HinovelDownload the book in the application

Chapter 7 Nagkahalikan

                         

                          

        Fiesta sa amin ngayon. Naririnig ko mula dito ang ingay ng sound system. Kagabi ang ingay-ingay ng mga kakilala ni lola dito. Nag-aasikaso sila ng mga ihahandang pagkain.

   Maagang nagising si kuya Santi. Tumulong ito sa pagkatay ng baboy para sa handaan. Eto ako ngayon at tumutulong sa mga katulong ni lola sa paghanda. Karamihan sa mga tumutulong ay kasing edad ni lola o di kaya'y kasing edad ni mama.

  "Ara 'yong kapeng barako ang itimpla mo ha? huwag yang kopiko black. Mas gusto nila dito ang orig."

"Opo lola!" Nasa anim na tasa ang tinimplahan ko ng kape. Iyong iba ay nauna nang ibigay nila Lara at Kathlyn.

Sa labas ng bahay nakikita kong may malaking kawali. Nagluluto sila ng menudo. Sa kabila naman ay malaking kawali rin at may lamang palabok.

  Pawis na pawis ako na nilapag ang mga kape sa mesa. Nasa lilim iyon ng puno.

Dumapo agad ang tingin ko kay kuya Santi. Pawisan ito at nakahubad-baro. Nagdidisposito ito ng malaking kahoy sa nilulutong menudo.

"Nandito na po ang kape ninyo!" Tawag pansin ko sa kanila at ngumiti. Agaran ang paglapit ng mga gustong magkape.

Umupo ako sa mesa at kumuha ng biscuit. Naramdaman ko ang pag galaw  ng upuan sa harap ko. Si kuya Santi pala kumuha ng kape.

"Kuya diba bawal ka sa kape?"

Nangunot ang noo nito at sumimsim sa tasa ng kape.

"Sino nagsabi?"

"Si mama kasi sumasakit 'raw yong batok mo.."

Ngumisi ito at dinilaan ang labi. Nakita kong hinabol ng dila nito ang natapon na kape sa gilid ng labi.

"Parang kape ka... kahit bawal....ang sarap."

Tila nalaglag 'yong puso ko sa sahig. Ang tibok ng puso ko ay rinig na rinig ko talaga!

Napakurap-kurap ako at iniwas ang tingin. Nabingi yata ako...

Hindi ko nakayanan...unti unti akong tumayo. "Ah, may aasikasuhin pala ako sa loob k-kuya.."

Kahit sa malayo rinig ko ang halakhak niya tila nang-uuyam sa aking tainga.

  Winaksi ko sa isipan 'yong mga sinabi ni kuya. Ganon talaga siya mula noon. Mahilig siyang bumanat nang pasimple.

  Palagi ko siyang nakikitang nagvivideo call kay ate Anna. Isang buwan lang naman kami dito kailangan ko narin mag enrol kasi.

  "Ara!" Tinawag ako ni Lara.

"Oh, bakit?"

  "Nakausap ko si Lindsay kahapon. Hiningi 'yong number ni kuya Santi. Naku, tiyak akong magpapapansin iyon kay kuya sa diskohan mamaya."

Umiling-iling ako at tumawa. Marami palang nakakakilala dito kay Kuya. Sikat dito si kuya lalo na't sumasali siya sa liga dito noon.

"May girlfriend na si kuya oy!"

"Maganda si Lindsay ,Ara. Alam mo..sa Manila nag-aaral iyon."

"Kayo talaga! Hayaan niyo na si kuya. Yakang yaka na niya ang mga ganyan." Labas ilong yata ang pagkakasabi ko.

  Alas onse na. Tradisyon na dito sa kanila ang pagdayo ng mga katig-barangay at kumain. Halos mapuno ang bahay ni lola. Kahit sa labas ang daming tao!

  "Ara! Punta tayo mamaya sa diskohan ha? Sama natin si kuya Santi. Kasi di papayag si mama kapag hindi natin kasama si kuya."

  Ngumiti ako at tumango kay Kathlyn. "Oo ba!"

  Naglagay ako ng isang yahong nang menudo at adobong baboy sa mahabang mesa sa labas ng bahay. Napaangat ang tingin ko nang may grupo ng lalaki na pumasok sa gate ni lola.

  Nakita ko ang pamilyar na mukha ni Lando. Wala parin itong pinagbago. Maamo parin ang mukha at guwapo.

"Ay! Si kuya Lando ,Ara!" Si Lara at nilapag ang mga baso.

"Kayo talaga!"

"Oy kayong mga bata kayo. Marinig kayo ni Lior mamaya pagalitan kayo." Saway ni lola Lourdes na nasa likod pala namin.

  "Lola naman! Ay lola, pupunta kaming diskohan mamaya lola ha? Sasama namin si kuya Santi."

"Oh hala magsilakad kayo mamaya! Pero huwag maglalapit sa mga lalaki doon ha? alam niyo namang istrikto si kuya Santi ninyo.."

"Makakaasa lola!"

  Tumawa nalang ako sa ingay ng dalawa kong pinsan.

  Napaangat ang tingin ko at nakitang nakangiti sa akin si  Lando. Nginitian ko siya pabalik.

  Kinuha ko ang mga huhugasang pinggan sa mesa para sana mapalitan ng malinis.

"Ako na diyan Ara, pumasok kana sa kuwarto mo.." Si kuya Santi biglang sumulpot sa aking likod.

  "H-huh? P-pero-" hinawakan niya pa ang aking baywang.

"Sige na..pasok na. Ako na tutulong kay lola.."

  Sumuko nalang ako at hinyaan siya. Hinintay ko nalang gumabi dahil pupunta kaming diskohan.

"Lola, huwag na yan. Masyadong mahaba ang tabas sa likod."

  Si lola naghahalungkat ng kanyang lumang damit at pinapasuot kay Lara at Kathlyn. Nasa kama lamang ako at humahagikhik.

  Mga sinauna pa kasi 'yong mga damit ni lola.

  Napakamot si Lara sa ulo niya. "Lola, kami nalang po maghanap. Stress kana po oh! Tsaka pagod kana bahala ka dadami lalo ang puting buhok mo."

  "Naku, binobola niyo pa ako e puro puti na ang buhok ko. Kurutin ko kayo sa singit e."

  Umalis si lola at hinayaan kaming mag ayos. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok. Nilagyan korin ang dalawa kong pinsan ng liptint sa labi. Naka bestida akong kulay mustard at ekis sa likod. Pinaresan ko iyong ng flat sandals.

   Biglang lumabas si kuya Santi ng banyo. Basa pa ang buhok at nakaputing t shirt at sweat shorts lang. Effortless talaga.

  Nakikita ko yong sariling kurba ng mata at tangos ng ilong ko sa mukha niya. 'Sabi nila si kuya suplado raw ang aura habang ako ay may pagka maldita raw kasi sa kapal ng aming kilay at pilik mata.

  Ininspeksyon ni kuya ang aming damit huli niyang tiningnan 'yong ekis sa likod ko.

"Baka lamigin ka niyan Ara.."

Umiling agad ako at nagpisik ng perfume sa leeg. Nakita ko siyang sinuot ang relos niya.

  "Hindi kuya, eto yong sinuot ko noon pag gala natin di'ba?"

  "Huling suot mo nayan. Bilisan niyo at uuwi tayo bago mag alas nuebe."

  Napasimangot ako kasi ang suplado ng boses niya.

   Sa diskohan ang dami nang tao. Sari saring makukulay na ilaw ang nagdagdag sa pagka wild ng mga sumasayaw sa gitna. Sa gilid nang sayawan ay mga nakahilerang tindahan.

  May mga inuman at marami ang nag-iinoman doon at kumakain.

  "Santi!" May biglang tumawag kay kuya at napalingon kami doon. Kaibigan pala ni kuya. Kasamahan niya noon sa liga. Si kuya JC.

 

  Nayakap ko nalang ang sarili kasi malamig na. Walang bubong yong diskohan nila. Tanging bakod lamang talaga.

  Nagpatianod kami ng walang nagawa si kuya nang hilahin siya ng mga ka barkada niya dito.

Pinakilala siya sa mga babaeng nandoon. Todo ngiti ang mga iyon at hindi matanggal ang tingin kay kuya.

"Kasama mo pala si Ara?"

  Tanong nang isa sa kanila at nakitang si Lando iyon.

  "Oo.." Walang ganang sagot ni kuya. Pinaupo kaming tatlo sa tabi ni kuya. Kaharap namin ang ibang kasamahan nila dito.

  Binigyan kami nila ng coke at nova. Habang ang dalawa kong pinsan ay umiindayog na ang ulo at sumasabay sa tugtog.

  Nakita kong nilagok ni kuya ang isang beer. Nakita ko ring na ka'y kuya ang tingin ng mga babae at nagbubulong bulongan.

Bigla silang naghiyawan at nakita kong tinutulak nila si Lindsay kay kuya. Halos sumalampak sa dibdib ni kuya si Lindsay.

"Ano ba! Magsitigil nga kayo!"

  Napainom nalang ako sa coke nang marinig ang boses ni Lindsay.

  Wala akong narinig mula pa kay kuya.

  "Naku ayan na si Lindsay! Nagsisimula na! Jusko."

"Hindi naman maganda e.. Halos lahat ng lalaki dito pinapatulan niyan.."

Siniko ko nalang sila Lara at Kathlyn para tumigil. Nag-iinit na ang mata ko dahil sa antok.

"Gusto mo nang umuwi?" Nalanghap ko ang amoy alak na hininga ni kuya.

"Hindi pa naman kuya.."

Biglang naging sweet iyong tugtog. Biglang naghilahan ang mga lalaki ng mga babae. Halos mapairap ako ng hilahin ni Lindsay ni kuya. Umiling si kuya pero nag cheer na ang ibang kasamahan nila dito.

"Sasayaw na yan!"

"Pagbigyan mo na Santi! Minsan kalang dito e."

  Mabilis ang pangyayari. Nakita ko nalang ang sariling nag-aantay kung nasaan na sila ni kuya kasi ang tagal.

"Ang tagal naman ni kuya Santi."

"Ara..puwede ba kitang masayaw?" Bigla akong niyaya ni Lando. Mukhang nakainom narin ito dahil namumula ang mata.

"Hinihintay ko kasi si kuya, Lando."

Ngumisi ito. "Kapag si Lindsay nagyaya sa iba na ang punta niyan."

  Nangunot ang noo ko hindi ko maintindihan. Tinanggihan ko parin ito at tumayo. Napagpasyahan kong hanapin si kuya. Iniwan ko si Lara at Kathlyn dahil nandoon naman ang ka klase nila noon.

  Siniksik ko ang sarili sa dagat na taong nagsasayawan.

"Ara!" Napalingon ako at nakitang si Lando ito.

"Bakit?"

"Sayaw na tayo kahit sandali lang.."

Umiling ako at nagpatuloy sa paghanap kay kuya.

"Ara! Sige na oh.."

"Ayoko talaga Lando. Pasensya-"

Napatigil ako nang hilahin ako nito at hinawakan sa baywang. Sinimulan ako nitong isayaw pero tinulak ko ito at sinamaan ng tingin. Tila may tama na ito ng alak.

"Ano ba Lando! Hinahanap ko si kuya-"

Hinila ulit ako nito. "Ara sandali lang naman.."

"Lasing ka Lando-" Napatili na ako nang may tumulak kay Lando.

  "Kung ayaw huwag pilitin.." Sabi ni kuya habang nasa likod ako nito.

  "P-Pasensya Santi. Sandali lang naman.."

  "Huwag ang kapatid ko Lando."

  Hindi na nakasagot si Lando nang hilahin na ako ni kuya.

  "K-Kuya, si Lara at Kathlyn.."

  Hindi ito sumagot at patuloy lang sa paghila sa akin pauwi.

  "Kuya-"

"Pauwi na sila, bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Sikmat nito sa akin at humigpit ang hawak sa aking pulso.

  Padarag nitong binuksan ang gate ni lola. Tahimik na ang bahay at mukhang tulog na si lola.

  "Ikaw ang unang nawala kuya. Hinanap lang kita.." Paliwanag ko dito.

  "Diba sabi ko huwag aalis? Bakit kapa kasi umalis? Diba sabi ko iwasan mo si Lando?"

"Iniwasan ko naman a?"

  Binuksan nito ang kuwarto at binuhay ang ilaw. Naklaro ko ang mukha nya na namumula at tila may tama na rin ng beer.

"Hindi iyon ang punto ko. Ang punto ko dito ang bata mo pa.."

"Ang punto ko rin dito kuya ay mali mo. Kasi kung hindi ka sumama sa Lindsay na iyon e di sana hindi kita hinanap. Bakit kasi ang tagal niyo?"

"Hindi kami tumagal Ara. Bumalik ako agad kaso naharangan ako ng kakilala.."

"Oh e' di wow!"

Inirapan ko siya at tumalikod na dahil parang sasabog na 'iyong luha ko dahil sa inis.

Hinila ako nito at umigkas ako pabalik.

"Kinakausap kita Ara.."

"Ayoko nang kausap ka!"

Pumikit ito ng mariin at hinawi ang buhok ng marahas. Tila nauubusan na nang pasensya.

"Ang dami mong binabawal sa akin. E' sila mama hinayaan nga ako sa mfa gusto ko."

"Para saiyo ang mga binabawal ko." Dinuro ako nito sa dibdib. Marahas ko iyong hinawi at nakipagtagisan sa galit niya.

"Bakit kaba bawal nang bawal e kuya lang kita!"

  Uminit 'yong gilid ng mata ko sa nagbabadyang luha.

  Bawat hakbang niya ang siyang atras ko. Ang malawak na kuwarto ay tila naging masikip sa aming dalawa.

  Naramdaman ko ang lamig ng kahoy sa aking likod. Doon na pumatak ang aking luha.

  Unti unting umangat ang gilid ng labi nito hanggang sa naging ngisi na.

  "Yon nga.. kuya mo lang ako Ara.."

   Bigla akong kinabahan at tinulak siya nang malakas. Nagtagumpay ako kasi pinabayaan niya akong umalis sa pagkakakulong niya.

  Humiga ako sa kama at tinakpan ang katawan ng kumot. Narinig ko ang pag bukas ng banyo at pag agos ng tubig.

Hindi ako makatulog. Pinapakiramdaman ko lang ang kilos ni kuya.

Narinig kong bumukas sara ang pinto ng banyo at pag bukas ng cabinet.

Huminga ito nang malalim sabay ang palubog nang higaan sa gilid ko. Nasa kabilang kama ang higaan nito pero nandito siya sa tabi ko.

  Hindi ko siya sinagot. Dumaloy na ang luha ko dahil sa inis.

  Bigla 'niyang hinawi ang kumot na nakatalukbong sa aking mukha. Hanggang ilong lang ang nakalabas.

  "I'm sorry.." Sabi nito sa akin at pinunasan ang aking luha.

  Nagkatinginan kaming dalawa nang matagal. Nakikita ko sariling disenyo ng mata ko sa kanya.

  Humigpit ang hawak ko sa kumot nang unti unti niyang pinatakan ng halik ang kumot na nakaharang sa aking labi.

  Napapikit ako ng mariin. Kung wala ang kumot....nagkahalikan na kaming dalawa.

 

  

 

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free