HinovelDownload the book in the application

Chapter 9

Yumakap nang mahigpit ang babae sakanya. "Please Trev. I don't wanna marry Kyle, I just said yes to his proposal kasi gusto kong magselos ka. Trev, I know you still love me... Please, I'll cancel the wedding immediately. Wala akong pakealam sakanila! Love me again, please... Please..."

"I think we should leave," bulong ng katabi ko. Napatingin ako sakanya at tumango. Dahan-dahan kaming bumaba ng hindi dinidistorbo ang dalawa.

Mahal nya pa ba? Ang isiping may mahal syang iba ay di ko kaya. Kumikirot ang damdamin ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Isang mainit na kamay ang humawak saakin. Napatigil ako. "U-uh. Sige. Uuwi na muna ako..." Di ako tumingin sakanya kasi nagbabanta ang luha ko.

"No, you're co-"

"Sige na." Mariin kong sabi. To cry in front of him is to show weakness. And I am no weak. Gago pala sya eh. Naaawa ako sa babae. Kahit na medyo guilty ako, kung alam ko lang ba may girlfriend pala sya kahit pilik mata nya di ko sya hahawakan. Ganun yun dapat.

"Ang awkward nun," bulong ni Oliver saakin. Di ako makapagreact. Gulong-gulo ang isip ko. May sinasabi pa sya ngunit lutang ang isip ko.

I snap out of my thought nang biglang may humigit kay Oliver palayo saakin. "Anong problema mo man?" inis na sabi ni Oliver kay Trevor. Nanlilisik mata ni Trevor habang tinitingnan sya.

"Ikaw? Anong problema mo?" tulak ni Trevor sakanya.

"Trev, bakit? What's going on?" Nag-alalang tanong nung babaeng yakap ni Trevor kanina. Napatingin ang babae saakin. Agad akong nag-iwas nang tingin. "Stay out of this Trish, bumalik kana sa party mo. Go back to your fiance," mariing sabi ni Trevor. Tunog bitter iyon. Napapapikit ako sa kirot na nararamdaman ko.

Umalis ako dun nang walang paalam. Nabubwesit ako kay Trevor. Malaki nga ang itlog nya bugok naman. Nakakainis.

Sa sobrang inis ko, nasisi ko si Trevor sa lahat nang bwusit dumadating saakin. Sumisiksik ako sa mga taong sumasayaw sa dancefloor. It was a dumb move actually, pwede naman ako sa gilid dumaan. Gusto ko lang talagang mawala. Pero kahit anong tago ko alam kong makikita nya parin ako. Tulad ngayon, hinigit nya ako patungo sakanya. "Ano ba?!" sobrang lakas ko iyong sinigaw sakanya.

"Umuwi na tayo," galit nyang sabi.

"Umuwi ka mag-isa gago!" hinigit ko ang kamay ko sakanya. Sobrang higpit ng hawak nya.

"Anong problema?!" naiinis nyang sabi.

"Eh gago ka pala eh! May girlfriend kapalang hayop ka! Tapos nangangattot kapa nang ibang babae tang-ina mo! Malaki nga yang etits mo Pero kung umasta ka parang di ka pa tuli!" inis na sigaw ko sakanya. Hindi ko namalayan na sa kalagitnaan nang pagsigaw ko sakanya ay huminto ang kanta at halos lahat nang tao sa dancefloor ay pinapagitnaan kami.

Kung nakakamatay lang ang titig ni Trevor kanina paako namatay. Masakit ang paghawak nya saakin. Madiin at masasabi mong galit.

Dahil sa hiya ay nagpatinaod nalang ako sa kanya. Hindi ko balik ang magwala sa maraming tao. Sadyang nadala lang ako kanina.

Napunta kami sa isang madilim na alley. Agad kong hinawi ang kamay nya. He faced me with his angry look. "What the fuck is wrong with you?" Nagagalit nyang sabi.

"May gana ka pang magtanong? You cheater!" Akusa ko.

"Wala na kami!" Sigaw nya pabalik nagagalit. Hindi dahil sa saakin kundi dahil sa sinabi nya. Tunog bitter kasi yun. Yun bang kakarealize mo lang na wala na talaga.

"Mahal mo pa ba?" tanong ko. Kahit masakit ang salitang iyon para saakin.

Tumahimik sya at nag-iwas nang tingin. Kusang tumulo ang luha ko. Agad ko iyong pinahid bago pa nya makita iyon.

Mahal pa nga nya. Bakit ganito ang mga tao? Sa bagay bayarang babae lang naman ang tingin nya saakin. His pet. His toy. His slut.

Nagkatinginan kaming dalawa. Umiwas ako nang tingin takot sa sariling nararamdaman. Hindi pwede to. "Balikan mo," nilagpasan ko sya.

Hinila nya ako pabalik. "Ihahatid na kita,"

Mas lalong sumakit ang dibdib ko. Bakit gusto kong mag sinungaling nalang sya? Why did I hope that he would whisper sweet lies in my ear? Ano tong nararamdaman ko? Bat pakiramdam ko ang lalim-lamim na?

Nawalan ako nang gana at nagpahatid nalang. Tahimik kami nung nasa kotse na kami, di ko iyon kaya. Siguro nga wala akong karapatang humingi ng closure. But it's stupid, may kasalan din sya. He lead me on!

Nung nagred ang lights dun ako naglakas loob magsalita. "Kaya ba ayaw mo nang may mangyari saatin kasi guilty ka?" gusto kong sakalin ang sarili kung bakit yun pa ang unang lumabas sa bibig ko. Matagal syang nanahimik.

"Yes," mahina nyang sabi.

"Kayo ba pa nung may nangyari saatin nung una?"

Kaagad syang umiling. "I would never cheat on her Fallon."

Luha, please wag ka munang tumulo.

"Mahal mo pa ba?" tanong ko ulit. I watch him, wanting him to hurt me emotionally until I get mad at him.

"Oo." Napalunok si Trevor at napasandal. Para bang hirap na hirap sya sa kanyang sitwasyon. "She broke up with me. Sabi nya, my love for her wasn't enough..." Pagak syang tumawa. "She... slept with Kyle. Pagkatapos nang limang taon Fallon, tinapon nya lang... I'm so mad at her... but damn. I still love her."

"Ibaba mo nalang ako dito. Malapit lang naman to samin,"

"Fallon. Please..."

"Medyo mga tsismosa kasi yung mga kaboardmate mo. Baka mahalata ako eh," Please ibaba mo na! Before my tears will start falling like a rainfall. "Please Trevor..."

"I'm sorry Fallo--"

Why won't you call me angel? Gusto kong sigawan ang sarili kong isip! Nababaliw naako. May mahal syang iba Fallon.

"It's ok. The contract is over right?"

"Fallon---"

"Please be sensitive enough Trevor. I want out. I don't wanna see you again." before he could say anything lumabas naako sa kotse nya.

I started walking away slowly. Slowly, because he always follow me. Baka sundan paako nun, mag-explain na sumasabay lang sya sa mga youtuber na vlogger sa pinas. Uso ang prank diba? Baka joke lang iyon. Sweet sya saakin. He always grab my hand and drag me anywhere convenient.

Pero bakit hanggang sa nakarating nalang ako sa boarding house ko wala pa ring Trevor ang humihila saakin?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free