HinovelDownload the book in the application

Chapter 5- Fall

“Good Morning Ma'am Xochitl, tawag po kayo ni Chairman sa office niya” tumango lang ako kay Kuya Guard saka tinahak ang daan papunta sa office ni Chairman.

“Hoy taba!” Napalingon ako at nakita si Celine, Bea at Alex na nakapamewang. Pareho ang shade ng kanilang lipstick pati na rin ang style ng kanilang buhok. The mean girls are back, ilang araw ko rin silang hindi nakita.

“Uy, welcome back. Teka lang ha? Tawag ako ni Chairman. Bye!” Paalis na ako pero hinawakan ni Alex at Bea ang magkabila kong braso at hinarap ako ni Celine.

“Mga bes, iba ako bumigwas” I said, trying to scare them. Nanlaki ang mga mata nila saka sila bumigaw at tumabi kay Celine.

“I will make your life miserable” banta ni Alex, nahawak ako sa bibig ko at naghunwaring gulat at takot. “Kung malungkot kabataan nyo, wag kayo mandamay.” Umirap ako at dumaan sa gitna nila, but Bea grabbed me by the arm.

Tinapik ko ang kamay nya at agad nya iyong inalis.

“Ano ba? Tawag nga ako ni Chairman.” Tinaasan nya lang ako ng kilay saka ako sinampal.

Napatigil ako at napahawak sa aking pisngi, hindi pa ako nakakarekober ng sampalin din ako ni Celine sa isa ko pang pisngi.

Sinalag ko ang sampal na mula kay Alex, at ang isa pa mula kay Celine. Hanggang sa nakahawak na ako sa magkabila kong pisngi at napaupo na.

Naginit ang pareha kong pisngi mula sa mga sampal at sa mga luhang mula sa aking mga mata.

I don't deserve any of this.

No one deserves to be treated like this. Hindi ko alam kung bakit at paano ba ako napunta sa sitwasyon na to. Ang alam ko lang hindi ko to dapat nararanasan. No one should be bullied just because we are flawed.

Alam ko na napabayaan ko ang sarili ko pero hindi ko alam na kasalanan palang maging mataba.

Napaupo lang ako doon habang prinoprotektahan ang sarili ko, ilang beses ko ring naramdaman ang paghila nila sa aking buhok hanggang sa tumigil.

Napaangat ako ng tingin at nakita si Chairman na nakalahad ang kamay sa akin. I just sat there, feeling hopeless. Humagulgol lang ako habang nakahawak sa aking ulo na para bang may nagaganap na earthquake drill.

Naramdaman kong may tumabi sakin, tumahimik ang paligid. Hanggang sa parang pagod na akong umiyak. Wala ng luha na lumalandas sa aking pisngi.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko na nakalagay sa aking ulo na nagsisilbing proteksyon.

“It’s okay I’m here” hawak hawak nya ang kamay ko habang binubulong sa akin iyon. I felt safe and somehow scared at the same time. 

Ang isang kamay nya na nasa kamay ko kanina ay dumausdos pababa ng aking bewang at ang isang kamay nya ay humawak sa aking braso.

“Come on,  Madox.  Let’s go”

Nagpahila nalang ako sakanya, my mind is not in it's best condition . Parang wala pang naproproseso ang utak ko.

Ang alam ko lang,  hindi ko to dapat nararanasan. 

I remained silent kahit andito na kami sa kubo,  sya nakaupo sa harap ko at naghihintay kung anong gusto kong mangyari.  Siguro, ganon.

"Madox" he called for my name,  napatingin lang ako sakanya.  Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang pumatak. 

He kneeled in front of me and slowly touched my cheek,  napaigtad ako ng maramdaman ang haplos nya sa pisngi ko.

Para akong napapaso.

"Chairman,  tumayo ka please?  Why are you kneeling?" Hindi ko makilala ang boses ko sa sobrang garalgal.

Hindi sya dapat lumuluhod sa harap ko.  Chairman siya ng paaralang ito. It's making me uncomfortable.

"Okay,  just please stop crying." Tumango ako,  sinalag nya ang kamay ko ng tangkain kong pagpagin ang pants nya.

"Ako na.  Fix yourself instead" ginawa ko naman ang sinabi nya,  kinuha ko ang aking salamin at suklay para ayusin ang aking buhok.

I took a deep breath saka ko pinunasan ang mata ko. 

"Use this your hands are dirty" abot nya ng kanyang panyo

"H-hindi na.  T-thank you.  Ang dami mo ng tulong" pero hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga mata ko.

He didn't used his hanky,  he wiped away my tears using his thumbs.  Bakit ganon?  Parang hinahaplos ang puso ko.

"Bakit mo hinayaan?  Bakit hindi ka lumaban? " tanong nya ng nakakalma na ako at nakapagayos,  ayon sakanya ay nai-excuse nya na kami sa aming klase.

"Nabigla ako eh,  masaya akong pumasok.  I have so much energy today,  akala ko kasi magiging maganda ang araw na ito."

"Ilang beses kong sinubukang umiwas,  I tried but I failed.  Siguro ganon ako kahina" Suminghot ako at humigpit ang yakap sa puting unan nya.

"Hindi ka mahina,  you're just too afraid to fight for yourself.  Akala mo mahina ka."

"Ang hirap baka pag lumaban ako,  ako pa yung mapasama.  My body is twice bigger than them,  ang dali magfabricate ng kwento,  na ako yung nanakit at nauna."

"But then, I will believe you." Napalingon ako at napatitig sakanya,  sinalubong nya ang titig ko at nilasing ako gamit ng kanyang mga mata.

"I know what kind of a person you are,  I know you will always do the same.  Mas pipiliin mong masaktan,  that's why you're enduring all the hateful comments about you."

"Pero wag mo sanayin Madox,  fight when you could. I got you,  always" hinawakan nya ang ulo ko at sinandal sa kanyang braso.

I've never felt this before,  yung parang okay ang lahat,  like I have nothing to worry about.  May handang prumotekta sa akin.

Pero hindi parin tapos ang walang katapusang "bakit?". Bakit nga ba? 

Sa isang buwan nakadalawang kilo akong bawas,  achievement na iyon para sa akin.  From seventy five ay seventy three na lamang. 

Si Chairman parin ang aking gym buddy, mas naging close na kami ngayon.  Kahit pa laging nakakatanggap ng death glares ay okay lang.

"Beshy!  May paabot pala si Daevon,  nakasalubong ko sya sa canteen kanina" napalingon ako agad at inabot ang paperbag na may lamang tupperware na may graham cake.

"Yung favorite ko!" Lumawak agad ang ngiti ko saka ko binuksan ang hawak kong lalagyan.  It's my favorite!  Tamang tama katatapos ko lang maglunch.

Hinagilap ko ang cellphone ko at tinext si Daevon para magpasalamat.

From: Daevon
Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free