HinovelDownload the book in the application

Chapter 9

Sapphire's Point of View

VIOLET, skinny, scaly, and slimy monsters called lures are everywhere. Hindi ko maiwasang manginig sa takot by just looking at how sharp their nails and teeth were. Ni hindi ko magawang magbiro, dahil maging ang partner in crime kong si Evagne at sumisiksik sa akin.

"Do'n ka nga! Hindi kita mapoprotektahan!" saway ko rito. Ngumuso ito at inirapan ako. Mabuti na lang talaga at bumalik na siya sa dati. Akala ko ay matutulala siya at manginginig. Na-trauma na kasi siya sa mga ogre na iyon. Ang mga halimaw na iyon ang sumira ng kaniyang pamilya.

"Hindi naman ako nag-e-expect na protektahan mo ako, e. Sumisiksik lang ako sa 'yo para in case na may lumitaw na lure sa harap natin, ikaw ang unang makain tapos makakatakbo ako!"

Mabilis na l-um-anding ang kamao ko sa ulo niya. "Walang hiya ka! Ginawa mo pa akong pain!"

"Tumigil na kayong dalawa riyan,"saway sa amin ni Alleyn. "Kailangang maging alerto tayo. Remember, among all of us here, we are the weakest. We are the most exposed to danger since we lack the ability to slay those monsters."

"She's right," segunda naman ni Cristof. "But what bothers me is how did lures found their way here? I mean, they naturally live underwater. At bihira lang sila umaalis sa tubig, dahil nandoon ang naiads which are their primary prey."

"Ngayong sinabi mo 'yan, napaisip na rin ako," sambit ko. "Bakit nga ba?"

"Quit talking weaklings." Biglang lumitaw sa harapan namin si Cassy. "Find some safe place to go. I'll handle these hideous monsters." Aangal pa sana kami nang seryoso niya kaming tiningnan. Inaamin ko, natatakot ako sa aura niya, pero pinipili ko na lang na idaan sa biro at tawa. Ganoon din naman si Evagne. Ewan ko lang kina Cristof at Alleyn. "Go!" sigaw niya. Dali-dali kaming tumakbo palayo sa mga nagkakagulong estudyante.

"Kakaiba talaga ang pamamaraan niya ng pagpaparamdam ng care niya," naiiling na sambit ni Evagne habang napapangiti. "Kakaiba talaga si Fifth Honor."

Tumango lang kami sa sinabi niya. Totoo naman talagang kakaiba kung magpakita ng pakialam si Cassy.

Cassy's Point of View

LOOKING at how these lures attack and devour some of my schoolmates really pisses me off. Gustong-gusto kong gamitin ang buong lakas ko para mapulbos sila, pero pinipigilan ako ng posibilidad na baka madamay ang iilang estudyante. I can't use any scrolls to revive them after all. Napailing na lang ako bago lumitaw ang kulay lilang magic circle sa aking paanan. The aura I produced caught the attention of the lures. Halos lahat sila ay napatingin sa akin. Akmang susugod na sana ako nang lumitaw na naman si Raven sa harapan ko. Threads of light came out from his magic circle and coiled the body of every lure near to him.

Napangisi ako. So, he wants to have some showdown, ey? Pinantayan ko siya bago ko siya nilingon at nginisihan. "Let's see kung sino ang mas maraming mapapatay na lures." Ewan ko ba, pero naiirita talaga ako sa presensya niya. Maybe because naiinsulto ako dahil ang tingin niya sa akin ay isang mahinang nilalang na dapat protektahan?

"Whatever," sagot niya bago sinugod ang mga halimaw.

Napangisi lang ako bago nagsilabasan sa buong paligid ang maliliit na kulay lilang magic circle na gawa ko. Hindi rin naman nagpahuli si Raven at gumawa rin siya ng maraming magic circles. Napansin ko ang paglayo ng mga estudyante habang akay-akay ang mga sugatang katawan ng iilan. Seems like alam na nilang kaya na naming dalawa ito. Nakita ko rin ang instructors namin na ginagabayan ang mga estudyante papunta sa ligtas na lugar. Balak pa sanang atakihin ng ibang lures ang mga estudyante pero hinarangan ko sila.

"Tss. Back off, bullshits." Purple mist started to dominate the whole place. On my hands formed two purple balls surrounded with black lightning. Kaagad ko itong pinakawalan papunta sa mga lure at isang napakalakas na pagsabog ang naganap, dahilan para bahagyang yumanig ang paligid. The whole place was covered with smoke, dust, and purple mist. Rinig ko rin ang tunog ng mga nahuhulog na lupa.

Nang humupa na ang epekto ng pagsabog ay bumungad sa akin ang iilang punong nabuwal at ang malaking crater na dulot ng atake ko. Kalahati rin sa bilang ng mga lure ang nawala.

"Serves you right," bulong ko bago itinaas ang kamay ko sa ere. The small purple magic circle I made produced black threads of lightning. And when they are ready to launch, I moved my hands downward and it started raining black lightning in the whole place.

Mabilis namang kumilos si Raven para salagin ang mga itim na kidlat upang hindi ito tumama sa mga estudyante. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil nakita ko sa kaniyang mukha na nahihirapan siya. Serves him right. Nang matapos ang pag-atake ko ay kaagad siyang lumapit sa akin.

"Watch where you launch your attacks."

Nginisihan ko siya. "Why would I? Wala naman akong pakialam kung matamaan sila."

"You..." mariin niyang sambit. "You should know how to value someone's life."

"Sorry, but I was raised not to," sagot ko. "I don't value life, Raven. I don't."

"Aguilar and Phalion!" tawag sa amin ng head instructor. "Let's go. Let the knights handle this matter."

Tumango lang ako at sumunod na. Wala rin namang saysay kung tututol pa ako. Tutal, nandito na ang knights at sila na ang bahala sa mga lure na iyon. They are the kingdom's strongest force after all. At ilang saglit nga lang ay dumating na sila. Mages wearing metallic armors with golden capes riding a chiore-horse-like creatures with bat-like wings and horns of a lamb. Looking at them, I thought of becoming like one, too. Maybe that is what I will do after collegium.

"I got my eyes on you," bulong ni Raven bago ako nilagpasan. "I won't let you do reckless things. I value life unlike you."

I just shrugged my shoulders and walked towards my classmates, who are vividly discrimanated. Why? Dahil halatang naka-separate sila sa ibang estudyante. There is a clear space between them and the others. And as they saw me, kaagad silang lumapit at pinaulanan ako ng tanong kagaya ng. 'okay ka lang?', 'may masakit ba sa 'yo?', 'may bali ka ba?', at marami pang iba. At sa mga tanong na iyon, wala akong sinagot. Too lazy to speak.

Ibinaling ko ang tingin ko sa iba. And I caught some staring at me with sparkles on their eyes.

"She's really strong, right?"

"Bakit kaya nasa weakest section siya?"

"Panigurado, bukas o sa makalawa ay nasa Ruby na siya."

Tss. Mga klaseng taong ayaw na ayaw ko. Now, they adore me because I am strong? What if, hindi na ako malakas? Will they still adore me? And what are they talking na mapupunta ako sa Ruby? As if papayag ako. Magkakagulo lang kami roon. At ayoko dahil baka maging magkaklase kami ni Raven. I can't stand his presence. Naiirita ako. Parang gusto kong sirain ang buong paligid. At kung aangat man ako, I will drag those weaklings with me. Hindi puwedeng ako lang.

Isa-isa ko silang tiningnan. "Hey, weaklings, simula bukas ay magsisimula na ang pagbabago."

"Anong ibig sabihin mo, Fifth Honor?"

"I will train you. I will help you wield your mana. I can't stand seeing you this week. Ang sakit sa mata. Kaya, as soon as we get home, matulog na kayo. I will wait at the academy's field at 3:00 AM."

"Are you serious, Cassy?" tanong ni Alleyn.

"I'm serious as hell. Remember this, anyone who will come late will get electrified with my black lightning."

DAYS passed so fast. Isang linggo ko nang tinuturuan ang mga mahihina kong kaklase, and so far, natututo na silang palabasin ang kanilang kapangyarihan. Well, except for Alleyn and Cristof. Wala talaga kahit na anong gawin nila. Sapphire is a fire wielder, and she can create spaarks. Yeah, only sparks, while, Evagne is an air midde. He can't use air yet, but time will come that he can finally do, maybe, a week or a month.

"Argh! Ayoko na!" reklamo ni Evagne at humilata sa lupa at sinabunutan ang sarili niya. "Nakakainis. Ni hindi ko magawang gumawa ng airball!"

"Patience is the key of every training, Evagne. Instead of complaining, why don't you observe how well you improved compared to your former self?"sambit ko. "You already spent a week, bakit ngayon ka pa susuko? Pinapatunayan mo lang talaga na mahina ka."

"Hey, Cassy, sobra naman 'ata 'yan," sabat ni Sapphire.

Tiningnan ko siya nang diretso sa mata. "Sobra? Kaya hindi nakikita ng isang tao ang mali niya ay dahil binubulag siya ng mga puri at mga salitang hindi naman totoo. If you really want to learn and get strong, endure all the painful words. Remember this, genuine words hurt hard as hell." Saglit akong tumigil para isa-isa silang ituro. "You, people, I want to tell you that I am not that type of a person that feeds compliments that easy. If you want me to be nice to you, then get strong. I hate weaklings."

"In other words, may pakialam ka sa amin," nakangiting saad ni Alleyn. "You want us to be strong so that we will be able to save ourselves, right? You care for us."

"Tss." Tinalikuran ko sila dahil nandiyan na naman ang mga ngiti sa labi nilang nakakairita. "Isipin n'yo na kung ano ang gusto niyong isipin. This will be the last day that I'll help you. Simula bukas, kayo na ang bahalang humubog sa kapangyarihan ninyo." Hindi ko na sila hinintay na makapagsalita pa. Mabilis akong umalis at bumalik sa dorm ko para maghanda sa klase.

BINABAGTAS ko ang daan papuntang classroom nang biglang may humarang sa aking naka-cloak na babae. Kamuntik ko na siyang atakihin, mabuti na lang ay kaagad niyang ipinakita ang kaniyang mukha.

"Mary."

"Good morming, Miss Aguilar!" bati niya sa akin na may kasabay pang ngiti. "The headmaster wants to see you in his office right now."

"Ano ang kailangan niya?" kunot-noong tanong ko. "I don't remember doing anything bad or against the rules of this academy."

"I don't know. I was just tasked to pick you up," sagot niya at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Let's go!" she added, as a strong force pulled us up, and in an instant ay nasa loob na kami ng office ng headmaster. Kasama ni Hioner ang iba pang miyembro ng Circle of Mages, well except for Gabriel.

Napatingin silang lahat sa kinaroroonan namin ni Mary. Tinanguan lang ng headmaster ang huli, at mabilis itong naglaho sa tabi ko. Now, ako na lang at sila ang nasa silid. I can feel the atmosphere getting heavier as seconds pass by. Matalim nila akong tiningnan na kulang na lang ay atakihin nila ako. Pero sa apat na matatandang ito, si Hioner lang ang nakangiti habang tinitingnan ako.

"Where is Gabriel?" Rasiel, a blue-haired woman and the strongest Midde, asked with authority.

Napangisi ako dahil hindi ako tinablan ng pagiging ma-awtoridad niya. "Why are you asking me, Rasiel Modfort?"

"Tell us, please," suyo namin ni Rasier Modfort, Rasiel's twin brother, and the strongest Wielder.

"Speak up, kid," madiing sambit ni Piora Celves, ang highest-ranked priestess ng buong kaharian. "Magsalita ka kung ayaw mong magkagulo."

Ngumisi ako bago lumitaw sa kinatatayuan ko ang aking magic circle. And with that, Rasiel's blue magic circle, Rasier's silver magic circle, and Piora's white magic circle appeared. Lumawak ang ngisi ko nang maramdaman ko ang lakas ng kanilang mga kapangyarihan. Magagawa kaya nila akong bigyan ng magandang laban? Well, of course! Nagawa nga nilang i-seal ang God of Havoc.

"Calm down," awat ni Hioner. "You are in my office. Break something here and I'll break something from your body in return." With that remarks, the three calmed down, well except for me, kalmado na kasi ako sa simula pa lang. "Miss Aguilar." Tiningnan niya ako sa mata bago ngumisi. "Reveal your identity. Tell us who you really are."

###

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free