Ang aking mahabang buhok ay naging makinang at kulot. Ang aking kutis ay mas naging matingkad pa. Ang aking kurba ay mas humubog pa. Ang aking taas ay hindi ko inaasahan. Ito ay isa sa mga nagbago sakin. Lumipas ang anim na taon maraming nagbago.
Ang aming bahay ay pinabago ko. Ang aming bakuran ay puno na nang iba't-ibang kulay at uri ng bulaklak. Ang bakanteng lupa sa likuran ay pinalagyan ko ng swimming pool at dalawang sun loungers. Ang aming bahay ay mas naging matibay na kongkreto. Kulay puti ang pintura sa ibaba at makinis na tiles ang sahig. ANg ikalawang palapag ay pinalagyan ko ng veranda at ang kalahati ay purong babasaging dingding,natatakpan lamang ng makapal na kurtina.
Hindi man kasing mahal at ganda tulad ng iba, proud parin ako dahil sa sariling sikap ko ito nanggaling.
Ang pera sa bank account ko ay mas dumabong at dumami. Sa tingin ko, hindi ko pa muna iyon magagalaw. I am earning now, at sakto lang sa pangangailangan ko.
“It's a done deal then?, Miss Sandoval?" naglahad ng kamay sakin si Mr. Imago.
Ngumisi ako sa kanya at tinanggap ang nakalahad na kamay. "Yes sir! Thank you so much for trusting my work po."
"Your paintings is good Ms. Sandoval, it's beautiful like you..."
I chuckled. "Oh! Thanks!"
Malapad ang ngiti ko dahil may isa na naman akong obra na naipabili. Mr. Imago ay isa sa mga regular costumer ko ng aking mga paintings. Bukod sa kanya, meron ring mga may ari ng hotels, resorts at mga bagong lipat na bahay.
May sarili akong studio na pinagawa ko sa ikalawang palapag ng aming bahay. Hindi naman iyon kalakihan pero doon ko nilalagak ang mga paintings ko. Doon ko nilagay ang painting ko na "mga anghel" ang "the moon and ocean" at iba pa na may kahulugan para sakin. May mga gustong bumili ng mga iyon sa malalaking halaga pero 'di ko pinatulan.
I miss papa and kuya so much. It's been six years...babalik pa kaya siya? Aasa pa ba ako? Hindi naako magtataka kung babalik sila dito mula Amerika na may sarili na siyang pamilya.
I am twenty three and kuya Santi is Twenty nine years old now, imposibleng wala pa siyang asawa ngayon!
Kumirot ang puso ko at binalik ang mga litrato sa gilid ng kama. I am wearing my silk robe while drinking a brown liquor in my wine flute. Dahan dahan akong lumapit sa vanity mirror at tiningnan ang sarili ko.
Ano na kaya ang mukha ni kuya ngayon? Seryoso at arogante parin ba? Ano na kaya ang mga nagbago?
Huminga ako ng malalim ng mahulog sa malalim na pag iisip. Nang matapos ko ang speech ko noon sa Unibersidad. Parang hangin na mabilis kumalat iyon sa social media. My face and my speech was anywhere in socmed. Maraming nagbigay pugay sakin..naimbitahan ako sa isang morning show pero tinanggihan ko. Maraming network ang nag imbita pero lahat...maayos kong tinanggihan.
Ang aming pamilya ay nanatiling tikom ang bibig. Hindi ako nakarinig ng paninisi kundi puro pag alala lamang. Minsan ko narin nakasalamuha ang mga pinsan ko dahil may sari-sariling buhay narin ang mga ito.
Naistorbo ang aking pag-iisip ng tumunog ang aking cellphone. I fish and answer the call.
"Hello Viv?" maingay sa kabilang linya. Siguro, nasa club na naman ang aking pinsan.
"Ano na Ara? Mag mamadre kana ba talaga? Tatandang dalaga? Lumabas ka naman diyan sa lungga mo.."
Narinig ko pa itong humagikhik.
I chuckled. "Twenty three palang ako Vivoree, matandang dalaga agad?"
"What ever. Nandito na kami,anu' na? Samahan mo'ko! Di' ko feel itong kasama ko e."
"Fine!,pero saglit lang ako. Hindi ako puwedeng magpagabi. May photoshoot pa'ko bukas."
"Yes! Dating table parin ah..bye!"
Nagsuot ako ng gray midriff tube top pares nito ang gray rin na palda. Bahagyang nakasilip ang parte ng aking balat ng aking tiyan. Hindi gaanong kataasan ang aking heels. Ang aking buhok ay hinayaan kong nakabuhayhay.
Marunong na akong magdrive sa tulong ni Paula. Marami silang naitulong sakin ni Miss Marie Garcia. Nag resigned si Miss Garcia noon sa kanyang pagiging guro at may ibang kina aabalahan na ngayon.
Naranasan ko na rin rumampa sa International fashion show. Minsan narin akong naging fantasy bra ng Victorias Secret. And you can't believe it, ang fantasy bra ay nagkakahalaga ng thirty million! Malaking parangal para sakin ang maisuot iyon. Hindi naman ako miyembro nun pero nagkaroon ako ng pagkakataon na maimbitahan at maisuot iyon. It's such a pleasure for me. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang invitations para sakin.
Iba sa ibang club, ang mga naririto ay may class.Nasanay na akong magclub simula ng pasukan ko ang mundo ng modelling. Nasanay narin akong magsuot ng two piece.
Malayo palang nakikita ko na ang dalawang tao na nasa hexagon na sofa. Binabati ako ng mga taong hindi ko mamukhaan, pero ayokong maging rude kaya ngumingiti ako sa kanila sabag kaway.
"Head turner ka talaga Ara!" Si Vivoree habang may hawak na flute ng wine. Kulay pink iyon na may cherry sa ibabaw.
"Hello.." Bati ni Saymon, katabi ni Vivoree. Nakaakbay ito sa pinsan ko. Kaya pala ayaw dito ni Vivoree. Nabakuran na naman pala nitong si Saymon.
Sa lumipas na taon, on and off ang kanilang relasyon. Normal na sakin ang makita silang naghahalikan. Minsan tinutukso ako ni Vivoree na maghanap na raw at baka maging matandang dalaga. Alam niya rin ang tungkol sa amin ni kuya, ang rason kung bakit nandito siya sa Manila dahil gusto niya akong samahan.
Nagserve agad ang waiter ng wine. Pinili ko doon ang bloody mary. Alam na alam na ng waiter kung ano ang gusto ko.
"Come on Ara. Ang daming guwapo oh. Ang daming artista at singer na mga lalaki diyan. Di'ba binasted mo yang si Paulo Avelino?"
Ngumiwi ako sa tanong niya. "Viv, I'm not ready for a relationship."
Sa mga nangyari sakin, natatakot na akong magmahal ulit. Natatakot ako kasi alam kong...siya parin.
"E’ yung manliligaw mo na amerikano? Yung modelo rin."
"Axel is a great man Viv, masasaktan lang siya." pinaikot ikot ko ang inumin gamit ang aking kamay.
Huminga ng malalim si Vivoree. “Si Kuya Santi parin talaga Ara?" Seryosong tanong nito.
Napakagat labi ako. Nagkatitigan kami ni Vivoree. Si Saymon naman ay nasa tabi ‘nya nakikinig lang at hinahalikan ang balikat ng pinsan ko.
Naputol ang titigan namin ni Vivoree ng may grupong pumasok. Halos mabali ang leeg ng lahat ng sunod sunod na pumasok ang mga lalaking nakasuit. Kilala ko ang iba at ang alam ko mga architects iyon..literal na bachelor ng bansa. Naka suit sila lahat at may kasamahang mga babaeng may sinasabi sa buhay. Ang pinakahuli ang naiba..wearing a doctors gown, his face was stoic and arogant. Hinubad nito ang doctors gown at naka puting polo ito panloob.
Tinupi niya iyon hanggang siko. Bigla ring may kumapit sa siko nito pagkatapos. Isang babaeng babaeng matangkad,maganda at makinis.
Nagbulong bulongan ang mga tao at nakipagkamayan ang iba..tila kakilala nila.
"You're here Doc Sandoval.."
"Obviously.." his voice was serious.
Parang nag slowmotion ang lahat. Dumikit lamang ang mata ko kay kuya Santi na malayong malayo na ang narating. Maraming nagbago sa pisikal na anyo nito. Lalo na ang mga kaibigan nito ay mayayaman. Parang ang layo layo na ng pinagbago niya.
"Fuck..si Kuya Santi!" singhap ni Vivoree ng makabawi.
Gusto ko ‘syang pigilan dahil hindi pako handa! Ni hindi ko alam na nandito na siya sa bansa.
"Viv..." pagsusumamo ko.
"What?! I miss him!"
Bago pa ako makaprotesta hinila na ako patayo ni Vivoree.
"Kuya Santi!!" sigaw nito at nilapitan si kuya na nakakunot ang noo.
Hinawi ni Vivoree ang babae na katabi ni kuya at niyakap ito.
Kuya chuckled at niyakap si Vivoree. Kahit ang pag tawa nito ay lalaking lalaki na. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nito na maugat. Humalay bigla ang aking pag-iisip.
Hindi ko marinig ang usapan nila nang bigla akong ituro ni Viv. Pate mga kaibigan niya ay napatingin sa akin. Habang ang mga kasama nilang mga babae ay hindi masyadong friendly. Nakasimangot na ang katabi ni kuya sa upuan. Pakiramdam ko...halos uminit ang pisngi ko hanggang batok.
Pakiramdam ko ay nasa harap ako ng mga kaklase ko sa isang classroom. Nakatingin silang lahat sakin.
"Kasama ko si Ara .. kuya.." ngumisi si Vivoree sakin.
Napalunok naman ako ng seryoso akong tinignan ni kuya. His eyes traced my body languidly. Nang tumama ang aming mga tingin ay napalunok na ako at halos mawalan ako ng balanse. Dalawang bloody mary lang ang nainom ko pero natumba na ako sa isang hagod ng tingin lang ni kuya!
May sumambot sa akin na kasamahan lang rin nila. Ang tanga ko. Nawalan ako ng poise!
"Oh, I think she's drunk kuya.." Sumbong ni Vivoree. Halos nilalaglag na ako.
Tumalim ang tingin ni kuya sakin lalo na sa lalaking umaalay sakin. Tinaas nito ang kamay na tika sumusuko sa isang tingin lang ni kuya.
"H-Hindi n-naman-"
"Umuwi kana Ara, baka mag floor show ka na naman dito.." Pamamahiya sakin ni Vivoree at halos sabunutan ko na siya! Anong mga pinagsasabi niya?!
Gusto ko nang sumabog sa kaba!
Umiling ako..
"Hindi ka rin makakadrive dahil lasing ka..ako na bahala sa car mo kasama ko naman si Saymon." Dagdag nito. Nangunot naman ang noo ni kuya at tinapunan ako ng tingin.
Umiinit na talaga ang batok ko. Gusto ko nang ma highblood.
Nakita kong hinagod ng babae ang braso ni kuya at may binulong dito. Tila pinipigilan si kuya.
Nagulat ako sa biglaang pag tayo ni kuya.
"I'm done tonight.." Inayos nito ang doctors gown na nakasabit sa braso.
Nagprotesta ang ibang babae pero wala ring napala. Ang salita ni kuya ay tapos at pinal na.
Pumulupot sa baywang ko ang kanyang braso at naamoy ko ulit ang kanyang pamilyar na amoy. Nothings change...siya parin ang kuya ko.
Halos maluha ako ng makaramdam ng guwang at kirot sa aking puso. Halos lutang ako ng palabas kami ng club. Ang tanging nasa isip ko ay ang kanyang haplos saking baywang at ang init ng katawan nito sa aking gilid.
Namilog ang mata ko ng tumunog ang Benz nito. Hindi na ako magtataka kung ganito narin ang kanyang sasakyan. Hindi na yung kalawanging sasakyan o yung wigo niya.
Naramdaman kong hindi siya kumikilos sa aking likuran kaya nangangatal ang kamay kong bubuksan sana ang pintuan para makapasok sa kanyang sasakyan.Hindi ko na kasi alam ang gagawin lalo na't nasa tabi ko siya. Matapos ang napakahabang taon hindi ako prepared na magkita kami! Marahas lang na nagkukumahog ang puso ko tila nakita na ulit ang amo nito! Fuck.
Halos mapamura nalang ako saking isipan ng hindi ko mabuksan iyon. Isang tili ang aking napakawalan ng marahas niya akong hilahin sa braso at ipinid sa mamahalin niyang kotse.
Umaawang ang labi nito na hinahagod ng tingin ang aking kabuuan.
"K-Kuya..." Naluluha ang aking mata.
Umigting ang panga nito ng makita ang singsing sa aking daliri.
Isang tili ulit ang aking napakawalan ng hampasin nito ang bubong ng kotse niya.
"Fuck!" he cursed under his breath and look at me dangerously.