HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 6⸙

Nasa loob kami ng classroom at doon hinihintay ang susunod na prof namin nang biglang mag ring ang bell pagkatapos ay sinabayan din ng isang announcement na sa tingin ko ay nanggaling pa sa isang speaker sa hallway.

"All student's please go to the gym for welcoming program of 'black dread"

Nang marinig yun ay kaagad na nag sitayuan ang mga kaklase ko at nag si tilian , pagkatapos ay dali daling lumabas ng room.

Eh?

Sino kaya yung 'black dread' na sinasabi nila? At dahil sa curious ako ay nakisabay at naki pag tulakan din ako sakanila.

Pagpasok na pag pasok sa gym ay kaagad akong nag takip ng tenga dahil sa malakas na sigawan at tilian ng mga estudyante habang nag sisiunahan para lang maka lapit sa stage.

My eardrums! Baka mabinge ako. Nung medyo malapit na ako ay doon ko nakita ang tatlong lalaki na nakaupo sa isang mala prinsepeng upuan habang sa kabila naman ay may dalawang babae at kagaya nung mga lalaki ay naka upo din ang mga ito.

Tinignan ko silang maigi at napatigil ako doon sa dalawang lalaki na magkatabi dahil mukhang pamilyar ang mga ito, at hindi nga ako nag kakamali kasi si Hansel nga yung isa habang yung isa naman ay si kuya Pietro. Si kuya pietro ay isa sa mga pinaka close ko sa mga pinsan ko kasi palagi nya akong binibilhan ng mga pagkain kahit na ang sungit sungit nya hihi.

*bzzt* *bzzzt*

Agad kong kinapa ang cell phone na nasa bulsa ng skirt ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

'ace the unggoy calling... '

Agad naman akong lumabas ng gym para sagutin ang tawag. Pagka sagot ko ay hindi na ako nag pa tumpik tumpik pa at inunahan kona syang mag salita.

"Hala aceeeeee sorry! di pa kita mababayaran huhuhu kase ano, 500 lang dala ko! Pero promise babayaran talaga kita"

Sabi ko at nag simula nang mag lakad. Mukhang wala naman ata kaming klase ngayon kasi andun lahat ng students sa gym tapos ni we-welcome yung ano nga yun? Basta yun!

Hindi ako nag dala ng bag ngayon kasi tinatamad ako, yung cp at yung maliit na wallet lang yung dinala ko. Yung wallet na kasya sa bulsa hihi ang cute nga nun eh!

"Nasan ka ngayon young lady? Sino kasama mo? "

Napakunot naman ako ng noo dahil sa tanong ni ace, kadalasan kasi pag tinatawag nila akong young lady ay napaka seryoso nila, wahhhhhh bipolar talaga nila!

"Ah ehh... Nasa school? " Pagkatapos sabihin ay kaagad kong inilayo ang cellphone sa tenga dahil sa nakakabinging tunog na nag mumula sa kabilang linya.

"Ace! Ano yun? " Tanong ko pero imbes na sagutin ay usapan lang nila ang naririnig ko.

"The fck space im not yet ready to die"

"Idiot, there's someone behind us, black Lamborghini LM002"

"Turn right "

Luh?? Ano kaya pinag uusapan nung mga yun?

Ay ewan! Napakamot nalang ako sa ulo at agad na ipinatay ang tawag.Hmp! Bwesit na ace! tinawagan lang ata ako para inggitin! Ano naman kung nakiki drag race sila? Wala naman binatbat saakin ang mga yun kapag nag drag race sa video games.

Padabog akong lumabas ng school at saktong nasa harap na ako ng gate nang makakita ako ng bagong bukas na icecream parlor .

Huwahhhhhhh! (♥ω♥*)

Icecream! Tamang tama di kopa nagagastos yung 500 ko.Tatawid na sana ako sa kabilang way kung saan nandoon ang icecream parlor pero napa tigil ako ng mag vibrate nanaman ang phone ko.

Wala ano-anong kinuha ko ito sa bulsa at sinagot. Ibubuka kona sana ang bibig nang maunahan akong mag salita ng nasa kabilang linya.

"Young lady! Wag kang aalis dyan sa loob ng school! Papunta na kami". Eh?? Hindi si ace to ah? Si space!Napakamot naman ako sa ulo dahil ang gulo at ipinadyak pa ang isang paa na parang nag dadabog.

"Inuutusan nyo ba ako? Tsaka malaki na ako! Bye! " Pagkatapos kong sabihin yun ay agad konang pinatay ang tawag at akmang tatawid na sana nang biglang may van na kulay itim ang humarang sa harap ko. Mabilis ang mga pangyayari at nagulat nalang ako ng may lumabas na tatlong lalaki na bigla akong ipinasok sa van at agad na tinakpan ng panyo ang bibig ko.

Pilit pa akong nag pumiglas ngunit agad ding nandilim ang paningin ko matapos akong makaramdam ng hilo.

----------

Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may kung anong maliit na bagay ang gumagalaw sa paanan ko. Ganun na lamang ang pangingisay ko dahil sa nakitang ipis yung nasa ibabaw ng binti ko. Mabuti nalang ay bigla din itong umalis ng makita ako, baka natakot din sa akin.

Napatingin ako sa mga kamay ko na naka gapos at ganun din ang mga paa ko. Huwahhhhhhhhh mukhang kinidnap ata ako! Nakoooo pano na ang future ko? Kawawa naman sina mom at dad pag nagkataong kinidnap nga ako!

Pero sino naman ang kikidnap saakin? Omygosh?! Hindi kaya yung kumidnap sakin ay yung mga nababalitaan kong puting van na nang ki-kidnap pagkatapos ay kinakatay yung katawan nung kinidnap nila pagkatapos ay ipag bibili sa mga mayayamang angkan!

Huhuhu bat ba kasi ang cute ko? Kaya tuloy ako nakidnap! Inilibot ko ang paningin at halos mapa bahing dahil sa makakapal na alikabok na makikita mo sa paligid.

Tanging maliit na sinag ng araw lang ang nag bibigay liwanag dito sa madilim na silid at nagmula pa ata sa maliit na siwang malapit sa nakasaradong bintana. Pinilit kong pakawalan ang sarili sa tali pero mukhang napaka higpit nito, namumula narin ang mga kamay ko.

Wahhhh nagugutom na ako! Huhu dapat kumakain na ako ngayon ng icecream eh!

Napa lingon naman ako sa pintuan ng pumasok doon ang isang lalaking naka americano at naka maskara. Woahh! ang cool (⊙.⊙)

"Good, your awake ". Sabi nito pagkatapos ay umupo pa sa harap ko, napatingin naman ako sa kamay nya habang nilalaro yung maliit na kutsilyo. Wahhh baka yan na yung gagamitin nyang pang chopchop sakin? Huhu sana naman pinakain muna nila ako para naman kahit namatay ako busog parin ako!

"You seemed so pale? Are you scared? " Agad ko naman syang sinamaan ng tingin.

"Wag monga ako kausapin pwede? Nababadtrip ako sayo, puro ka english! Nasa pilipinas naman tayo! Atsaka kung di dahil sayo edi sana kumakain na ako ng masarap na icecream ngayon! " Sabi ko at inirapan pa sya. Nagulat ako nung bigla syang tumawa pagkatapos ay nag simulang tumayo.

Baliw din to eh  ̄へ ̄

"You really changed a lot " Sabi pa nito at magsisimula na sanang maglakad paalis nang tinanong ko sya.

"Kailan mopa ako kakatayin? " Sa tanong kong yun ay napatigil sya sa paglalakad at tinignan ako.

Hihi alam nyo bang kahit naka maskara sya ay halatang gwapo tapos ay ang ganda din ng boses hehehe tapos hindi halatang kidnaper!

Grr, ano nanaman bang kabaliwan ang iniisip mo Eunice.

"Pardon? " Tanong nito habang di parin umaalis sa pwesto.

"Nako naman! Nitatanong kolang kung kailan mo ba ako kakatayin? Para naman mapag handaan ko! Atsaka kung kakatayin nyolang din naman ako , pwede ba dun nyo ako ipagbili sa mga mayayaman? Medyo sosyal kasi ako hehehe atsaka pag namatay na ako pleaseeee kahit e text nyo nalang sina mommy o di kaya e message sa facebook kasi kawawa naman baka hinahanap ako, at itatanong kona din sana kung bakit nyo ako kinid nap? Sobrang cute ko na ba kaya ako napili nyo?".

Seryoso kong tanong , haysss mukhang dito na nga talaga magwawakas ang makulay kong buhay , mas makulay pa sa sinabawang gulay ng knorr.

"Pfttt hahahahahahaha you're really funny eunice". Sabi nya at nag patuloy na sa pag lalakad habang tatawa tawa at may pailing-iling pa.

Eh? Ano akala nya? Nag jo-joke ako? Totoo kaya yun! at bakit nya alam pangalan ko?! Ganun naba ako kasikat? Hmmm sabagay hehehe. Pero bastos din yun ah! Hindi manlang ako pinakawalan hmp! Balak kopa sanang libutin itong buong bodega kase parang pamilyar.

Tapos naging dirty white na grayish nadin ang puti kong uniform dahil sa dumikit na makakapal na alikabok ganun din yung skirt ko.

Maya maya ay agad akong naging alerto nung may marinig akong naguusap sa labas. Kaya agad akong nag panggap na parang namatay, humiga ako sa sahig tapos pinatirik ang dalawang mata tapos ay pinigilan ang hininga.

Hehe baka naman itapon na nila ako pag nakita akong ganito, akalain nilapatay na ako. Tapos syempre pag wala na sila yun na din yung time ko para tumakas at bumalik sa amin.

Oh diba? Hehehehe talino ko! Saktong pumasok nadin sila at dito pa talaga nag usap sa harap ko.

"I thought she's awake "

Rinig kong tanong ng isang babae na may katandaan na ang boses.

"Yes master, she even asked me if when can I already cut her into parts so that she can already prepare. Pft she's crazy".

Aba! Napaka sumbongero! Sya lang naman tinanong ko nag hanap pa nang kasama!Napaka sama! At isa pa ay ang tagal nila akong ihagis! Huhuhu mawawalan na ako ng hininga!

Baka pag nag kataon ma deadbol nga talaga ako!

"Haha she's really somethin-"

Hindi na naituloy nung babae ang sasabihin nya dahil agad na akong bumangon at sumandal sa pader habang habol habol ang hininga.

“Grabe! *inhale* *exhale* ang tagal nyo naman!! *inhale* ahhhh! Kaninis! Wag na nga lang! Sige katayin nyo na ako ba-" Napatigil ako bigla nang makita ko kung sino yung babaeng may katandaan na kung mag salita.

Whatttttt the- Ow em geeeeee! Itlog ng mga bebe umakyat sa korte nag sampa ng kasong robbery para sa tatay nilang monkey!!

"Wahhhhh grammy!! " Oo si grammy nga! Yung lola ko na mommy ni daddy na lola din ng pinsan ko na anak ng kapatid ni daddy!

Huhuhu napaka sama! Sya pa pala talaga ang kakatay sakin! Minsan masakit talagang tanggapin ang katutuhanan na kahit kadugo mo ay kaya kang saktan. Nabaling ang atensyon ko doon sa lalaking naka maskara dahil agad itong umupo at pinakawalan ako sa mga tali gamit ang kutsilyong nilalaro nya kanina.

Nung maalis na ay kaagad akong tumayo at niyakap si grammy kahit na kakatayin nya pa ako mamaya. Huhu namiss ko kaya sya!

"I missed you apo ko, tinakot ba kita? Did calvin scare you too? ". Tanong nya at bahagyang tumawa tapos tinignan din yung lalaking tumanggal ng tali sa mga kamay at paa ko.

So calvin ang pangalan nya? Parang ang pamilyar ata nun? Saan ko nga ba narinig yun?

Calvin klein? Ay ewan!

"Hindi naman po grammy! Sa katunayan nga muntik na akong ma deadbol"

Sabi ko na mas ikinatawa nya pa lalo. Ngayon alam nyo na kung saan nag mana si daddy? Pshhh buti nalang talaga ako hindi nagmana sakanila!

"Let's go apo, your lolo granddy was excited to see you" Sabi nya at inlalayan pa ako palabas. Excited na ako! Hindi pa kasi ako nakakapunta sa bahay nila granddy at grammy! Ngayon palang!

Pag gusto kasi nila kami makita ay sila ang pumupunta sa bahay o di kaya kumakain lang sa labas.

-----------

Paglabas ay kaagad akong namangha sa malaking garden at super laking mansion na hindi naman ganun ka layo sa kinatatayuan ko. Pagkatapos ay may tatlong lalaking nakaitim ang lumapit at at nag bow sa harap namin ni grammy .

"Master, Mr. Gerson and Mrs. Gerson are currently searching for their daughter ". Huwahhhh sina mommy!

Agad namang tumango si grammy at inabot ang cellphone nya mula dun kay calvin.

"Grammy? Bakit naka maskara yang si calvin? " Curious kong tanong habang pinasadahan ng tingin ang lalaking nag ngangalang calvin. Mukhang hindi naman ito nakikinig saamin kase busy ito kakalaro ng kutislyo sa kamay nya.

"There's something that better left unsaid apo". Sabi ni grammy kaya napa tango nalang ako at nag pout.

"Ay akala ko kasi panget sya eh, nahiya lang hehehe ." Ngunit nagulat ako ng tapunan ako nito ng tingin kaya mabilis akong pomorpa ng pilit na ngiti sa kanya. Joke lang eh.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free