Kubo
“Xochitl! Ano ka ba namang bata ka kanina pa tunog ng tunog ang alarm clock mo! Alas diyes na! Wala ka bang pasok ngayon?” Napabalikwas ako agad ng bangon, at napatingin sa aking orasan. Gosh! Tatlong oras akong late!
Anong oras ba ako nakatulog kagabi? Sa pagkakatanda ko ay alas diyes ng magpaalam na sa akin si Daevon at nahirapan akong hagilapin ang antok ko sa sobrang kilig! Okay, kelangan ko nga palang magmadali! I grabbed my bath robe and went to my bathroom.
“Beshy!! Bakit wala ka sa first subject natin? I cannot! I'm not sure if I passed the quiz!” Napanguso ako. Halla nagquiz sila! “But I excused you, mag quiz ka nalang next time” she flipped her hair after combing some strands. Im pretty sure she’ll pass the quiz, hindi papahuli ito sa katalinuhan ng kanyang kuya.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng malawak ng tumunog ang aking celphone at pangalan ni Daevon ang nag flash sa screen.
Fr: Daevon