HinovelDownload the book in the application

Chapter 4 Arrow 4

“Ellie, sa’n ka magka-college?” Tanong ni Tin na isang honor student na crush ni Trick pero ayaw niyang aminin.

”Diyan-diyan lang.” Natawa tuloy siya sa sagot ko. Ang totoo kasi, baka hindi na ko dito sa Pinas magcollege. Ewan ko ba kay inay at itay, nagbabalak magmigrate sa States eh ayos na nga kami dito.

“Wala pang sineryosong entrance exam si bebs. Ewan ko ba dyan.” Tama si Trick, wala pa kong sineryosong exam. Yung UPCAT nga, sagot lang ako ng sagot. Kung anong sa tingin kong pinakadabest na sagot, yun na agad. Ganun din sa ibang application tests eh.

“Aalis na yata kasi kami next year eh.” Nagulat naman si Tin pero si Trick, alam na niya yun. Nakikikain pa nga siya sa amin nun nung bigla yun sinabi ni papa. Pero parang wala lang naman sa kanya.

”Sure na ’yon? Sosyal. Sa States ka kasi mag-aaral?” Hanggang sa kung ano-ano na ang napagkwentuhan namin ni Tin habang vacant. Si Trick naman kasama yung mga boys, as usual, naggagaguhan lang sila.

“Bebs, san ka magcollege?” Tanong ko kay Trick. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung anong plano nito eh. Basta ang alam ko, gusto niyang maging piloto. Oh ha.

“Mapua daw sabi ni daddy kasi dun siya dati. Pero baka UST na lang.” Engineering daw ang kukuning course ng damuho kong best friend. Ah ewan. Ano bang alam ko sa engineering. Basta alam ko, puro math din yun.

“Ah, sayang. Kung dito siguro ako magcollege, baka dun din ako.” Natahimik naman kami pareho nun, parang pareho kaming napaisip. Hay, malayo pa naman ’yun saka ko na iisipin.

Habang pauwi naman, may nakasabay kaming gwapong nilalang sa jeep. Seryoso. Para siyang anghel sa lupa na sinugo ng Diyos para sa akin.

“Malusaw ’yan, bebs.” Bulong ni Trick. Hindi ko naman siya pinansin dahil busy akong makipaglusawan dito sa anghel na nasa tapat ko.

“Bebs, in love na yata ako.” Binatukan lang naman ako ni Trick sabay pasimpleng akbay. Nang tignan ko naman siya, nakatingin siya sa ibang direksyon. Loko rin ’to eh, pano makikipagkilala si anghel sa akin kung nandito si bebs sa tabi ko, nakaakbay pa.

Pagtingin ko tuloy sa anghel, hindi na siya nakatingin sa akin. Hay sad. Baka hindi siya para sa akin.

”Bebs, ako na lang kasi lusawin mo. Wag na ’yan.” Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang nakatitig at nakangiti ng nakakaloko ’tong si Trick habang sinasabi niya ’yun eh.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free