Magsasara na ang klase kaya tambak kami sa mga requirements, clearance, at projects.
Nakakatawa nga isipin na sa lumipas na isang buwan, hindi ko parin nakalimutan yung ginawa ko. Parang nasampal ako ng katotohanan at napamukha ang kahihiyan.
Bata man ako, masasabi kong nagpadalos dalos nga ako. Pero totoo ako sa nararamdaman ko. Matagal ko nang hinahangaan si Zeke. Pero ngayong taon lang ako nagkalakas loob at nagpakita ng motibo sa kanya kahit na, nakikita ko na siya noon sa mga events.
"Tapos na tayo sa last exam! Yung nga projects nalang! At, gagraduate na tayo! Mamimiss ko kayo!" sigaw ni Cindy. Nakaupo kami sa aming mga silya habang natatawa na nakikinig sa kanya.
"Oo nga! Magkakawatak watak na tayo! Sana mag celebrate tayo o yung farewel party!" Segunda ng kaklase kong si Lily.
"May inuman ba? Isang wine ako dito yung low alcohol." si Bruno na kaklase namin.
"Sakin na nga pagkain, magpa cater ba ako?" sabi ng isang babae kong kaklase.
Tinaas ko ang kamay ko, "Guys, come on. I know we can afford all our whims, but , try natin yung cheap na inumin? At yung tinatawag nilang pulutan?"
"Ay alam ko yan!" singit ni Bruno.
"Basta walang magsusumbong ha!"
Nakatry naman ako uminom at hindi na bago ito sakin. Wala si papa ngayon, nasa ibang bansa na naman. Hindi naman iyon magagalit, tsaka, magtitext naman ako sa kanya.
We are all excited para sa aming so call farewell party. Hindi kami masyadong marami. Yung kasali lang ang kausap namin kanina.
Umuwi si Cindy pero susunduin ko siya bago kami pumunta sa bahay nila Lily. Doon namin naplanuhan na uminom kasi, wala ang parents niya. Meron silang munting kubo malapit sa kanilang pool area, hindi ko rin alam kung nagsusumbong ba ang yaya nila.
I wore an nude tube top and skirt. I losely braid my hair. May iilang buhok na nakabuhayhay. Bago ako sumakay sa sasakyan ay' nagtext muna ako kay papa. Ayoko rin naman magsinungaling at alam niya narin naman na nakakainom rin ako noon.
Dad, may celebration kami sa bahay nila Lily ,yung classmate ko. Uuwi rin ako agad pero dad baka makainom ako ha? I love you! Take care!
Kagat labi ko iyong sinend.
Nang nakasakay na ako sa sasakyan ay hindi parin ito nakareply. Tumigil ang driver sa tapat ng mansyon nila Cindy. Hindi nagtagal ay lumabas ito na malapad ang ngisi.
"Pinayagan ako!" tili nito.
Umirap ako.
"Oh, you look mature with your hair."
Nakuha nun ang atensyon ko, "Talaga?"
"Joke!"
Binatukan ko ito at tinaliman ng tingin.
"Oh, kamusta na pala yung suplado mong si Ezek-"
Binusalan ko ng panyo ang bibig niti. "Sshhhhhh! Wag mong ipaalala sakin okay?!"
Bumungisngis ito sa akin.
Pag dating sa mansyon nila Lily, nakita namin agad ang neon lights na kumalat sa pool area nila Lily.
"Party! Party!" Sigaw ni Bruno at gumewang sabay sa lamyos ng tugtog.
"Oh my god Bruno! Baka makita ka ng papa mo mabuking ka!" tawa ko.
"Ano ba itey! Wag nga kayong killjoy!" umirap ito samin.
Humahalakhak kami ni Cindy at lumapit sa mga pagkain na nandoon. Adidas, sisig, lechon manok at iba pa ang naroroon. Kulang nalang kanin mabubusog na kami! Sari saring inumin rin ang nasa mesa. May baso, pitsel at shotglass. Talagang prepare sila!
Nasa walo kami, ako, si Cindy, Bruno, Lily, Issa,Koby na classmate kong lalaki, Owen na lalaki rin, at Mila.
Masaya kaming nag inuman at nagtruth or dare. Bawat tanong kung hindi magagawa ko masasagot ay iinumin ang shots at dahil bigo ako at kaya ko namang sagutin...hindi ko ginawa o sinagot ininom ko nalang yung inumin!
"Oy Catalena, dahan dahan. Ang swapang mo sa inumin!" si Owen.
"Hindi naman ako lasing!"
"Oy, maganda sana kung gumala tayo no? Nine thirty palang naman ng gabi. I'm sure Bruno is'nt drunk yet? Dala ko ang kotse ni daddy...di kasi nila alam kasi nasa Kuwait sila. Punta tayong Tagaytay?! Come on!" Si Mila yung sosyal sa aming lahat.
"Tagaytay?!" chorus naming lahat.
"Masaya yan! Sige ako na magdrive!"
Game ako, habang si Cindy hinihila ang dress ko.
"Baka anong mangyari satin Cat!"
"Wala kabang tiwala sakin Cinds?" Si Bruno na narinig ang sinabi ni Cindy.
Umirap ito, "Ayusin mo magdrive!"
"Oo naman no!" malditang sagot ni Bruno.
We are all excited,lalo na nang pumasok sa magarang sasakyan nila Mila. Humawi rin ang bubong nito na ikinahiyaw namin. Nagsisikan na kami sa loob.
"Kapit mga guys!" sigaw ni Bruno at pinaandar ang sasakyan.
"Umayos ka Bruno! Gagawin kitang aso!" sabi ko na ikinatawa ng lahat. Nakatanggap naman ako ng pagmumura mula kay Bruno.
Mahabang daan pa bago makalabas sa sakop na lupa nila Lily. Nang nasa highway na umarangkada na si Bruno sa bilis!
"Woooah!" tumayo ako at dinama ang hampas ng hangin sa aking buhok.
Sinunod ako ng iba at nagtawanan kami.
"Oy, upo na kayo!" sabi ni Cindy na naunang naupo. Pagkaupo ko palang ay halos matapon ako sa unahan ng biglang pumreno si Bruno.
Halos sumpain siya naming lahat.
"Hala! Nakabangga tayo ng sasakyan!"
Halos lahat kami namutla at nagkatinginan.
"Fuck! What?" mura ko at naunang lumabas.
When I stormed out, I saw the unexpected car.And the unexpected person.
Halos matuod ako sa kinatatayuan ko ng lumabas doon si Ezekiel. With his white polo fold until his elbow. Nakabukas ang dalawang butones nun. Nakakunot na ang supladong kilay at matalim ang tingin sakin.
"Patay ka.." I heard Cindy's voice.
His jaw clenched.
"Hala ang gwapo. Ang hot. Sino yan?!" si Bruno na gusto ko nang sabunutan.
Nagtutulakan na sila sa likod ko. Humugot ng cellphone si Zeke.
"I got her tito. Yes. I will." I heard him at kinabahan ako ng makuha ang sinabi nito. Fuck si papa. Tadtad na pala ako ng calls and text mula pa kanina.
Parang nahuli kami at kinukulong nang masdan namin na hinihila ang sasakyan nila Mila na wasak ang ilaw. Ganon rin ang sasakyan ni Ezekiel na Aston Martin, wasak rin ang unahan nito at ang ilaw.
Tahimik lang ako lalo na nang may humintong SUV at..
"All of you, get in." Zeke demanded. Parang tuta kaming lahat na pumasok at ako ang pinakahuli.
"My driver will drive you home.." Sabi ni Zeke na nakaigting ang bagang na nakatingin sa akin. Yumuko nalang ako at papasok na sana nang....bigkang sinara na nito ang pintuan. Nasa loob na ang mga kaklase ko at ako at siya nalang dito!
Mas lalo akong kinabahan dagdagan pa ng lamig ng hangin.
"Uh, uuwi nako.." mahinang sabi ko. Hiyang hiya sa nangyari.
May kumuhang tauhan sa kanyang sirang sasakyan at may huminto ring isang bagong Honda Civic. He' looks so intimidating kahit na paglapit niya doon at pag bukas ng pinto para sakin.
Sinenyas niya lang na pumasok ako. Tumalima agad ako. Napapikit pa nang maamoy ko ang panlalaki na amoy niya. God! Namiss ko siya!
Akala ko, hahaba ang tahimik na paligid pero tumalbog ang puso ko nang magsimula siyang magsalita. Malapit na kami sa mansyon.
"Yan ba kadalasan na ginagawa niyo?" seryosong tanong niya.
Umiling ako, "Ngayon lang, kasi patapos na ang klase." mahinang sagot ko.
"Uminom ka?" tanong nito.
Gusto kong sapuin ang bibig ko pero ayokong magpahalata. Ayokong sagutin. What for? Kahit naman sagutin ko, ayaw niya parin sakin.
"Kung inutusan ka ni papa na...hanapin ako..pasensya na. Sa susunod, sasabihan ko si papa na huwag ka nang istorbohin. Kaya ko naman ang sarili ko.."
Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hindi rin siya sumagot.
"Y-Yes, nakainom ako. Hindi mo naman obligasyon na....ganito, yung hanapin mo pako. Alam kong sagabal lang ito sa trabaho mo. Nakakahiya na.."
Napalunok ako ng huminto na kami sa labas ng mansyon. Our mansyon looks so lonely with it's dimmed lights. Parang pagpumasok ako, lulungkot rin ako. Nakaramdam ako ng lungkot. My tears flow down.
I saw him staring at me. I wiped my tears.
"P-Pasensya na nung kailan. H-Hindi na yun mauulit. Nadala lang ako sa sobrang pagka g-gusto ko saiyo..pero titigil nako."
Halos luluwa na ang puso ko sa sobrang kaba! Hindi narin magkamayaw ang luha ko.
"A-Ang swerte naman ni Aurora na iyon...kasi gusto mo siya.." pagak akong tumawa at umiyak ulit. I cried silently.
Nang tiningnan ko siya. Nasa harapan na ang tingin niya. His stern and arrogant face makes me want him more. Fuck.
"Titigil nako...pero sana..kahit ngayon lang. G-Gusto kitang halikan....kahit...one minute lang.." nahihiya kong sabi.
I saw his adams apple moved and his brows furrowed. Parang may gusto siyang sabihin pero nagpipigil.
Nang lumipas ang ilang segundo na wala siyang sinabi. Nakuha ko iyong hudyat para halikan siya. Tumingkayad ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niyang malamig at madilim. His serious face was dark. Nang malapit na ang labi ko, nakita kong bumaba ang mata nito sa aking labi.
Lumapat nang tuluyan ang aming labi. Hindi ako marunong. Hindi kumilos ang labi ko. Nakadikit lang iyon. He moved just to put a distance and...
"Move your lips.." he whispered.
Kinagat ko ang labi ko. At sinubukan pa. Halos init na init ang mukha ko at nangangatal ang kamay kong kumapit sa balikat niya para hindi ako mabuwal!
When our lips met again, I almost faint when he kissed me back. His lips maneuvered out kiss. Nakakahilo at nakakakilabot ang halik niyang ngayon ko lang naramdaman na may gamit na dila.
Our kiss last almost an hour! Halos kumapal ang labi ko!
Pulang pula ako ng matapos ang halik. I saw him licked his lips and bit it. Shit! Ginawa ko rin yun sa labi ko!
"Pumasok kana.." malamig na sabi nito. Nakapikit ang mata at nakahilig ang batok sa backrest. Tila may kung anong iniisip.
Tumango ako, nang makaapak sa daan.
"Zeke...hindi ako titigil! Gusto parin kita!" mabilis na sabi ko at mabilis sinara ang pinto bago tumakbo papasok sa mansyon.
Pagkapasok sa kwarto ay halos sabunutan ko ang sarili ko.
"Aahhhh!" tili ko. "Gumana ang drama ko! My god!"
Dumaan ang gabing iyon hindi ako nakatulog.