"Smile, Justin Klein!"
This is first and Last project dahil ayoko talaga nito! This is not my thing!
Halos sobrang lapad na ng ngiti ko pero humihiling parin sila, Tapos gusto nila stolen fierce habang buhat buhat ang cute na bag nito. Ang suot ko ay pang summer na short at isang fitted summer sando. Halos naka sando na ko at nakikita na hinaharap ko. So wala naman akong karapatan mag reklamo dahil pumirma ako ng kontrata!
Dalawang araw na nakaraan simula pumirma ako and after two days agad ang photo shoot. At walang alam si Dustin na wala na sa trabaho si Naya at hindi nya na to makikita. Pero mukang wala pa alam ang kapatid ko dahil na kay Allyber naka focus to. Hindi nga nya mahal si Naya o kahit gusto man lang dahil mukang wala tong pakielam.
"Fierce Justin Klein, You're so beautiful!"
Kahit naman mahirap ay sari saring puri naman naririnig ko. "Okay, break!"
Umalis agad ako at may lumapit agad saking babae para ayusan ako. Nilugay nila ang buhok ko at binigyan nila ako ng tubig. "Ang ganda ganda mo talaga!" napangiti nalang ako sa sinabi ng babaeng nag me make up sakin.
"Oo, mas maganda sa maarteng Cindy na yon." napatingin ako sa bakla na nag salita.
"Huh? Pano mo nasabi?" takang tanong ko.
"Ang arte arte non akala mo kung sino?! Gusto lagi katabi si Lincoln, she was ambassador of Korean bags pero na aartehan sa kanya ang may ari tapos pag mali ang ano nya ipipilit nyang tama, Kinukuha lang naman sya kasi marami syang fans." natawa ako dahil dun.
"Close ba kayo non? Kasi diba ka love team nya si Lincoln and you're the princess of Trios?" Umiling ako.
"We're not good! Actually pag nag kakasalubong kami non, nag babangayan kami or nag iiripan, I just hate her kasi masyado syang mapanghusga." sagot ko dito.
"Shoot!" natawa nalang ako sa kanila dahil halatang ayaw nila sa CIndy na yon. Tumingin ako sa gawi ni Lincoln na nakatitig pala sakin. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at nakipag usap nalang sa mga to.
"Lincoln, Ikaw naman!" sigaw ng babae na i think sya yung may ari dahil napaka istrikto nya.
"Kanina pa sayo tingin ng tingin si Lincoln ah?! Tapos alam mo bang napanood ko yung QKSM! At mahal pa daw nya ang firstlove nya, diba? sobrang pahiya si Cindy don." Natawa ako.
Hindi nila alam na ako tinutukoy non. "Well, By the way I'm patricia!" pakilala ng bakla.
"I'm Krisha." Ngumiti ako sa kanila. "Friends?!" Mabilis kong tinanggap ang mga kamay nila.
"Selfie!" si Patricia.
"Justin Klein, come here!" Tumayo na ko at pumunta sa babaeng istrikto. "Pumunta ka kay Lincoln." Pumunta ako kay Lincoln.
"Pumunta ka Lincoln sa likod nya, Tapos hawakan mo ang dalawang bewang nya ang muka mo naman gusto namin sa balikat. Bigay mo nyo ang bag kay Justin Klein."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun. Ramdam ko ang hininga ni Lincoln na tumatama sa leeg at pisnge ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa camera. "Fierce!"
Puro ganon lang ang pwesto namin. Yung sunod naman ay pinaharap kami sa isa't isa. Hindi mo alam kung sa magazine to o ano dahil kakaiba ang shoot namin e. Hinawakan nya ulit ako sa bewang at ako naman ay may bag sa likod. Nakatingin sya sakin habang ako naman ay seryoso ang tingin sa camera!"Perfect!"
Nang matapos kami sa first shoot ay napansin kong pumasok si Cindy na nakangiti habang may camera man na nakasunod sa kanya."She's here." Si patricia.
Binigyan nila ako ng tubig at pinunasan nila ang pawis ko. "Mag palit daw ng damit." Binigay nila sakin ang shirt na hanggang hita, Pumunta ako sa isang fitting room at don ko agad to sinuot. Actually nandito lang kami sa Korean bags store at marami din tao sa labas.
"Are you tired?" narinig ko ang malanding boses ni Cindy mula dito.
Nang matapos ako mag bihis ay lumabas ako. "Parang ano naman. You know." natawa si Patricia.
"Jsq, simpleng white tshirt pero ang ganda ganda mo." napangiti ako.
"Bakit ganyan suot nya?" napalingon ako kay Lincoln na mukang naiinis. "Pumayag ako sa short at Sando pero sana wag naman ganyan."
"Lincoln, walang problema dito. Diba si Cindy nakaganito dati pero di ka nagalit?" nagulat si Cindy dahil dun. Tumingin sakin ang owner ng korean bags.
"Ibang usapan pag si Justin Klein." inis na sabi nito.
Pero ang mga camera man naman ay patuloy parin sa pag vi video. Napailing ako dahil pag lumabas ang Video na to alam kong masisira sila. "Respeto naman sa ka love te---"
"Ka love team ko lang sya at wala ng hihigit don. Pero sana naman wag ganito kaikli kay Justin Klein!" nagulat ako sa pag sigaw nito.
"Okay, pag palitin to."
May binigay saking mas mahaba muka syang panlalaki pero dress to na style panlalake at masyadong fitted, Tumingin ako kay Cindy na masama ang tingin sakin. Mabilis ako pumasok sa dressing room at sinuot ko. Pero agad pumasok sa isip ko ang galit nyang muka. Apektadong apektado sya at hindi ako makapag salita dahil dun dahil na din sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Lumabas ako at nakita ko na wala na ang mga camera man at si Cindy naman ay tahimik sa isang sulok. "Pahiya ate mo." natawa si Patricia dahil dun at napailing nalang ako.
Pumwesto na ulit kami at hinawakan agad ni Lincoln ang bewang ko at nilapit sa kanya ang katawan ko. " I hate them." he whispered. "Tangna, pumayag ako sa sobrang iklit na short at sando na yun pero di ako papayag sa suot mo kanina na halos lumitaw ang panty mo."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at humiwalay na kami sa isa't isa. Pero ang kamay nya ay nasa bewang ko at nag ka titigan kaming dalawa. Walang expression ang muka ko pero sya, nakatitig sya sa labi ko.
Unti unti nya to nilalapit pero agad ako nag iwas ng tingin. Tumama ang labi nya sa pisnge ko at alam kong kuha sa camera yun. Napatingin ako sa pwesto ni Cindy na nakatayo habang iritang irita. Inayos ko ang sarili ko at mejo humiwalay na kami sa isa't isa.
Nang matapos yun ay agad na ko pumunta kela Patricia. "Remove my make up please."
"You're so cute. Wait." sagot nito sa kanya.
Nakita ko naman si Krisha na inaayos ang mga damit na ginagamit ko. Unti unti nito inaalis ang nasa pisnge ko at inayos nya na din ang buhok ko. Binigyan nya ko ng ponytail at agad ako yumuko para mapusod lahat to.
"Bye guys! Thank you din!"
"Next time ulit ah?! Sana mag karoon tayo ng Bonding!" si Patricia.
"Sure! Pakisabi kay Krisha alis na ko ah?" Tumango ito sakin.
Sumakay agad ako sa kotse ko at tumingin ako sa bintana , I saw Lincoln with Cindy pero mukang may hinahanp si Lincoln ng mapatingin to sa kotse ko ay agad tong kumatok dito. Hindi ko to pinag buksan at agad pinaandar nalang.
Ligtas ako nakarating Jk company sa pag pasok ko dun ay maraming nakatingin sakin. Sa araw araw ko nandito simula umuwi ako wala akong nakitang ibang artista pero pag sa mga show nakikita ko sila. They are really busy talaga.
Pumunta agad ako sa Elevator at pinindot ko ang floor ni kuya. Nang makarating ako dun ay nakakarinig agd ako ng ingay."WHERE'S NAYA!?" Pumasok ako sa loob at napatingin sila sakin. "WHO IS SHE?! BAKIT DI NYO SINASABI SAKIN NA NAG RESIGNED SYA!" huminga ako ng malalim.
"Lumabas kayong lahat."
Lumabas naman sila at napatingin to sa kanya. "A-alam mo ba kung nasan sya?G-Gusto ko syang makita at maka---" natawa ako.
"For what, Dustin? Para saktan sya? Para paasahin sya? Mahal mo si Allyber pero sana pabayaan mo na sya." i rolled my eyes. "Tuwing nandito si ALlyber puro sya nakikita mo, dinedate mo yung tao tapos yung umasa, Nasaktan, Umiyak! Umalis sya kasi di na nya kaya!" inis na sabi ko. "Let her go if you love allyber!"
Natulala ito sa sinabi ko.
~~
"Kuya looking for you." nagulat to sa sinabi ko.
"For what?" she smiled weakly.
"Pero di ko naman sinabi na nandito ka kela Angel." sagot ko sa kanya. "I think he confused." napabuntong hininga to.
"Di na ko aasa."
Alam ko ang nararamdaman nya, hindi man kasing sakit ng nararamdaman ko noon. Pero alam kong masakit parin. Pero pansin kong nakahawak to sa tyan ko at mataba sya. Yung Taba nya parang nasa balaikan nya. "You're pregnant." Napatingin to sakin pero agad din nag iwas ng tingin. "Shoot! Napag daanan ko na yan" sagot ko sa kanya.
"W-what?" Ngumiti ako.
"I'm Lincoln first love at yan din dahilan kung bakit kami nag hiwalay."sagot ko sa kanya. "Well, you're pregnant pero di pwede malaman ni Dustin to. Masama na kung masama gusto kong hanapin ka nya dahil mahal ka nya hindi dahil mag kakaanak ka na."
"You have a point."
"At di ka na mag tra trabaho. Ako na bahala sa pangangailangan mo." nanlaki ang mata nito.
"W-wag n---"
"Pamangkin ko ang nasa pupunan mo. Kaya okay lang."
Di ko maiwasan makaramdam ng inggit. Kung nabuhay kaya ang anak namin? Gaano kaya sya kaganda o kagwapo.Ano kaya itsura nya? Babae pa sya o lalake? Makulit ba sya o tahimik. "Hindi ko alam kung pano mag papasalamat sayo." Ngumiti ako.
"Samahan mo ko sa Ampunan!"
Mabilis akong tumayo at ganon din sya. Hinila ko sya palabas ng bahay nila Angel at sinakay ko agad sya sa kotse ko. "May alam ka bang ampunan?"
"Yup, Kung san ako nanggaling."Nagulat ako sa sinabi nya at di ko maiwasan maawa sa kanya.
So ibig sabihin? Nag iisa lang sya sa buhay nya. Pano nya nakakaya yon? Jsq! Tapos sinaktan pa sya ng kapatid ko.
Nang makarating kami sa ampunan ay may madre agad na sumalubong sakin. Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakikita kong nag tatakbuhan ang mga bata na kasing edad sana ng anak ko. Napangiti ako ng mapait. "Naya." nag mano si Naya dito at ako naman ay yumuko. "Napadalaw ka?"
"Gusto ko po sana mag ampon, 24 years old na po ako." Tumango to.
"23 years old ang pwedeng mag ampon dito. Tara sa loob." Papasok sana ako pero may nakita akong batang binubully ng mas malaki sa kanya. Babae ito pero tingin ko asa 4 or 5 na to. Di to lumalaban basta umiiyak lang to.
"Hey, ano ginagawa nyo?"tanong ko dito.
Bigla nag tatakbo ang mga bata na yon kaya naman binuhat ko ang bata na umiiyak at di ko maiwasan mapangiti. She's cute.
"S-sabi nila di na daw ako babalikan ng mama ko."
"Justin." Tumingin ako kay Naya kasama ang madre at mukang di pa sila pumapasok dahil hinihintay ako.
"She's 4 years old at isang taon na sya dito, matalino ang bata na yan dahil hindi nya pa nakakalimutan ang mama nya." hindi ko maiwasan mapangiti.
"Sya po gusto ko."
~