lumarga kana tas pagbalik mo baunan mo ko ng virgo!" - sya at saka ako tinulak tulak

Kita ko naman na tinapik sya ni Nico

Virgo po ay gwapo. Psh! Lokaret talaga, sa larangan lang ng lalaki ipagtatabuyan na ko

Nabigla naman ako ng bigla akong yakapin ni Nico

"Sana. Sana may kakayahan nalang din ako. Para masamahan kita dun" - bulong niya

Kahit kailan talaga npaka sweet nitong kaibigan kong to! Naku! Ilan kaya gf nito? Pero wala naman akong nababalitaan na may niligawan to

"Dana, pag iinsayo ang sinadya mo doon. Wag na wag kang magpapaligaw ha! Layuan mo ang mga lalaki hangga't maari ha? Pag nakita kong may lalaki ka dun hihilain talaga kita at ilalayo sakanya" - dagdag pa niya. Haha grabe bestfriend na! instant kuya pa!

"Pag nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta doon. Hahanapin kita. Hahanapin kita Dana" - sya bago humiwalay saakin

Nginitian ko naman sya ng pagkatamis tamis

Lumapit na ako kay Sheena. At bago ako pumasok sa kotse ay isa-isa ko pa silang pinagmasdan na may ngiti sa aking mga labi

Ipinapangako ko.. Babalik ako.. Babalik ako na ako pa rin ang Dana Elaina Marqueza na lumaki dto sa bayan ng Altesa.

Babalik ako na kaya ko na kayong protektahan. Pangako.

Huminto ang sinasakyan namin sa isang tagong eskinita. Tinulungn kami ng driver ni Sheena na buhatin ang mga dala naming gamit.

Sa dulo ng eskinita ay may iniukit si Sheena sa hangin gamit ang kanyang hintuturo at saka binigkas ang lenggwaheng parang latin

"Aperite portas et transeamus in Utopia"

Kasabay noon ay ang pagliwag ng aming harapan at bumungad saamin ang isang portal.

Ngayon lamang ako nakakita ng portal!

"Halika na?" - Sheena saka ako hinawakan sa kamay at sabay kaming pumasok sa portal

Nakakahilo. Oo. Sobrang hilo ang naramdaman ko ng makalabas kami sa portal.

"Hahaha, as I expected. Beginner's suffering. Here" - kinuha ko agad ang ang iniabot na parang candy saakin ni Sheena

Agad nmng guminhawa ang pakiramdam ko ng kinain ko na iyon. Parang mint iyon. Ang sarap sa pakiramdam

"Welcome to Utopia!!!!"

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid

Mga tao. Taong katulad din namin. Karamihan ay may mga suot na cloak. May mga karwahe ngunit hindi kabayo ang humihila sa karwahe. Kakaibang hayop na ngayon ko lamang nakita.

Mga mkukulay na palamuti. Mayroon ring mga makukulay na kahoy sa paligid na tila isinasayaw ng hangin ang makukulay nitong mga dahon.

Mga kakaibang paninda na makikita sa daan.

Medyo maingay rin ang paligid. Ngunit halatang masasaya ang mga tao.

"Nasa Paflagonia tayo, ang pinakamalaking pamilihan dito sa Themyscira ang centro ng Utopia"

Wooh.. Kaya pala. Parang napakalawak ng pamilihan na ito. Hindi ko kita kung saan ang labasan

"Halika na Dana, pumunta na tayo sa terminal"

Hinila na ako ni Sheena at nakipagsiksikan kami sa maraming tao. At huminto kami sa isang.... Terminal?

"Dito tayo sasakay?"

Tinignan ko ang karwaheng nakita ko lamang knina.

Hindi kabayo ang may hila sa karwahe. Kundi isang... Usa? Na kabayo? Ehh?

Ang katawan nya ay parang sa kabayo pero kulay berde ang katawan nito samantalang ang ulo nito ay sa usa. May mahabang sungay ito na katulad sa malaking usa kulay kayumanggi iyon ay kitang kitang napakatigas niyon. Kulay berde rin ang mga mata nito

"Harodeer, yan ang tawag sa hayop na iyan. Isa ito sa mga ginagamit na transportasyon dito sa Utopia. Since may mga dala tayo. Ito ang sasakyan natin"

"Saan tayo mga binibini?" - tanong nung matandang lalaki

"Achillean Academy" - Sheena

Tinulungan nya naman kaming makaakyat at ang aming mga gamit

"Mahaba ba ang byahe?" - tanong ko kay Sheena

"Hmm mdyo? Pero mabibilis ang mga Harodeer kaya di tayo matatagalan?" - Sheena

Napatango naman ako

"Ahh Sheena?"

"Just Shea. Shea nlng"

"Ahh Shea may kakayahan ka rin ba?"

I mean malamang meron! kasi nasa Achillean Academy nga sya nag-aaral diba? But, ang tanong ay ano?. Ano ang kakayahan niya

"I have Vitakinesis. While my mom has size manipulation and my Dad has Technopathy"

"Huh?"

Takang tanong ko. Hindi ako pamilyar sa mga sinabi nya. Pwera ata sa size manipulation dahil nasaksihan ko na iyon. Technopathy? Techno? Technology. Pathy? Something in mind? So Technopathy is something about technology connected in mind??

"Haha sorry. Vitakinesis, I have an ability to heal others as well as my own. Size Manipulation, as what you have witnessed last last day, mom has an ability to manipulate size. Either size of objects, animal, human, as well as herself. And my Dad has an ability to manipulate technologies and he can also make technologies even he didn't learn how to make it"

Wooohhh astig!!

"How about you? I mean, you have an ability of Impendimentum right?" - Shea

"Yap! At may kakayahan rin ako mag project ng mental shield"

"Ohh really? Galing! You have 2 abilities!"

Actually may isa pa akong kayang gawin pero sabi nila Nay Alicia ilihim ko nalang daw hangga't kailangan kasi sobrang mkasasama daw saakin un

"Sya nga pala. We are now bestfriends huh?" - sya habang nakalahad ang kamay sa aking harapan

Ngumiti naman ako sakanya bago ko iabot ang aking kamay

"Bestfriends"

Nadagdagan nanaman ang bestfriends ko. More than 1 bestfriend? I think there's nothing wrong about it

Di ko namalayan na huminto na pala ang sinasakyan namin. Mukhang napasarap ang kwentuhan namin

"Baba na tayo Dana. Di na kasi maaaring makapasok ang karwahe. Masyadong mahigpit sa seguridad ang akademiya" - Shea bago kinuha ang kanyang mga gamit

Kita ko naman na may mga kulay puti na parang dyamante na ibinigay si Shea sa matandang lalaki bilang bayad

Tiningala ko ang nagsisitayugang mga pader. Napakatataas ng mga pader na ito. Kulay caramel na mga pader.

May mga nakikita rin akong mga lalaking naglilibot libot dito sa labas na nakasuot ng kulay itim na mga damit.

"Halika na" - Shea

Huminto kami sa tapat ng napakalaking gate na kulay itim na may roong malaking sphinx na nakaukit sa gitna ng gate.

Sphinx. A mythological creature having a woman's head and breast, a lion body, has an eagle's wings and has a serpent's tail

"Gate pass"

Nabigla ako ng may marinig akong malaking malagom na boses. At dun ko lang nakitang may taong bato na nasa gilid ng malaking black gate

"Grabe ka Karyon, nagbakasyon labg ahh! Ako pa rin to! Achillean pa rin ako nuh!" - Shea habang may kinukuha sa kanyang bulsa

"For safety Shea" - ngiting sabi nung lalaking bato. Medyo may edad na sya I think?

Mukhang mahigpit nga dito. Bwal rito si Nico. Aww I miss them already :(

May ipinakita naman si Shea sakanya na isang badge. Kulay itim iyon na pa bilog at kita kong may nakaukit din doon na sphinx.

Tumingin naman saakin ung lalaking bato

"Her name is Dana Elaina Marqueza, Karyon"

Bigla nmn natulala ang lalaking batong Karyon ata ang pangalan. Anong nangyayari sakanya??

"Shea? Ayos lang ba siya?" - ako at ska ikinaway ang kamay ko sa tapat ng mukha nyang di kumukurap ang mga mata

"Yeah he's fine. He is Karyon, the gate guardian of the Academy. He is now mind linking with the council inside. Para iconfirm kung papapasukin ka"

"Ahhhh" - ako

"Okay you may pass now"

As if on cue, kusa namang bumukas ang napakalaking itim na gate at nahati ang katawan ng malaking sphinx.

"Bye Karyon" - masayang paalam ko rito habang ikinakaway ang dalawa kong kamay na mukhang ikinabigla nya naman

"Haha you're so jolly Dana. Welcome to Achillean Academy!!!"

"Woahhhh" - ako

As in nka letter O na ang aking bibig habang nakatingin sa malapalasyo na nasa harapan namin. Isang napakalaki at napakataas na palasyo!!

Kulay itim ito at kulay Caramel.

May mga bandila naman sa palibot ng malapalasyong paaralan na ito na mga kulay itim na bandila na may sphinx na simbolo

Mas namangha ako sa loob ng paaralan

Npakabigtime ng paaralan nito. Siguro ay mayayaman ang mga nag-aaral dto?

"Ah Shea magkano ba pag-enrol dto? Mahal naman ata eh di kakayanin nila Nag Alicia"

"Ahh un ba? Wag mo na un isipin Dana. Sabi naman nila Dad na sila na bahala diba? So wala ka na dapat pang ipag-alala" - Shea at saka ngumiti

Mababait silang mga Austin. Un ang natitiyak ko

Habang naglalakad ay may mga nakakasalubong kaming mga estudyante rin dito sa academy.

Sabi ni Shea knina, 3 days nalang daw kasi ay mag-uumpisa na ang klase kaya marami na ring mga nagsisidatingan ngayon

Huminto kami sa tapat ng pinto. Kumatok muna sya bago nya iyon binuksan at pumasok

Agad nagsilingunan ang mga taong nasa loob niyon. Tanging sila Mr. and Mrs. Austin lang ang kilala kong naroroon

Naglakad kami palapit sa kanila

Ng makalapit kami ay kita ko ang pagkabigla sa mukha nung dalawang taong ngayon ko lng nakita

"Dana Elaina Marqueza?" - tanong nung lalaki na di ko pa kilala.

Siguro nasa 30's pa lang ang lalaking ito

"You are from Altesa right?" - tanong nya ulit

"Yes sir" - may ngiting sabi ko

"What is your ability?" - tanong naman nung isang babae na kasama nmin dito. Medyo kaedad lang ata ito nila Mrs. Austin na nasa 40's?

At mukhang strikto ito kung titignan

"Impendimentum and I can project mental shield"

Napataas naman ng isang kilay ang babae sa sinabi ko

"May we see it?" - ung lalaki ulit

Tumango naman ako

Lumabas kaming anim sa kwartong iyon at naglakad papunta sa di ko alam. Haha

Pansin ko naman na panay tingin saakin nung babaeng mukhang strikto

May dumi ba ko sa mkha??

Mrs. Austin POV

We are not sure kung tama lang ba na dinala namin sya dito.

Pero un lang ang naiisip namin na magandang gawin ngayon

Mas mahirap na kung makukuha sya ng ibang akademiya at gamitin sya laban saamin

Pero baka magising nya sya. Tiyak makikilala nya ang mukhang iyon. At iyon ay napakadelikadong mangyari

Pinagmamasdan namin syang pumasok sa loob ng testing room samantalang naandito kmi sa labas kasama ang mga konseho upang mapagdesisyunan kung tatanggapin nga ba sya

Lahat naman na mga konseho ay nakatitig lamang sakanya. At mukhang pansin din nila

She is somehow like her. Magkahawig sila

Nagsimula ng gumawa ng real life simulator ang kwarto.

Agad na umulan ng mga pana papunta sakanya na agad nya namang napapigil. She has an impendimentum.

Sunod naman ay may mga apoy na umulan sa buong paligid. Di nya un kayang patigilin.

Kaya she project mental shield.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga apoy. Nahihirapan na rn syang imaintain ang shield

di nagtagal ay nawala rin ang shield nya at may mga apoy na bumagsak sakanya. But it won't hurt her. It's just an illusion.

Expected ko ng di nya kakayaning patagalin ang shield. Mahirap i master ang paggawa ng mental shield lalo pa kung di ka masyadong na training ng maayos.

Pero sa kaso nya? Magaling na iyon. Namaintain nya ng isang minuto ang shield. Karaniwan sa mga tulad nyang wlang training ay segundo lamang ang aabutin

At doon natapos ang testing process

Alam kong di nila basta basta pakakawalan si Dana. She has 2 abilities. A rare ability.

Mukhang mahihirapan ang konseho ngayon

---------

#AchilleanAcademy

                      ~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free