HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 5⸙

First day ng class kaya hindi pa nag di-discuss yung teacher. Tinignan ko ang ibang kaklase ko at halos lahat sila ay may kanya kanyang kausap

Wala na nga akong kakilala maliban kay hansel tapos umalis pa sya! Kung sana pwede lang isama si dora siguro ngayon an daldal kona!

Hayys nihindi man lang ako pinansin ni hansel .

Pero ang cool nya! Tapos yung mga classmates ko panay yung tili na parang kinikilig. Napadako ang tingin ko sa mga bakanteng upuan doon malapit sa inuupuan ni hansel?Baka absent.

Lumabas nalang ako sa room at pupunta sana ng cafeteria ng maalala kong wala nanaman akong dalang pera! Bakit koba nakakalimutan palagi ang pera ko? Nagugutom pa naman ako, buti sana kung makita ko kahit isa lang sa reapers ko.

Mangungutang muna ako ulit hehehe bayaran konalang bukas ♡(∩o∩)♡. Habang nag lalakad ay napatigil ako nang makita ko si ace na nakikipag tukaan sa isang babaeng estudyante dito sa likod ng building.

Wahhhh grabe talaga tong si ace! Napaka daming chicks!

Agad akong pumunta sa gawi nila at dahan dahang pumagitna habang busy parin sila sa pag tutukaan sa isa't isa. Mukhang hindi pa nga nila ako napansin.

Napaka babaero talaga nitong si ace! Kahit sino nalang tinutuka! Grr kinilikabutan ako sakanya. Kinilabit ko si ace at agad naman itong napatigil sa pag tuka dun sa babae pagkatapos ay tinignan ako ng masama.

Pero agad ding ngumiti nung makilala ako, hihiwalay na sana sya dun sa babae pero bigla din syang hinigit pabalik. Wahhhhh bakit ang sama nung tingin nung babae sakin? (╥_╥)

"Babe don't mind her please" Sabi pa nito at tutukain sana ulit si ace nung binitawan sya nito at pumunta sa gawi ko.

"Ano yun eunice? " Tanong nya sabay kamot sa ulo.

"Ehh kasi -"

Di kona natapos ang sasabihin ko ng pinutol iyon ng babae.

"You slut! How dare you to interrup u-"

Pero hindi na din nya natapos ang sasabihin nung inalis ni ace yung pag kakahawak sa kanya at pahagis na binitawan ang mga kamay nito.

"Get the hell out of my sight"

Seryosong sabi ni ace dun sa babae kaya nanlaki naman ang mata nung babae pati ako.

"B-but why? Who is she?! Is she your new other girl?! Ipag papalit mo ako sa babaeng yan?! Bakit? Mas masarap ba s-" Nanlaki lalo ang mga mata ko at napa nganga nung bigla syang tinulak ni ace sa pader at sinandal doon.

"If I said get the hell out of my sight, you get out, you understand? " Pagkatapos ay igting ang pangang binitawan nya ang babae.

"Damn you ace ". Sabi nung babae tapos ay patakbong umiyak , agad naman akong naka ramdam ng awa kaya agad kong hinablot ang buhok ni ace at sinabunutan ito. Napa aray ito sa sakit at nakiusap na bitawan ko sya.

"Bad ka ace! Di naman kita sinabihan na awayin yun diba! " Sabi ko at mas diniinan pa ang pag sabunot.

"Eh sinabihan ka ng-" Hindi kona sya pinatapos at hinampas sya ng dala dala kong bag.

"Kahit na! Napaka sama ng ginawa mo! kawawa naman yung babae ace! Hmmp! Di kita bati! " Sabi ko at binitawan na ang buhok nya, pagkatapos ay tumalikod na at nag simulang mag lakad.

"Uyyy sorry na eunice di ko na uulitin promise". Sabi nya habang sumusunod sakin. Napatigil ako nung may maalala ako kaya hinarap ko sya at inangat ang isang kamay sa harap nito na parang nanghihingi.

"Pautang muna pera" Sabi ko na ikinatigil nya at ikinagulat, pagkatapos ay agad na humalagapak ng tawa.

Luh?? 〒_〒

"Anong tinatawa-tawa mo? Seryoso ako, amina ang pera mo".

Sabi ko at tinaasan pa sya ng kilay.

"Haha tangina, oo na eto na amp. Hino hold up moba ako eunice? "

Sabi nya at kinuha ang wallet sa bulsa pagkatapos ay binigay sakin ang one thousand bill.

Nang makuha ko na ay kaagad na akong tumalikod at umalis , narinig kopa yung sinabi nya bago ako tuluyang makalayo.

"Tangina, wala manlang thank you".

Nung makalayo na ako sakanya ay kaagad akong ngumisi at napatalon pa.

Hihihi ang galing mo talaga self! Naisahan mona naman si ace .

♪☆\(^0^\) ♪(/^-^)/☆

Talino ko hehe minsan talaga ang daling utunin nun si ace! Ahhhh ang saya! Medyo madami- dami na ang mabibili ko nito! Mwehehe.

Kaya agad na akong pumunta sa cafeteria dahil sobrang gutom na.

---- 5:30 pm ------

Naglalakad ako sa isang iskinita habang hawak hawak ang strap ng backpack ko .

Pauwi na ako galing school at wala yung reapers ko kasi nag paalam sila sakin kanina na mauuna nadaw sila.

Hmp! Madaya talaga ang mga yun! Pero ok lang baka singilin pa ako ni ace nako! Wala pa naman akong pera. Hindi kona hinintay yung sundo ko kasi ang tagal atsaka ayoko talagang sinusundo ako, mas gusto kopang mag lakad ng mag isa.

Noon nga nuuna pa sila sakin pagkatapos ay hinihintay talaga nila ako sa labas ng school pero dahil cute ako sa likod ako dumadaan, nalalaman naman ni dad yun at sanay na sya sa mga ganun kong tactics kaya hinahayaan nalang nya ako.

Saktong pag liko ko naman ay may nakita akong mga tao na parang nag rarambulan at lahat sila ay nakasuot pa ng black. Mukhang nag lalaban nga ang mga ito, suntok dito suntok doon.

Pero agad akong napanganga at pumalakpak nung sinipa nung isa sa mga lalaki yung kalaban nya pagkatapos ay dinambahan ito ng suntok sa tyan habang yung isa nyang paa ay ipinasok doon sa kaliwang paa nung kalaban nya tapos ay mabilis nitong sinipa ang tuhod dahilan upang matumba ito.

"Wahhh hang cooooooool". Sabi ko with matching palapak pa. Napatigil naman ang mga ito sa pakikipag bak-bakan at tinignan ako.

“ Ay heheheheorry nakiki daan lang, sege ituloy nyo na". Sabi ko pagkatapos ay mabilis na dumaan sakanila. Hayss, baka mamaya ayain pa nila ako sa bugbugan nakoooo, mahirap na di pa ako marunong hehe.

Nung makadaan ako ay pinag patuloy naman nila ang ginagawa kaya ipinagpatuloy ko rin ang paglalakad mwehehehe.

Pagkalabas na pagkalabas ng iskinita ay dumaan muna ako sa highway para maka tawid sa kabila kung saan nandoon ang parke. Pag ganitong ako lang mag isa ay dito ako madalas na dumaan kasi mas malapit , pagka lagpas kasi sa parke ay may makikita kang isang napaka laking gate ng village at yun ay ang gate na papasok saamin.

Oh diba! Ang galing ko hehehe salamat kay google map! ♡(∩o∩)♡

Nasa kalagitnaan na ako ng parke ng bigla akong makakita ng isang stand ng nag titinda ng mga fishball at kung ano ano pa.

(♥ω♥*) wow wow wow

Wala pa sa alas kwatrong pumunta ako doon at agad na kinapa ang bulsa.

Sakto may sukli pa akong 100 kanina.Wahhhhhhh ace! kung saan kaman ngayon salamat ng marami hihihihi

(灬♥ω♥灬)

"Lolo pabili po fish ball lolo mga 20 tapos itong timpura tsaka isa rin nitong french fries tapos isa din ng kwek-kwek at uhm..... tsaka isa nadin pong buko juice ". Sabi ko at agad na ibinigay kay lolo ang one hundred pesos.

"Sayo napo yung sukli lolo ". Sabi ko at ngumiti ng kay lapad. Dapat ay maging mabait tayo sa kapwa at tulungan din sila natin sa mga panahong gipit sila.

"Lolo ilan po ba sukli ko? ".Tanong ko kaya agad naman syang ngumiti.

"Piso ineng, pero salamat iha" ay.

"Oo naman lolo! Pasensya napo kayo wala po kasi akong dalang pera eh "

Sabi ko at nag pout.

"Hahaha nako iha wag monang isipin yun at ito kumain kana ". Sabi nito at inilagay ang lahat ng inorder ko sa isang mesa na katabi lang ng stand nya.

Kakain na sana ako nung makita kong halos uugod ugod na pala si lolo pero pinipilit nya paring mag trabaho.

Wahhh nakakalungkot (。•́︿•̀。)

Kaya dali dali kong inubos ang mga inorder ko at agad na tinulungan sa pagtitinda si lolo.

Nag pa turo muna ako sakanya kung paano iyun gawin at nang makabisado ko ay pinilit kong pinaupo si lolo sa silyang inupuan ko kanina . Mukhang hindi pa ito papayag buti nalang ay nakumbinsi ko hehehehe.

Oh diba? Ambait ko!

--------8:30 pm ------------

Agad akong umupo at humilata sa malaking couch dito sa sala dahil sa sobrang pagod.

Huhuhu nakakapagod pala yung ginagawa ni lolo! Ang sakit sa likod!

"You look so tired honey, where have you been? "

Napa ako tingin sa nagsalita at nakita si mommy na naka upo sa kabilang couch habang may hawak hawak na libro. Kanina pa kaya sya dyan? hindi ko sya nakita.

"Hi mommy, not now please? Im so tired ‘’. Sabi ko at humalita ulit sa sofa.

Bahagya naman syang natawa at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

"Ok, change your clothes and have some rest"

"Mom? Alam mo ba kanina? Tinulungan ko si lolo na mag benta nung tinitinda nya huhu kawawa kasi sya eh "

Sabi ko at nag simula ng tumayo huhu gustong gusto kona talagang maligo wahhh mukhang ang lagkit lagkit kona.

"Oh no.. Kawawa naman pala ang baby ko nakooo ! Buti nalang talaga nag mana ka sakin hehehe hindi sa dad mo ". Mabiis akong tumango sa sinabing yun ni mom.

"What?" Napatinginkami sa nag salita at nakita si dad na kakapasok lang habang niluluwagan pa ang suot na necktie.

"Hehehe joke lang love ". Sabi ni mommy at agad na pinuntahan si dad.

Nakoooo tong dalawang to! Hmpp! Nag pasya akong umakyat na kaya naglakad na ako papunta sa kwarto ngunit napatigil ng tawagin ako ni dad.

"Your driver called me and said u ditched them, AGAIN"

Wahhhh lumingon ako kay dad at nag pout.

"Sorry dad ". Nakita kong napa bumuntong hininga sya at agad na napailing.

Hehehehe.

"Nako love! Wag mo na ngang awayan yang baby ko! Pagod kaya yan "

Sabi naman ni mom at kinindatan ako.

"Tskk wala talaga akong kalaban laban sa inyo". Umiiling na sinabi ni dad.

Minsan si dad mukhang baliw! Magsusungit tapos ngingiti! Nakooo buti nalang kami ni mommy hindi!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free