HinovelDownload the book in the application

Chapter 5 Emerald Eyes

Dana POV

Dinala nila ako sa loob ng isang opisina.

Sa kwartong iyon ay may isang babae. Sya iyong babae na kasama ni mr. and mrs. Austin ng unang araw ko rito kasama pa ang isang lalaking d ko kilala

Ms. Cresentia Valen

School Head

Iyon ang pangalan na nasa harapan ng mesa

"Headmaster"

Agad itong tumayo ng pumasok kami

Tinignan nya ako at saka tumaas ang isa nitong kilay

"10 pm na pero nasa labas pa rin sya ng dorm. At ang babaeng ito ay basta na lamang pumasok sa pulang pintuan at nangialam sa mga hindi nya dapat pinakikialaman" - Headmaster na nakaupo na habang masamang nakatingin saakin

"Ms. Marqueza right?" - taas kilay na tanong nya saakin

"Yes ma'am"

"I am sorry Headmaster, she is just new here. She didn't know anything. Maybe ms. Austin didn't make a little briefing about what should and should not do here in academy" - ms. Valen

"Kick her out of this school"

Napatingin ako sakanya ng sabibin nya iyon

"But Headmaster, papaano pag nakuha sya ng ibng akademiya? I saw her unique ability that they can use against us" - sabi nung isa sa mga konseho

"Headmaster, just give her one chance, I'll stick my eyes on her" - ms. Valen

Tumayo naman ang Headmaster

"Make sure you won't interfere again young lady"

At saka ito lumabas ng kwarto. Sumunod naman sakanya ang dalawang konseho

"Go back to your room ms. Marqueza, may pasok pa bukas"

I bow at her before I leave.

pagdating ko sa room ay agad kong nakita ang nag aalalang si Shea. Nakwento ko na rin sakanya.

At halos mapunit na ang kanyang bibig sa sobrang pagkagulat nya ng marinig iyon. Sinermunan nya ko. Kasalanan ko din naman kasi.

Bago ako nakatulog ay nasa isip ko pa rin ang ngyari. Kahit muntik pa akong makick out hinding hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Hndi dapat pinagsisisihan ang mga bagay na ginawa mong mabuti. Iyon ang turo saakin nila Nay Alicia.

"Ikatlong room ang room mo Dana, magkita na lang tayo mamaya sa canteen ha?" - Shea at saka umakyat sa 4th floor floor

1st day ng pasukan nmin at marami rin pala talagang estudyante ang Achillean.

Nakasuot na ako ng uniform. Kulay black and white ang uniform dto. itim na palda ang pambaba na may kaiksian, samantalang white sleeve with black linings naman ang pang itaas. Sa kaliwang dibdib ay naroon ang badge na sphinx ng Achillean at sa baba ay ang apelyedo.

May I.D rin kami na may itim na lace. Sa I.D nakalagay ang picture namin at buong pangalan at sa baba ay ang rank. At sa kaliwang parte sa itaas ay naandun na naman ang logo ng school ang sphinx

Naglakad na ako at agad ko namang nakita ang room ko.

Pagkapasok ko ay agad nabaling saakin ang tingin ng mga nasa loob

Ngumiti ako sakanila

Pero nagsitaasan lang ang kilay ng ibang babae smantlang ang mga lalaki ay hinagod ako ng kanilang nakakapanindig balahibong tingin

Naglakad na ako papunta sa dulong parte dahil iyon nalang ang bakante.

Pagkaupo ko ay agad na nagsalita ang katabi ko

"Hi! Baguhan ka ba?" - tanong ng babaeng katabi ko. Mayroon syang chestnut hair at brown eyes.

"Ahh oo eh"

"Sabi na nga ba! Ngayon lang kasi nakita. Ako nga pala si Chanel Diomedes Elite 3"

"Ang pangalan ko naman ay Dana Elaina Marqueza, Elite 1"

"Haha, ang ganda ng pangalan mo! Ang yaman sa A!"

"Haha kaya nga eh, ewan kila Nay Alicia kung ba't ito ipinangalan nila saakin"

Nahinto kami sa pagki-kwentuhan ng dumating na ang guro namin

"Goodmorning class"

Isang may katandaan ng guro ang pumasok sa room

"Hayy si sir. Dehante na naman. Tiyak magi-story telling na naman sya hanggang sa matapos ang klase" - bagot na sabi ni Chanel

"Class sinong pwedeng pumunta sa library para humiram ng libro ng history?"

Wala namang nagtaas ng kamay, ung iba naman panay kwentuhan lang

"Sir! Ako na lang po"

Ako at saka nagtaas ng kamay

"Ohh, mabuti naman at may nag volunteer, sige pumunta kana sa library at hiramin mo ang libro ng aralin sa kasaysayan"

Tumayo naman na ako at saka lumabas

...

PAPABALIK na ko sa classroom. Medyo may kakapalan din pala itong librong ito.

Since nasa 1st floor ang library ay kailangn ko pang umakyat ng hagdan.

At di ko namalayan na may makakasalubong pala ako

"Ahhhh!"

Akala ko ay mahuhulog ako sa hagdan ng makabangga ko sya. Pero naramdaman ko na lang ang kanyang bisig sa aking bewang samantalang ang isa nyang kamay ay sinalo ang librong dala ko

kinabig nya ako palapit sknya. Ang dalawa kong kamay ay nasa kanyang malapad na dibdib

Sandali akong natigilan at pinagmasdan ang kanyang mukha.

He has emerald eyes, a perfect shape of nose and a perfect jaw. And his hair is color maroon

Nakatitig lang din naman sya saakin

Agad akong bumitaw sakanya at saka kinuha ang libro

"Sorry miss, I didn't see you" -sya

"Ahh okay lang, kasalanan ko din naman, mauuna na ko Salamat"

Lalampasan ko na sana sya ng hawakan nya ang brso ko

"May I know your name?"

"Dana, Dana ang pangalan ko" - ngiting sagot ko

"My name is light" - sya sabay abot ng kmay nya hbng nkangiti saakin

Inabot ko naman iyon at saka nagpaalam

"Here in Utopia there are 4 Academy. Achillean, Antarium, Valkyrian and Orion Academy"

Ung iba kong mga kaklase ay antok na antok na, ung iba naman may mga ibang ginagawa.

Ako lng ata ang nkikinig sa guro nmin. Ako lng nmn ata ang bago dto ehh

"Achillean Academy which is our school is the East Academy. Our color symbol is black and symbol of sphinx. Antarium Academy is the West Academy. Brown and Phoenix are there symbols. Valkyrian Academy , the South Academy. Maroon and Cerberus represents them. And the North Academy, Orion Academy. Blue and Basilisk signifies them"

Kung ganun ay may tatlo pa palang akademiya maliban sa Achillean

"Pero alam nyo namang magkaaway ang apat na akademiya. Pagalingan at palakasan ng mga estudyante ang sukatan upang makita kung anong paaralan ang dapat manatili"

Nakikinig ako ng maigi kay sir ng bglang mag bell

Kita naman sa mga kaklase ko ang pagbubunyi. Maging si Chanel

"Yuhoo!! Atlast! Tara na tara na break time na" - sabi nya na may tono pa

"Okay class next meeting na ntin ipagpatuloy ang history" - sir at saka umalis

kasama ko si Chanel dito sa canteen. Hinahanp ng mata ko kung nasaan nkaupo si Shea

"Andun sya!" - turo ni Chanel sa kumakaway na si Shea na nasa bandang gilid ng malawak na canteen

"O new friend?" - tanong ni Shea pagkaupo namin

"Oo, Shea si Chanel pala at Chanel si Shea" - pagpapakilala ko sa dalawa

"Kilala ko na si Shea dati pa. Nagamot nya na ko dati" - Chanel

Tumango tango naman si Shea bago tumayo

"Ako na oorder ng pagkain natin"

Di nagtagal ay nakabalik na din si Shea dala ang mga pagkain namin

Ngkkwentuhan kami habang kumakain ng bigla nalang tumahimik ang buong canteen na kanina kala mo palengke

"Anong meron?" - tanong ko sa dalawa kong kasama na kahit sila ay tumahimik at nakatingin lang din sa mga tinitignan ng mga estudyante

"Ang mga myembro ng 12 masters"

---------

#AchilleanAcademy

                   ~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free