Evagne's Point of View
ILANG araw na ang lumipas matapos ng petmalu na labanan---ay hindi pala. Hindi iyon matatawag na labanan dahil hindi man lang naka-atake ang kawawang si Merilla. Ay, sandali, bakit naman ako maaawa sa halimaw na hinayupak na bully na iyon? She deserved it! Naks, nakapag-english din sa wakas. E, kasi, e. Dapat lang talaga sa kaniya iyon, at nang maranasan naman niya ang nararanasan namin sa tuwing binu-bully nila kami. Bakit ko ba siya iniisip? Bahala na nga siya. Magahahan na akong pumasok.
Ngayong araw ay excited ang tiyo niyo na pumasok, hindi dahil sa makikita ko ang crush ko, ha, dahil wala naman akong crush. Mataas ang standards ko, 'no! Excited ako kasi araw ng Biyernes ngayon, meaning lalabas kami ng academy dahil sa subject naming Exploriat. Pupunta kami sa ibang lugar kasama ang iba pang estudyante. Ito ang pinaka-masayang subject sa lahat. Libre gala at field trip.
Nang makarating ako sa room ay nandoon na ang lahat. Kaagad na sumalubong sa akin ang kalog na si Sapphire at nag-apir kaming dalawa. Habang sina Alleyn at Cristof naman ay binati ako ng magandang umaga tapos balik ulit sa pagbabasa ng notes. Habang si fifth honor naman, ayon, as usual, parang may dalaw. Katakot kalabitin baka ma-fatal three-second ala-Merilla attack ako nang wala sa oras.
Heto pa pala, matapos din ng laban na iyon, nakilala ang section namin. Grabe, famous na us! Hindi ko naman sinabing famewhore ako, ha, pero parang ganoon na nga, haha! At heto pa, ang sarap sa feeling na mahalikan sa paa ng mga hampaslupang taga-Ruby-S. Mabuti na lang at hindi ako naglinis ng paa!
Magmula rin ng araw na iyon ay nag-iba ang pakikitungo ng iilang estudyante sa amin---ay hindi pala talaga nag-iiba. Bumabait lang sila kapag kasama namin si Fifth Honor. Grabe, ang saya palang may tagapag-tanggol, 'no? Siya na ang hero ko. Naks naman.
Biglang may lumitaw na hologram sa harapan namin at lumabas ang mukha ni Mary. "Good day, students! Pumunta na kayo sa field ngayon din. Nandoon na ang mga karwaheng sasakyan ninyo."
"Guys, tara na raw!" aya ko sa kanila. "Bilisan natin. Excited na ako!"
"Ako rin!" suporta sa akin ni Sapphire. "Tara na, guys!"
"Huwag kayong masyadong ma-excite. Tandaan ninyo, hindi n'yo binasa ang ibinigay na fact sheets ng instructor natin," saway sa amin ni Tandang Alleyn. "Heto, basahin n'yo 'yan habang bumabiyahe tayo." Iniabot niya sa akin ang fact sheets na hawak niya.
Napanguso ako bago ito tinanggap. "Naman, e. KJ."
"Have mine, too, Sapphire." Iniabot naman ni Cristof ang fact sheets niya kay Sapphire.
At kagaya ko ay ngumuso rin siya bago ito tinanggap. "Pakshet na fact sheets naman, o!" reklamo nito bago naunang lumabas.
"Oo nga!" segunda ko at sumunod na rin.
✂---
SAKAY kami ngayon ng isang karwaheng hila-hila ng argoe. Pupunta kami sa Naian Lake, ang lawa kung saan malimit na makita ang mga magagandang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Hindi kagaya ni Merilla na kalahating-mage kalahating hinayupak.
"Ayoko na! Suko na ako!" reklamo ni Sapphire bago ibinalik kay Cristof ang fact sheets niya. "Hindi kaya ng brain ko 'yan. Mababa lang ang storage capacity nito!"
"Ako rin. Ayoko na," reklamo ko.
"Ano ba kayo? Hindi n'yo ba alam na kailangan nating i-memorize ito dahil nandito ang mga bagay na kailangan nating makuha mamaya pagdating natin sa Naian Lake?" At nagsimula na po si Tandang Alleyn sa pangangaral sa amin. "Guys, bago man lang tayo gr-um-aduate, sana man lang ay maka-move tayo kahit na sa Silver-C Section lang."
Huminga ako nang malalim. Nandito na naman kami sa usaping ito. Ito talaga nakakawala ng pagkamasiyahin ko, e. "Alleyn, kahit na tumalino man tayo nang sobra, hindi pa rin tayo aangat dahil mahina ang mana natin. Ilang beses na 'yang isinaksak sa kokote natin ng ibang estudyante." Tumingin ako sa labas bago ngumiti. "Tanggapin na lang natin ang katotohanan na mahina talaga tayo."
"That's pure bullshit," sabat ni Cassy na ikinabigla naming lahat. "Just because people tell you you're weak, it doesn't mean its true."
"Totoo 'yon, Cassy," sambit ni Sapphire na parang iiyak na.
"No it's not. Everyone starts from being weak," sagot niya bago kami tiningnan isa-isa sa mata. "Mages like us have the ability to absorb the magic particles in the air. That's what makes us special compared to normalises who don't have that ability."
"Anong gusto mong sabihin?" tanong ko.
"You lack proper training. Since you are in the last section, instructors tend to ignore training you," aniya. "What you need to do is to improve your ability to absorb magic particles. And after that, I'll teach you how to weild mana properly."
Hindi ko maintindihan pero bigla na lang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Putangina lang, naiyak na ako nang tuluyan nang umiyak si Sapphire.
"Cassy! Salamat!" ngumangawang sambit nito at halos yakapin na si Cassy.
"Tss. Don't you ever dare think that I care for you. Because if you do, I'll kill you."
Natawa na lang kami sa sinabi niya, dahilan para mainis siya at ituon ang atensyon sa labas habang mahina kaming minumura.
"I really like the way you care for us, Cassy," sambit ni Alleyn bago hinawakan ang kamay niya.
Nabigla naman si Cassy at inilayo ang kamay nito. "I-I d-dont care for you, idiots. Y-You just look pathetic and stupid, and I hate stupid people! And you stupid people, being my classmates, will surely make my life hell, that is why I am getting rid of your stupidity!"
"Sabi mo, e," naiiling at nakangiting sambit ni Cristof.
"Sinabing wala akong pakialam sa inyo!" namumulang sambit niya bago namuo sa palad niya ang maliit na kulay lilang bola na pinapalibutan ng itim na kidlat. "Shut up or I'll hit you with this!"
Nagtawanan lang kami sa inakto niya. Hindi man niya sabihin, nakikita naman namin na napapalapit na siya sa amin. Iba ka talaga, Fifth Honor.
✂---
"ANG ganda!" sabay naming sambit ni Sapphite habang nakatingin sa Naian Lake. Puno ang lawa ng mga kumikinang na lotus na naglalabas ng puting alikabok. Sobrang linaw rin ng tubig, dahilan para makita namin ang mga isdang malayang lumalangoy sa tubig.
"Mamaya na 'yan. Tinatawag na tayo para sa final instruction," sambit ni Alleyn bago ako hinila palayo sa lake. Dinala niya ako papasok sa gubat kung nasaan ang iba pang estudyante.
"Dito!" tawag sa amin ni Cristof.
Nang makalapit kami ay nagsimula nang magsalita ang head instructor namin. Lahat sila ay seryosong nakikinig. Pero wala akong pakialam sa dinadada ng instructor namin. Hindi ko naman iyon naiintidihan.
"Now, form a group of five. Make sure you are in the same section. Pagkatapos ay pumili ng leader at palapitin sa akin at nang maibigay ko ang listahan ng hahanapin n'yo."
Maghahanap pa sana ako ng ibang kagrupo sa section namin, pero naalala ko na lima lang pala talaga kami. Grabe, kami na ang pinaka-solid na section.
"Alleyn, ikaw na ang leader," sambit ni Cristof bago mahinang itinulak ang babae. "'Wag nang magreklamo," dagdag niyo nang aangal pa sana ito.
"Oo na, oo na."
Nang makaalis si Alleyn ay tiningnan ko si Fifth Honor na walang ibang ginawa kundi ang sumimangot habang nakatingin sa mga maiingay na estudyante. Ang sungit at cold talaga nito.
"Fifth Honor!" Nilapitan ko siya at kinawayan, pero napaatras ako nang salubungin niya ako ng matalim na titig. "Scary," pang-aasar ko dahilan para mas tumalim ang titig niya.
"I'm not in the mood, Evagne. Huwag mo akong istorbohin kung ayaw mong masaktan."
Biglang lumapit sa akin si Sapphire at inilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga. "May dalaw 'ata. Asarin natin," bulong niya.
Nagkatinginan kaming dalawa bago ngumisi. Ang galing talaga. Kahit wala kaming mana ay nagagawa naming maintindihan ang isa't-isa. Magkadugtong yata ang mga bituka naming dalawa.
Ako naman ang naglapit ng bibig ko sa kaniyang tainga. "Paano natin siya aasarin?"
Lumayo siya nang bahagya saka ngumisi. "Kulitin natin nang kulitin. Ayaw niya sa maingay, 'di ba?"
"Game."
"Oy, ano 'yang binabalak ninyo?" sita sa amin ni Cristof. "Kilalang-kilala ko kayong dalawa. May naisip na naman kayong kalokohan, 'no?"
"Ang judgemental mo naman," nakangusong sambit ni Sapphire. "Nakakasakit ng feelings."
Napailing na lang si Cristof bago pinuntahan si Alleyn. Good, walang sisita. Nilapitan na namin si Cassy na ngayon ay nakasandal na sa puno at naka-crossarms habang nakapikit ang mata at halos magtagpo na ang kilay.
"Hi, Cassy!" masiglang bati ni Sapphire. "Anong ginagawa mo? May iniisip ka ba, ha? Anong iniisip mo? Pagkain ba?"
Kumunot nang husto ang noo ni Cassy bago nagmulat ng mata at matalim na tiningnan si Sapphire. "Stop it. I'm telling you, it will only bring no good to you."
Nakisali na rin ako. "Bakit, Fifth Honor, ano bang problema mo? May dalaw ka ba? Natatae? Nagugutom? Nauuhaw?"
Namula ang maputla niyang mukha at tumalim nang husto ang kaniyang mga mata. "You..." nanggagalaiti niyang sambit habang tinitingnan kami. "...are pissing the hell out of me." Kasunod ng mga salitang iyon ay ang biglaang paglitaw ng malaking kulay lilang magic circle sa kalangitan. Mahina itong umikot bago nagsilabasan ang mga itim na hibla ng kidlat.
Napalunok ako bago lumapit kay Sapphire. "Mukhang mali na ininis natin siya."
"Mukha nga."
Lahat ng estudyante ay napatingin sa amin, maging ang ilang instructors.
"Stop it, Miss Aguilar!" saway ng head instructor.
✂---
"NASAAN na ba tayo?" tanong ni Sapphire habang inililibot ang tingin sa kagubatan. "Dumidilim na, o!"
"Calm down, Sapphire, we will find our way out," sambit ni Alleyn. "Medyo napalayo lang talaga tayo sa grupo."
"Ito kasing Evagne na ito, e!" turo nito sa akin. "Kung hindi ba naman sinundan ang kulay asul na kunehong iyon, e 'di sana hindi tayo napunta rito!" paninisi nito.
"Aba't! Bakit, alam ko bang magkakaganito?"
"Shut up," saway sa amin ni Cassy na nakatingin pa rin sa likod ng palad niya kung saan naroon ang itim na magic circle na inilagay ng head instructor namin. Panandalian nitong s-in-eal ang kakayahan ni Cassy na i-absorb ang magic particles sa hangin, meaning, hindi siya makakagamit ng mana. "Remember, in a place like this, it is possible for a monster to show up and devour us."
Sa sinabing niyang iyon ay nagdikit kami ni Sapphire. Pumagitna kami kina Cristof at Alleyn.
"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" pagbabaksakali ni Sapphire.
"Am I the type of a person who loves joking?" malamig nitong tugon. "If something dangerous will show up, we have nothing to do but to fight it with our bare hands."
"Huwag mo naman kaming takutin!" angal ko.
"Dapat lang 'yan sa mga pilyong gaya ninyo," sabat ni Alleyn. "Kung hindi n'yo sana inasar si Cassy, hindi sana siya lalagyan ng seal."
"Patay talaga kayo kapag may nagpakita rito. Kayo talaga ang ipapain namin," segunda naman ni Cristof. "Manalangin na lang kayo na sana mahanap na natin ang mga kasama natin."
"Wala namang ganiyanan. Classmates tayo, at dapat mabait tayo sa isa't-isa," untag ko. "Dap-"
"Ssshhhh," putol ni Cassy sa sinasabi ko bago siya pumunta sa harapan namin at iniharang ang kaliwang kamay niya. "Don't make any loud sound."
"Bakit?"
"Don't ask!" pabulong niyang singhal. "I can feel something approaching. And I am telling you, I am having a bad feeling about this."
Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng malalakas at mabibigat na yabag ng paa, na habang tumatagal ay palakas nang palakas at unti-unti ring yumayanig ang lupa.
Dumikit kami ni Sapphire sa isa't-isa. Nanlalamig ang aming mga kamay at bahagyang naninginginig. Hindi ko naman sinasabing takot na kami, ha, pero parang ganoon na nga.
"Ano 'yon?" mahinang tanong ni Cristof na naging alerto na. Lumapit na rin ito kay Cassy. "Do you have any idea?" tanong nito kay Fifth Honor.
Halos magyakapan na kami ni Sapphire nang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw ng isang boses na tila galing pa sa ilalim ng lupa. Tangina, ito na ba ang sinasabi ni Cassy na halimaw?
"I hope I am wrong," sambit ni Alleyn. "But basing from the footsteps and its sound it's an...."
Sabay-sabay kaming nagsigawang apat nang tumumba ang iilang puno ng kahoy at bumungad sa amin ang isang mala-higante sa laking kulay berdeng halimaw na may nanlilisik na pulang mga mata.
"Ogre!"
###