HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 2

CHAPTER 2

HINDI MALAMAN ni Marissa kung bakit nakakadama siya ng kakaibang kaba habang hinihintay na bumukas ang pintuan at pumasok mula roon si Vicente. Sanay na siya sa mga undercover assignment niya kaya hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya, na para bang nakatakda siyang sumuong sa isang pangyayari na magpapabago ng buhay niya.

Hanggang sa bumukas ang pintuan at mula roon ay pumasok si Vicente. Vicente Valencia is tall and devastatingly attractive! Muntikan na siyang mapasinghap kung hindi lamang niya napigilan ang sarili niya. Why, Vicente looks larger than life. Nakakalunod pala ang presensiya nito kapag ganoong malapit lang ito. Ibang iba ang dating kesa kaninang sa mall niya ito pinagmamasdan.

“Cedric—” natigilan ito sa tangkang pagbati sa pinsan ng makita siya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito dahil tila saglit na natigilan ito habang nakatingin sa kanya. Deretso itong nakatingin sa mga mata niya kaya naman pakiramdam niya ay may kumislot na bahagi ng pagkatao niya.

Pero may napansin agad siya rito. Kung kaninang nasa stage ito ay kuntodo ngiti ito at tila nakapaskil na sa mga mata ang pang-aakit, ngayon ay animo seryoso na ito. Ganoon pa man, hindi rin naman siya nito inisnab. “Hi.” Bati nito sa kanya bago ito tuluyang pumasok sa silid at isinara muli ang pinto.

Tipid na tumango siya. Pilit niyang kinakalma ang kalooban pero tila lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon niya sa sandaling nasa harapan na niya ang binata.

“Vicente, I’d like you to meet your brand new personal assistant, si Marissa. Na-screen at na-interview na siya ni Kuya Dylan. She’s qualified so okay siya kay Kuya Dylan.”

Bahagyang kumunot ang noo nito pagkatapos ay inakbayan si Cedrick at bahagyang bumulong. Pero dahil natural na malakas ang pandinig niya, umabot pa rin iyon sa pandinig niya.

“Cedrick, hindi ba nabanggit sa ‘yo ni Kuya Dylan na ayoko ng assistant na babae? Besides, alam mo naman kung bakit, ‘di ba?”

“Oh, sure. Alam ko ang rason mo at naiintindihan ko iyon pero pagtiwalaan mo kami pagdating kay Marissa. Hindi siya katulad ng mga babaeng naging assistant mo,” sagot naman ni Cedrick na ikinataas ng kilay niya. Ano ba ang naging issue ni Vicente sa mga nakaraan nitong assistant?

Tumikhim siya. Lumingon naman ang dalawa. Partikular na itinutok niya ang paningin niya kay Vicente. “Excuse me, pero naririnig ko ang pinag-uusapan ninyo. Mawalang galang na Mister Valencia, pero puwede bang malaman kung bakit ayaw mo ng assistant na babae? Puwede nating i-settle ang issue na iyan and we can come to terms and agreement.”

“Sige na Vicente, sabihin mo sa kanya kung bakit ayaw mo ng assistant na babae. Mag-usap muna kayo. Habang nag-uusap kayo tatawag muna ako sa San Fransisco. Babalik rin ako agad,” amuse na wika naman ni Cedrick bago ito umalis.

Naiwan silang dalawa ng binata. Tiningnan siya ng binata, mali, mas angkop na sabihin na tila pinag-aralan nito ang anyo niya. Maganda siya at sanay na rin siyang pinaguukulan ng ikalawang sulyap ninuman pero tila hindi siya mapalagay sa mga mata ni Vicente.

“Anong ayaw mo sa mga babae Mister Valencia?” panimula niya. “I mean, bakit ayaw mo ng assistant na babae?” pagtatama niya sa tanong ng mapansin niya ang pagtaas ng kilay ng binata.

“Because they end up loving me,” agad nitong sagot na tumingin pa sa kanya ng deretso. May kung ano sa paraan nito ng pagtingin na nagpapakaba sa kanya. Tila kasi tagus tagusan iyon at kayang basahin ang nilalaman ng kanyang isipan.

“Anong masama roon?” wala sa sariling tanong niya.

Pinagsalikop nito ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. “Okay lang naman sana kung hanggang doon lamang iyon kaya lang hindi nila maihiwalay ang nararamdaman nila sa trabaho. Sa huli, sila pa itong gumagawa ng paraan para mapansin ko sila, doing some provocative things para humantong kami sa kama. I don’t like that because I don’t mix business with pleasure. Oh sure I'm a certified man pero hindi ako nakikipagrelasyon sa employee ko.”

Hindi malaman ni Marissa kung papaano sasagot. Maaaring hindi ito aware pero dahil sa sinabi nito, malaking bahagi ng pagkatao nito ang tumatak sa isipan niya.

Kinalma niya ang sarili. “Naiintindihan kita. Pero kung iyon lang naman pala ang dahilan mo, then, ipanatag mo ang kalooban mo sa akin. Hindi ako matutulad sa mga naging assistant mo dahil hindi ako maiinlove sa ‘yo.” Matatag niyang wika. Pero bakit may munting tinig na pilit humihiyaw ng pagtutol sa naging deklarasyon niya?

“Ganyan din ang sinabi nila sa akin.” Balik naman ng binata.

“Eh di, sisantihin mo ako sa unang beses na gumawa ako ng advancement sa ‘yo. Come on, Mister Valencia, hindi lahat ng babae magkakagusto sa ‘yo.” Binigyan niya ito ng naghahamong tingin. “Magkakaiba kami ng mga mata, magkakaiba sa pamantayan ng kaguwapuhan, at magkakaiba ng hinahanap na katangian ng lalaking mamahalin namin. Hire me and rest assured I won’t fall in love with you.”

Umunat ang likod ni Vicente. Pinagsalikop nito ang mga palad at matamang tinitigan siya. “Hindi ko alam kung matutuwa ako o ma-o-offend sa sinabi mo. You really have the guts to tell that on my face.” Gusto niyang mailang sa klase ng titig nito pero hindi siya nag-iwas ng paningin. Sinalubong niya ang mga mata nito para iparating rito na totoo siya sa mga sinabi niya. Pero ang totoo, hindi rin niya alam kung papaano niya nasabi ang mga iyon.

“Dahil alam ko kung ano ang gusto ko,” sagot niya. “Ipanatag mo ang loob mo Mister Valencia dahil hindi ako katulad ng mga babaeng iyon. Kung gusto mo, isama mo pa sa kontrata ang tungkol rito. I won’t fall in love with you.”

“Kaya mong panindigan iyan?” Kung kanina ay kababakasan pa ng pagtanggi ang mukha nito ngayon ay blangko na iyon.

“Yes.” Siguradong sagot niya.

Saglit na nanahimik si Vicente. And then he lightly pouts his lips na tipong may tinitimbang itong bagay bagay sa isipan nito. Napapalatak siya sa kanyang isipan. Bakit tingin niya ay lalong gumuguwapo si Vicente sa bawat minutong lumilipas?

“Kumpleto ka ba sa travelling documents? Say, in Europe?” Maya maya ay tanong nito. Nakadama siya ng tagumpay. Ibig sabihin lamang ng tanong na iyon ay tanggap na siya.

“Kumpleto ako. Actually balak kong magtrabaho sa Europe pero nagbago ang plano ko. Hindi ko naman alam na mapapakinabangan ko pa rin pala ang mga iyon.”

“Then you’re hired,” anito bago iniumang ang palad sa kanya. Tinanggap niya iyon at nakipagkamay rito. Natilihan siya. May kung anong init na tila nagbigkis sa mga palad nila ng binata. Kakaiba ang init na iyon na tila maliit na boltahe ng kuryente na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Hindi rin siya sigurado kung pinisil nga ba ng binata ang palad niya o imahinasyon lamang niya ang bagay na iyon.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero natagpuan nalang niya ang sarili na nakatingin ng deretso sa mga mata nito.

“So okay na—oh!” wika ni Cedrick ng makabalik ito sa silid. Bigla siyang nagbawi ng palad. Si Vicente naman ay balewalang ipinamulsa ang palad nito.

“Tanggap na siya.” Wika ni Vicente sa pinsan.

“Good. Ibabalita ko na kay Kuya Dylan.” Sagot naman ni Cedrick bago siya sinulyapan. The game is on.

PAGKATAPOS ng tatlong araw ay sakay na sila ng eroplano papunta ng Europe. Si Cedrick na ang umasikaso sa ticket niya. Ang manager naman ni Vicente na si Dylan ay susunod roon. Hindi ito nakasabay sa biyahe nila dahil sa conflict sa schedule nito. Pupunta lang ng Europe si Dylan para makipag-usap sa mga producer ni Vicente pagkatapos ay muli na itong babalik ng Pilipinas. Ang alam niya ay nagawan na rin nito ng paraan ang hotel accommodation niya. Dahil dalawang linggo lang sila roon, nagkasundo sila nina Cedrick na hindi na siya magdadala ng baril. Bukod sa mahirap magpasok ng baril sa ibang bansa ay iginarantiya naman ni Vladimir sa mga Valencia ang kakayahan niya. She can provide and she can make simple things as a weapon.

Si Vicente ay tulog. In fairness, nagpaalam naman ito sa kanya na tutulugan umano siya nito dahil wala itong tulog ng nakaraang gabi. Bahagya siyang tumagilid at palihim na pinagmasdan ang binata. Guwapo ito sa salitang guwapo. Matangos ang ilong at prominente ang pangahang mukha na tinubuan na ang mga stubbles. Ang buhok nito ay may kahabaan na lalo pa yatang nagpalakas sa personalidad nito. Kapag ganoong nakapikit ang binata ay aakalain na nagtataglay ito ng maamong mga mata na siyang kabaligtaran dahil may character ang tingin ng binata, tila iyon nang-aakit na hindi mawari. Napansin lang n’ya na ang pagkakaroon ng expressive eyes ang isa sa mga katangian na taglay ng mga Valencia. Napatingin siya sa labi ng binata. His lips were full and sensuous. And she wonders how it feels to have him kiss her.

Ipinilig pilig niya ang ulo. Bakit naman doon humantong ang pag-aanalisa niya sa mga physical attributes ng binata? Mula pa ng una niyang marinig ang binata na umaawit ay tila naging instant fan na rin siya nito. He had a rich, soulful voice. Hindi niya malimutan kung papaano ito mag-perform. Ang bawat letra at nota ng mga kinanta nito ay tila nagmumula sa kaibuturan ng puso nito kaya naman walang kaduda duda na tumatagos rin iyon sa mga nanunood. Pinatunayan nito na marami itong tagahanga hindi dahil guwapo ito kundi dahil may talento talaga ito sa pagkanta.

Umayos siya ng upo at pilit kinakalma ang sarili. Dapat niyang tandaan na naroon siya para bantayan ang binata at siguruhin ang kaligtasan nito sa lahat ng oras.

“Can I get you something to drink Ma’am?” anang stewardess na lumapit sa kanya. Ang aral na ngiti na nakapaskil sa labi nito ay biglang naging totoo ng dumako ang paningin nito sa kay Vicente. Baka nga sinadya pa nito ang paglapit nito dahil sa binata.

“No. Thank you,” aniya rito. Bigla ay parang gusto niyang sumimangot.

“How about you, Sir?” baling nito kay Vicente. Napatingin tuloy sa binata at nakumpirma niya na gising na ito. Natilihan siya. Kagigising lang ba ni Vicente o kanina pa ito gising at pinili lamang na huwag imulat ang mga mata nito?

Umiling ang binata pero nakaguhit sa labi nito ang isang ngiti. “I'm fine, Claire. Thank you.” Lihim na tumaas ang kilay niya. Magkakilala ang dalawa? An old friend or past girlfriend?

Umalis na ang stewardess. Nagsalubong ang paningin nila ng binata. Namayani ang katahimikan. Hindi rin naman niya alam kung papaano magbubukas ng paksa na maaari nilang pag-usapan.

Maya maya pa ay tumayo ang binata. Palihim niya itong sinundan ng tingin. Nakita niya itong nagtungo sa lavatory. Agad din namang nakabalik ang binata. Naglabas ito ng headphone at isinuot iyon bago muling pumikit. Nakagat niya ang labi niya. Bakit ba siya naiilang sa presensiya nito?

“OKAY LANG ba sa ‘yo itong set up natin?” Tanong ni Vicente sa kanya ng makaalis na ang mga representative ng EurInt Entertainment—ang recording company na kumontrata sa binata. Sinalubong sila ng mga ito sa airport at inihatid sa isa sa pinakakilalang hotel sa Paris para sa accommodation nila. Umaga na ng makarating sila ng Paris.

Oh-oh. Considerate, huh? Tila panunukso ng puso niya.

Ang set up na tinutukoy nito ay ang hotel suite na kinaroroonan nila. Magsasama sila sa iisang suite. Gayunpaman, dalawa ang silid niyon. Family suite iyon kaya ganoon.

Tumango siya. “This is more than just fine. Ikaw ang inaalala ko kung okay lang sa ‘yo ang ganito.”

“It’s fine with me. Actually, ‘yong suite sa north wing ang nakareserve sa akin. Bukod sa suite na ito, the next available room ay nasa ikatlong palapag na mula rito. Pero dahil madalas kitang aabalahin kaya hindi practical na nasa ibang palapag ka pa.”

“Walang problema. Dalawa naman ang bedroom.” Ang hindi alam ni Vicente ay planado na rin ang set up nilang iyon. Inayos na iyon ni Cedrick. She will be as close to Vicente as possible. “Aayusin ko na muna ang mga gamit mo.”

“Tsaka na.” Pigil ng binata. Hinawakan pa nito ang braso niya na bahagya niyang ikinagulat. Tila ito man ay nagulat rin sa ginawa. “Nakakapagod ang biyahe sa eroplano kahit nakaupo lang. Magpahinga nalang muna tayo.”

Napatango nalang siya. Pakiramdam niya ay nawala sa ayos ang daloy ng isip niya dahil sa simpleng pagdidikit ng mga balat nila. Salamat nalang at agad din namang binitiwan iyon ng binata. Tinutungo na nga binata ang silid nito ng muli ay tawagin siya nito.

“May kailangan ka ba?”

“None. Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na deretso na akong matutulog. Hindi na ako kakain ng tanghalian. Ikaw puwede kang umorder ng pagkain kahit na anong oras. Just call the room service whenever you needed anything. Don’t worry about the bill, EurInt will shoulder all the expenses. Nasa biyahe na rin daw si Kuya Dylan. May sarili naman siyang unit sa second floor. Pagkatapos ng welcome party ay babalik na uli si Kuya sa Pilipinas so we only have each other here. Kung may kailangan ka don’t hesitate to tell me.”

“Sige.”

“It’s settled then,” anito bago tuluyang binuksan ang kabilang silid at pumasok roon.

Naupo siya sa sofa. She was distracted. Nawawala siya sa focus. At hindi magandang senyales iyon dahil ngayon lamang nangyari ang bagay na iyon sa kanya.

“Focus Marissa, focus!” sita niya sa sarili.Tinungo na niya ang silid niya at nahiga roon. Baka kailangan lang niya ng sapat na pahinga. Pero hindi siya makatulog. Marahil ay namamahay lamang siya. Ipinasya niyang maligo nalang. Pagkaraang makapaligo, ang pag-aayos naman ng mga gamit niya ang inasikaso niya bagama’t kakaunti naman ang mga iyon.

Muli siyang nahiga sa kama. Itinutok niya ang mga mata sa kisame kahit wala naman roon ang kanyang isip.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free