”Hoy Ellie, naalala mo si John?” Maka-hoy naman ’tong si Sab. Kulang na lang batukan ako para sulit na ’yung pagtawag niya sa akin.
“Yung taga-tapat na school na varsity ng swimming? Oh ano meron?” Tanong ko habang tuloy pa rin sa pagkain ng fries ni Trick na kasalukuyang tulog sa table.
“Yun nga. Hinihingi number mo sa akin. Bigay ko ba?” Magsasalita na sana ako nang bigla namang bumangon ‘tong si Trick sabay kuha ng fries na hawak ko. Kelangan talaga yung hawak ko yung kukunin, ang dami pa sa table eh.
“Subukan mo at ng isumbong kita sa boyfriend mo. Pano mo nakilala yun ha?” Tanong ni Trick kay Sab na parang medyo namutla sa pagbangon ni Trick.
“Grabe ka talaga, Trick. Kaya di nagkakaboyfriend ‘yang si Ellie eh. Para textmate lang, saka magkakilala naman sila ah.” Depensa naman ni Sab.
“Hoy Isabelita, hindi ‘yun ang point ko. Nakarami na ngang boyfriend ‘to eh. Binawalan ko ba? Hindi naman ‘diba. Ang akin lang, kung sino man ‘yan gustong kumuha ng number ni Ellie, di kuhanin niya ng personal. Sus, torpe yata ‘yan eh.”
Aba’t biglang walkout? Ay bumalik. Kinuha lang pala yung fries. Makakalimutan niyan lahat except pagkain eh. Nako.
“May point naman si Bebs, Sab. Pati hindi ko rin type si John, itim eh.” Natawa na lang ako sa sarili ko, gwapo naman si John. Matangkad at built ang katawan pero ang itim eh. Maitim na nga ako, mas maitim pa siya. Ano kami, tsokolate at kape.
“Loka, syempre swimmer. Babad sa ilalim ng araw, panong di iitim.” Tawanan na lang kami ni Sab habang pinagkwentuhan namin yung mga boys sa tapat na school. All boys kasi siya. Kaya ayun, daming fafabols. Nagpi-fiesta tuloy mga kababaihan at kabaklaan sa school namin.
Paglabas ko naman ng school pagkatapos ng klase, hinanap ng mga mata ko si Trick. Aba’y malamang, sabay kaming uuwi. Pero ibang tao ang nakita ko. Isang tall at sobrang dark na tao.
“Hi Ellie, san ka uwi? Tara, hatid kita.” Ay te, feeling close. Ngayon ko pa nga lang siya nakausap eh.
“Ah may kasabay ako eh.” Hindi ko naman na kinailangang lumayo dahil palapit na pala ang hinahanap ko.
“Bebs, wala ka bang taste? Makuntento ka na nga sa kaitiman natin. Tara na.” Tsokolate na rin pala ’tong si Trick parang ako. Pero atleast, hindi kape.