"Sino yang bata na yan?"
"She's my daugther." i smiled at them at nakita ko naman ang awa sa mga mata nila. Nawala ang ngiti ko. "Ayoko ng tingin nyo na yan ah?! Naka move on na ko sa anak ko, gusto ko lang talaga sya." i rolled my eyes.
"She's pretty." tumingin ako kay Lincoln.
"Ofcourse!" i rolled my eyes. "Baby pakilala ka sa kanila."
Akala ko mag papakilala to pero agad ako niyakap. "A-ayaw ko mommy." napangiti naman ako.
"She's Kley Alvarez. My daugther!" masayang pag papakilala ko habang nandito kami sa isang room kung san ang Dressing room ng Trios.
"M-mommy di sila masaya." Tinignan ko ng masama ang tatlo.
"Hi Baby, Tito Troy mo ko ah."pekeng tawa nito.
"Ako naman si Ethan, Tito mo din ako ah?" tumatawa din to at halatang pilit.
"I'm your dady Kley." Tumingin ako kay Kley at nag liwanag ang muka nito.
Bumilis ang tibok ng puso ko at agad tumakbo si Kley papunta dito. "Kley, he's just joking. He's not you fa---"
"Justin." Tumingin ako sa tumawag sakin and i saw Kuya. He's messed. "P-please, tell me where is she?" i rolled my eyes.
Hindi to umuwi kagabi at sa tingin ko sa Condo nya to umuwi. Halatang sabog na sabog to at naamoy ko ang alak mula sa kanya hanggang sa kinauupuan ko. "You love her?" tanong ko agad.
"I-i don't know. P-pero mababaliw na ko pag di ko sya nakita!" Huminga ako ng malalim.
"She's pregnant kuya, Nilayo ko sya sayo para bawas stress, baka kasi duguin sya pag umiyak sya ng umiyak. She's at angel's house." mabilis tong ngumiti sakin at nakita kong may tumulong luha dito.
"Nakakabaliw pala ang pag mamahal." Tumingin ako kay Troy. "Ayokong maramdaman yan." i smiled at him.
"Nakakabaliw at nakakagago. Kasi once na masaktan ka di mo alam kung pano ka babangon." sagot ko sa kanya.
"Ohhh! Ramdam ko yan." natawa ako kay Ethan. "Gago kasi ako, sayang!" nag apir kaming dalawa na para bang wala lang samin ang nang yare.
"Kaya ikaw Troy! Nakooo." ngumiti sya sakin ng mapait.
"Pwede naman itama ang pag kakamali diba?" Tumingin ako kay Lincoln habang nasa lap nya si Kley. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Pwede naman diba? Basta bigyan mo lang ako ng pag kakataon." Huminga ako ng malalim.
"Kley, Let's go! Mag sha-shopping tayo!" masayang sabi ko.
Bumaba sya sa lap ni Lincoln at madaling pumunta sakin. Binuhat ko sya at akmang lalabas pero nag salita ulit sya. "I will be a father of that child, Justin Klein at hindi ka makakatanggi don."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya basta lumabas ako at sa pag labas ko ay bumungad agad sakin si Cindy na nakataas ang kilay. Iiwas sana ako pero agad sya nag salita. "Who's that girl?"
"Baby, Pakilala ka daw." nakangiting sabi ko.
"Kley Alvarez Samaniego." Nanlaki ang mata ko dahil dun. "S-sabi ni daddy, Samaniego daw." Napailing ako.
"No, Baby. You're Alvarez okay? Kay mommy ka lang maniniwala." She nodded.
Kabata bata pero ang tatas, tapos nakakaintindi din sya ng english at nalaman kong englishera daw ang batang to pero unti unti natutong ma tagalog dahil sa mga kasama nito sa ampunan. She's half american i think dahil sa ilong at kulay ng mata nya.
"Malabo naman maging anak ni Lincoln yan." napatingin ako kay Cindy at umirap to sakin.
"Pero sorry ah? Inaangkin kasi ni Lincoln." mapang asar na sabi ko. "So, Why are you here?" i asked.
"Masama ba dalawin ang mga kaib---"
"Oh no no! They are not your friends. Alam nating dalawa na di ka kinakausap ng mga yan, Si Lincoln lang because he's your loveteam." natawa nalang ako sa sarili ko. "Sa araw araw nalang na sagutan natin lagi kang naiirita? Pero ikaw naman nag sisimula ng away." napailinga ko sa kanya.
Biglang bumukas ang pinto sa likod ko at umamo ang muka nito. "Lincoln."
"Okay, Aalis na kami ni Kley."
"Sasama ako." Rinig kong sabi ni Lincoln.
"No, Cindy needs you. Baka umiyak nalang bigla."
Mabilis akong umalis dun at sa bawat tingin samin ng mga tao na nag tratrabaho dito ay kakaiba. Hindi nila ako kilala bilang anak ng may ari nito. Binaba ko si Kley at hinawakan ko ang kamay nya. Pero bigla nalang may pumasok na isang lalake habang may kasama dalawang nasa 30's na. Yung lalake naman ay nasa Middle of 20. Napahinto to sa harapan ko at tinanggal ang salamin.
"So? You must be Justin Klein." Tumango ako sa kanya. "I'm Rich Fernandez!"Nanlaki ang mata ko.
"Ikaw yung bida sa Movie na Just you?!" tumango sya sakin. "Oh my god!" napatakip ako ngbibig ko. "Pano mo nalaman ang pangalan ko?"
"You're famous, at halos talunin mo ang sikat na Loveteam dito sa Pilipinas, I saw your name '#JustKlein #JustLinLoveteam #JustinKlein'" napatango ako. "Hindi ka namn Artista pero nag tre trending ka." i smiled.
"I didn't know too." sagot ko sa kanya.
"So, Who is she?" Turo nya. "Hi Little girl." niyakap ako ni Kley.
"Sorry, Mahiyain sya. Kahapon ko lang kasi sya kinuha sa ampunan. She's my daugther." muka tong nagulat. "She's Kley Alvarez."
"Oh!" Yumuko to upang maging kapantay nya ang bata. "Hi Little girl, I'm Tito rich." Humarap si Kley dito. "San ba kayo pupunta?"
"We're going mall, wala pa kasi syang damit sa bahay." sagot ko agad.
"I'll Joi---"
"No need. She's with me!" Nagulat ako ng may biglang humila sa bewang ko at nakita ko ang masamang tingin ni Lincoln. "Family Bonding namin." dugtong pa nito.
Akmang lalayo ako pero mas dinidiin nya pa ang katawan ko sa kanya. Ngumiti ako kay Rich ng pilit at tumango lang to sakin habang nakangiti ng mapait. "Daddy!" malakas na sigaw ni Kley dito.
Inalis nya ang hawak nya sakin at agad binuhat si Kley. Tumingin ako sa buong paligid at napansin ko na samin sila nakatingin.
"So, you're the father of her daugther?"
"Yas, see? She called me daddy." huminga ako ng malalim. "I love them, kung pwede nga lang pakasalan ko na si Justin para wala ng kawala.."
"I thought you still inlove with your firstlove." Rich's smirked. "Based QKSM"
"Oh, Well. Malalaman nyo din naman ang totoo. Not now but i know soon, So excuse us, Fernandez."
Hinawakan ni Lincoln ang kamay ko at nakarinig ako ng palakpakan, Tumingin ako dun at nakita ko si Troy at Ethan na pumapalakpak. Inirapan ko sya at ngumiti naman ako sa inis na inis na si Cindy.
Sa pag labas ko at bumungad agad sakin ang mga supporters ko. "Hi guys!" i gave them flying kiss.
Pinasok na ko sa front seat ni Lincoln at kinabit ang seatbelt ko. Nilagay nya sa likod si Kley at umikot na paharap. Tumingin ako kay Kley na gusto pumunta dito at agad ko sya kinuha. Nilagay ko sya sa harapan ko.
"Malaking issue ang ginawa mo."
Inayos ko ang headset at nilagay ko sa tenga ni Kley. Nag hanap ako ng pwede nyang gawin at kinuha nya naman ang cellphone ko. Nanonood sya sa Youtube ng Johny Johny.
"The hell i care."
"Oh, You makes cindy down." I rolled my eyes. "Meron syang career na inaalagaan and the last time i checked, you're courting her." i smirked.
"Jealous, baby girl."
"You wish!"
Tumingin ako sa bintana habang binabay bay namin ang daan patungong mall. "So you're not."
Yas, I am not. I will never jealous to her! She's just bitch. "Ofcourse! Kahit nga mag halikan kayo sa harapan ko, hindi ko kayo papangielamanan."
Bumagal ang takbo ng kotse ni Lincoln at nagulat ako ng kunin nya ang cellphone na hawak ni Kley at binigay nito ang cellphone nya. Binato nya sa dashboard ang cellphone ko at di ko naman kinuha yun.
"I know you don't mean that." i laughed sarcastically
"I mean it!Bakit di mo subukan?" bumilis ang takbo ng kotse nya at bigla akong kinakabahan, nakita ko ang galit sa muka nya at ng makarating kami sa mall ay tumingin ako sa nilalaro ni Kley. Nakita ko naman na nag pipicture to at ngumiti ako dun. Bali kaming dalawa ang nag seselfie sa cellphone ni Lincoln.
Nguso pa ko at ngumuso din sya. Nagulat ako ng tumayo sya at hinalikan ako sa pisnge. "Ganda!" masayang sabi nya.
Bumukas ang pinto sa gilid namin at tinanggal ko ang seatbelt ko. Binuhat nya si Kley at ako naman ay bumaba na. Kinuha ko ang gamit ko at huminga ng malalim. "Hindi ka ba mag mamask?"
"Why would i?" i rolled my eyes.
"You're porpular!" inis na sabi ko.
"And you're too. Wala naman akong tinatago basta kasama ko ang taong mahal ko, wala akong pakielam sa iispin ng ibang tao."
Naiwan ako nanganga dahil dun. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis nito. Wala parin sya pag babago, basta ginusto nya gagawin nya. Tulad ng dati, wala syang pakielam sasabihin sa iba basta kasama ako pero iba noon. Laro lang noon! Pero ngayon? Napapikit nalang ako at nag lakad papuntang Entrance. Nakita ko si Kley na nakapost sa jollibee habang pinipicturan ni Lincoln na nakangiti. "Mommy! I want eat friedchicken!" sigaw nito.
At pansin ko din na maraming nakatingin samin. Lumapit ako dito at inayos ang buhok nyang kulot. "Let's go."
Lumapit samin si Lincoln at binigay sakin ang cellphone ko at cellphone nya, Binuhat nya si Kley at pumasok na kami sa loob. Nauna kami sa pila sa di ko malaman na dahilan. Maraming kumukuha ng litrato pero ako nakatingin lang sa dalawa.
"Gusto ko daddy maraming friedchicken saka ice cream saka fries saka marami ding rice!" hindi ko maiwasan mapangiti at di ko maiwasan maging emotional.
Kung nabuhay kaya ang anak ko? Ganito kaya kami? Ganito din ba sya.
"Ikaw, ano gusto mo?"
"Kahit ano nalang." Inupo nya sa cashier ang anak ko.
Masaya ako dahil dumating si Kley sa buhay ko. I love her simula tumama sa kanya ang mata ko. She's alvarez now, at wala pang alam si kuya at daddy dito pero sasabihin ko din namin.
"Oh my god! Justin, Lincoln!" tumingin ako sa tumawag sakin and i saw that girl, yung babaeng to. Kilala ko to pero di ko alam kung san ko sya nakita. "You're pretty na." i smiled. "So, kayo din pala mag kakatuluyan."
"N-no! W-wer--"
"So, this is your daugther? Pero bakit iba ata lahi." Huminga ako ng malalim.
"Miss, she's my daugther, i mean. Inampon ko sya dahil gusto ko may bata samin. Lincoln and me are just friends." i smiled at her.
"I Thought, well. Bagay kayo, sayang no." napangiti nalang ako sa kanya at umalis to sa harapan ko.
"Mauna na kayo sa table, kukunin ko lang ang order. "
Kinuha ko si Kley na nakaupo sa counter at nag hanap kami ng mauupuan, sa bandang dulo ay nakakita ako at agad ako umupo dun. Tinabi ko sakin si Kley. "Mommy bat sila tumitingin satin?" i smiled at her.
"You're beautiful kaya sila tumitingin satin." humagikgik sya.
"Ang saya saya ko po kasi may mommy at daddy po ako." napangiti ako sa kanya. "But i miss sister."
"We will visit her, soon. Kailangan lang natin bumili ng damit ah?"
"Really mommy? Pretty dress?" tumango ako at namataan ko na si Lincoln may dalang isang tray at may laman na fries at rice. Nilapag nya to sa harapan namin at agad nilantakan ni Kley ang fries. Inabot ko sa kanya ang cellphone nya at nilagay ko ang phone ko sa bag ko. Kinuha ko ang panyo sa tabi ko at pinunasan si Kley dahil nag kakalat agad to. May pumunta pa samin Crew at may dalang ice cream na malaki and i think pinag sama sama to sa isang coke float.
"ICE CREAM!"
Masayang sigaw nito. Agad ko sa kanya binigay yun at nilantakan nya. "Baby, dahan dahan lang."
"Mommy sarap sarap." she smiled.
"Really? Pero baby, ngayon lang to. Kailangan mo din kasi kumain ng vegetable." umiling sya.
"I don't eat vegies mommy."
"You need it baby." umiling sya sakin at tumawa ako.
Dumating na ang order namin halos tumagal kami ng dalawang oras dun dahil ayaw iwan ni Kley ang friedchicken, inubos nya talaga yun at hindi ko maiwasan mapangiti sa katakawan nya. Tinutulungan din namin si ni Lincoln na ubusin yun. Kaya ng maubos ay pinaka take out namin ang fries at lumabas na kami sa jollibee. Nilagyan ko ng sanitizer ang kamay nya at pinunasan ko ang bibig nya.
"I'm full!" sigaw nya sa harapan at natawa kami ni Lincoln.
Hindi sya nag sasalita at kahit ako, puro si Kley lang nag sasalita habang sinasabi nya kung gaano kasarap ang friedchicken.
"San tayo pupunta?" Binuhat ni Lincoln si Kley.
"Bibili kong damit si Kley, Tapos bibili din ako ng mga pambatang curtain and bedsheet. Tapos bukas na bukas, I eenroll ko sya sa school. "
"Samahan ko kayo?"
"No ne----"
"Sasama ako."
"No, I can han---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad syang tumalikod sakin. Ako naman ay sumunod nalang sa kanya at si Kley naman ay malikot habang nililibot ang tingin. Sumakay kami sa ELevator.
Nang makarating kami sa dapat namin puntahan ay binaba nya na si Kley. Tumitingin sya ng mga damit na gusto nya most of all na kinukuha nya ay Black and White, Konti lang pink na kinukuha nya. Hinayaan ko sya sa ginagawa nya at ako naman ay kumuha ng dress."Kley." lumapit sakin si Kley habang may dala dala syang barbie na tatlo at sa kabilang kamay naman nya ay para puzzles.
Tinapat ko sa kanya ang dress at tinignan ko naman kung anong size yun. Large! "Kley, come here baby." Pumunta naman sya kay Lincoln at sinusukatan to ng rubber shoes at black shoes. Meron din flat shoes. Kumuha ako ng iba't ibang klase para kay Kley. Sobrang dami kong kinuha pati na under wear, meron din na swim suit para sa anak ko dahil may pool sa bahay.
Kumuha din ako ng mga short at tsinelas for her. Binili na din sya ng books and notebooks na kinasaya lalo nito.
"Wala na?"
Halos tatlong oras na pala kami dito at hinanap ko si Kley napansin ko natutulog to sa sofa habang may hawak hawak na malaking teddy bear.
"Ma'am okay na po to?"
"Yup." Nakangiting sabi ko.
May mga lalakeng bumuhat ng gamit ko. "Bantayan mo si Kley Lincoln, mag babaya---"
"Ikaw mag bantay ako mag babayad." i rolled my eyes.
"Ako na sabi e!" inis na sabi ko.
Pumunta agad sya sa counter at wala na kong nagawa kundi buhatin ang anak ko, dinala ko din sa counter ang hawak nito dahil baka hanapin nya to pag gising. Nang mabayaran na lahat ay nag salita si Lincoln.
"Padala nyo nalang sa Alvarez Residence, alam nyo naman siguro yun diba?" tumango sila at ngumiti ako. "Uuwi na ba kayo?"
"Yas, tulog na tulog si Kley e."
Akmang lalabas na kami napahinto ako, sobrang daming tao at halos mapunta ang buong floor kung nasan kami. Napalunok ako ng ilang beses at meron din dito reporter.
"Lincoln, ano daw pa ang real status nyo ni Ms. Justin Klein?"
"We're just friends!" ako na sumagot sa kanila.
"Umiiyak po si Ms. Cindy dahil nalaman po nya na nag de date kayo? Normal lang naman diba dahil nililigawan mo sya."
This time si Lincoln na ang sumagot. "No. Hindi ko sya nililigawan at sinabi ko sa kanya ang totoo na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, at walang third party na nagaganap dahil sa una palang wala na namamagitan samin ni Cindy."
"Ooww! Pero po sa interview, nilalandi daw po kayo ni Justin Klein."
Hindi ko maiwasan magalit dahil dun. "That's not true. Honestly, para akong anino ni Justin Klein, Lagi ko syang sinusundan na wala syang nalalaman, Justin Klein is my first love at sya ang tinutukoy ko sa QKSM." napasinghap ako dahil dun.
Namataan ko sila Ethan at Troy. Biglang umiyak si Kley dahil sa takot na maraming tao.
~