HinovelDownload the book in the application

Chapter Two

Chapter Two

GABI. Nakadapa si Julienne sa kanyang kama at abala sa panonood ng mga collection ng video ng mime shows sa kanyang laptop nang may pumasok na message sa kanyang Yahoo! messenger. She put the video on pause and read the message. Galing kay Althea.

Uy, magkuwento ka! Kumusta ang WW?

Julienne rolled her eyes. Panggabi na ang duty ni Althea kaya hindi na sila nagkakasabay. Nag-type siya ng reply. Binabayaran ka para magtrabaho hindi para mag-FB! :P

Loka! Alam mong dedicated ako sa work ko. Tse. Walang aksiyon ngayon dito sa ospital kaya chillax muna kami. Ano na? Tell me something interesting, pangungulit nito.

Pinag-isipan ni Julienne kung ikukuwento niya sa kaibigan ang tungkol sa lalaking iyon. One more week had passed. At sa loob ng isang linggong iyon ay hindi pumapalya ang lalaki sa panonood sa kanya. Oh well, hindi ito gumugugol ng napakaraming oras sa panonood. Minsan ay isang performance lang niya ang pinanonood nito. Ang paningin ng lalaki ay tila nakakapaso sa puntong minsan ay nadi-distract siya sa kanyang ginagawa. And he was consistent for she never saw him smile. Sa lahat ng audience niya ay ito lamang ang mahirap basahin ang expression. Hindi niya alam kung naaaliw ito o sadyang hindi lang marunong ngumiti. Pero sino nga ito?

Hello?!?!?! ang sunod na mensahe ni Althea nang hindi siya sumagot.

Napagdesisyunan ni Julienne na sabihin na rin sa kaibigan ang tungkol doon tutal naman ay ito lang talaga ang napagsasabihan niya ng kanyang mga saloobin. Kaibigan niya si Althea at kilala siya nito. Tumipa siya.Something interesting? Hmm… well… I have someone in the audience na hindi ko mapangiti.

Althea: Boy or girl? I think it’s a boy, no, a man! Yes? Tama ako?! Guwapo?

Napangiti si Julienne. You’re funny.

Althea: Humor me.

Siya: All right. Tama ka.

Althea: Saan ako tama? Na lalaki siya? O sa guwapo siya?

Pareho. Lalaki. Guwapo… tugon ni Julienne habang sa balintataw niya ay gumigitaw ang hitsura ng lalaki. Ang lalaking iyon, kahit hindi nakangiti ay nagtataglay pa rin ng hindi matatawarang personalidad at appeal. Natitiyak niya na ito ang tipo ng lalaki na papangarapin ng sino mang kabaro niya para maging boyfriend. Walang maisip si Julienne na local na artista para maitulad ang uri ng kaguwapuhan nito. The man had a very prominent features. And to think na hindi pa niya ito napagmamasdan nang malapitan.

Althea: OMG!!!! Minsan mo lang gamitin ang salitang ‘guwapo’ patungkol sa isang anak ni Adan. I think there’s something special about him.

She typed, Hindi siya ngumingiti. He’s been watching me for five days pero minsan man ay hindi ko pa siya nakita na ngumiti o natuwa sa ginagawa ko.

Althea: Baka may pinagdadaanan? Pero kung pinapanood ka niya na mag-perform there’s a big possibility na nakuha mo ang atensiyon niya. Partida pa `yon, Julienne, talent pa lang `yan. Paano pa kung makita niya ang mukha mo na itinatago ng puting pintura? At ang katawan mo na itinatago ng mga costumes mo? He’ll drool over you!

Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Mabilis siyang nagtipa ng reply. Alam mo, hindi ko gusto `yang itinatakbo ng isip mo. Luka-luka ka talaga.

Althea: Oops! Duty calls. Bye!

“MATCH ang mga DNA samples nila?” pagkumpirma ni Edward sa sinabi ng kausap niya sa telepono na si Winston Yulo. Isa itong doktor at personal niyang kakilala. Ito ang pinakiusapan niya na magsagawa ng DNA testing sa pagitan ni Emanuel Henares—his father, at Collin Fletcher—ang nagpapakilalang kapatid niya sa ama.

“Ganoon na nga, Edward. Ninety-nine point nine percent na magka-match ang DNA ng daddy mo at ni Collin Fletcher.”

Niluwagan ni Edward ang suot na necktie dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nasakal. Kinalas din niya ang dalawang butones ng kanyang long sleeve. Ang totoo ay inaasahan na niya na positibo ang magiging resulta dahil nakikita niya ang pagkakahawig ni Collin sa kanyang ama. Gayunman ay nilukob pa rin siya ng kung anong damdamin sa kumpirmasyong iyon.

“K-kung ganoon ay anak talaga siya ni Daddy? Is that it, Winston?” tanong niya habang mahigpit na hawak ang telepono sa kanyang tainga.

“I’m afraid so… yes.”

Napapikit siya sa tila paglukob ng kung anong lamig sa buong katawan niya. Nagpaalam na siya sa kaibigan. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang lagayan ng alak. Nagsalin siya sa kopita at tinungga iyon. Edward felt so miserable. Pakiramdam niya ay nadaya siya, naloko, at napaglaruan.

His father was a very cold man. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng affection mula rito. And yet he always pushed him to his limits. Laging hindi sapat ang ginagawa niya para sa ama. Lagi itong naghahanap ng higit pa sa ibinibigay niya mapa-academic man o kahit na anong aktibidades. And even when he excelled, he was never proud of him. Kaya naman maging si Edward ay nagdududa sa kanyang kakayahan. Inatake sa puso ang daddy niya bago pa man siya magtapos ng pag-aaral. Naparalisa ang kalahati ng katawan nito. Noon niya nalaman na ang isa sa mga dahilan ng atake ng ama ay ang katotohanang nalalagay sa alanganin ang Henares Entertainment. Nasa bingit iyon ng bankruptcy. So he took over the company. Para siyang nangangapa sa dilim dahil walang umaalalay sa kanya. Pero pinatunayan ni Edward na kaya niya. He worked hard, day and night. Madalas pa nga ay ginagawa na niyang araw ang gabi. Lumapit siya sa mga kilalang negosyante at naghain ng proposal. Marahil ay magaling siyang mangumbinsi dahil nakakuha siya ng mga investment. Bago namatay ang kanyang ama ay matatag na uli ang kompanya. At lalo pa niya iyong pinalago.

Muling uminom ng alak si Edward. Handa ba siyang pakawalan ang lahat ng pinaghirapan niya? Or share it, at least? Deep in his heart, alam niyang hindi ang napipintong pagkahati ng kung ano mang mayroon siya ang gumugulo sa kanya. He enjoyed the power money had and what it can do, yes. Pero hindi naman siya ganid at sakim sa pera. Ang talagang nagpapasama ng kanyang loob ay ang pagmamahal na hindi niya nakamtam mula sa ama.

God! Parang puputok ang kanyang dibdib sa sobrang sama ng loob. Pagkatapos ay madidiskubre niya na hindi pala si Moly ang kanyang ina. Namatay ito noong siya ay apat na taong gulang. Halos wala siyang memorya nito. Whoever his biological mother was, wala siyang intensiyon na kilalanin kung sino ito. Mayroon na siyang ina sa katauhan ng kanyang Tita Leticia—kapatid ng daddy niya.

Naupo si Edward sa kanyang swivel chair. Isinandal niya ang ulo at tumingala sa kisame. Tila ngayon niya nararamdaman ang lahat ng pagod sa araw-araw na pagpupursige sa trabaho.

Ah! He’ll make everything right. Ibibigay niya kung ano ang para kay Collin.

Edward sighed. Then out of nowhere, pumasok sa isip niya ang mime. Adrenaline rushed through him. Gusto uli niya itong mapanood.

Ilang minuto lamang at naroon na siya kung saan nagpe-perform ang mime.

Aware kaya siya na ako ang boss niya? tanong ni Edward sa sarili habang matamang nanonood sa mime. Isang linggo na ang nakalilipas mula nang una niya itong mapanood. Hindi alam ni Edward kung paano nangyari pero hindi lumilipas ang araw na hindi niya pinapanood ang kahit isang performance nito. Marahil ay dahil naaaliw siya. Nagagawa ng mime na pagaanin ang kanyang loob. Sinubukan na rin naman niya na panoorin ang performance ng iba pang mime. They were good, too. Subalit, sa mime na ito lamang siya nakakadama ng kakaiba. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam na iyon, pero hinahanap-hanap niya ito. Sa tuwina ay lumalayo siya sa karamihan, gayunman, batid niya na ilang beses na rin siyang sinusulyapan ng mime. Hindi nga lang ito nakikipag-eye-to-eye contact.The mime knew he was watching her.

AKALA ko hindi siya darating ngayon, sabi ni Julienne sa sarili nang agad niyang mamataan ang pagdating ng lalaki. Dito rin kaya siya nagtatrabaho? Isa sa mga bossing? As usual, tiim na naman ang mga labi niya. But damn! Lalo yata siyang gumuguwapo sa bawat pagdaan ng araw. Gusto kong lumapit sa kanya… pero paano?

Julienne could tell that the gorgeous man was a businessman. May hinala siya na doon ito nagtatrabaho. Kung isa sa mga bossing ay hindi siya sigurado. Noon kasing mag-apply siya ay ang HR at supervisor lang ang kanyang dinaanan. She never met the boss dahil sa tuwina ay ang manager at supervisor lang ang nagme-meeting sa mga empleyado.

Natilihan si Julienne nang makita niyang tumalikod na ang lalaki. Tila may sariling buhay ang kanyang mga paa at malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan nito. Tumigil ang lalaki. Tila may tumatawag dito dahil ipinamulsa ang isang kamay at mula sa bulsa ay inilabas ang isang telepono at dinala iyon sa tainga.

“Castro,” maikling wika nito ngunit hindi maipagkakaila ang awtoridad na kaakibat niyon.

Shit! What should I do? What should I do? Lalo siyang nataranta nang mapagtanto niya na nakasunod sa kanya ang tingin ng kanyang audience. Gayahin kaya niya ang ginagawa ng lalaki at magkunwari din siyang may kausap sa telepono? After all she was good at mimicking mannerisms. Effective na act iyon ng mga mime. But she wanted something different this time. Napangiti siya nang makakita ng isang lobo na hugis-aso. All right, aakto siyang isang aso.

Lumuhod si Julienne, ang mga palad niyang nababalutan ng gloves ay itinuon din niya sa lupa. Salamat na lang at hindi sementado ang bahaging iyon ng park, sa halip ang lupa ay nababalutan ng magandang klase ng bermuda grass. Ikiniskis niya ang kanyang ulo sa binti ng lalaki na para bang isa siyang tuta na naghahanap ng atensiyon mula sa kanyang amo.

“Yeah. Gusto kong i-reschedule mo ang flight ko papuntang Nevada. Make it this weekend instead of next weekend… Yeah—”

Dahil nakatalungko si Julienne kaya hindi niya nakikita ang reaksiyon ng lalaki. Pero tumigil ito sa pagsasalita, ibig sabihin ay nakuha niya ang atensiyon nito. But to her dismay, humakbang ito papalayo.

Huh! Hindi kita titigilan.

Hinabol niya ang lalaki at kinagat ang pantalon nito na para bang pinipigilan niya. Tumigil naman ito. Muli ay ikiniskis ni Julienne ang kanyang ulo sa binti nito. Pagkatapos ay tumingala siya at nagpapaawang tumingin sa binata bagaman hindi niya sinasalubong ang mga mata nito. And as if to impress her master, gumawa siya ng mga tricks. Nagpagulong-gulong siya, tumalon-talon, sumayaw, nag-play dead, at kung ano-ano pa.

“Oh, she’s a dog, Mommy! And she’s doing tricks! Can you see it, can you see it? Cool!” sabi ng isang batang manonood.

“Ganyan din ang mga ginagawa ni Bantay, `di ba, Papa?” sabi ng isa pa.

Julienne could hear her audience giggle in amusement. Wala pa ring reaksiyon mula sa lalaki kahit anong dog trick ang gawin niya. Inilawit niya ang kanyang dila na animo hinihingal na siya sa pagod. Humalakhak ang mga manonood. To Julienne’s astonishment, the man got down on one knee. Pagkatapos ay masuyong hinaplos-haplos ang kanyang ulo sa paraang hinahaplos ng lalaki ang ulo ng aso nito. Pagkatapos, sa panggigilalas niya ay ipinaloob ng lalaki ang kanyang mukha sa mga palad nito at hinuli ang kanyang paningin.

Their eyes connected. Hindi maipaliwanag ni Julienne ang damdaming lumukob sa kanyang pagkatao nang maghinang ang kanilang mga mata. Para siyang kinikilabutan na hindi mawari. Her heart pounded wildly against her chest. Bigla-bigla ay parang naglaho ang mga nasa paligid nila. There was only him and her. Parang gusto niyang tumakbo at magtago mula sa mapanuring mga mata ng lalaki na animo may kapangyarihang basahin ang nilalaman ng kanyang isip.

“Good girl,” narinig niyang sabi nito.

My God! What a voice! Buo, malalim, at lalaking-lalaki ang kalidad ng boses nito. Iyon bang marinig mo lang ay mapapalingon ka na. Mabuti na lang at napigilan ni Julienne ang pagbuntong-hininga. Sa ganoon kasi kalapit ay nakita ni Julienne kung gaano kaprominente ang mga bahagi ng mukha nito. Nakita niya kung gaano ito kaguwapo. And oh boy, pakiramdam niya ay bigla siyang tinubuan ng crush sa lalaki.

“She deserves a treat! Give her a treat! Binibigyan namin ng treat ang dog namin kapag behave at mahusay siya sa paggawa ng tricks, eh. `Di ba, Papa?” sabi ng batang lalaki na siyang sumigaw kanina.

“Oh, she deserves a treat, indeed,” sabi naman ng lalaki. Hindi batid ni Julienne kung obvious na natutulala siya sa kaguwapuhan nito. Kaya lang kasi ay hindi talaga niya mapigilan ang sarili. He was indeed a sight to behold. Nagpalinga-linga ito, hanggang sa tumuon ang mga mata sa ice cream stand. Muling bumalik sa kanya ang paningin nito. “Wait here.” Tinapik ng lalaki ang balikat niya bago tumayo at nagtungo sa ice cream stand. Agad din naman itong nakabalik tangan ang isang cone na puno ng ice cream. “Up!” utos nito sa kanya.

Bahagya pa siyang nawala sa sarili. Ano raw? Ah, shit! Aso nga pala ako. She had to remain in character kaya naman umakto siyang aso na nakatayo. As a dog, she wiggled her hips to show her excitement for the treat.

Pakakainin niya ako ng ice cream? Shit! Kinikilig. Iyon ang isang salita na sumusuma sa nararamdaman ni Julienne nang mga sandaling iyon. Teenager pa siya noong huli niyang maramdaman ang kilig. Ngayon ay parang nagwawala iyon sa kanyang dibdib. Huwag naman sana na hindi niya magawang kontrolin ang kilig na iyon.

“Can I feed her? Puwede po ako na lang ang magpakain sa kanya?” sigaw naman ng isang batang babae.

“Sure, honey. Come here,” pagpayag naman ng lalaki. Nakadama ng disappointment si Julienne. Gusto tuloy niyang tahulan ang bata para matakot ito. Agad lumapit ang bata. Ipinasa rito ng lalaki ang ice cream.

“Sit,” utos sa kanya ng lalaki at sinunod ito ng aso-self niya. “Puwede mo na siyang pakainin,” anito sa bata. Julienne had to remain in character kaya naman dinilaan niya nang dinilaan ang ice cream.

She heard the man chuckle. Wait! Napatawa ko siya? Hindi nga?! Hindi lang ngiti kundi tawa talaga? Napasulyap siya rito. Nakatingin din sa kanya ang lalaki ngunit wala ang inaasahan niya na nakangiting ekspresyon nito. Hindi tuloy siya sigurado kung tumawa nga ba ang lalaki. O baka naman iba ang narinig niyang tumawa? Gusto tuloy magdabog ni Julienne. Mayamaya ay umabante ang lalaki at bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay nasa pisngi na niya ang palad nito. Ang hinlalaki nito ay marahang gumalaw sa gilid ng kanyang mga labi. Marahil ay para punasan ang kalat ng ice cream. Habang ginagawa nito ang bagay na iyon ay muling naghinang ang kanilang mga paningin. Katulad kanina, sumikdo na naman ang kanyang dibdib. Tila ba ang titig ng lalaki ay may kakayahan na gawing hindi normal ang tibok ng kanyang puso. And he can make her think of beautiful things and beautiful beginnings.

“Iiwan ko na kayo, okay? Don’t worry, hindi ka niya kakagatin,” sabi nito sa bata bago uli siya binalingan. He patted her head. “Be a good girl, okay?” Pakiramdam ni Julienne ay nawala siya sa sarili nang unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. It was as if she was witnessing a very breathtaking sunrise.

My God!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free